Chapter 4

1599 Words
Chapter 4 Clarence P.O.V   Habang nag-aayos ako ng table ay bigla akong nagulat sa nakita ko... nasa labas lang naman ng fast food chain sila Krishna at Zaira tapos may lalakeng kasama na hindi ko kilala pero gwapo ito. Pumunta ako sa isang gilid at sinilip sila. Ang ganda talaga ni Krishna, hindi nakakasawang tignan ang mukha niya, pero hindi mawawala ang pagkataray sa mukha niya but it doesn't matter hindi naman kase nababawasan ang ganda nito.   Halos lumipad na ang isip ko habang nakatitig kay Krishna, bigla akong nataranta ng mapalingon ito saakin kaya agad-agad akong tumalikod at kunwari ay nagpupunas ng table. Sana hindi nya ako nakita, baka kung anong isipin no'n sa akin… nakakahiya lang na malalaman pa niyang working student ako at dito pa talaga ako nagtrabaho. Magka-partner pa naman kami sa isang subject sa school.   Lumingon na ako sa ibang direksyon at akmang tatakbo na pero napahinto ako.   "Clarence?" naguguluhang tanong nito sa akin.   "Krishna," bulong ko.   Biglang namanhid ang buong katawan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko!   "Anong? Ginagawa mo dito?" tanong nito sa akin, mas lumapit pa siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa, tapos hinila ng kaunti yung damit ko at tinitigan niyang mabuti ang ID ko sa upper left ko.   "So? Dito ka pala nagtatrabaho, saan kami pwedeng maupo?" tanong nito at naghanap ng upuan.   "Doon kami, linisin mo ulit yung table, mag-oorder lang kami," sabi nito sabay turo sa kalapit naming table na pang-apat na tao at tumalikod na sa 'kin.   Hindi man lang ako nakapag salita. Kinakabahan ako pero hindi ko pinahalata. Sa halip na tumunganga ako ay nilinis ko na ang table na tinuro niya, sinigurado kong malinis talaga at pinatuyo kong mabuti nakakahiya naman kasi baka sabihin palpak pa ang trabaho ko dito.   Maya-maya lang ay naupo na sila sa pwesto nila ako naman ay umalis na at naglinis pa ng ibang tables, hindi ko na lang sila tinitignan habang kumakain baka mahuli pa akong nakatingin sa kanila at kung ano-ano pang sabihin. *********** Dumapa ako ng higa sa kama at tinanggal ko ang salamin ko at pinatong ito sa study table ko.   Sino kaya yung lalakeng kasama niya kanina? Na-fall na ata ako... ewan ko ba, but this is my first time falling in love kaya hindi ko alam ang gagawin. Imposible kasing magustuhan niya rin ako, paano ba manligaw nang hindi niya makikilala?   Napatingin ako sa bag ko na nakabukas tapos nakita ko yung sticky notes na binili ko, bigla akong napaupo.   "ALAM KO NA!" masaya kong sabi at kinuha ang sticky notes, pero? Anong sasabihin ko? Something cheesy? Or something corny?   Bahala na! I'll start to court her tomorrow. ******** Maaga kaming pumasok ni Cheska, tanong nga ito ng tanong kung bakit ang aga ko siyang ginising , hindi ko na lang sya sinagot dahil alam kong aasarin lang niya ako kabisado ko na ‘tong tomboy na 'to.   "Clarence, teka! Hinahabol ka ba ng kabayo at ang bilis mo maglakad? Easy bro!" sabi ni Cheska at halos tumakbo na papalapit sa akin.   "Kailangan maaga ako ngayon!" sabi ko.   Kailangan ko kasing unahan si Krishna sa pag pasok dahil maglalagay ako ng sticky note sa table niya.   "Bakit anong gagawin mo?" tanong ni Cheska.   "Hhmmm, pupunta sa library?" palusot kong sagot sa kaniya.   "Seryoso? Ganito kaaga? Tsk! Bookworm ka na ba talaga," sabi nito at umirap sa akin.   Hindi ko na lang sya pinansin hanggang sa makarating kami sa school, tumakbo ako agad papunta sa classroom namin and success naman dahil walang katao-tao sa room. Kinuha ko ang sticky note sa bag ko at idinikit ito sa table niya.   'I know there's a pretty attitude behind your pretty face... good morning :)'   'Yan ang nakalagay sa sticky note, agad din akong umalis sa classroom delekado na baka mamaya may makakita pa sa akin at isumbong kay queen Krishna.   Lumipas ang mga oras, lunch break na at nandito ako sa isang gilid sa cafeteria ng school, nakatitig lang ako kay Krishna na may kasama na namang ibang lalake, nakaakbay pa ang lalake kay Krishna medyo naasar lang ako.   At tungkol dun sa sticky note, wala siyang reaction. Tinanggal niya lang sa table niya at inilagay sa bag niya, ‘yon lang, as in gano'n lang talaga.   "Hey! Seryoso ata tayo?" sabi ni Cheska na bigla na lang sumulpot sa harap ko, napaiwas tuloy ako agad ng tingin kay Krishna baka mahuli pa ako ni Cheska.   "Di ka na nasanay," sabi ko at kunwaring nagbabasa ng libro.   "Oo na! Lagi ka namang naka-cold mode!" sabi ni Cheska at inilabas ang lunch box niya.   "Tara, kain na!" sabi nito, hindi ko na lang siya pinansin at tumingin ulit kay Krishna. She's smiling, ano kayang meron?   