Chapter 2

1450 Words
CHAPTER 2 Krishna's P.O.V   Maaga akong pumasok sa school. Zaira have a very special surprise to me. Iniisip ko kung ano ‘yon, I am really curious asf. Pagpasok ko sa room namin ay nilapitan ako ni Trixie, isa sa mga classmate ko at may ini-abot siya sa aking papel.   "Pinapabigay po ni Zaira," aniya. Kinuha ko ang papel, agad na umalis si Trixie kaya binuklat at binasa ko na ang papel.   Hey, Krishy! Kita tayo sa canteen mamayang recess. Mag ca-cutting class muna ako, ayoko umattend sa unang klase. Alam mo na kung nasaan ako ngayon, Be ready for my surprise, alam kong matutuwa ka! Zaira Ano na naman bang pasabog ito?   Nakaramdam din ako ng pagkaantok, naupo na ako sa dati kong pwesto sa likod. Bago ako dumukdok upang matulog ay sumigaw muna ako.   "Walang maingay, I'm going to sleep!" hiyaw ko at dumukdok na. Maingay kasi sila. Once naman na nagsabi ako ay sumusunod sila, takot lang nila sa akin.   ************ "OKAY TO YOUR GROUPS NOW!"    Nagising ako dahil sa bunganga na ang sarap tahiin! Kinuskos ko ang mga mata ko at ini-ayos ang buhok at damit kong nagusot mula sa pagkakadukdok ko. Napahinto ako dahil nakita ko ang isang nerd na ngayon ay nasa tabi ko, teka… Sino ‘to? Transfer? Hindi ko siya nakita kahapon sa klase.   I opened my bag and get my hand mirror to see my pretty face. My make-up was half ruined, pero naiilang ako dahil napapansin kong nakatingin lang sa ’kin yung lalakeng nerd na katabi ko.   Tsk! I don’t really like ugly guys simping for me. Nang hindi ko na matiis ay napa-irap ako at hinarap siya.   "Alam kong maganda ako kahit bagong gising kaya pwede ba? ‘wag mo akong titigan ng ganiyan because it’s irritating," sabi ko at nagsalamin muli.   "Magkagrupo daw tayo sabi ni Ma’am," mahinahong sabi ni Mr. Nerd sa akin at inilabas ang gamit niya.   "What am I supposed to do?" mataray kong tanong, ni hindi ko nga narinig yung paliwanag. Malay ko ba kung anong gagawin do’n. Bwisit kase si Zaira, hindi pumasok, ayan tuloy at sa panget ako na pares.   "Kailangan nating gumawa ng snake and ladders dito sa isang folder. Kapag natapat ka sa ahas at nakain ka nito, may tanong na dapat masagot," sabi ni Mr. Nerd sa akin at nakasimangot pa rin, pasan ba niya ang mundo?    My goodness! Ang kapal din ng mukha niyang tumabi sa akin. Hindi niya ba ako kilala?   "Bwisit na teacher ‘yan, sa ganitong tao pa ako pinartner," bulong ko.   Gusto kong umalis at huwag na gumawa pero inaalala ko ang sinabi sa akin ni Mom na kukuhanan nila ako ng tutor, kailangan ko ipakita sa kanila na hindi ‘yon kailangan at kaya kong pataasin ang grado ko.   "May sinasabi ka?" tanong ni Mr. Nerd.   "Wala," sabi ko at tumingin sa kaniya. "Tungkol ba saan yung tanong?”   "Sa lesson kanina, tulog ka kasi kaya hindi mo alam," sabi nito at umiling-iling.   Nang-aasar ba siya? Ang kapal naman ng mukha niyang magsalita sa akin.   "Okay, Mr. Nerd. Ako na---" napahinto ako sa pagsasalita nang unahan niya ako.   "For your information, may pangalan ako," aniya.   "First of all, I don’t care. So, as I was saying ikaw na magdrawing sa snakes and ladders, ikaw na rin ang magline, pero ako nang bahala sa pagkukulay ng lahat ng ‘yan. That’s all I can do, wala akong talent sa drawing," sabi ko at inilabas na ang mga gamit na binili namin ni Zaira kahapon sa Book store.   "Oil pastel talaga ang gagamitin mo?" tanong ni Mr. Nerd habang nakatingin sa mga gamit na inilabas ko.   "Oo, bakit? Angal ka? Kung ayaw mo, gumawa ka ng sarili mo.”   "Sungit naman," cold niyang sabi. What the f-- pasan niya ba talaga ang mundo? Hindi niya pa ba talaga ako kilala? Kung makapagsalita naman ‘to, akala mo close kami. Feeling close lang?   "Tsk! Bilisan mo! Ikaw na magruler, paling ako mag ruler. Ikaw na rin gumupit, paling ako gumupit," irita kong sabi at kinutkot ang kuko ko. I need to go to salon, magpa-manicure na ako ulit.    Nakita kong ginawa naman ni Mr. Nerd yung inutos ko. Tinitigan ko si Mr. Nerd.    "Yayks," bulong ko at tumingin sa salamin. Mabuti na lang may skin care routine ako kaya iwas pimples.   Nakasalamin siya at kita ko sa gilid ang malaking grado ng salamin niya kase sobra talaga yung pagka-zoom.   Bigla akong napahawak sa ilong ko, parang mas matangos ‘yung ilong niya ah. Tinignan ko ang kilay niyang makapal pero pwede ahitan. Napadako ang tingin ko sa labi niya. Hindi talaga bagay yung pinkish na labi sa tan na kulay niya, hindi ko bet. Ang gulo pa ng buhok niya, mga nerd talaga walang proper hygiene.   "Miss, ikaw na," cold nitong sabi at ini-abot sa akin ang folder. Sinimulan ko nang kulayan ang mga boxes sunod ang snakes, then ladders.   Ilang minuto din ang lumipas bago ko matapos ang pagkukulay. Medyo nakakangawit sa kamay pero okay lang ‘yon, mahilig ako sa coloring.   "Okay na ba? Satisfied?" tanong ko at tinaas ang folder.   Tumango lamang si Mr. Nerd bilang sagot, napa-irap naman ako. Nilagyan niya ng plastic cover ang gawa namin at agad na pinasa kay Ma’am. Sakto naman na malapit na ang recess kaya lumabas na ako ng room at nagtungo sa canteen.   Papanoorin ko kung anong pakulo ang gagawin ni Zaira kay Sasha. Naupo ako sa isang table sa gilid at humingi ako ng juice sa canteen. Ilang minuto pa ay nakita ko na si Sasha na naglalakad papunta sa akin. Pumila siya sa canteen upang bumili. Maya-maya pa ay dumating na si Zaira, napa-smirk lang ito sa akin at rumampa na sa harap ni Sasha.   "Hey b*tch, look at this," rinig kong sabi ni Zaira at may pinakita sa cellphone niya, agad namang nanlaki ang mga mata ni Sasha gusto kong tumawa dahil sa itsura ni Sasha.   She was so shocked, pinagtitinginan sila ng mga estudyante. Ilang segundo lang ay lumapit ang boyfriend ni Sasha sa kanila at nagulat ako nang sampalin ni Sasha yung boyfriend niya at napa 'ow' naman ang mga estudyante. Tumawa si Zaira ng malakas.   "How dare you? Cheater! Ang landi landi mo," sigaw ni Sasha sa boyfriend niya at humarap muli kay Zaira. Sasampalin na sana ni Sasha si Zaira nang unahan na siya ni Zaira.   “B*TCH!” ani Zaira.   Humihingi naman ng tawad ang boyfriend ni Sasha.   Subukan lang nung Sasha na ‘yan na magsumbong kay tito Mandrell, ako ang makakalaban niya. Ngayon ay nakaganti na rin kami sa ginawa niya sa sa ’kin noon pero it’s not the end, hindi pa sapat ang mga ‘yan.   Lumapit si Zaira sa ’kin.   "So? How’s the movie?" tanong ni Zaira at umupo sa tabi ko.   "Hindi mo ako ininform, wala tuloy akong dalang popcorn," sabi ko at tumawa.   “Nakaganti na tayo sa kaniya, inahas niya rin yung ex boyfriend mo. She ruined your relationship, this is pay back,” aniya.   Bigla namang tumunog ang cellphone ni Zaira. Sinagot niya iyon at lumakad palayo sa akin. I drank the juice from the canteen. Bumalik si Zaira at nagpaalam na siya sa akin na kailangan niya nang umalis. Mom niya siguro yung tumawag.   ******* Nang matapos klase ko ay nagtungo na ako sa spot ko. Dito sa likod ng school namin ay puro puno at para bang gubat pero maaliwalas naman, walang ibang pumupunta dito dahil pinagbabawal ko. Tuwing may problema ako or stressed ako, dito ako tumatambay, fresh kasi ang hangin dito at liblib dahil sa mga puno. Inaalagaan ang mga d**o dito. Dito rin kami unang nagmeet ni Zaira.   Naglakad na ako papunta sa likod ng malaking puno pero bago ako makarating ay may narinig akong tugtog ng gitara. Napahinto ako. Teka-- Pinagbabawal ko ang ibang estudyante dito. Tanga ba siya para hindi malaman ‘yon?   Susugurin ko na sana ang taong nasa likod ng puno ngunit narinig ko ang boses nito.   "Sad Song" By:We the kings  (feat. Elena Coats)   You and I, We're like fireworks and symphonies exploding in the sky. With you, I'm alive.   Napahinto ako at para bang biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Alam ko ang kantang ito. That’s one of my favorite songs. Lalake ang kumakanta. Napakasarap pakinggan ng kaniyang boses. Gusto ko malaman kung sino ang lalake sa likod ng puno, nacucurious ako.   Sinugod ko ang lalake sa likod ng puno. Nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko akalaing ganito kaganda ang boses niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD