CHAPTER 5 Krishna's P.O.V 'YOUR SMILE CAN MELT MY HEART' Bigla akong napangiti, kung ganoon ay sana patay ka na ngayon kung natunaw 'yang puso mo! Kalokohan! Inilagay ko na ulit sa bag ko ang note at dumeretso na sa office ni papa dahil pinapatawag daw ako ni Mr. Mandrell. Habang naglalakad sa hallway ay tumunog ang cellphone ko. From: Gian Lets meet at the park? 5 pm Napailing na lang ako. Kakakita lang namin tapos magkikita na naman? Pero wala namang masama. He wants to play with me? Well the game begins. Patuloy lang ako sa paglalakad habang nirereplayan si Gian pero hindi ko napansing may tao pala kaya nagkabunggo kami. "Aray!" daing ko. "Sorry, Miss!" napatingin ako sa nagsalita, si Mr. Nerd pala, yumuko pa ito pero binalewala ko na lang. Napatingin