PROLOGUE
Krishna's P.O.V
I am Krishna Winston, 17 years old and I’m born to be a b***h. Ako ang may-ari ng skwelahan kung saan ako ngayon nag-aaral dahil ito ang ibinigay sa akin ng biological father ko bago niya ako iwan 10 years ago. Simula bata ako ay dito na ako nag-aral. Lahat ng estudyate dito ay tinitingala ako, kinakatakutan.
May bashers and fans, but most of them are fans. Sino ba naman ang hindi ako titingalain? Sa ganda kong ‘to? Dulo lang sila ng buhok ko. I have a cold stone heart, why? Dahil walang sino man ang nagmahal sa akin nang totoo, even my mother nor my father, not even my step father, I have a broken family kaya rin siguro ako nagre-rebelde ngayon.
It all started when my biological father died in a car accident. Isang trauma para sa akin ‘yon. Every time na may nakikita akong dugo or car accident, I always remember the death of my father. It happened in front of me. If I could just turn back time, maybe I had the chance to save him. Sana hindi ko na lang hinayaan na umalis siya, dahil do’n nasira ang buhay ko.
Nung mag high school ako, I started to flirt, I found it fun! Kesa naman magmahal ako ng totoo? Love is just a game, at kapag nahulog ka? Talo ka! at naniniwala din ako na never trust someone with a sweet smile, kase plastik ‘yang mga ‘yan! That’s the reason why I don’t have many friends.
Nang makapasok ako sa room namin ay naupo ako sa kung saan ko gusto. Maya-maya ay dumating na ang bagong teacher na hinired ni Mr. Mandrell, ang step father ko. Yeah! Hindi ko siya gusto pero pinakasalan pa rin siya ni Mommy, kaya rin siguro ako nagkaganito. I'm a rebel queen.
I'm born to be a b*tch. That’s my motto.
"Good Morning, class! I'm your new advisor. I want you all to introduce yourself, para makilala ko kayong lahat, then say something about you."
I yawn. Well, I don't even care.
Isa-isa na ang mga kaklase ko na tumayo at nagsalita. Mabilis lamang sila kaya ilang minuto lamang ay ako na ang susunod. Tumayo ako, chin up, straight body and no emotion, only a cool one. Cause I'm a b***h.
"I am Krishna Winston, the owner of this school. I'm born to be a b***h. So? Should I respect you?" Tinaasan ko ng kilay ang bago naming teacher.
"Yes, you should, Miss Winston," sabi nito.
Napa-smirk naman ako sa sagot niya. She looks so confident. Napa-cross-arms ako at tinaasan siya ng kilay.
"Why dear?" I asked sarcastically.
Napakunot ito ng noo saka nagsalita. Ang buong klase ay tahimik na nakikinig sa amin.
"Because, I'm older than you… and I'm your teacher, young lady," sabi nito at ngumiti sa akin.
Tumawa ako ng mahina. I stared at her.
"Well? That's all? Seriously? I don’t like you here."
I don’t like her confidence. Wala nang mas a-angat pa sa akin. Dapat ako lang palagi.
"Oo, Miss Winston, I don’t need you to like me," sagot niya.
"Okay, mukha ka kasing hindi karespe-respeto!" I whispered as I sat on my chair.
Tahimik lang ang lahat samantalang tinuloy niya ang pagsasalita sa harap ng klase kahit ba kitang-kita ko ang pangigigil sa mga mata niya. Mukhang masaya ang magiging new year ko. New games to play.
Natapos ang boring niyang klase. Nagtungo ako sa canteen at naupo habang hinihintay na dalhin sa akin ang pagkain ko. Automatic nila akong binibigyan ng foods dahil ako ang anak ng may-ari.
"Hey! Krish."
Napalingon ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. I saw Zaira walking towards me and sat next to me.
"Hi,” wala kong ganang bati. “Did you go out with them?"
"Yeah, they are so priceless, sweetie. Ikaw? kelan mo balak umamin na pinaglalaruan lang natin sila?" tanong niya.
Napabuntonghininga ako. They are already boring. I want something new. Tapos ko na landiin yung mga gwapong boyfriend nila, sadly… nagpalandi naman sila. Iba talaga ang bagsik ng maganda. Boys are tempted.
"I don't know,” I whispered and my food came. I picked up the milktea and drink it.
“Sabi ko na nga ba, wala nang lalakeng loyal sa mundo. Nangako yung boyfriend ni Sasha at sa harap ko pa talaga. Mahal na mahal niya raw si Sasha at never niya itong lolokohin—but after he said that, we took a date!” kwento ni Zaira.
“Promises are meant to be broken, besides, wala nang matinong guy sa mundo. Not even my father."
“Niether,” pagsang-ayon niya.
Both of our parents sucks. I guess that’s why nagkakasundo kami.
“Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan nung lalakeng ‘yon kay Sasha. Hindi hamak na mas maganda ka kay Sasha," aniya.
“I know, I just can’t believe that her boyfriend is too blind.”
"Yeah! Baka naawa lang kay Sasha… but it will be fun kung hahalikan ko yung lalakeng ‘yon sa harap ni Sasha, right? That will be more exciting! Tignan lang natin ang galing ng babaeng ‘yon!" matapang na sabi ni Zaira.
Sasha Evangelista, ang pinakabwisit na taong nakilala ko. Since Junior Highschool ay gusto ko na siya patalsikin sa skwelahan ko pero I can’t, because the one’s who’s handling this school of mine is my step-father, Mr. Mandrell. Sobrang sipsip niya sa step-father ko since then, sa tuwing mayroong gulo sa pagitan naming ay mas kinakampihan pa ni Mr. Mandrell si Sasha. Siguro ay may nahuhothot si Mr. Mandrell kay Sasha.
Bumalik na kami sa room para ituloy ang klase namin. First sem pa lang pakiramdam ko babagsak na naman ako.
"Class, tomorrow we need materials for the groupings. I'll write on the board lahat ng kailangan," sabi ng teacher namin sa Earth and Life Science.
"Sissy, I think we need to go in Book store later, then pwede tayo manood ng movie. What do you think?" napaharap naman ako kay Zaira nang magsalita siya.
Magiging boring kung sa bahay lang ako. My Mom and step-father are always busy kaya si yaya Cecille lang ang kasama ko sa bahay. Siya ang tinuturing kong Nanay, simula bata ako ay siya na ang nag-alaga sa akin. I like my yaya.
"Sige, let’s go after class," sabi ko at ngumiti sa kaniya.
Sa lahat ng naging kaibigan ko? Si Zaira lang talaga ang nakakasundo at pinagkakatiwalaan ko, Only Zaira. She treats me like her sister, so do I. We vibe and have common in our life. She’s my best friend.
***********************
Clarence P.O.V
I'm Clarence Staverton, 18 years old. I live on my own. Simula noong 5 years old ako ay iniwan na ako ng nanay ko, Ang tatay ko naman ay hindi ko na alam kung nasaan. Simula kase ng iniwan kami ni Mama ay naging basagulero na si Papa at iniwan na ako. I have a little sister pero sinama siya ni Mama. Pinalaki ako ng Lola ko, pero, namatay din siya last year. Sobra akong nanlumo at nasaktan nang mawala siya sa akin, siya na lang ang meron ako tapos… Mawawala pa?
Sadyang ganoon lang talaga ang buhay. Mabilis lang kaya gusto ko pahalagahan lahat at mabuhay ng masaya. Hangga’t maaari ay tinitiis ko lahat para makamit ko rin ang pangarap kong maginhawang buhay. Wala akong masyadong kaibigan dahil nandidiri sila sa acne ko kahit alam naman natin na normal ito. ‘Nerd’ rin ang tawag sa akin porket naka salamin ako. Lumabo lang ka agad ang mata ko.
Nandito ako sa Book store para bumili ng mga novel books. Hilig ko kase magbasa ng mga stories. Nakakatakas ako sa mapanghusgang mundo kapag nagbabasa ako.
Tumitingin ako sa isang shelf nang biglang mahagip ng mata ko ang mga papel. Pumunta ako doon at kumuha ng isang pad na iba-iba ang size. Aalis na sana ako pero may nakita akong sticky note, makapal ito at napakadaming kulay. Tinignan ko ang prize, 59.50 pesos, bibilhin ko na.
"Yeah! I know."
Agaw pansin sa akin ang boses ng isang babae.
Kusa akong napalingon sa kabilang side ng shelf at nakita ko ang isang babae na nakasuot ng uniporme. Maputi siya, matangos ang ilong at makapal ang kilay. May kulay ang buhok niyang brown at mapula ang labi nito. Mukha ding mamahalin ang hawak niyang handbag.
Napatitig ako sa kaniya, bumilis ang t***k ng puso ko. Nagulat ako nang tumingin ito sa akin at tinaasan ako ng kilay, napayuko ako nang lumingon din sa akin ang kasama niya. Kinain ako ng kahihiyan.
"Ang ganda kahit masungit," bulong ko. Madami na akong nababasang istoryang ganito.
Tinignan ko lang ang dalaga habang naglalakad palayo. She's like an angel, a fallen one.