Santana’s POV Hindi ko alam kung tama ba ito. Nandito na ako ngayon sa tapat ng mansiyon ni Ellery. Gusto sanang sumama ni Reon, kaya lang hindi ko na pinayagan kasi ayokong madamay pa siya. Sabi kasi ni Ellery, mainam na magpunta raw ako ngayong unang araw nang pagbuburol kay Renlen. Nang sa ganoon ay matulungan na raw niya akong malinis ang pangalan ko sa mga basher ko. Naisip ko na sunggaban ang alok niya. Gusto ko rin kasing mawala na ang mga basher. Nauurat na kasi ako kapag nakakabasa ng mga masasamang comment sa akin sa mga social media ko. Ang lalakas kasi ng mga tama ng mga utak nila. Akala mo naman sila ang nagawan ko ng kasalanan kung makapagsalita sila ng masakit sa akin. Nang mag-park na ang bago kong driver na si Kuya Luis, bumaba na ako sa sasakyan ko. Naka-black maxi dres