SAMANTHA
NANLAKI ang mga mata ko ng marinig ang sinabi ni sir Jackson. Natawa ako ng mahina para isipin na siguro'y nagbibiro lang siya.
"N--nagbibiro k--ka lang sir hindi ba?" Umiling naman siya habang prentang nakaupo sa swivel chair at pinaglalaruan ang kaniyang kamay.
"Patawad Samantha but you're fired." Mabilis ako napaluhod para humingi pa ng isang pagkakataon.
"Sir bigyan niyo pa po ako ng isang pagkakataon at gagawin ko ang lahat--"
"Samantha I know that you're a good person but sometimes your good heart can affects your job. Hindi sa lahat ng oras kailangan mong maging mabuti." Naramdaman ko na lang ang unti-unting pagpatak ng luha sa aking mga mata. Ng dahil sa nagawa ko kagabi ay nagdulot iyon para mawalan ako ng trabaho. Sinabi nito na maraming mga tao ang naiinis sa akin dahil sa pinagbabawal ko silang magtapon ng basura sa harap ng bar. Dahil lang doon ay natanggal ako. Ano bang masama ang sumunod sa rules and regulation ng bar? Ang gusto ko lang naman ay magiging malinis kahit papaano ang paligid.
Siguradong hindi ko na mababago pa ang desisyon ni sir Jackson dahil mukhang desidido siya na tanggalin na ako sa trabaho.
"Ayos lang sir salamat po." Dahan-dahan na akong napatayo mula sa pagkakaluhod at pinunasan ang luha sa aking mga mata. Ano ng gagawin ko ngayon? Wala na akong trabaho at mawawalan na rin ako ng pera para sa panggastos ko sa araw-araw? Naiisip ko pa lang na maghahanap muli ako ng trabaho ay hindi magiging madali ang lahat lalo na at high school lang ang natapos ko.
Hawak ko na ang doorknob para lumabas ng biglang nagsalita si sir Jackson.
"Wait." Pigil nito dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. "I have an offer to you so you don't need to worry about to find job." Aniya habang may ngiti sa labi. Mabilis naman ako napaharap sa kaniya.
"Ano po 'yon sirJackson?" Napansin kong may sinulat ito sa pilas ng papel kasabay ng pag-abot niyon sa akin.
"Take this and don't be late tommorrow to your interview." Napatango-tango naman ako sa sobrang saya.
"Maraming salamat po dito sir Jackson." Napatitig pa ako sa maliit na pilas ng papel habang binabasa ang nakasulat doon. Salazar Company.
Nagpaalam na ako kay sir Jackson para ligpitin ang mga gamit ko sa locker. Kahit papaano ay natulungan pa rin ako ni sir Jackson na maghanap ng trabaho kaya sobra ang sayang nararamdaman ko. Nakakahiya mang isipin pero kakainin ko na ang pride ko makahanap lang ng trabaho ngayon. Matagal na akong ulila sa magulang kaya nakatira ako ngayon sa tiyahin ko kasama ang anak niyang babae. Hindi ko ba alam kung bakit ang init ng ulo nila sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama. Pero hindi ko mababago ang katotohanan na kapamilya ko pa rin sila.
Habang nasa biyahe pauwi ay nakatingin lang ako sa pilas ng papel kung saan nakalagay ang companya na papasukan ko. Mukhang yayamanin ang may-ari nito pangalan pa lang ng companya eh. Naramdaman ko na lang ang pagtunog ng cellphone ko sa bulsa at nakatanggap ako ng text galing kay tita. 'Dumiretso ka muna dito sa mini stop at ikaw ang magbabantay.' Sumagot naman kaagad ako hanggang sa ilang minuto lang ay bumaba na ako ng bus at naglakad papunta sa mini stop na pagmamay-ari nito. Inabot niya sa akin ang uniporme kaya nagpalit kaagad ako.
"Aalis lang ako para magbayad ng kuryenta kaya huwag mong tangkain na bawasan ang pera dito maliwanag?" Dali-dali naman akong napatango.
"Opo."
"Sige na mauna na ako." Aniya at naglakad na palabas kaya nagsimula na akong mag-ayos ng sarili at pumwesto. Maraming mga customer ngayon kaya medyo nakakagod din magtrabaho. Habang wala pang customer ay nagcellphone na lang ako at sinearch ang tungkol sa Salazar company. Tila nanlaki ang mga mata ko ng bumungad sa google ang sikat at kilalang companya at hindi nga ako nagkamali na bigatin ang may ari. Pero ang nakakapagtakha ay paano kaya nalaman ni Coen na naghahanap sila ng baong empleyado? Weird.
Ng pipindutin ko na ang litrato ng may-ari ng companya ay naputol bigla ng may kumatok sa lamesa ng counter.
"Mukhang abala ka sa pagtatrabaho ngayon, baka yumaman ka na niyan." Sabay ngiti ni Trevour. Natawa naman kaagad ako at kinuha ang binili niyang pagkain.
"Naghahanap lang ng trabaho lalo na natanggal ako sa bar na pinapasukan ko. 350 pesos lahat." Inabot naman kaagad niya sa akin ang bayad.
"Bakit hindi ka na lang pumasok sa restauran ko?" Pang-aalok nito. Napailing naman ako at binalot na sa paper bag ang binili niya.
"Alam mo naman ang nangyari noon kaya ayaw ko ng maulit pa Trev dahil nahihiya na ako sa'yo."
Simula kasi ng masangkot ako sa gulo sa restaurant ni Trevour ay pinili ko na lang na magresign dahil ako na ang nahihiya sa kaniya. Noong mga araw na kasi 'yon ay naabutan ko ang ex ko na may kasamang ibang babae kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na pagbuhulin silang dalawa. Alam mo iyong pakiramdam na nagdilim iyong paningin mo? Ganoon ang nararamdaman ko ng mga araw na 'yon.
"If you change your mind you can call me." Napatango-tango naman ako.
"Salamat." Isa kasi si Trevour na naging close ko noong 3rd year college pero ng 4th year college na ako ay tumigil muna ako para pagtuonan ng pansin ang trabaho ko. Hindi pa kasi sapat ang naipon kong pera para sa tuition fee na magagastos. Mabuting kaibigan si Trevour dahil siya lang ang nalalapitan ako tuwing may problema katulad ng panggag*go sa akin ng ex ko at ng kaibigan ko.
Ilang minuto rin kaming nagkwentuhan hanggang sa nagpaalam na si Trevour para pumasok sa school. Mahigit ilang oras rin akong nagbantay hanggang sa napansin ko na lang na mag-aalas sais na pala ng gabi kaya sinimulan ko ng ayusin ang mga dapat alisin. Tinatanggal ko kasi ang mga pagkain na malapit ng maexpired at ang iba naman ay kinakain ko na lang. Habang abala ako sa pag-aayos ay napansin ko ang pagpasok ni Tara.
"Kapag dumating si mama pakisabi na magssleep over ako sa bahay ng kaibigan ko." Mataray na saad nito.
"Alam mo naman na magagalit si tita kapag nalaman niyang--"
"Ano ba Samantha iyon lang naman ang sasabihin mo hindi mo na kailangan ipakita na concern ka okay? Sige na aalis na ako." Sabay kaway nito paalis. Napabuntong hininga na lamang ako. Nagpatuloy na muli ako sa pag-aayos hanggang sa may dumating ng customer kaya inasikaso ko muna. Ng mapansin kong wala ng bumibili ay umupo na lamang ako at kinain ang mga tirang pagkain.
Mahigit ilang minuto rin ng matapos na akong kumain at niligpit ang mga iba pang pagkain. Mahigit ilang oras rin bago ko naisipan na isarado na ang tindahan at umuwi na sa bahay. Ilang minuto din ang lakaran pauwi sa bahay. Ng makarating na ako sa bahay ay naabutan ko si tita na naghahanda na ng hapunan.
"Tawagin mo na ang pinsan mo at kakain na tayo." Aniya.
"Tungkol po pala diyan, si Tara po ay matutulog daw sa bahay ng kaibigan niya." Sagot ko at napatigil naman siya sa ginagawa, Kunot noong tumingin ito sa akin.
"Kahit kailan talaga ang batang 'yon hindi nagpapaalam sa akin." Inis na bulong nito sa kaniyang sarili. "Sige na umalis ka na sa harapan ko at baka mawalan pa ako ng gana kumain." Tumango naman ako at umakyat na sa itaas ng kwarto.
Sanay na akong hindi sumasabay sa kanila sa pagkain dahil isa rin iyon sa utos ni tita dito sa bahay. Ng makaakyat na ako sa kwarto ay napatitig ako sa litrato ni mama habang nakahiga sa kama. Mama kung nasaan ka man alam kong binabantayan mo ako, sisiguraduhin kong magiging isang mayaman na tao rin ako balang araw katulad ng huli mong hiling. Hindi ko napansin ay tumulo na pala ang luha sa aking mga mata. Tandang-tanda ko pa ang mga araw na 'yon at sobrang lubha na ng sakit ni mama. Pinilit ko siyang magpagamot sa doctor pero tumanggi siya dahil sinabi nito na wala ng pag-asa ang buhay niya at ayaw niyang mahirapan ako sa pag-alaga sa kaniya. Akala ko nagbibiro lang si mama pero napansin ko ng matulog kaming dalawa ay nalagutan na siya ng hininga.
Ilang oras rin ang lumipas hanggang sa napansin kong alas nuwebe na ng gabi at siguradong tapos ng maghapunan niyon si tita kaya bumaba na ako sa kusina. Kinain ko na lang ang mga natirang ulam at mukhang sakto naman sa akin dahil nabusog ako kahit papaano.
Pagkaakyat ko sa kwarto ay nagsimula na akong maghanda ng mga susuotin bukas para sa interview. Ang nakakapagtakha ay sinabi ni sir Jackson na maghanda ako para sa interview kahit wala pa akong naipapasa na resume. Weird. Ng matapos na akong maligo ay nahiga na ako sa kama at natulog na dahil gigising pa ako ng maaga.
Kinabukasan ay medyo naging traffic at pahirapan sa pagsakay ng bus ngayon dahil punuan. Napatingin na lamang ako sa aking cellphone at alas nuwebe na ng umaga kaya nakipagsiksikan na lang ako para makasakay ng bus. May mga nang-aalok sa akin na umupo pero kaagad akong tumatanggi at ang pinapaupo ko ay ang mga matatanda.
"Salamat apo." Ngiting sambit ni lola.
"Wala po iyon lola." Sabay kindat ko dito.
Ilang minutong pag-hihintay ay kaagad akong pumara ng mapansin ang gusali ng Salazar Company. Napahanga ako sa taas nito at kulang na lang ay mabali ang leeg ko sa taas. Hindi ko ba alam kung inaabot ba ng building na 'to ang langit sa sobrang taas. Inayos ko muna ang aking sarili para siguraduhing disente akong tignan.
Nagsimula na akong maglakad papalapit doon at mukhang tama nga si sir Jackson na naghahanap sila ng bagong empleyado dahil sa nakasulat na sign nito sa glass door. Naglakad na ako papasok sa loob at sumalubong kaagad sa akin ang lamig ng aircon. Nagtanong na rin ako kay manong guard kung saan ang pupunta ang mga mag-aapply at itinuro naman niya na sa third floor ang interview.
"Salamat po." Pagpapasalamat ko at sumakay na ng elevator kasabay ng pagpindot sa number 3. May mga nakabasay rin ako sa elevator at mukhang mag-aapply din sila. Hindi ko alam bigla akong napatitig sa mga ginagawa nila dahil nakatingin sila sa repleksiyon ng sarili sa elevator habang inaayos ang hapit na kasuotan. Iyong isa naman ay pinupush paitaas ang kaniyang bra. Umiwas na lamang ako ng tingin at kinuha ang cellphone mula sa bulsa para sabihin kay tita na baka anong oras na ako makakauwi. Ilang minuto lang ng tumunog na ang elevator at pinauna ko na silang makalabas habang nakasunod lamang ako sa kanila.
May isang babae na sa tingin ko ay kasing edad lang namin ang lumapit sa amin habang nakangiti.
"Tatawagin na lang kayo kung kayo na ang susunod." Aniya at kinuha ang mga resume namin. Umupo muna kaming lima sa isang bench habang hinihintay na tawagin ang pangalan namin. Bigla na lamang may lumabas sa opisina ni Mr. Salazar habang nagwawala sa inis. Marami tuloy ang nagbulungan sa paligid at sinabi nilang kapag ganiyan daw ang naging reaksiyon ng mga ininterview ay bagsak na. Kinabahan tuloy ako bigla kaya kinabisado ko na ang mga sasabihin ko hanggang sa--
"Miss Samantha Maniego!" Sigaw ng isang babae. Nakunot ang noo ko kahit pati ang mga babae dito. Kasi naman bakit ako ang sumunod imbes na mauuna ang mga nasa harapan ko. Napalunok bigla ako sa kaba at tumayo. "Goodluck to you." Ngising sambit niya at tila hindi ko gusto ang mga tinginan na iyon.
Habang papalapit ng papalapit ako sa opisina ni Mr. Salazar ay kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso ko. Pagpihit ko ng doorknob at naglakad na ako papunta sa gitna habang nakatayo ng diretso--
"Hi ako nga po pala si Samantha Maniego at--" tila nagyelo ang dila ko at hindi ko na magawa pang ituloy ang sasabihin dahil sa taong prentang nakaupo sa swivel chair habang ang mala-chocolate nitong mga mata ay diretsong nakatingin sa akin.
"Feel free to speak miss Maniego." Ngising aniya na parang nang-iinsulto.
"I--ikaw? Ikaw si Mr. Salazar?" Nauutal kong sagot habang nakaturo sa kaniya. Dahan-dahan naman siyang tumango at pinagsaklop ang mga kamay sa kaniyang dibdib.
"Yes, why? Are you will going to shout at me?" Hindi ko alam pero sa tono ng boses niya ay parang pinagmamalaki niya na siya ang may-ari ng companyang ito. Dahan-dahan akong napakuyom at lumapit sa kaniya. Nilabanan ko rin siya ng tingin kahit pa boss siya rito.
"Alam mo ba ng dahil sa'yo nawalan ako ng trabaho?!" Inis kong sigaw dito. Ngumiti naman siya at tumayo.
"That's good to hear," hindi ko na mapigilan pa ang kwelyuhan siya.
"Ano?! Nang-iinsulto ka ba? Hindi purkit ikaw ang may-ari ng companyang ito ay hindi na kita papatulan." Tinabig nito ang kamay ko at pinagpagan niya ang kaniyang coat. Natawa ako sa ginawa nito na para bang nandidiri sa akin. "Alam mo hindi talaga ako pumapatol sa mga walang utak." Pang-aasar ko at kinuha ang resume at pinunit sa harapan niya. Napansin ko ang gulat sa kaniyang mga mata pero napalitan din kaagad iyon ng galit.
"Wala na akong balak mag-apply dito." Sabay talikod ko pero bago pa ako makaalis ay huminto ako. "May nalimutan pala akong sabihin, siguro kahit mga empleyado mo ay kinaiinisan ka dahil sa ugali mo pa lang hindi na gugustuhin pakisamahan." Tuluyan na akong lumabas ng opisina niya habang nagsisisigaw siya sa galit. Maraming mga babae ang nagulat dahil sa ingay sa loob ng opisina ni Mr. Salazar.
"Nakakainis bakit sa dinami-rami pa ng pwedeng maging boss siya pa?! Aish kabadtrip!" Naiinis na bulong ko sa sarili. Kahit kailan talaga ipapahamak din pala ako ni sir Jackson.
Magkasabwat ba silang dalawa?
Hindi na ako nagdalawang isip pa na puntahan si sir Jackson sa bar kung saan naroon rin ang opisina niya.
*****
COEN
DAMN that woman! Sino ba siya sa akala niya para sabihan akong pangit ang ugali? She's f*cking insane!
"Sir ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ng empleyado ko. Napapikit na lamang ako ng mariin at pinapulot sa kaniya ang mga nagkalat na resume sa sahig.
"Hire that woman and put all that resume on the trash." Tuloy-tuloy kong utos sa tauhan. Mukhang nagulat pa siya sa sinabi ko pero sinamaan ko naman siya ng tingin. "Are you going to stand up there? Do what I say!"
"Y--yes s--sir." Kinakabahan na sambit nito at dali-daling lumabas ng opisina ko. Napahilot na lang ako sa sentido. Imbes na siya ang sosorpresahin ko ay nagkamali ako. She's different that I thought. Ibang klase ang babaeng iyon. Siya na nga itong nag-apply magtrabaho tapos siya pa ang magpupunit ng resume para lang sabihin na ayaw niya ng ma-apply? That is f*cking rude!
Napakuyom ako sa inis at tinawagan si Jackson. I know he planned this dahil alam niyang naghahanap ako ng bagong sekretarya.
[Did you enjoy my gift?]
"Did you f*cking planned all of this?!" Inis na tanong ko sa kaniya at narinig ko naman ang pagtawa nito sa kabilang linya.
[Yes, because I know you want to enjoy and make her for what she have done.] Paliwanag nito.
"She's different Jackson and she tore her own resume in front of me! That's woman is getting into my nerves!"
[Chill Mr. Salazar, nalimutan ko nga palang sabihin sa'yo na iba talaga ang babaeng 'yon.] Sabay tawa nito. Pinatay ko na lang ang tawag dahil mas lalo lang akong naiinis sa pinagsasabi niya. Weren't done yet you woman dahil sinisigurado kong magsisisi ka sa ginawa mo.
To be continued...
A/N: Guys follow my account at sali na kayo sa group for my readers please kahit iyon lang he-he-he
Instagram: aldwinalo
Fb group: Hoaxxe Stories