Maya-maya pa ay tumayo na sila at umalis sa upuan, nabigla naman ako sa pag-alis nila kaya napatayo rin ako.   "Oh, bakit? Tapos ka na ba kumain?" tanong ni Cheska kaya napatingin ako sa kaniya.   "Hhmm wala hindi, bibili lang ako ng inumin," pagsisinungaling ko pero paglingon ko kala Krishna ay wala na sila, saan kaya sila nagpunta?   "Tsk! Kilala kita Clarence, don't lie to me cu'z I already knew it," sabi nito at ngumiti ng nakakaasar. "Kahapon ko pa napapansin 'yan eh, yung pa stalk-stalk mo sa kaniya? May gusto ka kay queen ano?!" Medyo napalakas ang pagkakasabi niya kaya agad kong tinakpan ang bibig nya, delikado baka may makarinig.   "Akala ko ba kaibigan kita! Ang ingay mo! Tsk, tatanggi pa ba ako? Eh alam mo na pala," sabi ko at naupo ulit.   "Tara, stalk natin tutulungan naman kita eh, hindi ako hard bestfriend! Kaya nga bestfriend 'di ba? Tara na! Type ko nga rin yung chiks na 'yon," sabi nito at nag-ayos na ng gamit, nag-ayos na lang din ako ng gamit ko.   Nakakatuwa, si Cheska pa talaga ang nagtulak sa 'kin para sundan sila Krishna. Nakita namin sila malapit sa locker.   "Mauna na kayo do'n, I'll just get something from my locker," rinig kong sabi ni Krishna.   Agad-agad kaming nagtago sa gilid ng pader which is likuan papuntang cafeteria, pero kitang-kita pa rin namin si Krishna then I accidentally saw the code 031117.   "Omg! Ayos tayo pre!" sabi ni Cheska dahil nakita niya rin ang code, agad kong tinakpan ang bibig niya at sinenyasan na ‘wag maingay.   Kinuha lang ni Krishna ang sling bag nito at umalis na, sinundan lamang namin ng tingin ito.   "Clarence! Ano pa bang hinihintay mo? Buksan mo!" sabi ni Cheska at tinulak ako bigla.   "Bakit naman? Anong gagawin ko? Saka baka may makakita mapagkamalan pa akong magnanakaw," sabi ko kay Cheska.   "Give something to her, pre! Ligawan mo dali!" sabi nito at tinulak na naman ako.   "Tsk! Wag mo ko I-pressure!" iritable kong sabi at kumuha ng sticky note sa bag ko then I write 'your smile can melt my heart' ang corny man pero dinikit ko na iyon sa loob ng locker niya, medyo magulo ang locker nito pero hindi halata sa itsura niya.   "Ang cheesy naman niyan bro! Baka langgamin ha!?" pang-aasar ni Cheska sa akin.   "May paparating!" sabi ni Cheska at lumakad na kami papaalis.   "Corny pre ha," natatawang sabi nito.   Hindi ko na lang siya pinansin at nagtungo na sa next class ko, lumipas ang oras. Habang nasa kalagitnaan kami ng klase ay may lalakeng pormal na pumasok sa room.   "Clarence Staverton, go to the office, now," sabi nito.   Napatingin ang buong klase sa akin but still I act like nothing happen, tumayo lang ako at naglakad papunta sa lalake at sinundan ito hanggang sa makarating ng office.   Hindi ako mahilig mag pakita ng reaction kaya nanatili akong cold at walang emosyon, pagkapasok namin sa office ay naupo ako sa harap ni Mr. Mandrell which is ang may-ari ng school na ito at ang step Dad ni Krishna.   "Mr. Clarence Staverton 18 years old, no parents, one of an ESC student," panimula ni Mr. Mandrell.   "You're smart, kitang-kita naman sa mga grades mo bago ka pa lumipat dito sa Winston University," sabi ni Mr. Mandrell.   Sa mga naguguluhan kung bakit Winston University ang pangalan ng school pero Mandrell ang apilyido ng may-ari, ang totoo pala. Tatay ni Krishna ang nagpatayo nitong university but dahil nga nag-seperate sila ng Mommy ni Krishna ay naging si sir Mandrell na ang nagpatakbo nitong school, ngunit hindi na nila pinalitan ang pangalan ng school na Winston University, dahil pinamana na ng Biological father ni Krishna ito sa kaniya.   "So, Clarence, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, I want you to be my daughter's personal Tutor," sabi ni Mr. Mandrell na ikinagulat ko.   "P-po sir?" tanong ko ulit dahil para bang masyado akong nawindang.   "I want you to be my daughter’s tutor," sabi ulit nito.   But, Why me? Sa dinami-dami bakit ako? Pero makakasama ko si Krishna kaso lang, gusto niya kaya akong kasama?   "Kaso, sir bakit ako?" tanong ko ulit dahil hindi ako makapaniwala. Krishna is the Queen kinakatakutan ng lahat tapos tuturuan ko siya?   "Because I chose you, Maganda ang grades mo ibig sabihin matalino ka, at kaklase ka ng anak ko, bukod do'n ay scholar ka ng school na ito, may makukuha kang allowance sa pag tutor mo, so that is final. You will start next week, Dapat din kayong magkausap ni Krishna para makilala ka niya," sabi ni Mr. Mandrell.   "Yes sir! Thank you po," sabi ko at tumayo na.   Nakipagkamay pa ito sa akin bago ako tuluyang umalis ng office. ‘Eto na ang chance ko para makausap si Krishna ng matagal, kaso? Matutuwa kaya siya na ako ang tutor niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD