KABANATA 1

2067 Words
Shelter "Ayan, ayan lahat ang gamit mo at lumayas ka dito!" Isa-isang hinagis nito ang damit ko sa kalsada. "Aling Carmen, baka naman po pwedeng dumito muna ako hanggat hindi pa ako nakakahanap ng bagong trabaho, magbabayad ho ako ng kulang ko sa renta sa susunod na buwan." Mahina kong sambit. Pigil ko ang luhang gustong pumatak kanina pa, pinag titinginan na kami ng mga kapitbahay pati na rin ang mga motorista ay naantala na dahil nakaharang ako sa kalsada.. "Hoy, kung wala kang pambayad abay umalis ka na dito! Kaylan mo ako balak bayaran e, tatlong buwan na ang utang mo sa renta, pati pambayad ng kuryente't tubig ay 'di ka nagbibigay. Ang kapal din ng muka mong manatili pa dito!" "Marami na akong nabigay sa iyong pataan Brigette, kung tutuosin ay mabait pa ako saiyo. Kung sa iba niyan ay Isang beses ka palang hindi nakahulog ng renta ay sinipa kana!" Nameywang pa ito sa akin saka ako dinuro-duro. Hindi ko naman siya masisisi kung palayasin n'ya ako dahil, matagal na nga naman ang tatlong buwan na pataan niya pero ano bang magagawa ko kung wala pa akong nakukuhang bagong tarabaho? "Sige na po Aling Carmen, bigyan n'yo pa ho ako ng konting palugit." Lumuhod ako dito saka humawak sa laylayan ng kanyang bistida. "Ano kaba bitiwan mo nga ako letche ka!" Saka nito hinila ang damit para mapabitiw ako at mapasalampak sa kalsada, doon na pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Lumingon ako sa mga taong tila nakikisimpatya pero wala naman ginagawa para tulongan ako. Oo makikita sa mga mata nila ang awa pero ni isa man sa kanila ay walang gustong pumulot ng mga damit ko sa kalsada. Mahigpit kong hinawakan ang ilang damit at nagulat nang ihagis pa nito ang isang kahon na puno nang mga importante kong gamit pati family picture naming nang Inay ko at Daddy ay nabasag. "Wag kanang babalik sa loob at wala kanang gamit doon ayan na lahat, at pwede ba Brigette bilisan mo diyan at nakakaistorbo kana sa trapiko!" Matapos ay sinipa nito ang kahon kaya tumapon na nang tuloyan ang laman niyon. Nanlulumo ko iyong pinulot isa-isa, 'di ko alintana ang busina ng mga sasakyan dahil sa sobrang pag-iyak ko. "Hoy! P*tang ina, tumabi ka naman miss, dahil saiyo kaya nagkaka-traffic e!" Sigaw ng isang mamang nakasakay sa Taxi. Lumingon ako dito, saka minabuting tumabi nang bahagya at pinagpatuloy ang pagpupulot sa mga gamit ko.. "Tsss.. ayan napapala ng masyadong makapal ang muka, mabuti ay natauhan na si Carmen at pinalayas na iyang babaeng lyan, aba kung ako sa kanya matagal ko naiyang pinalayas!" Sumulyap ako sa babaeng nagsalita, nakatira ito sa kalapit bahay lang namin. "Kaya nga, hanggat may inaasahan kasi ay hindi gagawa ng paraan, baka ang akala n'ya libre ang lahat sa mundo, nanaginip nang gising!" Halatang pinarinig pa nila sa akin ang pag-uusap nilang iyon. Kagat labi kong nilunok lahat ng narinig ko, saka pinagpatuloy ang pagpupulot ng gamit at ibinalik iyon sa malaking kahon habang hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng masaganang luha sa mata. I felt so helpless, tumingala ako sandali para punuin ng hangin ang dibdib ko nang biglang may bumusina ng malakas sa harapan ko at muntik pa akong masagasaan. Napa-ngiwe ako dahil nasa ilalim nang sasakyan ang lahat ng damit kong nag kalat na siya nitong nasagasaan. Tahimik lang akong tumayo, habang pinapahid ang tumayo. Ilang beses pa itong bumusina ngunit hindi ako umalis pagkat halos masasagasaan nito ang gamit ko kung gagawin ko 'yon. Bumusina pa ito ng isa pang beses kaya sinigawan na ako ni Aling Carmen. "Hoy, umalis ka sa daan, Tonta!" Kagat labi nga akong tumabi pero natigilan ako nang patayin nito ang makina ng kaniyang sasakyan. Maya pa ay may lalaking bumaba mula roon, may hawak itong cellphone na halatang may kausap sa kabilang linya. Hindi ko maiwasang titigan ito. Ang malamlam niyang mata at ang labi nitong pinadaosdusan ng kanyang dila ay nagpalunok saakin bigla. Sa puntong iyon ay nagtama ang aming mga mata, matagal na parang sinusuri ang bawat sulok ng aking muka habang patuloy ang pag sasalita sa aparato. "Okay, Jocko no problem." Binaba nito ang kanyang cellphone saka inilang hakbang ako. "Miss, ayos ka lang?" Sinulyapan nito ang mga gamit ko sa kalsada.. "Mukang nasagasaan ko yata ang mga gamit mo." Tanka pa n'ya itong pupolutin pero agad ang pagsulpot ni aling Carmen sa aking likod. "Naku, Mister, pagpasensyahan n'yo na po itong babaeng ire, wag n'yo na pong pagkaabalahang pulutin ang mga basahang iyan!" Maluwang ang pagkakangiti nito sa kausap. "Hindi ho basahan ang mga gamit ko aling Carmen!" Nainis na ako sa pagiging matabil ng dila nito. Tumalim naman ang tingin niya sa akin bago ilipat ang mata sa lalaking nakapamulsa ngayon sa harap namin. "Itabi mo na kasi yang mga gamit mo para 'di kana nakakaabala sa daan at nang makalayas kana dito! Kung nagbayad ka ng utang mo hindi ka sana nag ninikluhod sa akin ngayon!" Sinipa muli nito ang kahon dahilan para masira na iyon nang tuluyan. Umawang ang labi ko nang makitang halos sira na ang ilan sa mga gamit ko't puro putin na rin ang damit. Sa puntong 'yon muling bumuhos ang mga luha nang Isa-isa 'yong pulotin. "Put all your things on my compartment." Matigas nitong sinabi sa akin na kay Aling Carmen ang tingin. Isang beses pang umawang ang labi ko sa narinig at pumikit pikit pa dito. "Ahh.. Mister magkakilala ba kayo nireng si Brigette?" Mukang nag-iba ang hihip nang hangin dahil sa pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito sa kausap. Hindi ito sumagot imbes ay kinuha nito ang pitaka mula sa bulsa at nag labas ng lilibohing pera. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata ng pobre sa kapal ng pera ng lalaki sa aming harapan. "How much is her debt, para itrato mo siya nang ganito?" Malalim ang boses nito na halatang ang disgusto sa ginawa ni Aling Carmen. Tila naumid naman ang dila ni aling Carmen sa tanong niya. "Pwede naba ang Ten thousands? I can make it Twenty, will you satisfied?!" Nagbilang ito agad sa harapan namin na halata. Bigla naman nagliwanag ang mukha ni Aling Carmen, "Kulang pa ito gawin mong trenta mil, malaki ang utang na-iiwan niya sa akin kay dapat lang ay kasama iyong tubo!" Nanlaki ang mata ko sa kanyang tinuran. Wala pang walong libo ang utang ko sa kanya! Anong pinagsasabi ng matandang ito? Sasagot sana ako pero mabilis nang inabot ng lalaki ang makapal na pera kay Aling Carmen, halatang ang pagka gulat nito pero dahil isang ring makapal ang muka ng huli ay tinaggap nito ang pera. "Let's go!" Agad itong bumaling sa akin. Nagtama ang mata namin, hindi ko mapigilang kabahan sa mga titig n'ya. Sinilip pa nito ang kabuon ko, I'd still wearing my pajamas and white sleeveless. I averted my gaze and swallowed hard. Yumukod ito para pulutin ang kahon ko at ilagay sa compartment ng kotse niya. Bumalik ito matapos ay namulsa ng tayo sa harapan ni Aling Carmen. "Siguro naman po ay sobra-sobra pa iyan sa naging utang ng babaeng ito?" Tiningala nito ang barung-barong na tinutuluyan ko bago ibaba ang tingin kay Aling Carmen. "Naku, salamat dito mister! Oo sobra pa ito!" Sumulyap pa ito sa akin matapos ay ngumiti. "Oh Brigette, ito bayad na ang utang mo pwede kana ulit tumuloy dito sa bahay." "No, hindi na siya babalik sa pa-upahan ninyo," he said in a deep voice. Bumaling ito sa akin at walang pasabing hinuli ang palapulsohan ko para isakay sa kaniyang nag aabang na kotse. Ilang sandali pa ay lulan na kami ng kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang magpasalamat sa kanya dahil parang natuyo yata ang lalamunan ko sa sobrang nerbyos. Napukaw lang kami nang tumunog ang kanyang cellphone, sinagot niya iyon at ni-loud speaker. "Hello pre ano na? Ikaw nalang hinihintay ng tropa!" Sabi ng nagsalita sa aparato. "Just a minute, nagkaroon lang ng konting problem," aniya bago sumulyap sa akin. Ako naman ay hiyang-hiyang yumuko, mahigpit kong pinagsalikop ang dalawang kamay ko sa aking kandungan. "Hurry up bro, mahaba pa ang byahe patungong San Simon. Pilipino time ka talaga pre!" Natawa pa ito sa kabilang linya. "I gonna hang up the phone, I'm driving." Nahimigan ko rin ang mahihina niyang tawa. "Margaux is at the resort too men, hurry!!" Bigla na nitong binaba ang tawag. Umiiling na ibinalik nito sa dashboard ang kanyang cp. Sumulyap muna ito sa akin bago tinuon ang tingin sa kalsada. Ilang sandali pa ay pumasok kami sa malaking bakuran at tumambad sa akin ang malaki ang modernong bahay. Napalingon ako sa kanya nang bumaba na sa sasakyan at gumilid patungo sa compartment. Pinasya ko nabrin bumaba para tumulong sana pero napa atras lang ako nang makasalubong ko ito. Bitbit na niya ang ilang kong gamit, "Dumito ka muna panandalian, may makakasama ka naman sa bahay nandito ang mga katulong." Nilampasan ako nito para tumuloy na sa loob nang pigilan ko. "Sandali.. 'di mo kaylangan gawin ito." Hindi ko siya kilala at lalong lalo na binayaran nay ang utang sa renta ko at gusto nyang dumito ako? Sobra sobra na ata iyon. Humarap ito sa akin na tila naiinip sa aking sasabihin pa. "Ano kasi, pede naman akong makituloy sa mga kaibigan ko, isa pa abala na ito saiyo." Bigla kong nakagat ang labi sa sinabi, I have no friends, iniwan na nila akong lahat. Wala akong maituturing na kaibigan simula nang mangyari ang bagay na iyon. "Saka na natin pag-usapan ang tungkol diyan, for the mean time dumito ka muna." Nag-pauna na ito sa paglalakad papasok sa mansyon kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod dito. Umakyat ito sa hagdan at sinundan ko lang siya, nakita kong huminto ito sa tapat ng isang pinto at binuksan iyon. Tumigil ako sandali sa pag lakad, parang gusto kong umatras at magtatakbo nalang dahil sa matinding kaba, gusto kong tumalon nang sumilip ang gwapo niyang muka sa pinto. "Come on in!" Pinasya ko nang pumasok sa kwarto. Kulay puti ang lahat ng paligid, halatang walang pumipirme dito. May isang kama roon at may side table, may couch at isang set ng sofa at may flat screen tv and dvd player. Lumapit ako sa bandang bintana para sumilip sandali, ang hardin sa ibaba ang natanawan ko. "Kung may kailangan ka tawagin mo lang si Manang Nelia" Mablis na itong lumabas. Bumalik muli ang tingin ko sa bintana, maya pa ay natanawan ko siyang may bitbit na bag at sumakay sa kanyang kotse, tahimik ko nalang siyang hinatid ng tingin.. Hindi pa ito nagtatagal ay mabilis ko nang inayos ang mga gamit ko para umalis ngunit hindi pa man ako nakakababa sa hagadanan ay may sumalubong na sa akin. "Oh hija, saan ang punta mo?" Bumaba ang tingin nito sa kahong dala ko. "Aalis na po sana ako, pakisabi nalang po kay sir pagnagkatrabaho ako saka nalang po ako mag babayad sa utang ko sa kanya." Hinakbang ko ang mga paa ko pero pinigilan nya ako, "Hindi ka pwedeng umalis, mahigpit kang ibinilin sa akin ni Peter na asikasuhin ka at wag kang paalisin." "Ang mabuti pa ibalik mo na iyang gamit mo sa itaas at bumaba ka rine at ipag hahain kita ng tanghalian." "Naku, hindi na po, masyado nang nakakahiya sa inyo." "Naku ireng batang ire, ako ang mapapagalitan ni Peter, ayokong mawalan ng trabaho." Kumamot pa ito sa kanyang noo. Kung mawawalan siya ng trabaho dahil sa akin ay mabuting manatili muna ako dito at hintayin siyang makabalik. Kaya pinasya ko nalamang na bumalik sa aking silid, ilang oras akong nagkulong doon kahit kumakalam na ang sikmura ko sa gutom ay tiniis ko nalang. Sinilip ko ang laman ng aking wallet at ganoon nalang nanlumo dahil pulos barya ang nahulog sa sahig. Nakagat ko nang mariin ang labi, paano na ako ngayon? Ubos na ang allowance ko sa huling trabahong pinasukan. Sumulyap ako sa pinto nang makarinig ng ilang pagkatok. Si Aling Carmen ang sumilip na may bitbit na tray ng pagkain. "Kumain kana, mahirap malipasan ng gutom." Nahihiya man ay kinuha ko iyon dahil sa gutom na talaga ako, "Salamat po nag-abala pa kayo." Piniksi lang nito ang kamay sa akin, "Ano pala ang pangalan mo ineng? Kanina pa tayo nag-uusap ay 'di ko pa alam ang itatawag ko saiyo." "Brigette Sy po.." Pakilala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD