SAMANTHA
PAGKAPASOK sa loob ng bar ay bumungad kaagad sa akin ang malakas na musika at amoy ng sigarilyo. Napatakip na lamang ako sa ilong at naglakad na papunta sa opisina ni sir Jackson. Kumatok muna ako ng dalawang beses at narinig ko naman na sumigaw itong 'pasok'. Pagbuksa ko ng pinto ay nagulat ako sa nakita ko kaya dali-daldai akong tumalikod. Ilang beses ko ng nakikita na may nakapatong na mga babae kay sir Jackson. Minsan nga nakikipaghalikan pa siya kung kani-kaninong babae.
"We continue, you may go now." Aniya sa babaeng nakapatong sa kaniya. Narinig kong umangal pa ito pero wala ng nagawa pa at umalis. Bago pa siya lumabas ng silid ay tinapunan pa ako nito ng nakakamatay na tingin. Inirapan ko na lang siya at hinarap na si sir Jackson.
"Samantha! Why are you here?" Ngiting tanong nito at sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya ang may ari ng companyang iyon sir Jackson?" Napakamot naman siya sa batok at inayos ang butones ng kaniyang blue polo long sleeves.
"About that I'm sorry." Aniya at napabuntong hininga na lamang ako. Wala naman akong kaparatan na magalit sa kaniya dahil tinutulungan niya lang din ako na makahanap ng trabaho.
"Patawad din kung pinagtaasan kita ng boses sir pero salamat na lang po sa ginawa niyo kaso lang hindi ko kayang magtrabaho sa kaibigan niyong 'yon. Ang arrogante niya." Natawa siya sa huli kong sinabi habang nakahawak pa sa tiyan.
Kumaway na lang ako habang naglalakad na palabas ng opisina ni sir. Kailangan ko ng maghanap ng trabaho dahil kapag nalaman ni tita na wala ay siguradong paalisin niya ako ng bahay. Iyon ang usapan naming dalawa dahil kailangan ko rin tumulong sa mga bayarin sa bahay.
"Mukhang ang lalim ng iniisip ah." Nabalik ako sa huwisyo ng magsalita si Trevour habang abala sa pagtitipa sa kaniyang laptop. Kakagaling niya lang ng klase at ng matapos na siya ay naisipan daw niya na tummabay dito para gumawa ng assignments.
Pagkagaling ko ng opisina ni sir Jackson ay dumiretso na kaagad ako ng mini stop ni tita para magbantay. Nagtakha siya dahil bakit daw ang aga ng uwi ko samantalang dapat mamaya pang gabi ang tapos ng trabaho ko sa bar. Sinabi ko na lang na pinauwi ako maaga ng amo ko.
"Tsk, kaya ka lang naman nandito dahil kapag ako ang nagbantay ay nakakalibre ka ng wifi." Ngising sagot ko na kinatawa naman niya.
"Kamusta ang interview mo? Base kasi sa mukha mo ngayon..." sabay tingin nito sa akin mula paa hanggang mukha. "Mukhang badtrip ka." Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya pinagtawanan niya lang ako.
"Kung mang-iinis ka lang makakaalis ka na."
"Hindi ka naman mabiro, bakit kasi nakabusangot iyang mukha mo?" Tanong niya kaya naglakad na lang ako papunta sa pwesto niya at umupo.
"Dahil sa lalaking iyon nasira ang araw ko ngayon." Nakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.
"What do you mean?"
"Ang boss pala ng Salazar company na balak kong pasukan ay iyong lalaking nagpatalsik rin sa akin sa trabaho ko sa bar. Kainis!" Pagmamakatol ko at ininom ang chuckie ni Trevour.
"Huwag mo naman ubusin iyang pagkain ko!" Sabay agaw niya sa chuckie at itinabi. "Alam mo Sam kapag professional kang tao hindi ka magpapaaekto sa bagay na pinag-awayn niyong dalawa. Ayaw mong magtrabaho sa restaurant ko tapos ngayon na may opportunity na sa harap mo ay tinanggihan mo pa. Bigatin na nga ang companya na papasukan mo nagmataas ka pa." Iiling na sambit nito. Wala na akong mahugot na salita dahil sa mga sinabi niya. May punto siya dahil kung desidido akong magkaroon ng trabaho bakit magpapaapekto ako sa nangyari noong gabi sa bar? Bigla tuloy akong nagsisi na sinagot ko ang lalaking iyon kahit na arrogante siya.
"Ano ng gagawin ko? Pinunit ko pa naman iyong resume sa harapan niya mismo." Nakangusong saad ko dahilan para maibuga niya ang chuckie na iniinom.
"What the?! Really Samantha? Ginawa mo 'yon sa isang sikat na billionair?" Napakagat ako sa ibabang labi at tumango.
"Hindi ko lang mapigilan ang galit na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya sa bar." Napapikit naman siya ng mariin at napailing.
"Mukhang wala ka ng magagawa pa dahil siguradong bagsak ka na agad sa interview dahil sa inasal mo." Para akong tuta na pinapagalitan ng amo kaya napayuko na lang ako. "Paano kung ipakulong ka niya dahil sa ginawa mo?" Mabilis akong napadilat at tinitigan siyang naguguluhan.
"Ano'ng ang ibig sabihin ng sinasabi mo?"
"Hindi mo muna pinag-isipan ang ginawa mo Sam." Mabilis akong lumapit sa kaniya na puno ng takot na nararamdaman.
"Ano ng gagawin ko Trevour? Paano kung ipakulong niya talaga ako? Paano na ako nito? Hindi ko kayang makulong!"
"Kalma Samantha okay? Hindi ako papayag na makulong ka dahil marami akong kakilala na mga lawyer so don't worry." Aniya. Biglang lumuwag ang aking paghinga dahil sa sinabi niya. "Bumalik kang muli doon Samantha at humingi ng tawad."
"Ano? Kailangan ko ba talagang gawin 'yan?" Kinakabahan kong tanong at tumango naman siya.
"Iyan lang ang tanging paraan para hindi na lumaki pa ito Sam lalo na't malakas na tao si Coen Salazar." Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa takot na nararamdaman. Bakit hindi ko man lang naisip ang kahihinatnan ng ginawa ko? Ang b*bo mo talaga Samantha! Inig na bulong ko sa sarili.
Ilang oras rin kaming nagkausap ni Travour hanggang sa nagpaalam na siya para puntahan ang restaurant niya kaya naiwan naman akong mag-isa sa store na nakatulala sa tv. Ng marinig ko ang Salazar Company ay itinuon ko kaagad ang aking atensiyon at nilakasan ang volume.
'Ano naman po ang masasabi niyo dahil nangunguna na ang inyong companya? Hindi po ba kay natatakot sa mga makakalaban ninyo?' Tanong ng reporter kay Coen na nakangiti pa ng malapad.
'I'm always ready to all my competitors.' Ngiting sagot niya. Tsk, hindi ko alam biglang nag-init na naman ang ulo ko. Marunong rin pala siyang umarte mas bagay pa sa kaniya na maging isang artista kesa maging isang businessman. Pero Impyernes ang gwapo niya ngayon-- wait sinabi ko bang gwapo siya? No! Stop thinking about him Samantha.
Nilipat ko na lang ang channel at napansin kong mas lalong dumarami ang mga customer ngayon. Napaunat ako dahil sa pagod na nararamdaman kaya kumain na lang ako ng hapunan dahil hindi ko man lang napansin na mag-aalas siyete na pala ng gabi. Pumunta si tita ng store pero sinabi niya na may gagawin siya kaya ako muna ang magbabantay at magsasara nito tutal naman daw ay wala akong pasok.
Kumain na lang ako ng noodles at tinapay. Nilagay ko na rin sa bag ko ang mga malapit ng maexpired na pagkain para iuwi dahil minsan ito ang obinabaon ko tuwing pumapasok ako sa trabaho. Napahinto ako sa pagkain ng bumukas ang pinto at niluwa niyong ang isang magandang babae. Aaminin kong kahit pa morena siya ay napakaganda niya.
"Magandang gabi po." Nakangiting bati ko rito na nakaformal attire pa.
"Are you Miss. Samantha Maniego?" Tanong nito na kinatango ko naman. Dahan-dahan naman siyang lumapit sa akin at nilapag ang isang envelope.
"Sign this contract." Nakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Sorry?" Inayos naman niya ang kaniyang suot at nilahad ang kamay.
"I'm Catherine Lopez and I'm here as a lawyer of Mr. Coen Salazar." Unti-unting bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa takot na nararamdaman. Ito na ba ang sinasabi ni Trevour?
"P--please hindi ko naman intensiyon na galitin ang lalaking 'yon dahil 'di ko lang mapigilan ang sarili ko na patulan siya dahil kasalanan rin niya kung bakit nawalan ako ng trabaho. Kaya please huwag mo po akong ipakulong." Sabay saklop ko ng palad at lumuhod sa kaniyang harapan. Bigla na lamang siya tumawa ng malakas at inalalayan akong tumayo.
"Huwag ka ngang lumuhod sa harapan ko at sinong nagsabi sa'yo na makukulong ka?" Naiiling na saad nito.
"Hindi ako makukulong?" Tumango-tango naman siya.
"I'm here for you to sign the contract dahil simula bukas ay magsisimula ka ng magtrabaho sa Salazar Company." Aniya. Napatakip naman ako sa bibig dahil sa gulat.
"Totoo ba ang naririnig ko?" Pagkukumpirma ko.
"Yes and he said na wala ka ng magagawa pa dahil kung hindi mo pipirmahan ang kontrata ay baka mauwi sa kaso ang lahat." Napalunok ako sa kaba. Naiisip ko pa lang na nasa kulungan ako ay parang mababaliw ako.
"Pumapayag na ako." Mabilis kong sagot. Ngumiti naman siya at inabot sa akin ang ballpen.
"Sign this contract para matapos na ang lahat Miss Maniego." Sambit nito. Napakagat ako sa ibabang labi at kinuha sa kaniya ang ballpen. Ito lang ang tanging paraan para hindi ako maikulong ni Mr. Salazar kahit pa labag ito sa aking kalooban. Ng matapos ko ng pirmahan ang contract ay ibinalik ko naman ito sa kaniya. Nilahad naman niya ang kaniyang kamay kasabay ng pagngiti.
"Inaasahan ko na magsisimula ka ng magtrabaho biglang isang sekretarya ni Mr. Salazar." Namilog ang aking mata at gulat na napatayo.
"Ano?! Sekretarya? Akala ko ba ay isang empleyado lang?" Umiling naman siya at kumindat.
"Sorry Miss Maniego pero iyon ang kaniyang hiling kaya mauuna na ako. Thank you again for your time." Pagpapaalam nito at lumabas na ng store. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko at pilit iniisip kung tama ba ang narinig ko. Isang sekretarya ng arroganteng lalaking 'yon? Naiisip ko pa lang na makakasama ko siya ay nag-iinit na ang ulo ko sa inis. 'Di ko alam kung bakit sa tuwing naaalala ko ang pangalan niya ay mas lalo lang akong nabubwisit.
*****
COEN
NAPATINGIN ako sa pinto ng makarinig ng katok. "Pasok." Napaangat ako ng tingin ng makita si Catherine. "How's the contract?" Ngumisi naman ito at nilapag sa lamesa ko ang envelope.
"Natapos ko na ang trabaho ko kaya gawin mo rin ang sinabi mo." Napatango-tango naman ako at inabot sa kaniya ang tseke. Napangiti naman siya at tinanggap ang tseke.
"Goodjob hindi ako nagsisi na ikaw ang pinili ko." Napatango-tango naman siya habang tinititigan ang tseke.
"Alam mo ngayon ko lang ulit napansin na nagkaroon ka ng interesado sa isang babae except sa mga nilalandi mo cous." Aniya. "Goodluck to your plan aalis na ako." Sabay kaway nito paalis.
Tinititigan ko pa rin ang papel na pinirmahan ni Samantha at 'di ko maiwasan gumuhit ang ngiti sa aking labi. Napatingin muli ako sa pinto ng bumukas iyon at niluwa niyong si Chase.
"Mukhang ang saya natin ngayon, may maganda bang nangyari sa'yo Mr. Salazar?" Nawala ang ngiti sa labi ko at nginisian siya. Ipinasok ko na lang muli ang papel sa envelope at itinabi sa cabinet.
"What do you want Chase?" Walang gana kong sagot.
"Nalaman mo na ba iyong tungkol sa reunion ng batch natin noong high school? Pre mamayang gabi na pala gaganapin." Saad nito at mababanaad ang saya sa kaniyang mukha.
"I'm not interested." Napanguso naman siya at umakbay sa balikat ko na kaagad ko naman tinanggal.
"Bakit? Apektado ka pa rin ba sa babaeng nang busted sa'yo?" Aniya kasabay ng pagtawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahilan para bumalik na naman sa alaala ko ang nakaraan na matagal ko ng kinalimutan.
Habang nakatayo sa gitna ng court ay hindi ko maiwasan ang kabahan at maramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Ito na ba ang sinasabi nilang love? Sh*t pakiramdam ko parang lalabas na sa katawan ko ang puso ko. Napatingin ako kay Chase na nakatayo sa pinto ng court at hinihintay ang kaniyang signal. Si Jackson kasi ang tumawag kay Sammie para sabihin na kunwari'y hinihintay siya ng kaniyang kaibigan pero ang totoo niyan ay magtatapat na ako sa kaniya ng nararamdaman ko. Minsan sinisisi ko rin ang sarili ko kung bakit hindi ko kaagad sinabi ang nararamdaman ko sa kaniya.
"Nandiya na siya!" Sigaw ni Chase mula sa pinto at tumakbo na paalis. Inayos ko muna ang aking neck tie dahil ramdam ko na ang pagpatak ng pawis sa aking noo. Ilang minuto rin ng bumukas ang pinto at hindi kalayuan sa pwesto ko ay natatanaw ko si Sammi na tagaktak pa ang pawis. Lumibot ang tingin nito pero ng makita niya ako ay nakunot ang noo nito. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad dahan-dahan papalapit sa kaniya.
"Bakit nandito ka? Nasaan si Eurika?" Tanong nito habang nag-aalala. Ngumiti naman ako at inabot sa kaniya ang tumpok ng bulaklak.
"Wala si Eurika dito." Sagot ko at nagsalubong naman ang kaniyang kilay.
"Ano?! Pinagtitripan mo ba ako?"
"Sammie--"
"Huwag mo ngang banggitin ang pangalan ko dahil hindi kita kilala sorry aalis na ako." Tatalikuran na sana niya ako ng hatakin ko ang kamay niya.
"Wait Sammie." Mabilis naman nitong tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa kaniya. "M--may g--gusto sana akong sabihin sa'yo." Nauutal kong sambit. D*mn! Kahit pigilan ko ang hindi mautal parang may sariling buhay ang bibig ko.
"Sabihin mo na dahil kailangan ko pang bumalik at tapusin ang ginagawa ko." Napangiti ako habang tinititigan ang kaniyang mata. Siguro kung nasa tamang edad na ako ay baka lumuhod na ako sa kaniya at hingiin ang palad niya.
"I-- I like you Sammie." At tuluyan ko na ngang nasabi ang nararamdaman ko. Tila nakahinga ako ng maluwag ng masabi ko na ang nararamdaman ko sa kaniya at sobrang saya ko.
"Hindi kita gusto." Parang nanlumo ako sa sinagot niya. Biglang gumuho ang mundo ko ng marinig ang mga salitang binitawan niya. Habang naglalakad na siya papalayo ay para bang may nawala sa akin.
'Hindi kita gusto'
Simula ng masaktan ako ng araw na 'yon ay tinulungan ako nila Chase at Jackson tungkol sa mga babae. Hindi mo dapat sineseryoso ang mga katulad nila dahil gagamitin ka lang din nila para sa pansariling kaligayahan. Tinuruan din nila akong dalawa kung paano mag-ayos kaya heto na ako. Hinahabol ng mga babae at pinagnanasaan.
"Oy Coen!" Sigaw ni Chase dahilan para mabalik ako sa huwisyo. Tinulak ko naman siya papalayo dahil ang lapit niya na sa akin.
"Umalis ka na bago pa uminit ang ulo ko sa'yo." Bago pa siya umalis ng tuluyan ay sinabi niya na gaganapin ang reunion sa dinner are ng hotel.
*****
SAMANTHA
HABANG abala sa pagsasara ng store ay bigla akong nakatanggap ng text galing kay Euri. '9 pm don't forget Sammie' text nito. Napabuga naman ako ng hangin habang binabasa ang text nito. Ang totoo niyan kaya lang naman ako nakapasok sa magandang school noon ay dahil nagpapadala pa ng pera si tito sa akin para sa pag-aaral ko. Sobrang bait ni tito pero ng magkaroon na ito ng pamilya ay ako na mismo ang tumanggi dahil nakakahiya na magpadala pa siya sa akin. Itinuloy ko naman ang pagkokolehiyo ko sa isang pampublikong paaralan at naging isang scholar pero hindi sapat ang pera na nakukuha ko sa scholar kaya tumigil muna ako sa pag-aaral.
Tinanggal ko na ang uniporme na suot ko at itinago sa locker kasabay ng paglock ng store. Naglakad na ako pabalik sa bahay para mag-ayos. Wala naman akong magagawa dahil kahit hindi ako pumunta ay magpupumilit si Eurika at pupunta pa iyon ng bahay para sunduin ako. Alam ko na ang ugali niya kaya sanay na ako doon. Hindi mo siya madadaan sa pagdadahilan.
"Nandito na po ako!" Sigaw ko at naabutan ko naman si tita na nagliligpit ng mga damit.
"Sinigurado mo bang sarado ang tindahan?" Tanong nito na kinatango ko.
"Opo tita at magpapaalam po sana ako na baka anong oras na ako makakauwi dahil may reunion kami--"
"Kahit huwag ka ng umuwi Samantha hindi mo na kailangan pang magpaalam." Aniya. Naitikom ko naman ang aking bibig at hindi na sumagot pa. Nakayukong umakyat na lang ako sa kwarto para maghanda sa sarili. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Tara na nakasuot ng magarbong damit na kumikinang pa.
"Ano sa tingin mo maganda ba?" Masayang tanong nito. Hinarap naman niya ako ng hindi ko sagutin ang tanong niya. "Magkakaroon ng reunion ang batch natin kaya kung ako sa'yo ay hindi ka na lang dadalo." Umiwas naman ako ng tingin at itinabi ang bag sa kama.
Ilang minuto rin bago umalis si Tara kaya naiwan na akong mag-isa sa kwarto at pinag-iisipan kung dadalo sa reunion. Ng maisip kong hindi na lang ako pupunta ay nakatanggap ulit ako ng text galing kay Eurika.
'Huwag mong tangkain na hindi dumalo Sammie dahil kilala kita!'
Napapikit ako ng mariin at napasapo sa mukha. Pupunta ba ako?
To be continued...
A/N: Please huwag kalilimutan na ifollow ako sa i********: at sumali na rin kayo sa group ko.
Instagram: aldwinalo
FB group: hoaxxe stories