NAUDLOT iyong dapat na pagtatapat niya kay Jio dahil sa takot na kanyang naramdaman. Parang hindi niya kayang magalit ito sa kanya lalo na sa pamangkin niya na higit na walang sala sa mga nangyari noon. Mataman niyang pinagmasdan ang natutulog na si Jio sa kanyang tabi. Sa tabi nito naroon nakasiksik si Micah kaya parang naging palaman nilang dalawang magtiyahin ang binata. Umisod siya palapit dito at tila naramdaman naman nito ang paggalaw niyang iyon kaya inangat nito ang braso at pinaunan sa kanya. Mas malaya niyang napagmasdan ang mukha nitong mala-anghel. She lifted up her hand and traced Jio's brows using her index finger. Perpekto ang lahat dito mula sa itsura pati sa ugali at ito na yata ang pinaka-down to earth na tao na nakilala niya. There's no judgement in his eyes and no