Sheila "Hindi niya ako maalala. Bakit hindi niya ako maalala, Dave? Naaksidente kaya siya? Nagka-amnesia ba siya?... Oh, baka sinasadya niyang hindi ako kilalanin. Baka nagkukunwari lang siyang hindi niya ako kilala." Hindi ko mapigilan ang patuloy kong paghagulgol sa loob ng kotse ni Dave habang nasa kasagsagan pa rin kami ng biyahe pauwi ng bahay. Hindi naman siya kaagad na sumagot. Bumuntong-hininga siya ng malalim. Dumukot siya sa loob ng coat niyang suot at naglabas ng isang panyo. Kaagad niya itong iniabot sa akin. Nahihiya ko naman itong tinanggap. "Nasabi mo na ba ang mga dapat mong sabihin sa kanya?" Tumango ako sa tanong niya habang pinupunasan ang mga luha ko sa pisngi. "Hindi siya naniwala sa akin. Ang sabi niya, marami na raw mga babaeng nagpakilala sa kanya nang katula