Chapter 3

2456 Words
SAMANTHA Ng matapos na akong mag-ayos ay nagsimula na akong magbiyahe papunta sa hotel kung saan magaganap ang reunion. Balak pa nga akong sunduin ni Eurika sa bahay pero tumanggi na ako dahil nakakahiya sa kanya. Pagkarating ko sa hotel ay hindi ko maiwasan ang mapahanga dahil sa taas nito. Ngayon lang ulit ako nakapunta sa ganitong lugar dahil ang huli kong punta sa ganito ay iyong debut ni Eurika. Tinext ko na si Eurika para sabihin na nandito na ako sa labas ng hotel at ilang minuto lang ng makita ko na siya tumatakbo papalapit sa akin.  "Sa wakas dumating ka din." Sabay tawa nito kaya napakamot naman ako sa batok. "Sorry."  "Halika na dahil nandoon na silang lahat at maraming mga tao ang gustong makita ka." Kunot noong hinarap ko naman siya. Ano daw? Maraming mga tao ang gustong makita ako?  "Hah?"  "Mahirap iexplain pero hindi matataposa ng gabing ito hangga't wala ka pa rin nagiging boyfriend," Sabay kindat niya at pagkapit sa braso ko. Napatulala na lang ako dahil sa sinabi niya dahil iyon ang isa mga bagay na iniiwasan ko. Dali-dali kong tinanggal ang kamay niya na nakapalupot sa braso ko at sinamaan siya ng tingin. "Euri! Pumunta ako dito para makita ang mga kaklase natin noong high school hindi para maghanap ng boyfriend." Inis kong sambit dito. Natawa naman siya habang umiiling. "Bakit? Apektado ka pa rin sa binusted mo noong high school tayo?" Ngiting tanong nito dahilan para bumalik na naman sa alaala ko ang nangyari noong high school pa lamang ako.  Ilang minuto na akong nakatayo sa harapan ng canteen habang hinihintay si Eurika dahil sinabi nito na may nakalimutan siya sa classroom kaya naiwan ako dito. Nagulat ako ng may biglang lalaki ang tumigil sa harapan ko at tila tagaktak ang pawis sa noo nito. Ng marealize ko kung sino siya ay kaagad akong tumingin sa paligid at hindi nga ako nagkamali na pinagtitinginan na ako ng mga tao dito. "Nandito ka lang pala, hinahanap ka ni Eurika sa court dahil may nangyari sa kaniya." Hinihingal na sambit nito. Nakunot naman ang noo ko ng marinig ang mga sinabi nito hanggang sa unti-unti kong na nakuha kung ano ang punto niya.  Hindi na ako nagdalawang isip pa na tumakbo papunta sa court para puntahan si Eurika. Nakakaramdam na ako ng takot dahil pakiramdam ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko kung may nangyaring masama sa kaniya. Pagbukas ko ng pinto ay walang katawan ang bumungad sa akin pero may isang lalaki ang natanaw ko di kalayuan sa pwesto ko at ng makilala ko kung sino siya ay tila ba bumagal ang paggalaw ng mundo. Gusto ko mang tumakbo papalayo dahil sa tuwing nakikita ko siya ay may kung ano'ng bagay akong nararamdaman sa dibdib ko na gustong kumawala. Nilakasan ko na lang ang aking loob para lapitan siya. Napalunok muna ako sandali bago pinilit magsalita. "Bakit nandito ka? Nasaan si Eurika?" Tanong ko sa kaniya at pinakita ang pag-aalala sa kaibigan ko. Nagulat ako ng bigla siyang ngumiti pero kaagad din napalita ng pagkunot ng aking noo. "Wala si Eurika dito." Sagot niya. Hindi ko na mapigilan pa ang makaramdam ng inis dahil akala ko ay may nangyari ng masama sa kaibigan ko. "Ano?! Pinagtitripan mo ba ako?" Pinilit ko ang hindi siya sigawan pero sadyang may buhay ang bibig ko. "Sammie--" "Huwag mo ngang banggitin ang pangalan ko dahil hindi kita kilala sorry aalis na ako." Tatakbo na sana ako papalayo dahil hindi na kaya ng puso ko kapag kaharap siya. Tawagin niya pa lang ang pangalan ko ay para bang sasabog na ako. "Wait Sammie." Ng hawakan nito ang kamay ko ay tila may libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan kaya kaagad kong tinanggal ang kamay niya. "M--may g--gusto sana akong sabihin sa'yo." Nauutal nitong saad. "Sabihin mo na dahil kailangan ko pang bumalik at tapusin ang ginagawa ko." Pagdadahilan ko kahit wala naman talaga. "I-- I like you Sammie." Tuluyan na nga akong nahulog sa kaniya. Hindi ko ba alam pero pakiramdam ko ay milyon-milyong fireworks ang sumabog sa aking tiyan sa tuwa. Ng may marealize akong bagay ay napawi rin ang saya na naramdaman ko. "Hindi kita gusto."   Sagot ko dito at tumalikod. Napakagat na lamang ako sa ibabang labi habang tumatakbo papalayo. Naisip ko na kailangan kong magising sa reyalidad dahil kahit kailanman ay hindi ako nababagay sa kanya.  "Hoy nakatulala ka na diyan." Sabay pitik ni Eurik sa noo ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil hanggang ngayon ay hilig niya pa rin ang manakit. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago?" Pagmamaktol ko na kinatawa niya lang.  "Bakit kasi binusted mo pa iyong nerdy guy na prince charming mo?" Hinatak ko na lang ang kamay niya papasok sa loob para naman hindi na siya magtanong tungkol sa nakaraan.  Pagpasok naming dalawa sa loob ay napahanga ako sa ganda ng paligid lalo na ang ibang mga estudyante dito. Nakita ko rin si Tara na kausap ang mga kaibigan niya noong high school. Hinatak na lang ni Eurika ang kamay ko kung saan nakaupo ang mga kaklase namin.  "Hi everyone I want you to meet Samantha Maniego." Pagpapakilala ni Eurika sa mga kaklase namin. Bakas sa mukha nila ang gulat kaya ngumiti naman ako. "Hi?" Sabay kaway ko sa kanila. "I--ikaw si Maniego?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rysa. Ang presidente ng klase namin. Tumango naman ako kaya binati nila akong lahat. Nagpasalamat naman ako hanggang sa nakasalamuha ko na sila. Nagkwentuhan din kami tungkol sa buhay namin ngayon at halos lahat sila ay may sarili ng buhay at ang iba naman ay may pamilya.  "Alam niyo ba na hanggang ngayon ay wala pa rin itong boyfriend si Sammie." Sabay akbay ni Eurika sa akin. Napanganga silang lahat kaya tumawa ako ng pilit at tinanggal ang kamay ni Eurika sa balikat ko. "Ano ba'ng pinagsasabi mo?!" Inis na bulong ko sa kaniya.  "Totoo Sammie? Hanggang ngayon wala ka pa ring boyfriend? Ikaw pa naman ang muse ng classroom natin." Sagot ni Jaspher. "Naging busy lang sa trabaho." Pagdadahilan ko.  "Nako marami pa naman ang nagkakainteresado sa'yo sa school natin gusto mo tulungan kitang maghanap ng boyfriend? May irereto ako." Sagot ni Aimee. Magsasalita pa sana ako ng biglang sumabat si Eurika. "Tulungan mo nga ako Aimee, baka kasi tumandang dalaga itong kaibigan ko." Aniya. Napasapo na lang ako sa mukha dahil sa kakulitan ni Eurika kaya iniba ko na lang ang pinag-uusapan. Mabuti na lang ay dahil naiba na ang usapan at ilang minuto lang din ng magsimula na ang kasiyahan. Naroon rin ang mga naging teacher ng batch namin. Nakakalungkot man pero ang ibang mga naging guro ay pumanaw na dahil sa katandaan.  "Omyghad! May gwapo!" Kinikilig na tili ni Aimee kaya napatingin kami sa tinititigan niya. Sino pa ba kung hindi ang sikat na grupo ng school namin noon. Si Chase at Jackson at may kasama pa ito. Nakilala ko si Chase ng minsan itong pumunta sa bar ni sir Jackson. Aaminin kong mabait ito kaya magaan ang loob ko sa kaniya hindi tulad ng isa niyang kaibigan. "Puntahan natin!" Sabay hatak ni Rysa kay Aimee papunta sa grupo ng mga lalaki. Tahimik na uminom na lang ako ng juice habang nililibot ang tingin sa paligid. "Seryoso? Juice lang iinumin mo?" May panunuksong sambit ni Eurika kaya humarap ako sa kanya.  "Hindi ako mahilig sa alak, Euri." Natawa naman siya habang tinatanap ang balikat ko. "Sabi ko sa'yo sumama ka lang sa akin matututunan mo lahat." Kinurot ko naman ito ng mahina sa tagiliran pero tanging tawa lang ang ginawa niya. Napatingin muli ako pwesto nila sir Jackson habang pinagkakaguluhan ng mga babae at sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumapo ang tingin ko sa katabi nitong lalaki. Hindi ko inaasahan na nakatingin din ito sa akin habang nakataas ang kilay. Ngumisi na lamang ako at umiwas ng tingin dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. "Halika may ipapakilala ako sa'yo." Sabay hatak ni Eurika sa kamay ko. Pipigilan ko pa sana siya pero sadyang makulit ito kaya wala na akong nagawa pa. Napansin ko na lang na napunta kami sa elite section kung saan may iniiwasan akong tao. Ang pinsan kong si Tara. Nagdikit ang kilay nito ng makita ako pero kaagad din akong umiwas. "Eurika!" Masayang sigaw ng isang babae. "Long time no see, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Pagmamaktol nito. "Sorry busy lang sa trabaho, by the way this is my friend Samantha." Pakilala niya sa akin. Ngumiti naman ang kaibigan ni Eurika.  "Hi Samantha, I'm Lorelei." Aniya kasabay ng paglahad ng kamay. Tinanggap ko naman agad ang kamay nito na nakalahad. "Hi." Nahihiyang sagot ko. Natawa naman siya dahil siguro ay napansin niya na nahihiya ako. "Huwag kang mag-alala mukha lang siyang maldita pero maldita talaga siya." Bulong ni Eurika sa akin. "No I'm not." Depensa nito habang tumatawa. Ilang minuto rin akong nakipag-usap sa kaibigan ni Eurika at hindi ko inaasahan na mabait nga siya. Inimbitahan niya pa nga ako sa gaganapin na birthday niya. Nakaupo na kami ngayon ni Eurika sa kanila. Ng makaramdam na ako ng pagod ay nagpaalam muna ako kay Eurika para magpahangin sa labas. May mga nagmamahalang kotse ang humihinto sa harapan ng hotel kaya minsan ay napapaisip ako kung ano ba ang pakiramdam ng magkaroon ng sariling kotse. Nasa gilid lamang ako ng hotel kung saan may bench at nakaupo ako roon. Nagulat ako ng may umupo sa tabi ko. "Why are you here?" Tanong ni Lorelei sa akin. "Nagpapahangin lang." Sabay ngiti ko. Nilahad naman niya sa harapan ko ang isang baso ng wine. "You need to try this, actually this is my favorite." Nahihiyang tinanggap ko na lang ang alok niya. "Salamat." Sagot ko. Napatango-tango naman siya at uminom na ng wine. Sinubukan ko na lang din inumin iyon at nalasahan ko ang pakla kaya natawa naman siya.  "Sa simula lang 'yan."  Nagkwentuhan kaming dalawa tungkol sa buhay. Sinabi niya na hindi rin niya alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam niya sa tuwing kasama ako. Ngunit ng may isang tao ang lumabas ng hotel ay napahinto sa pagsasalita si Lorelei. Tinignan ko ang tinititigan niya at si Chase iyon may kasamang babae.  "I want to slap that b*tch." Nanggigil na aniya habang ang diin ng pagkakahawak niya sa baso. Hinawakan ko naman ang kamay niya para pakalmahin siya. "Lorelei calm down." Napapikit naman siya habang pinapakalma ang sarili. "Hindi ba niya alam na engaged na ang nilalandi niya?" Inis na bulong nito dahilan para marinig ko.  "Ano?! Engaged ka na?!" Hindi ko maiwasan ang mapasigaw at tumawa naman siya na parang wala lang sa kaniya ang paglandi ni Chase sa ibang babae. "Yes, fixed marriage." Sabay lagok nito ng alak.  Hindi na lang ako nagtanong pa muli dahil alam kong medyo private ang topic na 'yon. Napagdesisyunan na namin ni Lorelei na bumalik na sa loob at naabutan ko si Eurika na lasing na lasing.  "Eurika gising." Sambit ko dito habang tinatapik ang pisngi niya. Napadilat naman siya at nginitian ako. "Sammie!" Masayang aniya. Ako ang nahihiya para sa kaibigan ko dahil maraming mga napatingin dahil sa pagsigaw niya. ***** COEN I don't want to go here but Jackson and Chase forcing me to come. Sabi nilang dalawa na minsan lang daw sa buhay ang reunion kaya dapat sulitin na. Wala na akong nagawa pa ng isinakay nila akong dalawa sa kotse. "Sammie!" Sigaw ng isang babae dahilan para mapatayo ako at sinundan ang boses na 'yon. Hindi ko alam pero parang may sariling buhat itong katawan ko at hinanap ang boses. Hindi ko makita kung sino ang sumigaw niyon dahil napakaraming tao ngayon dito. "Hi ngayon lang kita nakita, kabatchmate ka ba namin?" Ngiting saad ng isang babae sa harapan ko kaya napangisi na lang ako. Siguradong magugulat sila kapag nalaman nila kung sino nga ba ako pero wala akong oras magpakilala sa kanila dahil may hinahanap ako ngayon. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Jackson sa akin.  "Narinig kong tinawag ang pangalan ni Sammie." Tumaas ang kilay ni Jackson dahil sa sinabi ko. "Do you still like Sammie?" Hindi makapaniwalang saad nito. Biglang nag-init ang ulo ko. "What?! Hell no! Gusto ko lang siyang magulat kung sino ang lalaking inayawan niya." Matapang kong sagot pero tumawa lang ito at itinaboy ako. "Sus ayaw pa umamin, ang sabihin mo gusto mo lang makita ulit si Sammie dahil gusto mo pa rin siya hanggang ngayon."  "F*ck you Jackson!" Iniwan ko na lang siya doon ay umalis dahil baka masapak ko lang ang lalaking 'yon. ***** SAMANTHA Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Eurika dahil sa isinisigaw nito ang palayaw ko. Hinatak ko siya paalis ng dining are at dumiretso sa labas ng hotel. Sumakit din ang balakang ko na isinakay siya sa kotse at binayaran ang driver. "Manong pakihatid na lang po siya at sasabihin niya sa'yo ang address ng tirahan niya." Magsasalita pa sana si manong pero naglakad na ako paalis. Dahil kung hindi ako aalis ay siguradong pipilitin na naman ako ni Eurika na pumunta ng bar. Ganoon siya tuwing nalalasing. Pumasok muli ako sa loob para sana magpaalam kay Lorelei na uuwi na pero may kung anong bagay ang humaran sa dinaraanan ko at tumama tuloy ang ulo ko. Ramdam ko ang pagtama niyon. "Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?-- I--ikaw?" Dahan-dahan humina ang boses ko ng makilala kung sino siya habang ang mga mata nito ay masama ang tingin sa akin. Wrong move Samantha. Bulong ko sa sarili habang nakakaramdam na ng takot.  "Nananadya ka ba?" Mabilis naman akong umiling at binigyan siya ng daan. "Sorry." Nilagpasan ko na lamang siya at tuluyan na akong pumasok sa loob. Pinukpok ko na lang ang ulo ko dahil hindi ko man lang naisip na siya pala ang makakabunggo ko. Nasigawan ko na naman tuloy siya. Aish! Bakit ba ang lapit ko lagi sa gulo? "Lorelei!" Tawag ko dahilan para mapatingin siya. Naglakad naman ako papalapit dito.  "Samantha bakit?"  "Gusto ko sanang magpaalam at tsaka... salamat nga pala ulit kanina sa pagkuwento." Nahihiya kong sabi. Nakangiting tumango-tango naman siya at tinap ang balikat ko. "Dapat ako ang magpasalamat dahil nakinig ka." Natawa naman ako dahil sa sinabi niya hanggang sa nagpaalam na ako para umuwi. Sumakay na lamang ako ng bus pauwi sa bahay dahil sakto lang ang perang dala ko para sa pamasahe. Nagtitipid pa naman ako lalo na ngayon ay wala pa akong pera at bukas pa ang simula na trabaho ko. To be continued... A/N: Salamat sa mga sumusupporta ng bago kong story I hope na supportahan niyo rin ang iba ko pang account. YT channel: Hoaxxe Instagram: aldwinalo FB group: Hoaxxe Stories
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD