CHAPTER 1

1039 Words
"Po? But I just finish my last mission yesterday! And now you want me to go and investigate another case?" hindi makapaniwalang tanong ko sa aking senior. Nakaupo ito sa aking harap at parang wala lang ang pagsigaw ko sa kaniya kanina. Taimtim na umiinom ito ng tsaa at tila inaasahan na nito ang magiging reaksyon ko. Binaba nito ang kaniyang hawak sa maliit na plato at pinagsiklop ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa. Ngumiti ito sa akin na para bang wala itong sinabing masama na nagpapainit ng aking ulo. "Alora… you're the only one who's qualified in this mission," marahan nitong sagot. Napaawang ang aking labi at napahawak na lang sa sumasakit kung ulo nang makita ang pinaledad sa mga asul na mata nito. Anong ako lang ang qualified? Ang daming agent na puweding kumuha sa misyon na ito, bakit ako pa? Wala akong nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga na lang at pinikit ang aking mga mata. Tamad na sinandal ko ang aking likod sa back rest ng couch. Masakit pa rin ang aking katawan dahil katatapos ko lang ng aking misyon kahapon. I was tasked to investigate the Congressman and found out that he was doing some child trafficking. Mabuti na lang talaga at nahuli ang gagong iyon, kung hindi ay mababaliwala lahat ng aking sakripisyo at hindi mabibigyan ng katarungan ang mga batang nasawi. Sobrang sakit ng aking katawan kahit na sanay naman talaga ako na masaktan. Plano ko sana na magpahinga ngayon pero bigla na lang akong tinawag ng aking senior at sinabi na may bago daw akong misyon. That mission is far from the City of Orhills, the city where I am living. It's a province who's elusive from modern world. Wala gaanong exact data ang lumalabas sa media kapag tungkol na sa probinsyang iyon, but as one of the members of the top organization of the country, I was able to get information about that province through my senior. In the past weeks, numerous cases of deaths were being reported every single day. Iba-iba ang mga namamatay. Matanda, bata, babae o kung lalaki pa man. Walang sinasangga ang mga pumapatay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mahuli-huli ng organisasyon ang grupo ng mga pumapatay. Kaya nagkaroon ng meeting kanina na may isang agent na ipapadala sa lugar kung saan nagmula ang unang pagpatay. And unfortunately, it was me who's going to be send there. Kahit na ayaw ko man gawin ang misyong ito hindi dahil sa mukhang mahirap ay dahil sa gusto kong magpahinga. Tuloy-tuloy ang aking pagt-trabaho at wala na akong time para sa aking sarili. Gusto ko sanang magliwaliw pero paano ko magagawa iyon kung may panibagong misyon na naman ako? "I'm really sorry Alora. Don't worry, we'll double your salary for the rest of the year." Tumango na lang ako at walang nagawa kung hindi pumayag sa sinabi ng babae. Nang matapos ang aming pag-uusap tungkol sa bago kong misyon ay kaagad na umuwi ako sa aking condo unit para mag-impake. Kahit na labag sa aking kalooban ay pumayag na rin ako. Total ay kapag natapos na ang misyong ito ay kukuha ako ng isang taong pahinga. Napapansin ko kasi na parang napapabayaan ko na ang aking sarili noong tumingin ako sa salaman. Sobrang stress ng aking mukha at malaki ang aking eyebags. Umitim na rin ang ilalim ng aking mga mata at napapansin ko rin na nalalagas na ang aking buhok. Napasobra ata ako sa mga nagdaang araw at nakalimutan na magpahinga. Nang makauwi na ako ay kaagad na humiga ako sa malambot kong kama at pagod na pinikit ang aking mga mata. Sobrang lamig at tahimik ng buong condo na pati tagaktak ng tubig mula sa kusina ay naririnig ko. Sobrang lungkot at walang kabuhay-buhay ang lugar na ito. Kung kasama ko lang siguro ang aking pamilya ay siguro hindi ako ganito kalungkot. Napakagat na lang ako ng aking labi at pinigil ang sarili na umiyak. Wala na akong pamilya at ako na lang mag-isa. Noong sampong gulang ako ay pinatay lahat ng mga kapatid ko at magulang ko ng isang kriminal na bigla na lang pumasok sa aming bahay. Wala akong nagawa noon kung hindi umiyak lang sa sulok habang pinapakinggan ang mga nakakatindig balahibo na iyak ng aking mga kapatid at magulang. Sa oras na iyon ay nasa kabinet ako at nagtatago dahil naglalaro kami noon, tapos bigla na lang nangyari ang pag-mamasacre sa pamilya ko. Pero nahuli rin ako ako at binaril. Sa kabutihang palad ay nakaligtas ako at simula noon ay sa kapatid ng Ama ko na ako tumira. Sobrang laki ng galit ko sa mga kriminal simula noong araw na iyon. At alam iyon ng aking Uncle kaya nagpasya siya na isali ako sa organisyon kung saan siya kasali. Simula noon ay nag-training ako para maging isang agent at syempre hindi iyon ganoon ka dali. May mga panahon na gusto ko na lang sumuko sa sobrang hirap at magpahinga. Pero sa tuwing naiisip ko ang aking mga pamilya ay hindi ko maiwasang magalit sa aking sarili. Kaya pinilit ko ang aking sarili at ito ako ngayon, isa sa mga pinakahusay na agent sa buong bansa. It's always a privilege for me but I just want to rest because of what's happening right now. Nang makapagpahinga na ako ay kaagad na bumangon ako mula sa pagkakahiga para magsimula nang mag-impake. Doon ako titira hanggang sa matapos ang misyon at syempre, hindi naman puwede na magsuot ako ng magarbo at mamahaling damit doon. Napakahalata naman kapag ganoon. Naglakad ako papunta sa isa ko pang walk in closet kung saan ay nandoon ang mga damit na kadalasan kung sinusuot sa tuwing may misyon ako na ganito. Kinuha ko iyon lahat at kaagad na nilagay sa malaki at lumang maleta. Hindi rin ako magdadala ng mga alahas at dalawang baril lang para protektahan ang aking sarili. Nang matapos na ako ay kaagad akong naligo at humiga ulit sa kama para matulog na. Bukas na bukas ay aalis kaagad ako dahil medyo malayo ang lugar na iyon mula dito sa syudad. Mabuti na lang at inasikaso na ng aking senior ang iba para hindi na ako masyadong mabugbog sa trabaho. Marunong pa pala iyong maawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD