CHAPTER 3
Clarence P.O.V
Patuloy lang ako sa paggitara at dinamdam ang simoy ng hangin. Magsisimula na sana ako muling kumanta nang marinig ko ang tinig ng isang babae mula sa likod ko. Siya ang nagtuloy ng kinakanta ko, nagulat ako kaya napahinto ako sa pagtugtog.
"What now? Ituloy mo," utos niya.
Wala akong nagawa kundi ipagpatuloy ang paggitara at sabayan siya sa pagkanta. Napakaganda ng tinig niya, kaya hindi ko maiwasang mapatulala sa kaniya, sa napakaganda niyang mukha.
“Nice voice, tuloy lang,” aniya nang mapansin niyang napapahinto ako sa pag-strum ng gitara dahil nakatitig ako sa kaniya.
Naupo siya sa tabi ko at marahang ngumiti. Sinabayan ko siya sa pagkanta ng chorus. Napangiti ako, hindi ko inaasahan ang pangyayareng ito… isang katulad niya ay makakasabay ko sa pagkanta. Walang kahit sino ang nakagawa nito. Pakiramdam ko ay ang swerte ko. Hindi ko akalain na makikita ko ulit ang babaeng sinungitan ako sa book store, kaya’t tinabihan ko talaga siya sa klase kahit tulog siya.
Naramdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. I guess I’m in love with her. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang kumakanta.Nang matapos ang aming pagkanta ay nagkatitigan kami, ngumiti ako pero agad siyang umiwas ng tingin at sumimangot. Napakunot naman ang noo ko dahil sa ginawa niya na tila ba nagbago ang mood niya.
"Ang ganda ng boses mo, bakit hindi ka sumali sa mga banda, Mr. Nerd?" tanong nito habang nakatingin lang sa ibang direksiyon.
"Boses lang po ang maganda sa ’kin, hindi ang mukha," sagot ko at yumuko.
Nakaramdam na naman ako ng panliliit sa sarili ko. Madalas kasi ay kailangan, gwapo rin, hindi sila tumatanggap ng panget na kagaya ko.
"Wait! I remembered something," sabi ni Krishna at tumayo, pumamewang ito sa harap ko at tinaasan ako ng kilay.
Umasta siyang matapang na ikinatakot ko, para niya akong kakainin ng buhay sa mga titig niya.
"Bakit nandito ka? Hindi mo ba alam na bawal dito ang ibang estudyante? That’s my rule," nagsalubong na ang kilay niya, inayos ko ang salamin ko saka nagsalita.
"Bakit naman bawal?" tanong ko, sino ba siya para ipagbawal sa ibang estudyante ang pagpunta rito kung parte rin naman ito ng skwelahan? Porket ba takot ang mga estudyante sa kaniya ay ganoon na siya kahigpit?
"You don't know me, huh?" mataray nitong tanong sa akin.
Umiling lang ako bilang sagot na hindi.
"I am, Krishna Winston, only daughter of the owner of this freaking school. They know me as a Queen, so better move away than moving towards me, and yes that’s a threat."
Siya ang anak ng may-ari ng school? Ngayon alam ko na, siya pala yung babaeng pinag-uusap-usapan dito sa school na kinatatakutan ng lahat. Hindi naman mapagkakaila dahil sobrang sungit ng mukha niya, napakataray ng mga kilay niya at kung magsalita siya ay akala mo wala siyang kinakatakutan.
"Speechless, huh? Transfer ka ‘no?"
Tumango lang ako sa kaniya.
"Shu! Get out of my territory, baka may makakita pa sa ’yo rito," sabi ni Krishna at naupo na ulit sa damuhan.
Nilabas niya ang cellphone niya, nakita kong binuksan niya ang f*******:. Kita ko rin ang napakadami nitong notifications at messages, pati na rin ang friend request. Isa ba siyang influencer? Wala kasi akong pang-load at walang oras para sa social media.
Inayos ko na ang gitara ko, nilagay ko ito sa guitar bag at sinakbit na sa aking balikat saka ko kinuha ang bag ko. Hiyang-hiya ang mumurahin kong cellphone sa iphone 11 nito. Umalis na ako sa likod ng building at uuwi na rin sana dahil anong oras na, maglalakad lang ako kasi hindi kaya kung mamamasahe pa ako.
"Bespar! Clarence!" narinig ko hindi kalayuan ang pagtawag ni Cheska sa pangalan ko.
"Kanina pa kita hinahanap. Bakit galing ka do’n? Bawal do’n, alam mo ba ‘yon?!" nag-aalala niyang sambit.
"Buti na lang at hindi ka nahuli ni Queen--" hindi ko na siya pinagpatuloy sa pagsasalita dahil inunahan ko na siya.
"Nagkita kami."
Napahinto naman siya sa paglalakad at napatingin sa akin, wala akong reaksiyon, alam ko namang magugulat siya. Expected ko na 'yon.
"s**t!” gulat niyang sabi sabay takip ng bibig niya. “Kilala mo na siya? Ano nangyare? Pinaalis ka niya ‘no?"
Tumango lang ako, ayoko sabihin sa kaniya yung nangyare, madaldal pa naman ‘to, baka kung kanino sabihin at kumalat. Hindi ko na din sinabi na kaklase ko si Queen. Isa siyang tamad na estudyante.
Nang makauwi na kami ay dumeretso na ako sa apartment ko at nag-ayos ng gamit. Isa akong working student at kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang Janitor sa fastfood chain, naglilinis ako ng mga tables and chairs, nagmo-mop ng sahig at minsan sa comfort room din. Tuwing 6 o'clock ako hanggang 10 PM, minsan nag-oovertime ako, pero kapag may mga projects, maaga akong umuuwi. Mabait naman ang manager dito at naiintindihan niya ang sitwasyon ko.
Kinuha ko na ang bag ko na may lamang uniform ko at iba ko pang gamit. Pumunta na ako sa fastfood chain dahil mahirap nang ma-late.
Krishna's P.O.V
“F*ck!” bulalas ko at naupo sa damuhan, hindi ko siya makalimutan.
Nakaka-asar lang. Dapat nga magalit ako sa kaniya pero ang ganda-ganda ng boses niya, kainis! Para akong na-hipnotize. Gusto kong magalit sa kaniya pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay naging magka-vibes kami dahil lang sa pagkanta naming dalawa.
Bigla naman akong naka-receive ng text sa unknown number.
Hey Krish! This is Gian, remember me? Gusto sana kita yayain, kain tayo sa labas, gusto mo sama mo yung friend mo.
I replied.
Okay, isasama ko si Zaira, what time ba?
Gian is my suitor, isa siya sa mga flirt ko pero hindi ako basta-basta lamang sa paglandi. I only choose hot and handsome guys.
Gian replied immediately.
6:30 PM see you.
Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo ko sa damuhan, pinagpag ko ang skirt ko at binuksan ko ang handbag ko para kuhanin ang susi ng kotse ko. Yeah! I got my own car but I have limitations in driving, although I have a liscence, minsan ay may driver ako dahil makulit si Mom at tito Mandrell.
Nagdrive na ako pauwi, habang papauwi ako ay tinawagan ko si Zaira to inform na may lakad kami mamaya with Gian. As always, she agreed. Nang makauwi na ako ay nagbihis na ako ng panglakad, habang nagmamake-up ako ay biglang kumatok si Nanay Cecille.
"Krishna, anak! Nandito ang Mommy mo!" aniya dahilan para mawala na naman ako sa mood at mainis.
I really hate my Mom to death. Umirap lang ako at bumaba na sa sala, buti naisip niya pang-umuwi. I hate seeing her roaming in our house, mas komportable ako kung wala siya.
"Krishna, you just got home from school, then you’re going out again!?" galit na sigaw ni Mom sa akin.
I glared at her and sat down on our sofa. I opened my social media account, while my Mother continue to nag me, then nakita ko na naman sa newsfeed ko ang mga patama nila Sasha sa akin.
She's born to be a b*tch daw, kaya pala napakalandi ng p*ta.
1k Likes and reactions na
1k Comments na rin at 500+ shares
They are too insecure, Sasha and her group. Palibhasa ay mas nakikilala ako ngayon sa social media. Many people are too blind, they will support you, as long as you’re pretty.
"Krishna! Are you listening!?"
Napahinto ako sa pags-scroll sa aking social media account.
"Pwede ba, Mom? Sa ibang araw na lang tayo mag-away? I have to go," tumayo ako at tinalikuran siya.
Hindi pa ako nakakalabas ng bahay nang sumigaw siyang mulli.
"May nakuha na kaming tutor ng Dad mo! Mag-aral ka naman Krishna! Hindi yung puro lakad ka lang! you’re so immature and you didn’t even know your responsibilities," aniya.
Napakunot ang noo ko. They really got a tutor for me?
Tinignan ko ang relo ko and it’s already 6 pm, kaya hindi ko na pinansin si Mom at lumabas na ng gate. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko naman ang kotse nila Zaira, bumaba na si Zaira sa kotse at pinaalis na ulit ang driver.
"My Mom came home, so please don’t bother to ask me why my face looks like this," sabi ko at umirap.
"Sad, kayo talaga ng Mom mo, never kayo nagkasundo--oww wait! Ayan na si Gian!" ani Zaira.
Kumaway si Zaira sa humintong kotse sa tabi naming. Binaba nito ang bintana.
"Gian, treat mo ah!" ani Zaira at tumawa.
I sighed, I need to clear my mind. I am too tired of my bullshits.