SAMANTHA
Kinaumagahan ay naabutan ko si tita at Tara na nag-aalmusal habang nanunuod ng television.
"Mauuna na po ako." Pagpapaalam ko at maglalakad na sana ng mapahinto ako dahil sa narinig ko.
"Siya ang sinasabi ko sa'yo. Ang magiging asawa ko." Kinikilig na saad ni Tara habang ang mga mata ay tutokna tutok sa tv kung saan nandoon si Coen.
"Ayusin mo ang buhay mo Tara dahil kailangan mo pang magtapos ng pag-aaral huwag puro kalandian ang atupagin mo." Pangangaral ni tita sa kaniya.
"Ayaw mo ba non? Magkakaroon ka ng mayaman na manugang." Aniya at mabilis naman siyang binatukan ni tita. Hanggang sa nagsimula na naman silang magtalo. Ano ba ang nagustuhan ni Tara sa lalaking 'yan? Arrogante na nga 'di pa marunong magbasa.
Nagsimula na akong maglakad paalis. Ang totoo niyan ay alam nila tita na nagtatrabaho pa ako sa bar pero ang totoo niyan ay isa na akong sekratarya ni Coen. Kung hindi lang siguro nagtagpo kaming dalawa ay hindi ako mapupunta sa sitwasyong ito. Akala mo kung sinong mabait pero nasa loob ang kulo. Tsk.
Habang nasa biyahe ay nakatanggap bigla ako ng text galing sa Salazar Company at kailangan ko raw bilisan dahil nagagalit na si Mr. Salazar. Napamura na lang ako sa inis at nagmamadaling pumara sa bus dahil traffic pa naman ngayon.
"Manong para ho!" Sigaw ko dahilan para ihinto ni manong ang bus.
"Hindi pa rito ang babaan ineng--" hindi ko na pinatapos pa si manong at tumakbo na ako pababa ng bus. Nilakihan ko na rin ang bawat hakbang ko kahit pa pinagtitinginan na ako ng mga tao.
"Excuse me po!" Sigaw ko sa mga tao sa paligid pero hindi ko inaasahan ng may humarang sa dinaraanan ko kaya natapon ang dala nitong kape. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tinulungan siya. "Sorry sir hindi ko po sinasadya." Paghihingi ko ng pumanhin. Natapunan pa ang suot nitong polo. Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa kahihiyan na nagawa. Natawa naman siya bigla kaya napatingin ako dito.
"Ayos lang kaya ko na ito." Ngiting aniya. Hindi ko alam pero parang may huni ng mga anghel akong narinig sa aking paligid. Sa paraan ng pagngiti niya ay parang kung sinong tao ang dumaraan ay mapapatingin. "Hey, nasaktan ka ba?" Nabalik ako sa huwisyo ng magtanong siya at dali-daling umiling.
"Ayos lang din ako salamat." Sabay yuko ko para magpasalamat. Napansin ko ang biglang pag-ring ng cellphone ko dahilan para manlaki ang mga mata ko. "Sige mauuna na ako." Tatakbo na sana ako ng mapahinto ako. Hinubad ko ang suot kong coat at inabot sa kaniya. "Gamitin mo na lang ito tutal kasya naman siguro sa'yo. Sorry ulit." Nagpatuloy na ako sa pagtakbo at narinig ko pang tinawag ako nito pero hindi na ako nag-abala pang tumingin dahil siguradong sisigawan na ako ng arroganteng lalaking 'yon. Hingal na hingal akong pumasok sa loob at naabutan ko ang isang empleyado na siguro'y naghihintay sa akin.
"Nasa itaas na po si sir at hinahanap ka." Aniya. Nakangiting tumango naman ako at nagpasalamat. Sumakay na ako sa elevator at inayos ang sarili habang nakatingin sa sariling repleksiyon. Ng masiguradong maayos na aking itsura ay sakto namang pagtunog ng bell ng elevator. Mabuti na lang na natandaan ko pa ang opisina ng arrogante kong boss.
Ng makita ko na ang pinto ay kumatok ako ng tatlong beses. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang hindi ko inaasahan na pangyayari. Dali-dali kong isinara ang pinto at ramdam ko ang sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Ito ang unang beses na makakita ako ng may naghahalikan sa harapan ko at ang laswa!
Bumukas muli ang pinto kaya mabilis akong yumuko.
"Wala po akong nakita." Napaangat ako ng tingin at nakangiting umiiling naman ang babae. Inayos nito ang butones niyang nakabukas.
"It's okay sanay na akong may nakakakita ng ginagawa namin ni Coen." Sabay kindat niya at naglakad na papalayo. Ano raw? Seryoso? Proud pa siyang may nakakakita ng ginagawa nilang dalawa?
Parang nakita ko na ang mukhang iyon pero hindi ko lang maalala kung saan.
