NAHINTO sa tangkang pagpasok ng villa nila si Jio ng madinig niyang nag-uusap na naman ang kambal niyang kapatid tungkol sa aksidente. His ate Addie was so furious that very moment. Kabaliktaran noon ang sa kuya Drew niya. Kalmado ito at sinusubukang h'wag sabayan ang ate Addie niyang galit na galit. Nanatili siyang nakatayo sa labas ng villa at matamang pinakinggan ang pinag-uusapan ng dalawa. "Does Jio admitted that he have feelings for that girl?" Nadinig niyang tanong ng nakatatandang kapatid na babae. His older sister was pertaining to Allison if he's not mistaken. "That girl has a name Addie. Bakit ba galit na galit ka dyan? Hindi naman si Allison ang naka-aksidente sa kapatid natin. Labas siya o kahit yung bata sa kasalanan ng kapatid niya," his older brother said. "Hindi nga