Luciana Nasa tuktok pa rin kami ng maze at kasama ko si tabachoy, isang oras na kami rito. Kung ako lang mag-isa natapos ko na 'to pero may kargo akong kasama, kargong grabe makakain. Matalim ko 'tong sinulyapan. "Hoy taba, tapos ka na lumamon dyan?" kasalukuyan kasing lumalamon ng tsokolate si taba. Parang ‘di pinakain ng isang taon. Pilit siya nagsasalita kahit puno ang bunganga. "Ang baboy mo," hinatak ko ang likuran ng damit niya kaya para siyang biik na binitay. "Ate!" Tumakbo na'ko at binagtas ang tuktok ng maze habang nasa kaliwang kamay ko siya. Bawat liko at dead end ng tinatahak ko na maze wall ay tinatalon ko ang distansya para makapunta sa isa pang maze wall at maipagpatuloy ko ang takbo ko sa tuktok nito, si tabachoy naman ay grabe lang kung makatili. S