KABANATA 15

2405 Words
Ilang oras ang lumipas at puro kwentuhan nalang ang ginawa namin. Hanggang sa makaramdam na ng antok si Porcia kaya napagpasyahan na naming matulog na. Dito nalang kami sa sala matutulog at tabi-tabi nalang kaming tatlo. It’s been a while since we’ve done this, at ang mga hindi planado pa talaga ang mas wholesome. Pagkatapos naming magligpit ay pinahiga ko na sila. Pare-pareho kaming maaga ang gising bukas. Ako naman ay sinigurado mun ana ang bahay ay naka-lock lahat ng pintuan, maging ang gate. Malaki naman ang kama kaya kasya kaming tatlo. Inalis na rin naming ang sala-table para mas maluwang ang space. Pinagitnaan namin ni Miles si Porcia nang makahiga ako at patulog na rin si Porcia. Si Miles naman ay mukhang nakuha na rin ang tulog at yakap-yakap pa nito ang pillow-hotdog/bolster. Humikab ako at pinatay na rin ang phone ko bago humiga sa tabi ni Porcia. “Porcia!” Kakapikit ko lang nang muli akong magmulat. Did I just hear someone called Porcia? “Porcia! Talk to me! Porcia! I know you’re there! Porcia!” Nangunot ang noo ko at napabangon. Lumingon-lingon ako sa paligid. Someone’s yelling, calling Porcia’s name. Porcia’s already asleep. “Porcia!” Totoo talaga ang naririnig ko, may tumatawag kay Porcia! Bumangon ako, habang si Porcia at Miles at mukhang mahimbing na ang tulog. “Porcia! Didn’t you miss me? Ganyan ka ba kawalang-puso?!” Nalukot ang mukha ko at nagtatakhang tiningnan ang mahimbing na natutulog na si Porcia. Nag-side pa ito ng higa at niyakap si Miles. Marahan ang lakad ko patungo sa pintuan ng bahay. “Porcia! Hinintay kita ng ilang taon! Porcia!” Nang muli kong marinig ang sigaw nito ay binuksan ko na ang ilaw. “Porcia!” “Hmm?! Natutulog na ‘yung tao!” Antok ang boses ni Porcia nang suminghal ito habang nakapikit. “Pst! Porcia!” Tawag ko sakaniya. Napayos naman ito ng higa at mapupungat ang matang nagmulat habang kunot ang noo. “Porcia!!” The guy yelled again on the top of his lungs. Biglang napamulat si Porcia at dumako ang tingin saakin bago balikwas na napabangon. “May tumatawag ba sa’kin?” Parang gulat na tanong niya. Naguguluhang tinanguan ko ito. “Porcia!” The guy yelled again that made Porcia gape. Nanlalaki ang mga mata nito at napatakip ng bibig. “OMG, how did he find me here?” Bulong ni Porcia at napatayo. Lumapit siya saakin, “May sumisigaw na lalaki sa labas at sinisigaw niya ang pangalan mo. Huwag ka kayang lumabas? Baka mapanganib, saka paano ka niya nahanap rito? May stalker ka? Boyfriend?” Kunot-noong tanong ko. Kagat ang labi ni Porcia na nakatingin saakin at mukhang hindi niya alam ang mauuna niyang sabihin pero umiling nalang siya. “Wala akong boyfriend.” Mahinang sabi niya. “Then who is he?” Tanong ko pa at hinawakan ang doorknob. “Porcia!” The guy yelled again. Napangiwi naman si Porcia at ako naman ay nagtatanong ang mga matang nakatingin sakaniya. “Well… I used to have someone years ago…” Sabi niya. Gulat na tiningnan ko siya. “Baliw ba siya? Bakit siya nagsisisigaw sa labas? He’s disturbing the neighborhood!” Sabi ko pero hindi ko talaga inasahan ang sinabi ni Porcia na mukhang may nakarelasyon na itong lalaki. Miles would overreact if she were to find out. Porcia’s so untouchable and unapproachable, sino kaya ang lalaking ito? “I don’t know! He has lost his mind! Pasensiya na, Icely. Let’s chase him away!” Sabi ni Porcia at binuksan ang pintuan. Napabuntong-hininga ako at sumunod sakaniya palabas ng bahay. Napangiwi ako nang makita ko ang mga kalapit bahay na nakabukas ang ilaw. Mukhang na-istorbo ang mga ito dahil sa ingay. Binuksan ko ang mga ilaw sa patio at ang ilaw malapit sa gate. Dire-diretso ang lakad ni Portia patungo sa gate. Gabing-gabi na, sino kaya ang baliw na lalaking ito? Porcia’s been pursued by a lot of men but none of them succeeded. Naiintindihan ko naman kung nabaliw ito kay Porcia dahil kahit naman sinong lalaki ay hindi malabong magkagusto sa nag-iisang Porcia, pero hindi naman nito kailangang magsisigaw sa harapan ng bahay ko! “Denver?! What are you doing here? How’d you find me?!” Napataas ang boses ni Porcia nang makalapit ito sa putting gate, nakahawak pa ito sa bakal habang nakatingin sa labas. Mabilis ko itong nilapitan pero nagulat ako nang biglang lumapit ang lalaki sa harapan ni Porcia at tanging ang gate langa ng nagsisilbing harang sa pagitan nila. “My god! Porcia! I finally had the courage to see you!” Napaawang ang labi ko nang maaninagan ko ang mukha ng lalaking nasa harapan ni Porcia. Mamungay-mungay pa ang mukha nito at nangangamoy alak. Lukot ang mukha ni Porcia na hindi makapaniwala. “God! Denver! Are you drunk?!” Tuminis ang boses ni Porcia habang kunot na kunot ang noong nakatingin kay Denver! This is Regan’s lawyer! What the hell is he doing here?! Anong ugnayan nito kay Porcia?! Nanatili lang akong tahimik sa gilid ni Porcia habang nakatingin sakanila. I can’t just leave them, the guy’s drunk, baka kung anong magawa nito kay Porcia. Pero nanahimik lang ito habang nakatitig kay Porcia gamit ang namumungay na mga mata at tila nagsusumamo pa ang mga ito. Hindi rin ako alintana nito. Nakaawang ng bahagya ang labi ko dahil sa gulat. Sino ang mag-aakalang makikita ko ito rito? Sa tapatan pa ng bahay ko? Bakit ang liit naman yata ng mundo? Una ri Regan, tapos ito?! “Please Porcia… talk to me.” He sounds so different when we were talking in Laguna! “D-Denver… umuwi ka muna. Lasing ka! Huwag mong sabihing sinundan mo ako rito? Nahihibang ka na!” Mukhang stress na stress si Porcia at hindi alam ang dapat na gawin sa mga puntong ito habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Denver. “I thought… you’re seeing another guy.” Para itong maamong tuta na nagsalita, nang biglang dumako ang tingin nito saakin. “You’re hopeless Denver! Nasisiraan ka na!” Singhal ni Porcia rito. He just glanced at me and went back to staring at Porcia. “Please Porcia, I can’t live without you, I’ll do anything, bumalik ka lang saakin.” Nalukot ang mukha ko sa mga naririnig ko. Lalo nan ang makita ko si Porcia na pawang hindi makaimik habang nakatingin kay Denver sa pagitan ng bakal ng puting gate. Porcia’s usual unemotional eyes displayed pain and confusion which shocked me the most. What the hell am I seeing? “There was no ‘us’, Denver.” Mahinang sabi ni Porcia. Gusto kong umalis at iwanan sila para makaroon naman sila ng privacy, but this guy is drunk… “Should I leave you two… alone?” Bulong ko. Umiling si Porcia ng hindi ako tinitingnan. “He’s leaving, wala naman kaming pag-uusapan at lasing siya. You’re causing disturbances. Denver! Umuwi ka na!” Pagpapaalis ni Porcia rito pero umiling lang si Denver. “I can’t…” Mahinang sabi nito. Napakurap-kurap ako at nag-iwas nalang ng tingin. Didn’t know I’ll be witnessing such a scene tonight. Feels like I’m in a movie or something. Kadalang ko nalang makasama si Porcia, ganito pa ang makikita ko, at wala naman kasi itong kinukwento saamin na may nobyo siya o nakilalang lalaki. Well, it’s just Porcia being Porcia. At that moment, a car suddenly appeared and stopped in front of my house. A Black Sedan… Napahinga ako ng malalim at hindi inalis ang tingin ko sa itim na Sedan na kakadating, at alam na alam ko kung kanino iyon at mukhang alam ko na rin kung bakit ito nandito! Tila dali-dali itong lumabas ng driver’s seat nang maaninagan ang kaibigan nito. Tumatakbo rin itong lumapit sa harapan ng gate. “Denver!” Tawag nito sa kaibigan. “Tell her… tell her that I’ve never entertained anyone other than her! Sabihin mo kay Porcia, siya lang ang minahal ko ng ganito, Regan… kasi ayaw akong paniwalaan ni Porcia.” Lasing na sabi ni Denver sa kaibigan nang umakbay si Regan rito. “Hindi mo nalang ako bigyan ng kahihiyan.” Mahina at madiing bulong ni Regan sa kaibigan bago bumaling kay Porcia. “Sorry, my friend’s drunk.” Nakangiwing sabi nito. Mukhang naptakbo lang ito para saklolohin ang kaibigan dahil naka sweatpants lang ito at white shirt. Tumango si Porcia rito. “You should go home. My friends’ neighbors were disturbed because of him causing a scene.” Malamig na sabi ni Porcia rito. Naglikot ang mata ko nang biglang dumako ang tingin ni Regan saakin. Mukhang natigilan ito nang magtama ang paningin naming. “Porcia…” Lasing na sabi ng kaibigan ni Regan. Regan’s looking at me when I cleared my throat and glared at him. “What?!” Usal ko. Nang bigla nitong igala ang paningin sa buong bahay ko at bumalik ang tingin saakin. “Why are you appearing everywhere I go?” Bumulong ito pero nadinig ko naman. “Huh? Ako pa? Excuse me? Bahay ko ‘to? Ako pa ang sasabihin mong sumusulpot kung saan-saan? Baka ikaw?” Masungit na sabi ko. “Your friend’s insane. Tell him to not drink if he can’t hold his liquor and please tell him to please leave me alone.” Iyon lang ang sinabi ni Porcia kay Regan nang tumalikod na ito at bumalik sa loob ng bahay. Napahinga ako ng malalim. “Porcia…” Tawag pa ng lasing na kaibigan ni Regan. Napailing-iling ako habang nakatingin kay Regan at sinulyapan ang kaibigan niya. Kinrus ko ang mga braso sa dibdib. “You should get going.” Sabi ko at inirapan ito bago tumalikod at pumasok na rin ang bahay. Nadatnan ko si Porcia na nakaupo sa couch at nakatulala sa hangin. Isinarado ko na ang pintuan nang marinig kong muli ang pagkabuhay ng sasakyan ni Regan sa labas at mukhang umalis na rin ito. Nilapita ko si Porcia at tinabihan sa couch. “I’m sorry, hindi ko inasahang susundan ako rito ni Denver.” Pahinging paumanhin niya saakin. “Sino siya? Ex-boyfriend mo?” Tanong ko. She shook her head and sighed. It’s my first-time seeing Porcia so emotional like this. “No, but almost.” Sagot niya at doon ay naliwanagan na ako. “Mukhang patay na patay siya sa’yo.” Sabi ko. Malungkot na tumingin saakin si Porcia pero hindi ito nagsalita. Mukhang may kinukubli ito sa dibdib na hindi masabi. I pulled her into a hug which she didn’t refuse. “It’s okay Porcia. Everything will be alright.” Bulong ko sakaniya. It looks like they’re in a complicated situation, at mukhang may maswerteng lalaki na rin ang bumihag sa puso nitong kaibigan kong mala-yelo ang puso. ** Kinaumagahan ay maagang umalis rin si Porcia. Ang sabi nito ay magkikita nalang kami sa Friday at i-uupdate nalang niya ako