Chapter 1

1072 Words
CHAPTER 1 Clarence P.O.V   "Aba’y Hijo!” Pumamewang sa harapan ko si tita Cony, ang Nanay ng nag-iisa kong kaibigan na si Cheska.   “Hindi uubra ‘yan! Kailangan mo magbayad! Hindi porket kaibigan ka ng anak ko ay papayagan kita," aniya.   "Ma! parang anak mo na kaya si Clarence. Bakit hindi mo na lang siya hayaan?" pagtatanggol sa akin ni Cheska.   "Opo, Tita Cony. Makakabayad po ako next week, pangako!" lakas loob kong sabi.   "Nako, huli ka na yata sa balita na ang mga pangako ay napapako.”   Si tita Cony talaga, ang hirap utuin.   "Oh siya… Walang kakainin si Cheska kapag hindi ka nagbayad!” dagdag pa niya at kinurot ang braso ko.   Pinanood ko siyang lumakad paalis.   Mabuti na lang at napaki-usapan ko siya ulit. Naniningil na naman kasi si Tita Cony, hindi ko naman siya masisisi, tuwing kailangan nila ng pera o tuwing may gastusin saka lang niya ako sinisingil. Halos apat na taon na ako dito sa apartment nila. Naging bestfriend ko na rin si Cheska, anak ni tita Cony. Hindi ko siya literal na tita, ‘yun lang ang tawag ko dahil para na kaming pamilya dito. Hindi ko naman mina-masama ang paniningil niya dahil kailangan naman talagang magbayad ako dahil nangungupahan ako.    Pumasok na ako sa bahay at nakasunod lang sa akin si Cheska. Umupo ako sa kama at tinignan ang drum set ko at gitara. Ilang beses ko nang inisip na ibenta ang mga ito… Ang tagal kong pinag-ipunan lahat ng ito para mabili ko at makatugtog ako. Pangarap kong makapag compose ng kanta at tumugtog. Pagkanta ang nakakapagpagaan ng loob ko, minsan mas nasasabi ng liriko ng kanta ang nararamdaman natin.   "Hoy! Bespar Clarence,” Napatigil ako sa pag-iisip.   Napatingin ako sa pinto. Kita ko ang malawak na ngiti ni Cheska. Tumabi siya sa akin.   “Ano na naman bang binabalak mo at ang lalim ng iniisip mo d’yan sa gitara at drum set mo? Iniisip mo na naman bang ibenta kase kapos ka sa pera?" tanong ni Cheska.   Napabuntonghininga ako, “Kailangan ko ng pera, hindi sapat yung pagtatrabaho ko sa fastfood chain sa gabi, ang daming gastusin."    Nagtatrabaho ako sa sikat na Fastfood chain. Night shift ako, 6:00 pm hanggang 11:00pm ang duty ko. Sobrang pagod pero kailangan kumayod para mabuhay.   "Pag-isipan mo munang mabuti. Pre, baka magsisi ka lang. Pinaghirapan mong bilhin ‘yan, dugo't pawis mo ‘yan! Tapos ibebenta mo lang?" ani Cheska.    Paano nga ba?   "Nga pala, bukas sabay tayo pumasok ah! Alam ko namang magka-iba tayo ng strand, ABM ka at HUMSS ako. Mahirap pumasok ng first day at walang kasama. Good night!" sabi ni Cheska sa akin at kumaway-kaway habang naglalakad palabas.   Si Cheska De Jesus ay isang dalaga na boyish kumilos. Dinaig niya pa ako dahil nagkaro'n na siya ng girlfriend. Habang ako ay wala, walang may gusto sa akin dahil sa itsura ko. First day ng school ngayon pero um-absent ako dahil sa mga ina-asikaso ko. Bukas na ako papasok. Iniisip ko pa kung paano ako magkakapera.    *************** Krishna's P.O.V   "So, you're letting them? Come on, Krishy, wake up! You're Krishna Winston,” sigaw sa ’kin ni Zaira.   Napa-irap ako sa kaniya, kanina pa niya ako binubungangaan.   Nandito kami ngayon sa Winston Resort, nakaupo kami sa kama ko at pinag-uusapan ang nangyari kanina.   "No, Hindi ko sila kailangan," sabi ko.   Nakakainis kasi, kakauwi ko pa lang sa bahay namin ay hinarang agad ako ni Mom. She already knew what I did to our new teacher. I just want to have fun! Palagi na lang niya pinagkakait lahat ng makakapagpasaya sa akin. She also nag me about my grades. Tsk! Balak pa nila na kuhanan ako ng tutor this semester. Hindi na ako bata para bigyan nila ng tutor, she’s so annoying.   "Hindi ako mag papa-tutor! I don't need anyone to teach me, I am Krishna Winston, kakayanin ko ang lahat on my own!" sabi ko at napa-cross arms.   "Basta! I'll see you tomorrow, agahan mo ang pasok bukas may gagawin tayo para makaganti kay Sasha."   "Huh? Ano?" takang tanong ko.   "Secret! I'll tell and show you tomorrow," sabi ni Zaira at kinindatan pa ako.   I smiled at her as she walks away. I stared at the pool infront of me. Nakakatamad umuwi, puro sama ng loob kapag nasa bahay ako. I wonder what Zaira would do to Sasha—but, what if magsumbong na naman siya? Palagi pa naman siyang kinakampihan ni Mr. Mandrell.   I sighed.   Actually, si James Winston ang biological father ko at si Kristina Rowell-Mandrell ang Mommy ko. Naging Mandrell na ang apilyido ni Mom dahil kinasal na sila ni tito Mandrell 9 years ago. Kaya iniwan ni Mommy Kristina si Daddy James ay dahil sa pagkalugi nito sa negosyo. Ang babaw ‘di ba? Pero hindi lang pala ‘yon. May lalake na pala si Mommy at ‘yun ay si Tito Mandrell. Lahat ng tao ay sinasabi na nagmana daw ako kay Mommy. Maraming nagsasabi na malandi ang Mommy ko, at namana ko daw ang pagiging malandi niya, kaya ganito ako,   ‘Playgirl’   They can think of whatever they want. Hindi ko sila pipigilan at wala rin akong balak i-defend ang sarili ko. All I want was to feel loved, sadly, I never felt that from my parents. They don’t care about me, ni-hindi nga nila ako naisip noong maghiwalay sila then Mom just decided to get married without asking me if I wanted too. I can only get an attention on social media. It’s almost midnight, so I decided to go home. Paniguradong tulog na sila kapag ganitong oras.   When I finally arrived at home, nagbihis na agad ako ng pangtulog para comfortable. Then suddenly, someone knocks on my door.   "Pasok," sabi ko.   "Anak, bakit ngayon ka lang? mag gatas ka muna," sabi ni yaya Cecille at inilapag ang baso ng gatas sa side table ko.   "Thanks, Nanay," sabi ko at ngumiti sa kaniya.   Sometimes, I call her nanay. Siya kasi ang nagbibigay sa 'kin ng mga pangangailangan ko na hindi kayang ibigay sa akin ni Mom at Dad. She’s my nanay since I was 5 years old.   "Ang bait-bait mong bata kapag nasa piling kita. Pwede ka naman maging ganiyan rin sa Mommy mo, paano ka ba mababago?” seryosong tanong ni Nanay Cecille.   "Walang makakapagpabago sa akin," bulong ko.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD