Flashback
Maaga akong nagising dahil excited na akong magdilig sa hardin nila Peter. pangatlong araw ko na dito dahil hindi pa ito umuuwe mula pa noong umalis ito.
Hindi ko tuloy alam kung hanggang kailan ako pwedeng magtagal dito.
Naligo ako at nagsuot ng below the knee the bestidang kulay black ito.Why black?? Since mag Iisang taon na akong nagluluksa ay nakasanayan ko na rin ang ganitong get up.
Ang tuwid kong buhok na itim na itim ay hinayaan ko lamang nakalugay. As usual black eye liner, 'di yata ako makakabuo nang araw pag hindi ako nakakapag apply nito. For a change, pinanindigan ko na ganito na ang looks ko ngayon kesa dati.
Bumababa ako ng hagdanan para tumungo sa kusina at tulongan sana si Manang Nelia sa pag luluto. Napangiti ako nang makita siya doon, kaya minabuti kong tumikhim para makuha ang pansin niya.
"Diyos ko por santo!" Bulalas niya na akmang babatuhin ako ng takip ng kaldero na hawak, pero natigilan ito sa tangkang pagbato.
"Manang!" Sigaw ko rin sa kanya dahil sa gulat.
"Brigette, ikaw ba iyan hija?!" Lumapit pa ito sa akin at inaninag akong maige.
"Diyos ko naman Brigette, ikaw lang pala iyan akala ko kung sino na!" Humawak pa ito sa dibdib ng ilang beses at huminga ng malalim.
"Ayos lang po ba kayo? Teka ikukuha ko po kayo ng tubig." Mabilis ko siyang iniwan para tumungo sa ref. Agad ko naman siyang dinaluhan, nang makainom ito ay binisita ako mula ulo hanggang paa.
"Bakit ba naman kasi nakaganyan ka? Akala ko tuloy napasok na tayo ng masamang loob!" Lumagok pa ito ng tubig sa baso bago umiling.
"Ah.. pasensya na po kayo, ganito lang po talaga ako mag-ayos." Hinawi ko pa ang bangs kong tumabing sa aking mukha.
"Pwede ba hija ipusod-pusod mo muna iyang buhok mo, di kaba naiinitan?!" Halata na sa tono nito ang irita dahil sa nakitang itsura ko.
"Hindi po kasi ako sanay na naka-ponytail!" Pag-iwas ko nang tingin, minabuti kong tumungo na sa lamesa para sana tumulong sa paghihiwa nang kung ano.
"Manang ako na po dito," wika ko kapagdaka.
"Hija ako na diyan, bilin sa akin ni Peter ay asikasuhin kita ng maayos. Magagalit iyon pag nakitang pinatutuwang kita rine sa kusina!" Inagaw nito mula sa akin ang kutsilyo kong hawak.
"Manang, ayos lang po iyon, isa pa may utang po ako sa kanya na dapat bayaran kaya sana po wag n'yo na akong pagbawalan pa, kahit po sana sa simple bagay masuklian ko po iyon." Mahaba kong paliwanag dito, na halatang nakumbinsi ko naman.
"Basta ang utos ay utos, walang pwedeng bumali ng utos niya dito sa bahay, hindi mo pa siya kilala, hija"
Tumalikod na ito sa akin saka hinarap ang niluluto. Bigla ko naman naalala ang pag didilig sa hardin, kaya agad akong nag paalam dito na magpapahangin sa hardin, tumango nalang ito sa akin.
Hinanap agad ng mata ko ang hose na nakasaksak sa isang fauset sa sulok na bahagi ng pader. Pinihit ko iyon ng ilang beses at napangiti nang makitang lumabas na ang tubig mula doon.
Habang nag didilig ay di ko maiwasang bumalik sa aking gunita ang masasakit na ala-ala ng kahapon.
"Brigette, anak ayos naba ang mga gamit mo? Ihahatid na kita sa school mo!"
"Yes, Nay!" Mabilis akong bumaba nang hagdan para tumungo na agad sa kotse namin.