tungkol sa pinapaasikaso ko sakaniya, in which I agreed. Si Miles naman ay sumabay rin kay Porcia ng maaga dahil uuwi muna raw ito para sa kapatid niyang inapoy raw ng lagnat kagabi at ngayong umaga lang niya nalaman. I told her to tell me if she needs help on anything, but she said she can manage by herself. Kaya naman pumasok na ako ng trabaho. Pagbaba ko ng sasakyan ay nagulat ako nang makita rin ang Sedan na naka-park sa harapan ng sasakyan ko at lumabas naman doon si Regan! Agad na napaikot ang mata ko at hindi na ito pinansin saka na tumuloy sa paglalakad. Ke-aga aga, ganito ang bungad ng araw sa’kin! Mabilis ang lakad ko patungo sa elevator at nang makasakay ako ay dali-dali kong pinindot ang palapag na pupuntahan ko. Akala ko ay hindi na aabot si Regan pero nagulat ako nang may kamay na humarang sa elevator. Ang gulat kong mukha ay naging kunot-noo nang bumungad ang mukha ni Regan. Nagsalubong ang tingin naming. Walang ekspresyon ang mukha nito nang pumasok ng elevator kaya tumabi ako para panatilihin ang distansya namin. I secretly rolled my eyes and pressed on the floor level, hanggang sa sumara na ang pintuan ng elevator ay nabalot ng katahimikan sa pagitan namin. “Ikaw ba ang nakatira sa bahay na ‘yon?” Hindi ko inasahan ang pagsasalita niya kaya napatingin ako sakaniya. Diretso langa ng tingin niya sa pintuan ng elevator. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa saka ibinalik ang tingin sa mukha nito. “Yeah.” Simpleng sagot ko saka na umiwas ng tingin. Hindi siya nakasuit ngayon. Nakalong-sleeve lang siya na kulay itim na siyang tinupi ang manggas hanggang siko. I can applaud him for maintaining such a good look, pero sa ibang aspeto, waley. “Ako na ang humihingi ng paumanhin para sa ginawa ni Denver.” Baritono pa rin ang boses nito kahit na gano’n ang lumabas sa bibig niya na siyang mabilis kong ikinalingon. Dahil sadyang nagulat ako sa narinig ko. “Wow! Marunong ka palang magsorry?” Gulat na sabi ko. Kumunot ang noo niya at sinulyapan ako. “It was for my friend.” Kunot-noong sabi niya. “For your friend? How about for yourself? Hindi ka marunong?” May sarkasmong sabi ko. Matalim niya akong tiningnan, “What should I be sorry for? Wala akong natatandaang kailangan kong ihingi ng tawad sa’yo.” Matigas na sabi niya. Ngumisi ako ng tila nang-uuyam. “Right.” Sabi ko at umiwas na ng tingin. “Are you really fond of that?” Tila niiritang sabi nito. Ngumiti ako ng peke at muli siyang tiningnan na siyang nakatitig pala saakin. “What?” “Getting on people’s nerves.” Sagot nito. Nagkibit-balikat ako, “You got on my nerves first.” Sagot ko. Saka ko naalala ang sinabi ni Porcia saakin kagabi. That Regan’s actions were just normal. But still, iyong mga sinabi niya saakin kahapon pagkatapos ng conference! “Alangan naman maging mabait ako sa’yo sa Laguna pagkatapos ng ginawa ng pinsan mo? Tsk. I don’t get you, woman.” Tila pagsuko nito sa pinapakita kong asta sakaniya, at sakto namang bumukas ang elevator. Nauna na itong lumabas ng elevator at naglakad paalis. Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa likod niyang papaalis. Hindi ko na rin maintindihan kung bakit sobrang apektado ako. Hindi naman siguro… hindi ko naman siguro siya gusto? Umiling-iling ako at muntik pa akong masarhan ng pintuan ng elevator kung hindi ko lang ‘to pinigilan at dali-dali na ring lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD