KABANATA 14

3023 Words
Sabay kaming umuwi ni Miles at bumili na rin ng makakain, sinabi ko na rin sakaniya ang tunay na dahilan ng pagpunta ni Porcia, na ang pag-uusapan talaga namin ay ang mansyon. Nagluto nalang kami ni Miles ng Mac and Cheese, bumili ng fried chickens at umorder ng pizza. We also ordered some baby back ribs kasi iyon ang favorite ni Porcia, and some liquor of course! Dahil sa presensiya ni Miles ay nawala ang pagkainis ko dulot ng nangyari kanina at maging ang nakakainis na si Emerald. For real, the girl needs some therapy, ang lakas maka delusion. Kasalukuyan kaming nag-aayos ni Miles sa sala at inaayos na rin ang mga pagkain dito nang tumunog ang doorbell. Kapwa napalingon kami ni Miles at tumango naman siya. “Ikaw na.” Sabi niya. Excited akong lumabas para papasukin si Porcia. Kakasya ang dalawang sasakyan sa frontyard ng bahay namin kaya maluwang kong binuksan ang puting gate para papasukin ang sasakyan ni Porcia na Everest. Nang makapagpark siya ay masaya ko siyang sinalubong ng yakap pagkababa niya. Tumatalon-talon pa kami at tumitili. “It’s been a whileeee.” Sabi niya. “Kayanga, ang busy mo kasing tao Madam Attorney.” Sabi ko at magkaakbay pa kami habang naglalakad palagpas ng patio. “I’ll spend the night here. Nagpaalam na ako sa parents ko.” Sabi niya. “Turning 28 kana niyan ah.” Sabi ko at ikinatawa nalang niya. Porcia’s the definition of a classy and smart woman. Kapag makikita mo ito ay akakalain mong walang kasiyahan sa mundo. She’s always poker-face, and she will not even give you a hint of smile nor interest kung hindi ka niya malapit na kakilala. Lagi ring nakataas ang kilay niya at matalim ang tingin niya. Naka eyeglasses rin ito palagi at naka clean ponytail. She always wears dresses naman which never go out of styles. Maganda ang hubog ng katawan ni Porcia. Mabalakang ito at mahahaba rin ang mga binti, she’s fit to cover a magazine if she will pursue a career in modelling, pero strict ang mga parents niya at mabuti nalang ay lawyer ang napili niyang propesyon, pero dahil rin doon ay mas lalong naging limitado ang social life niya which we understand. Naiintindihan rin naming ang pagiging over-protective ng parents niya because of what happened to her brother back then, he was kidnapped, pero gladly ay na-rescue ito. I am already wearing terno pajamas, maging si Miles. “Porcia!” Masayang bati ni Miles kay Porcia pagkapasok namin sa sala ng bahay. Napatingin si Porcia sa mga nakahandang pagkain at set-up naming na pawang Netflix and chill. “Parang hindi yata meeting itong pinuntahan ko.” Tumawa ako at kinuha ang set ng terno pajama sa kwarto ko at mabilis silang binalikan sa sala, “Bihis ka muna.” Abot ko sakaniya ng terno pajama na power puff girls. “Cute!” Sabi niya. Natawa kami ni Miles, but moments like this are so precious. Siya si Bubble, si Miles si Buttercup, at ako naman si Blossom. Naghilamos at nagbihis na rin si Porcia kaya pumwesto na kami ni Miles. Inurong namin ng kaunti ang kaybigat na blue couch kanina saka kami naglatag ng folding bed sa harapan ng sala table kung saan ang mga pagkain. The TV’s also on, pero hindi naman ‘yan magagamit dahil sa magiging chismisan namin. Umupo muna ako sa mahabang couch habang si Miles ay nakaupo sa bed at ang likod ay nakasandal sa front ng couch na kinauupuan ko. She’s trying to choose movies. “Powerpuff girls nalang.” Suhestiyon ko. Sinulyapan niya ako ni Miles. Akala ko ay aangal siya pero bigla siyang ngumisi, “Right!” Sabi niya at dali-daling sinearch ang powerpuff girls. Napahiga ako sa couch at nagbrowse muna sa phone habang hinihintay si Porcia na matapos sa pagbibihis. Napataas ang kilay ko nang makakita ako ng isang text message. From Demon, “Lahat ng sinabi ko ay para lang sa trabaho. Anyway, you did well in the conference.” Napaikot ang mata ko saka inatsa ang cellphone sa bed ng pagalit. “Whatever!” Sabi ko at humalukipkip. Tinuon ko nalang ang mata ko sa TV. Naramdaman ko nanaman ang inis kay Regan. Ang taong iyon ay wala nang naidulot na magandan sa buhay ko. “Hala, napano ang taong ito?” Doon ko lang napansin si Miles na naguguluhang nakatingin pala saakin. Busangot ang mukha ko na kaagad kong ikinubli. “Wala.” Sagot ko pero alam kong hindi siya naniniwala. Kinuha niya ang cellphone kong naatsa ko malapit sakaniya. Nang makita kong nakabukas iyon ay parang kidlat kong inagaw ang cellphone mula sakaniya, dahilan para mapahiga ako sa kama sa ilalim. Parang nagulat naman si Miles sa ginawa ko. Peke ko siyang nginitian habang nakalapat ang cellphone ko sa dibdib ko at nakahilata sa harapan niya. Pinanliitan niya ako ng mata. “May boyfriend kana?!” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at mabilis na bumangon. “No! Not in the slightest chance!” Pagtanggi ko saka na siya tinabihan. Sinandal ko ang likod ko sa couch at nag-indian seat. “Grabe naman ng mood swings mo, para kang sirang bigla nalang magdadabog tapos para kang may pinakatatagong sikreto diyan sa cellphone mo. Isang milyong porsyento! Lalaki ‘yan!” Sabi niya at dinuro-duro pa ang cellphone ko. Nakangiwing tiningnan ko siya pero hindi ako nakaimik. Hindi ko maitanggi pero hindi ko rin naman maipaliwanag kaya nanahimik nalang ako. “Anong lalaki? May boyfriend na kayo?” Biglang sumulpot si Porcia at tumabi na saakin sa pagkakaupo sa kama at sumandal rin ito sa couch. Ngayon ay pinagigitnaan na nila ako ni Miles. From having a stern appearance, Porcia’s appearance looks like a normal home girl. Naka-bun na ang buhok nito, and god knows how anyone would be willing to pay anything to have Porcia’s flawless bare face! “Ako wala akong boyfriend, itong kaibigan mo baka meron na at siyang pinakatatago.” Sabi ni Miles kay Porcia. Tiningnan lang ako ni Porcia ng nakataas ang kilay. “Wala akong boyfriend, okay? Since we’re on this topic na, I’m going to tell you the story now.” Sabi ko at umayos ng upo. I scooted towards the mini table and grabbed a chicken wing. “Pero kakain muna tayo for starter,” sabi ko at sinulyapan sina Porcia at Miles na nagtinginan, “Porcia may baby back ribs, your favorite.” Sabi ko kay Porcia at doon na rin sila lumapit sa maliit na mesa at sinamahan ako kumain. “So ayon nga. My mother passed away last week, and after 2 days of her burial, I’ve received a call from an attorney, saying that he was the Bennet’s Lawyer back in the days, and that he was entrusted with the title of the land and mansion owned by Bennet’s Family, tapos malaman-laman ko nalang ay saakin pala nakapangalan. Bale may pagmamay-ari pala akong mansyon na wala akong kaalam-alam.” Pagkukwento ko habang may hawak pa akong manok sa isa kong kamay. There was a moment of silence. Kita ko ang pagtitinginan nina Porcia at Miles. Porcia was about to bite her piece of baby back ribs when she put it down again while facing me with a questioning and confused look. “Who is that Attorney? I might be familiar with him. Pero paano ‘yon? May mansion ka talaga? Ipinamana sa’yo ang mansyon na iyon na wala kang kaalam-alam at ngayon mo lang nalaman? Kaninong side ‘yan? Your mother sides? Father side?” Dire-diretsong tanong ni Porcia. “His name is Attorney Ramon Rosales, and according to what I’ve gathered so far, sa father side siguro kasi Bennet Mansion iyon ‘e. So it’s my father’s surname.” Sagot ko. Kita ko ang gulong-gulong mukha ni Porcia, parang ang dami nitong gustong itanong saakin na siyang inexpect ko. “Walang nabanggit sa’yo si Tita dati noong nabubuhay pa siya? Ni minsan? Na may ipinamanang mansyon sa’yo?” Nilingon ko si Miles na siyang nagsalita. Umiling ako, “Wala. Recently ko lang talaga nalaman.” Sabi ko, although Mile’s already been brief about it, mukhang madami rin itong gustong itanong. “Pero bakit? Bakit naman itinago ni Tita sa’yo ang malaking bagay na iyon? Well, thinking about it… Yeah, it was possible. Lalo na kung ipinasa na sa’yo ang titulo minor ka palang. So, Tita has the right to hide it from you until you’re ready or until she said so, so she was the conservator the whole time. She literally hid it from you.” Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Porcia. “Hindi ko alam… pero bakit?” Sambit ko. Nagtinginan kaming tatlo na tila nag-iisip ng posibleng dahilan. “A mansion and a land… pwede niyo naman tirhan iyon imbes na nandito kayo naninirahan. Pwede pang magtayo ng agri-business roon si Tita kung tutuusin base sa kwento mo na ekta-ektaryang lupain ang meron kayo, pero ni minsan ay hindi iyon binanggit ni Tita na pawang nililimot niya iyon. Sa panahon ngayon, ang laking bagay no’n, sa hirap ng buhay na halos dugo at pawis ang kapalit para kumita ng pera. So bakit iyon pinagsawalang bahala ni Tita? As if she was hiding it from you.” Pag-eelaborate ni Miles. Muli kaming natahimik. “I can only think of protection. Or if not… hiding or running away from something? Kasi kung iisipin ah, a mansion and hectares of land is no joke. People even kill each other for a piece of land—” Biglang nanahimik si Porcia at hindi natuloy ang sinasabi, nanlalaki rin ang mata nito na wari ay may napagtanto. “What if there’s someone who wants to get that land? Someone wo can potentially harm you as an heir to the mansion and the land! Kaya inilayo ka ni Tita at kailanman ay hindi niya iyon nabanggit sa’yo? Kasi anak ka niya, of course a mother would sacrifice everything for the safety of her child.” Napahinga ako ng malalim. That makes sense. But… “But I heard that the mansion has been deserted for 20 years now, pero wala naman umangkin.” Sabi ko. Porcia stared at me like analyzing the whole situation. Gano’n rin si Miles. “May history pala ang pamilya niyo, akala ko lang talaga ay wala kayong kamag-anak rito, hindi lang pala talaga kayo nagmula rito.” Sabi ni Miles. Tumango naman ako. “We need to investigate further.” Sabi ni Porcia. Nakatingin ako sakaniya habang pinag-iisipan ang sinabi niya. “Are you willing?” Tanong pa niya. Ilang segundo pa akong hindi nakaimik. Alam kong tama ang naging desisyon kong kay Porcia lumapit, pero handa ba talaga ako? Kung ano man ang malaman ko? If I don’t want to sell the property, I need to know every detail about it. Marahan akong tumango, “Yeah. I will be willing to.” Mahinang sabi ko. “We’ll trace your family history, marami na akong kakilalang officers, and we’ll try tracing some cases that maybe related to your family, though that will take some time.” Sabi ni Porcia and this time, nakagat na niya ang baby-back ribs niya. “I suggest, ibenta nalang ‘yan kung talagang sa’yo nakapangalan Icely.” Nilingon ko si Miles na puro lamon sa Mac and Cheese dahil favorite niya ‘yon. “Ayaw ko pa naman ibenta. It’s the only thing that connects me to the past of my family that my mother never mentioned or talked about, pwera nalang nu’ng mga huling sandali ng buhay niya sa ospital. May binabanggit siyang mansyon, na mahal na mahal niya ang lugar, at kung papipiliin muli siyang mabuhay, ay doon pa rin niya gustong mabuhay, kaya naman pinapahalagahan ko iyon.” Muling nagtinginan sina Miles at Porcia. “Grabe, I’m so intrigued! There’s really something suspicious about it.” Sabi ni Porcia. Tumango-tango ako saka ko nalaala si Shiela at ang Tatay niya. They may know something, and the next time I’ll go back to the mansion, is the time I’ll find something more about the past of my family. Inabot ko ang wine kasi gabi na at hindi ko na gusto ang tequila. Kinuha ko ang nakahandang wine glass at nilagyan iyon isa-isa. Nang malagyan kona lahat ay saka ako lumagok ng alak doon habang nakatingin sa TV pero ang isipan ko naman ay lumilipad. “Meron pa.” Sabi ko. “Ano ‘yan? Bukod sa multi-millionaire ka na malamang sa malamang ay napakayaman ng pamilya niyo dati, ano nanaman ang dapat namin malaman? Baka si Bill Gates talaga Papa mo?” Kinurot ko ang binti ni Miles sa sinabi. Ngumiwi lang ito at natawa kaya natawa nalang rin ako. “Ito talaga ang pagmimeetingan talaga namin ni Porcia,” Sabi ko at tiningnan si Porcia na masyado nang invested sa kinakain niyang baby back ribs. “So, the day I went to Laguna to check out the mansion…well, the mansion is real, the property is real, so I really own a mansion, pero ang kaso lang…” Tahimik silang nakinig saakin. Kinwento ko ang lahat tungkol kay Shiela, sa pamilya niya, sa tatay niya, at sa estado nila sa buhay. Sa ginawang fraud nila Shiela at nu’ng tumakbong abogado, maging ang parte ni Regan at ng Lawyer niya, hanggang sa humantong sa pagiging co-ownership namin ni Regan sa mansion. As expected, Mile’s jaw dropped. Nagpapalipat-lipat ang tingin nito saaming dalawa ni Porcia. “Regan? Regan… is it, Regan Lozano?!” Sabi ni Miles na pawang hindi alam kung ano ang dapat na maging reaksyon. Nakangiwing tumango-tango ako. “OMG! My new boss? Seryoso?! So magkakilala na pala kayo?! Kakalipat lang niyang nu’ng isang araw! OMG! Small world!” Excited na palahaw ni Miles. Nakangiwi lang akong nakatingin sakaniya. “Anong exciting sa Regan na ‘yon, Miles? Hindi ka ba nakikinig sa kwento ni Icely? That guy isn’t a good guy. Alam mo, siya nga ang pinakaunang suspect ko ‘e. What if he’s connected with Ice’ family, and he’s the reason my Icely’s mother didn’t want Icely to know about the existence of that property? Kung gano’n rin pala ito kadesperado makuha iyong property na iyon, or mabili.” Kunot-noong singhal ni Porcia kay Miles. “Porcia! I think you haven’t seen him, and haven’y you heard of him? He’s a successful engineer at the age of 29! Nakatanggap siya ng Engineer of the Year last year by a prestigious organization, siya pa nga ang usap-usapan ngayon sa buong kumpanya na pinagtatrabauhan namin ni Ice, and credentials aside… his looks! Gwapo, matipuno, matalino… oh, girls are dying to work with him.” Napangiwi ako sa pagka-OA na pagdedescribe ni Miles about Regan kay Porcia. Si Porcia naman ay bigla nanahimik habang nakatigin kay Miles. Napailing-iling ako at napabuntong-hininga. “Hindi lang ‘yon! Itong si Madam Architect natin ay siyang pinagpalang naging partner ni Engr. Lozano sa malaking project ng kumpanya naming ngayon. Sino ang hindi maeexcite?! Hearing that Madam Architect here had some dispute with the handsome Engineer, tapos ngayon ay nagtagpo silang muli sa Bulacan para maging partner, sa trabaho isn’t it fate?” Namamanghang sabi pa ni Miles. Kinuha ko ang isang manok at pinasubo iyon sa bunganga ni Miles na nakangiti pero nakaawang. “Shut up. Walang nakakatawa sa nangyayari. Hindi mo pa siguro siya kilala o nakasama, pero hindi ako natutuwa sakaniya! He’s an opportunist, hindi man lang naawa kay Shiela doon sa Laguna! Tapos ginawa pa ang lahat para maging co-owner ko sa mansion para lang sa sarili niyang kagustuhan at kasiyahan.” Matabang na sabi ko habang lukot ang mukha. “But Icely, I’m not taking sides, okay? Hindi ko naman kilala ang Engineer na iyan, pero it makes sense to me. He lost 120 million, and that’s a huge sum of money, kailangan talagang managot ng pinsan-pinsanan mo. Tapos muntik pa siyang pa biktima ng Fraudulence. Anyone will act the same way he did.” Natahimik ako sa sinabi ni Porcia. Mahinahon ang pagsasalita nito na pawang pinapaintindi talaga saakin ang sitwasyon. Napatitig ako sa wine glass. Naisip ko na rin iyan, pero… Regan should’ve handled the situation in Laguna in a much nicer way. “He accused me of din kasi, and he also tried to insult me. Kinuha niya pa ‘yong sapatos ko!” Napailing si Porcia pero nakangiti na ito. “Well, kilala ka naman namin. May pinanggagalingan naman talaga siguro ang galit mo sa tao. I only justified the co-ownership thing. Pinili mong huwag isuko sa awtoridad iyong pinsanan-pinsanan mo, so panindigan mo, kapalit ay ang pagkakaroon ni Engr. Ng Karapatan sa mansion.” Mahinahong sabi pa ni Porcia. Ngumuso ako, pinapakitang hindi ako naging masaya sa katotohanang iyon. “Siguro nga ay kailangan kong tanggapin iyon.” Pagsuko ko. Tumango-tango naman si Porcia habang kumakain ng baby back ribs. “I’m excited sa mga susunod pang mangyayari— “Shut-up Miles. Isa pa ‘yan, inis na inis ako at naging katrabaho ko pa siya, of all people?! Seriously?!” Iritang sabi ko saka kumagat sa isang chicken. “Can you even do anything about it?” Sabi ni Miles. “But you still must be wary, Icely. We still must investigate the past of that mansion and your family, and about the Engineer’s motive for why he desperately wants it. There must be something behind it.” Seryosong sabi ni Porcia. Si Porcia talaga ang pinaka-matured at sensible saaming tatlo. Tumango ako. “So, depending on the circumstances, I will ready an agreement which will be discussed on both parties. Kailangan din kasi i-state ang percent ng right ni Engr. I will keep in touch with you about it, kasi aaralin ko pa rin. Pero I can make it until Friday.” Seryosong sabi pa ni Porcia saka ngumiti. Ngumiti din ako, “Thanks, Porcia. Mabuti nalang at may kaibigan akong maaasahan.” Sabi ko at pinanlakihan ko ng mata si Miles while emphasizing the word ‘Maaasahan’. She just made face and we all laughed. So, it’s all settled then.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD