Darell "I need to get the results of that as soon as possible." Ibinigay ko kay Elton ang hair sample ni Jr na nakuha ko sa kanya kanina, gano'n din ang sa akin. "Yes, boss. Ngayon din po," he answered as he bowed his head in front of me. Siya ang informant ko at pinaka-pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng mga tao ko. Pinigilan ko ang maubo sa harapan niya. Sinisipon na rin ako ngayon. Tinamaan talaga ako ng flu mula sa pagpapaulan ko kahapon. Nagsisimula na ring uminit muli ang pakiramdam ko. "Kailangan niyo po ba ng gamot, boss?" "Hindi na. May stock naman ako d'yan. Thanks." "Mauuna na po ako." "Alright. Ingatan mong mabuti 'yan." "Yes, boss." Kaagad na rin siyang tumalikod at lumabas ng unit ko. Ako naman ay nagtungo sa kusina. I dropped my phone on the table and rummaged throu