Reon’s POV “Why do you want to see and talk to me? Nakakagulat naman itong biglaan mong pag-aayang magkape sa labas?” tanong ko kay Luella nang siputin ko siya dito sa coffee shop. Kanina, saktong pag-alis ko sa gym, natanggap ko ang message niya sa bagong number na gamit nito. Hindi ko maintindihan kung bakit sa tinagal-tagal na hindi niya pagsagot sa mga message at tawag ko, siya pa itong nag-message sa akin ngayon. Ilang taon niya akong hindi pinansin. Ilang beses niya akong binalewala, pero ako namang tanga, isang message niya lang agad namang sisipot. Hindi ako umaasa na magiging okay na kami ngayon. Malabo nang mangyari iyon. Kaya lang ako sumipot ngayon ay para iparamdam, ipakita at ipaalam sa kaniya na hindi na ako ‘yung dating Reon na uhaw na uhaw sa kaniya. Wala ng uhaw na Reon