"Ito ang unang araw ko sa school na nilipatan namin, I'm third year collage now taking business administration, Isang taon nalang ay gagraduate na rin ako sa wakas.
"Nay, ingat po sa pag da-drive." Bilin ko dito bago kumaway. Hinabol ko pa ito nang tanaw bago ako pumasok sa campus.
"Hi! Bago ka dito?" aniya na sumabay sa paglalakad ko.
Nilingon ko ito, pansin ko ang makapal nitong salamin habang may hawak na makakapal na libro sa bisig.
"Yeah." I answered.
"I'm Hazel Sarmiento, and you are?" Malalaki na ang hakbang nito para lang makahabol sa akin.
"Brigette Sy."
Bumaba muli ang tingin ko sa mga libro nitong dala, "Kailangan mo ba ng tulong?!"
"No its fine, anong year kana? Anong course mo?"
"Business Administration, ikaw?" Nilingon ko itong muli. Hanggang balikat ko lang ito at medyo may katabaan, mukhang nagtatago naman ang magandang mata niya sa likod ng makapal niyang salamin.
"Pareho pala tayo, tara sabay na tayo sa first subject?!" Ngumiti ito sa akin, at ganoon din ako sa kanya..
Sabay na nga kaming tumungong sa first subject namin, agad ang pag lingon nila sa amin ni Hazel buhat nang makapasok. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng kilay ng mga ito sa amin.
Anong meron?
Humanap ako nang bakanteng silya at swerte nakakita ako sa bandang sulok katabi ng bintana.
"Hi!" Napaangat ang ulo ko sa grupo ng mga babae sa aking harapan.
Tumango lang ako sa kanila.. "Bago ka dito? I'm Beatrice Herrera and this is Angie, Darren and Selina." Pakilala nito sa mga kasama.
"I'm Brigette Sy!" tipid ko lang na sabi sa kanila..
"May lahi kang Chinese?" tanong pa ng mga ito na binista ang kabuoan ko.
I nodded, bumalik ang tingin ko sa bintana. Hindi naman sa snob ako, 'di ko lang sila feel kausap.
"Huh? Eh,!bakit di ka singkit?!" Sinilip pa nito ang mata ko.
Hindi nga ako singkit kasi half filipina half chinese ako.. Nakuha ko halos lahat ng feature ko sa'king nanay. Tanging ang maputing kutis at manipis na labi lamang ang nakuha ko sa daddy ko.
Tiningala ko sila, kailangan ko pa bang ipaliwanag iyon sa kanila? I don't think so, marami nang nag tanong niyan sa akin sa dati kong school. Pagod na akong mag explain, tutal wala naman maniniwala at huhusgahan lang nila ako kaya mabuting manahimik nalang.
Nagtaas ng kilay ang isa sa kanila bago magsalita..
"Aba ang suplada mo hah! Akala mo kung sino kang bagong salta ka lang naman dito!" Pinag-ekis pa nito ang braso sa harapan ko.
Hindi ako natinag at prenteng binaling ang mga mata sa bintana.
"Selina, enough, don't waste your time with this kind of crap!" Narinig ko pang sinabi nong Isa. Mabuti ay dumating na ang profesor namin dahilan para mawala silang lahat sa harapan ko.
"Good morning class, siguro ay alam n'yo na may bago tayong transferee student?" Sinulyapan ako ng guro.
"Please stand up Miss.Sy. Ipakilala mo ang sarili mo dito sa harapan."
Tamad naman akong tumayo. Gaya ng dati paulit-ulit kong pinapakilala ang sarili sa skul na bago kong pinapasukan. Pang ilan na nga ba ito? Hindi ko na matandaan.
"Good morning , I'm Brigette Sy, I'm your new classmate. Nice meeting you all, thanks." Matabang kong pakilala.
Lumingon ako sa lalaking nagtaas ng kamay. "Sir pwedeng magtanong?
"Yes. Mr. Falcon?"
"Do you have a boyfriend?" Malakas bigla ang tawanan at tuksuhan nang buong klase sa min. Sanay narin ako d'yan, alam ko nandin ang isasagot ko.
"Mr. Falcon hindi ito ang tamang oras para diyan," anang guro na tila hindi natuwa sa tanong ng lalaking estudyante. May itsura ito, halatang chickboy dahil sa angas nang pagkakangiti sa akin.
"Sir, naman sasagot lang naman siya ng yes or no, napaka simple" Prente ang pagkakaupo nito sa arm chair niya.
"I have no boyfriend, hindi din naman ako intresadong magkaroon!"
Diretsa kong sagot dito. Nakita ko pa ang pagtuwid niya nang upo na lubhang ikina-ingay nang buong klase.
"Quiet class!" sigaw ng professor namin.
"Huwag kang masyadong feeling d'yan, hindi ka kagandahan ano!" Nilingon ko ang nag ngangalang Beatrice na hindi na naalis ang mataas na kilay sa akin.
"You may now sit, Ms. Sy."
"Tsss, Mayabang!" Halatang pinarinig sa akin iyon ni Selina. Ginawa ko'y nag kibit balikat nalang ako sa mga narinig.
Lumipas ang mga araw at hindi naging madali para sa akin na yakapin ang bagong mundong ito. Iyong mga naging kaibigan ko noon ay naiwan sa dati kong school. Ngayon panibagong hamon nanaman at bagong makikipagkaibigan.
Napabuntong hininga ako habang nakatunganga sa may bleacher. Napatuwid ako nang upo nang biglang may tumabi sa akin. Inabot niya ang cheese curls na hawak sa akin na tinangap ko naman.
"Salamat."
Sa ngayon ay kay Hazel palagay ang loob ko, kahit mas madalas na nag papakiramdaman lang kami kung sino ang unang magbubukas ng topic dahil isa rin pala itong tahimik.
"Well, well, well, nandito pala ang Beauty and the Beast" Biglang sumulpot ang grupo nila Beatrice kung saan.
I rolled my eyes on them. Ano ba ang mga ito, kabute? Kung saan-saan lang sumusulpot?
Hindi ko sila pinansin, samantalang si Hazel tangkang tatayo sana paalis pero pinigilan ko.
"Darren, pakisabi nga sa mga iyan na umalis sila sa pwesto ko. Hindi ba nila alam na dito ang paborito kong upuan!" Pinag-ekis ni Beatrice ang braso sa dibdib habang nakaharap kay Hazel.
"Hoy tabachoy, Lumayas ka nga diyan, narinig mo naman diba at alam mong pwesto iyan ni Bea!" Hinaklit pa nito ang braso nang huli para patayuin..l
Tumayo naman ito, pero agad ko din siyang hinila paupo. Nagsukatan kami ng tingin ni Darren na tila ayaw magpatalo, kaya tumayo na ako na kaya puntong iyon niya binitawan si Hazel.
"Narinig mo naman siguro na dito ang hang out namin,bkaya if I were you, aalis nalang ako." Singit pa ni Selina.
"Wala kaming nakikitang masama sa pag-upo dito, Isa pa wala namang pangalan n'yo ang nakalagay dito!" Prente kong sabi sa kanila.
"Hoy! Ikaw masyadong matabil 'yang dila mo ha, baka hindi mo kami kilala, bagong salta ka lang dito ang lakas na nang loob mong banggain kami?!" Dinuro pa ako ni Beatrice.
"Brigette pabayaan mo nalang." Bulong sa akin ni Hazel. Tinitigan ko muna siya saka ako nagbuntong hininga.
"Tara na!" Hinila ko ang kamay nito para makababa na sa bleacher.
"Loser!" Sigaw pa sa amin ni Selena.
Napapikit ako nang mariin sa narinig. Oo talunan ako, kami ng aking Inay,
mas gusto namin iyong tumatakbo at nagtatago.
"Nay, nandito na po ako!" Agad akong pumasok sa aking silid, mabilis kong inihagis ang shoulder bag ko sa kama at lumabas para tumungo sa kusina. nagbukas ako ng ref saka kumuha nang tubig doon.
"Oh, nandiyan kana pala, halika na't kumain na tayo."
"Kamusta naman ang araw mo sa school?" Tumingin ito sa akin bago ibalik ang tuon sa pagkain.
"Ayos lang nay, kayo po dito?" Balik kong tanong sa kanya.
"Mabuti anak, nga pala tumawag ang daddy mo, kinukumusta ka" Sumulyap ito sa akin tila inaarok ang magiging reaksyon ko.
"Pakisabi po ayos lang po ako." Tila nawalan ako ng gana sa pagkain kaya binaba ko ang kubyertos dahilan para makagawa ito ng ingay.
"Anak, ilang beses na natin napag-usapan ito diba?"
"Nay, hindi porke kaya niyang i-provide lahat nang pangangailangan natin ay magiging okay lang ang lahat!"
Nakita kong yumuko ito, napasinghap ako saka minabuting tumayo nalang, nawalan na akong ganang kumain.
"Brigette, 'wag kang bastos sa pagkain!" Nagtaas ito boses sa akin.
Hindi ko nalang siya pinansin, imbes ay umakyat na ako sa aking silid para maligo na. Ilang oras na akong nakahiga pero hindi pa rin ako dalawin ng antok, bumaling ako nang higa at pumikit nang mariin.
"Bakit kailangan mong gawin sa amin ito?" Humahagulgol na iyak ni Inay kay daddy.
"I need to do this Cassandra, hindi ito pwedeng malaman ni mama!" Nakaupo lang ako habang nakikinig sa kanila na kanina pa nagtatalo.
"Hanggang kailan mo kami itatago Leo? Napapagod na kaming palipat lipat, this is unfair for Brigette, maawa ka naman sa bata!!" Nagmamaka awa na ang boses ni Inay.
"No, I don't want you to get hurt, hindi mo alam kung ano ang pwedeng gawin ni Lusil." He look so frustrated and down. Kahit hindi pa masyadong gamay ang pagtatagalog ay alam kong ang nais niyang sabihin.
"Kung hindi mo kami kayang panindigan mas mabuting itigil nalang natin ito!" Tumayo si Inay saka tumungo sa kaniyang silid, mabilis naman siyang sinundan ni daddy.
Napailing nalang ako sa kanila. I'm only sixteen years old. Wala pa akong boses para makisali sa usapan nila noon.
Pero hindi ako bobo para 'di malaman na kabet ni daddy si Inay, at ako? Bastarda niyang anak. May unang pamilya si daddy nang makilala nito si Inay. Waitress noon si Inay sa Isang sikat na Restaurant at doon daw sila nagkakilala at nagkaroon ng relasyon.
Hindi ko naman masisisi ang aking Inay na nagmahal nang pamilyadong tao, dahil nakita ko kung gaano siya kamahal ni daddy. Pero habang lumalaki ako mas lalong lumiliit ang mundo na aming ginagalawan, kinakailangan naming magpalipat-lipat ng tinarahan pag-alam naming ano mang oras ay may mga taong nagtatanong na tungkol sa kung saan kami galing at saan kami kumukuha ng ginagastos namin. Lalo na ngayon binisita kami ni daddy para bigyan kami ng allowance. Dito siya matutulog ngayong gabi, pagkatapos ay hindi ko na alam kung kailan ulit ang balik niya, marahil ay sa susunod na ulit na buwan.
Palaging ganoon ang set-up pa lipat-lipat at tagu ng tago kaya kung tatanungin nila ako kung may kaibigan ako? Masasabi kong wala dahil lagi ko lamang silang iiwanan sa huli, kaya natuto akong wag mag build ng trust and love sa sino mang makakasalamuha ko.
Pinilit kong ipikit ang mga mata para matulog na, dahil panibagong hamon nanaman ang haharapin namin ni Inay bukas.