Luciana "Kharmaine," baling ko sa kaniya nang mula sa dilim ng kagubatan ay bigla siyang sumulpot. "Look what you've done, it's a mess." mahinahon siyang naglalakad palapit sa amin. "You know me," lumapit naman ako kay tabachoy at Lalaine na nahihilo pa sa ngayon. "Code black," simpleng sagot niya na may malalim na ibig sabihin. She's reminding me about my identity. Tama naman siya, alam kong may nakapansin na sa mga aksyon ko pero hindi naman ako bobo. I always made it sure that I am always one step ahead. Nilapitan din niya kami. Pansin ko lang naligo ata 'to sa dugo, ang dating white and black fitted combat get up naging shade of red na, sa paraan at istilo ng pagpatay nito hindi na 'to kataka-taka. Ang dumi ko na rin. Tumalikod na'ko sa kaniya at nag umpisang