Kinaumagahan ay mabilis akong naligo at nag-ayos ng aking sarili dahil sobrang aga dumating ng aking sundo. Nakabusangot na bumaba ako at sumalubong sa aking paningin ang nakangising si Amanda na kasama ko na mula noong una kong pag apak sa organisasyon. Nakasandal ito sa hood ng kaniyang kotse at may pinapaikot-ikot na bagay sa kamay nito.
Nakasuot siya ng purong black lahat at may ninguya-nguya sa loob ng kaniyang bibig. Hambog ang epkrisyon nito na para bang napaka-cool nito tingnan kahit hindi naman talaga. Bumaba ang aking tingin sa bagay na hawak nito at kumunot ang aking noo nang marealized kung ano ang kaniyang nilaro-laro. Huminto ako sa kaniyang harap at pinameywangan.
"Hey! Stop playing with your knife! Baka may makakita sa 'yo," nakakunot noong saad ko at kaagad na kinuha ang patalim na nilaro-laro nito gamit ang kaniyang kamay. Tumaas lang ang kaniyang kilay at pinagkrus ang dalawang braso sa harap ng kaniyang dibdib.
"I don't care, those civilians are just purely shits," maldita nitong sagot at umirap pa sa kawalan. Napabuntong hininga na lang ako at inintindi ang kaibigan. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata na wala talaga itong pake at galit sa mga tao. Hindi ko naman ito masisi dahil mahirap at masakit din ang karanasan nito dahil sa mga tao.
"Fine! Let's just head inside," I mumbled, sighing and immediately entered her car after putting my things inside. Sumunod ito sa akin at pumasok na sa driver's seat. Kinabit ko na ang seat belt at ganoon din ito. Mabilis na pinaandar nito ang kaniyang sasakyan at kaagad na pinaharurot.
"How long are you going to stay there?" mahina at puno ng kuryuso na tanong sa akin ni Amanda. Napatingin ako sa babae saglit at binalik agad ang tingin sa labas ng binatana.
"Hmm, who knows? Matatagalan siguro ako."
Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung kailan ako makakabalik mula sa misyon na ito. May pakiramdam ako na hindi magiging madali ang misyon na ito kumpara sa mga misyon ko noon. Sana naman hindi pa ako mamatay sa misyon na ito, ang dami ko pang gustong gawin sa totoo lang.
" 'Yang senior mo talaga, ba't ikaw pa? Katatapos mo lang sa misyon mo sa San Andres ah?" takang tanong nito. Napabuntong hininga ako at nainis na naman nang maalala ang nakangising mukha ng aking senior.
"Iwan ko ba sa matandang babaeng iyon. Sabi nila favourite daw ako no'n. Oo, favourite na utos-utosan." Sabay kaming natawa ni Amanda dahil sa aking sinabi.
"Okay lang 'yan, bhe. Pagbalik mo, maghiganti ka." Ngisi-ngising napailing-iling na lang ako dahil sa sinabi nito.
Mga ilang oras ang lumipas at dumating na kami sa estasyon patungo sa probinsya. Alas singko na ng umaga at alas tres kami umalis. Nang makuha ko na ang aking mga gamit ay humarap ako kay Amanda at niyakap ang kaibigan.
"Mag-iingat ka doon bhe." Ngumiti ako at tumango sa kaniyang sinabi. Nang makapagpaalam na ako sa kaniya ay kaagad na sumakay ako sa nag-iisang bus na bumabyahe patungo sa probinsyang iyon.
Nang makaupo na ako sa upuan na malapit sa pinto ay hindi ko mapigilang magtaka nang mapansin na anim lang kaming pasahero. Isang matanda, isang buntis, dalawang binatang lalaki at isang dalaga. Tahimik ang loob at parang sanay na sila na ganito. Hindi ko na lang iyon pinansin at kinuha na lang ang aking airpods.
Pinikit ko ang aking mga mata at hinintay ang bus na umalis na. Kahit na nakapikit ang aking mga mata at nagkunwaring tulog ay pinapakiramdaman ko pa rin ang mga nangyayari sa loob. May pakiramdam ako na parang may mali sa mga naunang pasahero kaysa sa akin. Hindi naman sa nagiging praning ako pero may tiwala ako sa pakiramdam ko.
Noong una kong tapak sa loob ng bus ay alam ko na agad na may mali. Hindi ko nga lang mapagtanto kung ano 'yon, kaya kailangan ay maging handa ako palagi. Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay ganoon pa rin. Walang gumagalaw at walang lumilikha ng ingay.
Kumunot ang aking noo at dahang binuksan ang aking mga mata. Dumapo ang aking tingin sa labas ng bintana at nanlaki ang aking mga mata nang may makitang isang tao na tumatakbo. Hinahabol ito at may kung anong dala ang humahabol sa kaniya. Tatayo na sana ako nang bigla na lang sabihin ng driver ng bus na aalis na kami.
Napakagat ako ng aking labi at inis na napaupo. Base sa aking nakita ay parang hinahabol ang isang tao at may dalang patalim. Kung nakababa sana ako ay baka natulungan ko pa ang taong iyon. Sana naman ay hindi siya mahuli noong humabol sa kaniya–
"Bago ka lang ba dito, hija?" Napaigtad ako sa aking kinauupuan nang bigla na lang may magsalita. Napatingin ako sa kabilang size at napalunok nang sumalubong sa aking paningin ang mukha ng matanda. May tipid na ngisi sa mga labi nito at titig na titig sa akin.
"H-huh? Opo, Lola…" Mas lalong ngumiti ang matanda at tumingin din sa labas ng bintana na katabi ko.
"Titira ka ba sa probinsyang iyon? Kung oo ay dapat masanay ka na sa mga ganiyan." Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan at hindi ako makapagsalita. Parang wala lang sa matanda nang sabihin niya ang mga katagang iyon.
Mariin na napatikom ako ng aking labi at mahigpit na napahawak sa aking sling bag. Dahil sa sinabi ng matanda ay parang may kung anong kumulo sa aking loob at hindi ko mapigilang magalit. Paano niya nasasabi ang bagay na iyon? Kahit kailan ay wala atang matinong tao ang masasanay sa ganito.
Hindi ko na lang pinansin ang matanda at tumingin na lang sa labas para kumalma ang aking loob. Mga ilang oras din ang byahe bago kami dumating sa loob ng probinsyang iyon. Dali-dali akong bumaba at kaagad na hinanap ang babae na mag g-guide sa akin dito.
"Hello po! Ako po si Miya, 'yong mag g-guide sa 'yo dito sa probinsya," nakangiting salubong sa akin noong babaeng may hanggang bewang ang buhok. Ngumiti rin ako sa kaniya at nakipag kamay sa babae.
"Hi! My name is Alora. Salamat sa pagpayag mo." Malawak na ngumiti ako sa babae. Nanlaki ang mga mata nito kasabay nang pamumulo ng kaniyang magkabilang pisngi. Nagtatakang tiningnan ko ito pero mabilis lang itong nag-iwas ng tingin at bumulong sa kawalan.
"Omg! Ang ganda niya!"
Hindi ko narinig ang sinabi nito at magtatanong na sana nang bigla na lang may naghiyawan sa kabilang side. Kumunot ang aking noo at sabay kami ni Miya na tumingin doon. May mga nagkukumpulang lalaki at nagtatawanan.
Why the heck are they laughing?
Nanuyo ang aking lalamunan kasabay nang pagtigil ng aking paghinga nang may mahigip ang aking mga mata sa mga nagkukumpulang lalaki. Nakasuot ito ng kulay itim lahat at nakapamulsa habang may mapaglarong ngisi sa kaniyang mga labi.
Kahit na malayo ang aming direksyon ay litaw na litaw pa rin ang kaguwapohan nito. Mas lalong kumabog ang aking puso at nagsimulang manlamig ang buo kong katawan nang makilala ang lalaki.
It's none other than the notorious criminal of the country, Red!