"Come in!" Sigaw ni Coen sa loob kaya pumasok na ako ng tuluyan. "Bakit ngayon ka lang?" Bakas sa boses niya ang inis.
"Sorry hindi ko alam na ganitong oras pala dapat ako pumasok. Sorry." Paghihingi ko ng paumanhin.
"Bring this to the Ms. Niana, now!" Galit na utos nito at napatingin naman ako sa itinuro niya. Namilog ang mata ko ng makita ang isang napakataas na pinagpatong-patong na box ng bond paper.
"Ano?! Iyan bubuhatin ko ng sabay-sabay?" Hindi makapaniwalang tanong ko at sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Alangan naman na palutangin mo iyan gn sabay-sabay." Nang-iinsultong aniya. Napapikit ako ng mariin at ngumiti ng pilit.
"O-kay sir dadalhin na po." Napangisi naman siya dahil siguro'y napansin niya ang sarkastiko sa tono ng boses ko. Napakagat ako sa ibabang labi dahil pakiramdam ko ay hindi pa aabot ng isang buwan na pagtatrabaho ko dito ay baka magkaroon na ako ng mga muscle. Binuhat ko na lamang ang patong-patong na kahon ng bond paper. Pakiramdam ko ay nagbuhat na ako isang sako ng bigas dahil sa bigat ng bond paper.
"Her office is in the 3rd floor."
"What?!" Hindi ko mapigilan ang mapasigaw. Gusto niyang buhatin ko ang mga kahon ng bond paper sa 3rd floor? Seryoso? "Ano'ng tingin mo sa'kin? Si supergirl?!" Ipinatong naman niya ang kaniyang paa sa lamesa at tumango.
"That's good, why? You don't like supergirl?" Napapikit ako ng mariin para pigilan ang sigawan siya at pagbuntungan ng galit.
"Dadalhin na po."
"Good, faster!" Sabay taboy niya.
Nagsimula na akong maglakad buhat ang mabigat na kahon. Mabuti na lang ay may elevator kaya madadalian akong makarating sa3rd floor.
"Teka, teka manong!" Pigil ko kay manong janitor ng lagyan niya ng signage ang elevator. "Bakit under maintenance itong elevator? Kagagamit ko pa lang niyan kanina." Naguguluhan kong tanong.
"Ah 'yan ba, sorry ineng pero maintenance in progress ang elevator ngayon." Nalaglag panga ako sa sinabi ni manong janitor. Parang nanlumo ako ng makitang ilagay niya sa gitna ang signboard na elevator maintence warning.
Umalis na si manong at naiwan akong nakatulala sa patong-patong na kahon ng bond paper. Bubuhatin ko ang ganito karaming kahon pababa sa 3rd floor? Napahilot na lang ako sa sentido dahil sa frustration na nararamdaman.
Binuhat ko na lang ito kesa magmukmok ako dito. Ng nasa 11th floor pa lang ako ay ramdam ko na ang panghihina ng mga braso ko kaya nagpahinga muna ako sa hagdan at hinilot iyon. Ang sama talaga ng ugali ng lalaking 'yon kahit kailan. Kaya ba nangyayari ito sa akin dahil sa ginawa ko sa kaniya? Aish!
Nagsimula na ulit akong maglakad hanggang sa narating ko na ang 3rd floor kung saan nandoon ang office ni miss Niana.
"Narito na po ang pinapadala ni sir Arrogante-- este sir Coen." Ngiting sambit ko. Nakataas ang kilay nito na tinanggap ang kahon ng bond papero.
"Bakit dinala mo 'yan dito eh marami ng mga bond paper dito." Sabay turo niya sa gilid ng printing machine kung saan maraming patong-patong na kahon ng bond paper. Naramdaman ko na lang ang pag-usok sa gilid ng tenga ko kaya nginitian ko si Miss Niana.
"Ayaw niyo po niyon, mas marami mas masaya!" Masayang sigaw ko habang nakataas ang dalawang kamay. Napailing na lamang siya kaya ngumiti na lang ako ng pilit at naglakad na paakyat sa itaas kung saan nandoon ang boss kong halimaw. Napahinto ako sa harapan ng elevator ng biglang bumukas iyon at niluwa niyon ang isang empleyado ng Salazar company.
"Teka, akala ko ba under maintenance ang elevator?" Tanong ko sa babae at kunot noo naman niya akong tinignan.
"Anong pinagsasabi mo? Nakikita mo ba? Makakarating ba ako kung hindi aandar 'yan." Naiiling na saad nito at naglakad na paalis. Napakuyom na lang ako at gusto kong sumabog sa inis. Hindi ko man lang agad naisip na sinadya talaga ng arrogante kong boss ang palabasin na kunwari'y under maintenance ang elevator para pahirapan ako. Argh! Nakakainis! Nagmamadaling pumasok ako sa loob ng elevator at pinindot ang floor kung saan ang opisina ni Coen.
Ng bumukas na ang elevator ay malaki ang bawat hakbang ko at malakas na binuksan ang pinto.
"Bakit mo ginawa 'yon?" Inis kong tanong habang siya naman ay nakasuot ng salamin habang nakatupi ang sleeve ng polo niya. Dahan-dahan naman umangat ang tingin niya at tinaasan ako ng kilay.
"What are you trying to say?" Taas kilay na aniya. Hindi na ako nakapagtimpi pa at lumapit na sa kaniya.
"Bakit pinalabas mo na sira ang elevator kahit hindi naman talaga? Alam mo ba kung gaano kahirap buhatin ang kahon na 'yon simula dito hanggang sa 3rd floor sir!" Diniinan ko pa ang salitang sir dahil pinipigilan ko ang hindi sigawan siya. Ayaw ko ng dagdagan pa ang kasalanan na ginawa ko. Sa dami kong sinabi ay tanging ngisi lang ang ginawa niya.
"What is your job here?" Sarcastic na tanong nito.
"Sekretarya--"
"That's the point. You shall do what I ordered you Miss Maniego." Napapikit na lang ako ng mariin at tinanggal ang ID.
"I quit." Desidido kong sagot at tatalikod na sana ng mapahinto ako dahil sa sinabi niya.
"Do it! Let's just see yourself to the court then." Matapang nitong sambit. Napalunok ako ng maisip kung ano ang pinupunto niya kaya dali-dali akong humarap at sinamaan siya ng tingin.
"Tinatakot mo ba ako?" Inis kong tanong sa kaniya at nakangising umiling naman siya. May kinuha itong envelope mula sa cabinet niya at ipinakita sa akin. Unti-unti kong naaalala na iyon iyong contract na pinirmahan ko.
"I thought you read this Miss Maniego."
"Ano ang ibig sabihin ng sinasabi mo?" Naguguluhan na ako dahil ngayon ko lang nagpagtanto na hindi ko binasa ang nakasaad sa kontrata. Nilapag niya sa lamesa ang contract kaya lumapit kaagad ako at binuksan iyon. Habang binabasa ko ang nakasulat sa kontrata ay bigla akong napahinto dahil mukhang hindi na ako makakaalis pa sa trabahong ito.
"Are you leaving? If you want the door is open." Ngiting aniya. Ibinalik ko na sa kaniya ang kontrata ay yumuko. Hindi ko kayang bayaran ang ganoon kalaki na halaga. Ito lang ang tanging paraan para hindi ako umalis ng companya at babayaran ang lahat ng nagawa ko.
"Humihingi po ako ng tawad sa biglaang pagdesisyon ko." Napansin ko na nakangiti ito ng tagumpay at umupo.
"Good now do all what I want."
Ng sabihin niya ang mga katagang iyon ay nakaramdam ako ng takot. Ito ang beses na kinain ko ang pride ko para lang sa arroganteng lalaking ito. Kasalanan ko rin kung bakit napunta ako sa sitwasyong ito ang kailangan ko lang gawin ay inisin siya baka sakaling magbago ang isip niya at siya na mismo ang magtatanggal sa akin. Tama, iyon na lang ang tanging paraan para makaalis ako sa arrogante kong boss.
Halos buong oras ay nakasunod lang ako sa kaniya at sa tuwing may meetings siya ay nakatayo ako sa labas ng silid. Ganiyan na siguro ang ginawa ko sa buong linggo pero hindi rin ako nagpasindak sa kaniya at ginawa ko rin ang parte ko. Ang inisin siya. Pero mukhang nagkamali ako dahil matigas ang isang ito. Sa tuwing iniinis ko siya ay bumabalik lang din sa akin ang plano ko. Kaya sa buong linggo na pagtatrabaho ko sa companya niya ay para bang malapit na ang katapusan ng buhay ko.
"Nakakainis talaga siya!" Naiinis kong sigaw habang napapapadyak sa galit.
"Dahil ba sa boss mo kaya ka nagkakaganiyan?" Tanong ni Trevour na abala pa sa kaniyang ginagawa kaharap ang laptop. Sabado ngayon kaya day off ko sa trabaho kaya pakiramdam ko ay naging payapa ang buhay ko kahit papaano.
"Akala mo kung sinong mabait kapag nasa harap ng camera pero kasing sama naman ni satanas ang ugali." Natawa bahagya si Trevour at tinap ang balikat ko.
"Sabihin mo lang sa akin kapag may ginawa siyang masa sa'yo dahil ibang usapan na 'yon." Aniya at napangisi naman ako.
"Sinong nagsabi na papayag akong pahirapan niya? Gagawin ko ang lahat para siya na mismo ang magpatalsik sa akin sa companya Trev."
"Alam mo hindi ka pa rin nagbabago simula ng magkakilala tayo, maldita ka pa rin." Bigla akong natawa sa sinabi niya dahil naalala ko na naman kung paano kami naging magkaibigan.
"Sadya talagang ayaw ko lang na may lumalapit sa akin except kay Eurika."
*****
COEN
"MANIEGO!" Sigaw ko sa galit habang ramdam ko na ang frustration sa ginagawa. Kailangan ko pang tapusin itong mga papers at maghahanda para sa press bukas kaya hindi ako magkanda-ugaga sa ginagawa. Ang babaeng 'yon lagi na lang siyang late pumasok. Mag-iisang oras na pero wala pa rin siya sa companya. Damn it!
"Sir." Tawag ni Farah dahilan para mapaangat ako ng tingim. Si Farah ang ssa sa mga empleyado ko rito.
"Where's Maniego?" Inis kong tanong sa kaniya at bakas sa mata nito ang takot.
"S--sir n--nakalimutan niyo na po ba? Day off ngayon ni Miss Maniego." Aniya. Napamura ako ng makita ang kalendaryo sa gilit ng table. It's saturday at hindi ko man lang napansin dahil nakatuon lang ang atensiyon ko sa companya.
"Call her." Mariin kong utos sa kaniya.
"Sir--"
"I said call her!" Putol ko sa kaniya.
"Yes sir." Saad nito kasabay ng pagyuko at dali-daling tumakbo paalis.
*****
SAMANTHA
Ilang minuto lang ng magpaalam na si Trevour para puntahan ang restaurant niya dahil wala naman siyang pasok.
"Mauuna na ako Sam."
"Sige ingat sa biyahe." Tumango-tango naman siya at pumasok na ng kotse niya. Habang kumakaway ako sa kotse nitong papalayo ay biglang nagring ang cellphone ko sa bulsa. Nakunot ang noo ko ng mapansin na ungknown number iyon. Sinagot ko na lamang ang tawag.
"Hello sino po sila?"
[Miss Maniego pinapatawag po kayo ni sir Coen ngayon na.] Tumaas bigla ang kilay ko at nilipit sa kabilng tenga ang cellphone.
"Pakisabi diyan sa boss mo na wala sa napag-usapan ang papasok ako tuwing day off. Salamat bye--"
[Sandali Miss Maniego!] Putol niya. [Mukhang nagwawala na ngayon si sir sa opisina niya hindi na namin alam ang gagawin.] Rinig ko sa kabilang linya ang takot sa boses niya. Napahilot na lang ako sa sentido dahil sa irita. Kahit kailan ang monster arrogant na 'yon pati day off ko sinisira! Ito na nga lang ang tanging araw para makaramdam ako ng payapang paligid pero mukhang hindi na mangyayari iyon. Napabuntong hininga na lamang ako dahil nakokonsensiya rin ako sa mga empleyado na takot kay Coen.
"Papunta na ako"
[Salamat Maam!] Masiglang nitong sambit kaya pinatay ko na ang tawag at hinubad ang uniporme ng mini store ni tita. Sakto naman na papunta na rin si tita dito.
"Saan ka pupunta?" Kunot noong tanong niya.
"Magpapaalam po sana ako para bumalik sa trabaho dahil hinahanap ako ngayon ng boss ko." Tumango-tango naman siya kaya nagmamadali akong umuwi at nagpalit ng damit.
Habang nasa biyahe ay napansin ko na naman ang traffic. Kung minamalas nga naman! Araw-araw na lang ba may traffic sa pilipinas?
Bumaba na lang kaagad ako ng jeep at nagbayad kay manong. Tumakbo na lamang ako papasok sa trabaho dahil sigurado'y nag-uusok na naman ang ilong ng boss ko.
"You're late!" Bungad na sigaw ni Coen. Napamewang naman ako at napansin ang frustration sa kaniyang mukha.
"Late? Seriously Mr. Coen Salazar? Today is my day off at wala sa napag-usapan natin na pati day off ko ay magiging sekretarya mo ako." Napaangat naman siya ng tingin habang ang mapupungay nitong mata ay galit na nakatingin.
"Don't forget your contract Miss Maniego." Pagbabanta nito. Napapikit ako ng mariin para hindi magalit sa kaniya.
"Fine!" Wala na akong nagawa pa kung hindi tulungan siya sa kaniyang ginagawa. Pero ang pagtulong ko na iyon puro kapalit naman ay sigaw niya. Psh! Kung hindi ko lang talaga siya boss baka nasapak ko na ang mukha niya sa inis.
To be continued...
A/N: Another chapter is done! Salamat po sa mga sumusupporta sa akin hanggang ngayon, hope na hanggang dulo ay nariyan pa rin kayo.
YT channel: Hoaxxe
Instagram: aldwinalo
FB group: Hoaxxe Stories