Chapter 5

2298 Words
SAMANTHA Hindi ko maiwasan ang mapahikab sa antok dahil mahigit alas nuwebe na ng gabi ay hindi pa rin tapos si Coen sa ginagawa niya. Wala naman akong magawa dahil bilang isang sekretarya niya ay kailangan na nasa tabi lang niya ako 24/7. Wala ng magagawa pa ang pag-angal ko dahil iyon mismo ang nakalagay sa kontrata ko. Kapag maraming gawain sa trabaho ay 24 oras akong nakabantay para sa mga utos niya. "Miss Maniego!" Tawag ni Coen kaya napatayo ako at kaagad na lumapit sa kaniya. "Give this to miss Niana at pasabi na kailangan ko na ito bukas para sa meeting." Napatango naman kaagad ako. "Yes sir." Sabay kuha ng mga papers. Papalabas na sana ako ng opisina ng bigla nitong tinawag ang apelyido ko. "Miss Maniego." Napaikot naman ako ng tingin. "You may go now." Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil sa sinabi niya o dapat akong matakot dahil baka sinasaniban na siya ng masamang espiritu kaya niya nasasabi iyan. Tumaas bigla ang kilay nito dahil napansin niya siguro na nakatingin pa rin ako sa kanya. "Why are you looking at me like that?"  "May sakit ka ba? O may turnilyong natanggal diyan sa utak mo?" Pang-iinsulto ko at napansin kong umusok na naman ang ilong niya. "I'm just kidding hindi ka naman mabiro." Sabay sarado ko ng pinto at baka bawiin niya pa ang sinabi niya. Dali-dali akong naglakad papunta sa team office kung saan naroon pa rin ang ibang team abala na ginagawa ang mga naka-assign sa kanila. Lumapit naman kaagad ako kay Miss Niana at inabot sa kaniya ang mga paper works. "Pinapasabi ni Co-- Sir Coen na kailangan na niya ito bukas." Napatango-tango naman siya.  "Thank you." Tatalikod na sana ako paalis ng matigil ako dahil sa tinawag nito ang pangalan ko. "Sandali!" Dahan-dahan naman akong humarap at ngayon ay napansin kong nakangiti na siya habang nakatayo. "May hihilingin sana akong favor... ano kasi... hindi pa kumakain si sir Coen ng hapunan kaya nag-aalala ako na baka gutumin na naman niya ang sarili niya ngayong gabi. Actually Coen's mom ask me to do this but I need to finish this presentation now."  "P--pero kasi--" "Please?" Putol niya habang nagmamakaawa ang mga mata. Napakagat na lang ako sa ibabang labi at tumango. Minsan gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa ugali kong ito. "Thank you Miss Maniego." Masiglang saad nito at inabot sa akin ang isang card na may nakalagay na pangalan ng restaurant. Sinabi niya na pumunta raw ako dito at nakahanda na ang pagkain kaya wala na akong poproblemahin pa sa bayad.  Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang ground floor. Habang nasa elevator ay 'di ko maiwasang mapatitig sa card na hawak ko dahil sa kakaibang pangalan nito. Mababasa mo pa lang ay mukhang mayaman na ang mga kumakain dito. Kaya pumayag rin ako na gawin ito ay malapit lang ang restaurant sa Salazar Company. Pagkapasok ko sa loob ng restaurant ay dumiretso kaagad ako sa cashier at ipinakita ang card. Mukhang alam naman niya ang tungkol dito. "Pakihintay na lang po ang pagkain." Aniya at tumango naman ako. "Salamat."  Ilang minuto lang ng iabot na niya sa akin ang paper bag na naglalaman ng pagkain kaya nagmamadaling naglakad ako pero bigla akong napahinto ng may babae nasa edad 50's ang huminto sa harapan ko. Dahan-dahan napadiretso ang tingin nito sa aking ID.  "Samantha Maniego. Are you working on Salazar Company?" Mataray nitong tanong dahilan para mapalunok ako sa takot. Pakiramdam ko ay kinikilatis nito ang bawat kilos ko at anumang oras ay baka biglang magkaroon ng giyera dito. Tumango naman ako. Napaatras ako ng itinaas niya ang kaniyang kamay at napapikit ng mariin dahil ito na ang eksenang inaasahan ko. Katulad ng mga nangyayari sa palabas tapos dadampi ang palad nila sa pisngi mo. Ipapahiya ka sa lahat ng tao hanggang sa masiyahan sila sa kanilang ginagawa. Ilang minuto na akong nakapikit ngunit wala pa ring palad ang dumadampi sa pisngi ko. "Ikaw nga! Ikaw ang sekretarya ng anak!" Masayang sigaw nito dahilan para mapadilat ako. Dali-dali niyang hinawakan ang kamay ko at ikinulong iyon gamit ang palad niya. "Natutuwa akong makilala ka Miss Maniego." Ngumiti na rin ako ng naguguluhan dahil sa biglaang pagpalit ng awra sa paligid. "A--ako rin po." Nahihiya kong sagot.  "Ako nga pala ang nanay ni Coen." Napasinghap ako sa gulat at biglang yumuko. "Sorry po madam hindi ko kaagad kayo nakilala." Natawa naman siya sa ginawa ko at inalalayan akong tumayo. "Ano ka ba ayos lang, hindi kasi hilid ni Coen ang ipakilala ako sa buong social media. Sige na baka lumamig pa iyang pagkain ng anak ko." Nakangiting sambit nito at nilagay sa kamay ko ang isang card. "Gusto ko lang sabihin na natutuwa akong makilala ang bagong sekretarya ng anak ko dahil ang totoo niyan ay walang tumatagal magtrabaho dahil sa ugali niya." Sabay tawa nito na parang hindi big deal sa kaniya ang magquit ang mga nagtatrabahong sekretarya ni Coen. Siguro kung wala lang akong kontrata na pinirmahan ay baka wala pang isang minuto ay nagquit na ako sa trabaho. Aba! Alangan naman magtimpi ako sa ugali ng lalaking 'yon mas masahol pa sa tigre kung magalit. Sabi nga na communication is a crucial leader to success, you can't accomplish something unless you communicate effectively. "Kung alam mo lang." Bulong ko. "Salamat po ulit maam pero mauuna na ako dahil baka sumabog este nagugutom na si sir Coen." Natawa siya sa sinabi ko kasabay ng pagtango. "Mabuti pa nga, o sha hope na magkita muli tayong dalawa. You know girls talk." Sabay kindat nito. Napipilitang tumawa na lang ako habang tumatango.  Nagmamadaling naglakad na ako pabalik sa companya pero sa tuwing tumitingin ako sa likuran ko ay nakikita ko ang mama ni Coen at kumakaway na may ngiti sa labi. Weird. Pagkarating ko sa opisina ni Coen ay naabutan ko itong abala pa rin sa ginagawa at nandoon ang buong atensyon. Kumatok ako ng dalawang beses kaya napansin na niya ang presensiya ko. Mukhang nagulat pa siya sa pagdating ko kaya ngumiti lang ako. "Kumain ka muna bago mo tapusin 'yan." Pang-aalok ko pero umiling naman siya. "I need to finish this--" "Marami ang nag-aalala sa'yo dahil hindi ka pa naghahapunan." Napansin kong magsasalita pa sana siya pero naunahan ko na siyang ilapag ang paper bag sa lamesa. "Hindi ako aalis hangga't hindi mo natatapos ubusin iyang pagkain mo." Nagiging mabait lang ako 'di dahil sa naaawa ako kung hindi nakokonsensiya ako na baka may mangyari sa kanyang masama at baka ako pa ang masisi. Umupo na lang ako sa pwesto ko at pinag-aralan ang mga magaganap na meetings ni Coen. Sinabi rin niya na dapat ay lagi akong handa sa mga nangyayari sa meetings niya with client dahil kapag nagkamali ako ay ibabawas iyon sa sweldo ko. Ayos lang kahit magmukha na akong timang na paulit-ulit binabasa at tinatandaan ang mga schedule ang mahalaga ay buo, walang labi o kulang ang makukuha kong sahod. Unti-unti akong napasilip sa pwesto ni Coen at biglang napangiti ng makita itong kumakain. Pansin ko ang pagkain nito ng marami at mahahalata mo na hindi pa nga siya talaga kumakain ng hapunan. Paano niya kaya natitiis ang hindi kumain para lang tapusin ang trabaho? Nagulat ako ng biglang dumiretso ang tingin nito sa akin kaya kaagad akong umiwas at itinuon ang atensiyon sa laptop. Tahimik na nagbasa na lamang ako at ilang minuto lang ng mapansin kong natapos na siyang kumain kaya kinuha ko na ang tupperware. "Mauuna na po ako sir." Pagpapaalam ko pero hindi man lang ako tinapunan nito ng tingin kaya napangisi na lang ako at lumabas na ng opisina niya.  Tila nakahinga ako ng maluwag dahil sa saya at natapos na ang trabaho ko. Habang nasa jeep ay nakatanggap ako ng text galing kay Tita at sinabi nito na dumiretso ako ng store para magbantay dahil pagod na siya kaya wala akong nagawa kung hindi dumiretso sa mini stop para magbantay. "Bilang ko ang pera riyan kaya huwag mong tatangkain bawasan 'yan." Napatango naman ako hanggang sa umalis na siya at nagsimula na akong umupo sa counter. Habang abala sa pagmomop ay may tatlong lalaki ang pumasok sa store kaya nakaramdam ako ng kakaiba. Hindi maganda ang kutob ko dahil sa itsura pa lamang nila at kasuotan. Ang akala nila ay hindi ko binabantayan ang bawat galaw nila at kita ng dalawang mata ko kung paano nila itago sa mga jacket nila ang kinuhang pagkain. Napapikit ako at malakas na binagsag ang mop kaya bumagsak iyon sa paanan nong lalaki na puno ng hikaw ang tenga. "Aba't! Nananadya ka ba miss?" Inis na sigaw nito.  "Ilabas niyo na ang mga kinuha niyo bago pa ako tumawag ng police." Pagbabanta ko sa kanila pero parang wala lang sa kanila iyon at hindi man lang natakot. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Wala kaming kinukuha kaya huwag kang mambintang ng walang pruweba." Sagot ng isang kasamahan nito. Napairap ako at tinuro ang cctv kung saan nakapwesto sa likuran nila kaya siguradong hindi nila iyon napansin dahil tago. "Ibalik niyo na dahil pumapatol ako sa mga bata." Natawa silang tatlo dahil sa sinabi ko kaya napakuyom ako sa inis. Hindi purkit mga menor de edad sila ay hindi ko palalagpasin ang ginawa nila.  "Takbo!" Sigaw ng leader nila at dali-dali silang tumakbo palabas.  "Hoy bumalik kayo!" Hindi na ako nagdalawang-isip pa na sundan sila. Nilakihan ko na rin ang bawat hakbang ko para maabutan silang tatlo pero sobrang bilis talaga nila. Hindi ako makakapayag na makakatakas ang mga magnanakaw na 'yon! Walang masyadong tao ngayong gabi kaya hindi ako makasigaw ng tulong. Hanggang sa huminto na silang tatlo ng makulong sila sa isang kalye kaya sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa pagod. "Wala na kayong matatakasan pa. Hindi ba kayo marunong magbanat ng buto para kumita ng pera at umaasa pa talaga kayo sa pagnanakaw?" Iritado kong saad.  "Kainis!" Bulong ng leader nila pero rinig ko iyon.  "Shion ano na gagawin natin? Ayaw kong makulong!" Sambit ng nasa tabi niya. "Sh*t up!" Galit na sigaw niya. Napangisi naman ako at pinagsaklop ang kamay sa dibdib.  "Ibalik niyo na lang ang mga ninakaw niyo kung ayaw niyong pagsisihan ang lahat." Sabay hilot ko sa batok ko at ngumiti. Tinanggal ni Shion ang jacket niya at matapang na hinarap ako. "Let's have a deal, kapag natalo mo ako sa laban natin ibabalik ko ang mga ninakaw namin at gawin mo ang gusto mo pero kapag ako ang nanalo ay susundin mo ang lahat ng gusto ko." Matapang na sambit nito pero tinawanan ko lamang iyon kaya kumunot ang noo niya. "Tinatakot mo ba ako, bata?" Sarcastiko kong sabi kaya napansin ko ang pag-usok ng tenga niya. Mabilis siyang sumugod at aambahin ako ng sapak pero kaagad akong umilag at sinipa siya sa kanyang balls. Napamura siya dahil sa ginawa ko. "Sinabi ko ng ayaw kong gumamit ng dahas para lang umamin kayo sa ginawa niyo."  "Ahh!" Susugod na sana iyong isa niyang kaibigan para sapakin ako pero umatras lang ako patagilid kaya bumagsak siya mag-isa. Ano bang klaseng mga tao ito? Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa. Napatingin naman ako sa isa at nangangatog na sa takot kaya sumignal ako na lumapit siya. Nangangatog naman siyang lumapit. "Ibalik mo na ang kinuha mo pakiusap." Mahinahon kong saad.  "I--ibabalik ko na." Nauutal na aniya habang takot na takot ang mga mata. Mabilis nitong ibinigay sa akin ang kinuha niya. Tinap ko naman siya sa balikat kaya dali-dali siyang lumapit sa leader nila. "Umalis na tayo Shion bago pa siya magpatawag ng pulis--" "F*ck bitawan mo nga ako!" Sigaw niya sa kaibigan at tumayo. "Humanda ka!" Mabilis na sumugod ang kamao nito pero nahawakan ko naman kaagad iyon na kinagulat niya. Dumapo ang kamao ko sa mukha niya kaya bumagsak siya sa lapag. Ouch! Medyo masakit ang pagsuntok ko sa mukha niya.  "Wala na akong magagawa pa kung hindi ang bigyan kayo ng parusa sa mga ginawa niyo."  HABANG abala ako sa pakikipag-usap sa mga police ay ipinakita ko rin sa kanila ang cctv ng store kaya kitang-kita ang pagnanakaw nila. Nakaupo silang tatlo ngayon suot ang posas habang si Shion ay masama ang tingin sa akin.   "Humingi na kayo ng tawad sa ginawa niyo para hindi na lumaki pa ang gulong ito!" Galit na saad ng isang police. "At ikaw Mr. Luengco, hindi ka pa ba nagtitino? Ilang beses ka ng nakulong at hindi na ako nagdalawang isip pa na tawagan ang kuya mo." Nakatayo lamang ako sa gilid habang pinapanood sila pero napansin ko ang biglang gulat sa mata ni Shion ng sabihin lang ni chief tatawagin nito ang kanyang kuya. "No! Don't dare to call him--" "Shion!" Sigaw ng isang britonong boses mula sa likuran ko. Kaagad akong napaikot ng tingin pero dali-dali itong lumapit kay chief  kaya hindi ko nakita pa ang kanyang mukha. Yumuko ito sa harapan ni chief at humingi ng tawad dahil sa nagawa ng kapatid niya. "Sorry chief hindi na muling mauulit ito." Saad nito na may sinseridad. Base sa pangangatawan at sa kanyang kasuotan ay mukhang mayaman ang lalaking ito. "Huwag kang mag-sorry sa akin Mr. Luenco kung hindi sa dalagang 'yan." Sabay turo ni chief sa akin kaya napatayo ako ng maayos. Ng dahan-dahang humarap ito sa akin ay biglang nabuhol ang dila ko. "Samantha?" Gulat na aniya. Hindi ko magawang makapagsalita ng makilala kung sino siya. Pinilit kong magsalita pero tanging pangalan lang nito ang nasabi ko. "Sander..." To be continued... A/N: Sorry po talaga sa medyo late na update huhuhu sorry na kay ateng nag-comment na makakabalik na siya ng pilipinas lahat-lahat wala pa ring update HAHAHA sorry na po! medyo havey iyong linyan iyon HAHAHA 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD