KABANATA 10

2713 Words
“OMG! Regan! I thought you’d forgotten about me! Oh? Dinner? Sure!” Tumaas ang kilay ko at sinilip si Emerald na papalabas ng opisina mula rito sa kinauupuan ko. Ang lakas ng boses niya habang papalabas ng opisina at mukhang katawagan niya ay si Regan. Tumaas ang kilay ko, lalo na ang mga ka-workmates naming na nagtinginan pagkalabas ni Emerald. Binalik ko na ang tingin sa screen ng desktop. Who cares about them? Hindi naman niya kailangan ipagsigawan na magdidinner sila ni Regan. Psh. “Icely?” Muli akong napatingin sa pintuan at nakita ko si Ms. Pauline na papasok dala ang bag niya, mukhang pauwi na siya. “Yes, Ms. Pau?” Tanong ko hanggang sa makalapit na siya sa harapan ng table ko. “I heard you’ve been having a sour face since the conference; do we have any problem?” Tanong ni Ms. Pauline. “Ahm, wala naman Ms. Pau.” Sagot ko pero nakatingin lang saakin si Ms. Pau. “I think Engr. Lozano and you know each other. Siya ba ang dahilan kung bakit hindi ka masaya? Normally, a girl will be happy working with him, kita mo si Emerald na gustong-gusto siyang makatrabaho.” Sabi pa nito. “Okay lang naman sana kahit ibinigay niyo nalang kay Emerald.” Mahinang sabi ko. Tumaas naman ang kilay ni Ms. Pauline saakin hanggang sa bigla itong ngumisi. “Is Engr. Lozano your ex?” Tanong nito na ikinalaki ng mata ko. Mabilis akong umiling-iling. “A-Anong ex naman Ms. Pau! Hindi ‘no! Imposible! And over my dead body hindi ko papatulan ang isang tulad niya!” Kita ko ang pagkagulat ni Ms. Pau sa naging reaksyon ko. Kita ko ang malisyosang tingin niya saakin hanggang sa ngumiti nalang siya habang ako ay tila nagulat rin sa naging reaksyon ko. “I-I mean— “Okay dear. I heard it clearly. I will not think about it that way anymore. Cheer up, okay? Goodluck to the project, alam ko ang kakayahan mo kaya alam ko rin gagalingan mo. Goodluck with Engr. Lozano.” She said and winked before waving and turning her back to leave. Ako naman ay naiwan sa kinauupuan ko habang nakaawang ang labi. Why did I react that way?! Pagkatapos ng ilang minute ay nagsiuwian na rin, kasama kong lumabas ang mga kaworkmates ko at kinagabihan ay natuloy naman ang dinner naming. I was unusually quiet the whole time, paano kasi ay puro si Regan ang topic nila. Hindi ko alam pero parang pagod na pagod ako sa araw na ito. Pagkauwi ko ng bahay ay kaagad akong naghilamos at humiga ng kama. Nandito nanaman ako sa nakakbinging katahimikan at nag-iisa sa bahay na ito. Sa mga ganitong punto ko namimiss si Mama. Napahinga ako ng malalim bago bumalikwas sa pagkakahiga at inabot ang cellphone ko sa bedside. At this hour, gising pa kaya si Shiela? “Good evening, Shiela! How are you doing?” I texted her. Pero ang natanggap kong mensahe ay galing kay Miles. “Girl! Nasa bahay ka na ba? Will you be alright? Gusto mo ba diyan muna ako matulog?” Napangiti ako. Mile’s being worried about me, pero naiintindihan kong may sarili rin itong pamilya at buhay. Breadwinner kasi itong sa pamilya nila. “I’m fine. But you need to be free tomorrow for dinner. Porcia will be joining us!” Reply ko sakaniya. “Really?! Sure! Can’t wait!” Reply naman niya, then I received another reply from someone else, and it was Shiela. “Hello Ate Ice! Okay lang naman po! Naglinis po ako buong araw sa mansyon, kasama ko po iyong iilang mga kaibigan ko para magbuhat-buhat, huwag niyo po masyadong alalahanin iyon mansion, ako ang bahala doon.” Sabi nito sakaniyang mensahe. Nakangiti akong nagtitipa sa cellphone ko. “Mabuti naman kung ganoon, send me your gcash number, ilibre mo ‘yung mga kaibigan mo, pangmiryenda niyo na rin.” I replied to her. “Naku Ate, kahit huwag na! Okay lang talaga, nagmimiryenda naman kami at kumakain.” Reply nito. Inasahan ko ang sagot niya kaya naman sinubukan kong sendan siya ng pera sa number na gamit niya at nakita ko ang mga initials niya, I sent her some money. “Natanggap mo ba?” Tanong ko. Nang magreply ito na sinasabing ibabalik niya ay alam kong natanggap niya, mabuti nalang at natakot ko ito na magagalit ako kapag binalik niya kaya naman hindi na ito nagpumilit pa at nagpasalamat nalang. Having to think about it. I want to renovate the landscape of the mansion. Drawingan ko kaya? But it’s already late and I’m tired, bukas nalang siguro. Nagpaalam na ako sa mga ka-text ko at ibabalik na sana ang cellphone sa bedside para matulog na nang bigla ulit itong tumunog. Thinking that it was Shiela, Miles, or maybe Porcia, tiningnan ko ang phone nang bigla itong tumunog na may tumatawag. Nangunot ang noo ko nang makita ko ang unregistered number. Sumandal ako sa headboard ng kama at sinagot ito. Who’s calling me this late? Unregistered number pa. “Hello?” Bungad ko sa kabilang linya pero wala naman nagsalita. Is this a prank call? “Hello? Sino ito?” Ulit ko nang bigla akong makarinig ng pagtikhim ng isang lalaki. “I know it’s late, but I forgot to ask you something earlier.” I gasped and stared at my phone. “What the— Regan?!” Gulat na tugon. “How did you get my number?!” Galit na sabi ko dahil patulog nalang ay bumangon nanaman ang inis ko. “Chill. You gave my lawyer your number, basically, you gave your number to us, why are you surprise that I have your number?” Sagot naman nito, doon ako bahagyang natigilan. Oh, right, we exchanged numbers. “Even so, you didn’t have to call me yourself.” Mataray na sagot ko. “My lawyer no longer wants to speak with you, I don’t know why, careful with the way you talk, Icely, people are not always in your cup of tea. Kaya ako nalang ang kakausap saiyo at baka magkagalitan pa kayo.” I was guilty. Naiinis ako sakanialng dalawa kaya palagi kong tinatarayan iyon lawyer niya, kaya pala hindi na ito nagreply, buti nga. “I don’t need your advice, Regan. What do you want?” Tanong ko. “When will you be free? We need to talk and settle the arrangements about the mansion.” He’s talking about the mansion which I hate the most, lalo na at siya ang nagsasalita na akala mo ay bukal na bukal sa loob ko ang maging co-owner siya. “If it’s with you, I will never have free time.” Masungit na sagot ko. “I told you not to provoke me.” I rolled my eyes, as if I’m scared of him. “Whatever Regan! Sasabihan nalang kita.” Inis na sagot ko. “I’ll give you until Friday night.” He said and hung up. Inis na inatsa ko ang cellphone sa kama ko at matalim itong tinitigan na wari’y si Regan ang cellphone. “Kung makapagsalita akala mo’y hawak niya ang lahat ng bagay sa mundo!” Inis na sabi ko at sinubsob ang mukha sa mga unan para itulog nalang ang inis ko. ** Pagpasok ko ng trabaho, bumungad agad saakin ang sekretarya ni Regan na sinasabing kailangan ako nitong makausap! Puro nalang Regan, Regan, Regan! Busangot ang mukha ko sa pagsisimula ng araw. Mamaya pa naman ako pupunta sa opisina nito kaya may oras pa ako para mag-ipon ng pasensya rito sa opisina ko. Umupo na ako sa swivel chair at inopen ang desktop. I was told the some of my works will be transferred to someone else para mabawasan ang workloads ko. Tiningnan ko lang ang mga emails para makita ang progress ng mga current projects ko at ibang mga designs na under construction at halos okay naman na sila. Next week, I will need to conduct site visits. Pero dahil bagong proyekto na ang sisimula na hindi ko alam kung kailan ay mas dadamihan ko pa ang research ko tungkol sa mga likings and past projects ng Jimenez Land Corporation, para kapag nagdesign na ako ay makukuha ko ang kagustuhan nila. Hindi na ako nakapagbreakfast dahil pagkagising ko ay hindi naman ako gutom, dahil siguro ay kumain ako kagabi ng disoras nab ago umuwi dahil nag-kape pa kami ng mga kasama ko. It was already time to see Regan. Ano nanaman kaya ang sasabihin niya saakin? Tch, as much as I hate it, I will be needing to contact him for work purposes kaya kahit gustohin kong i-delete ang number niya ay hindi ko nalang ginawa. Sinave ko nalang with the name ‘Demon’, sino sa’tin ngayon ang Demon? Huh! Dumiretso na ako sa opisina niya dala ang sketchpad ko na magsisilbi na ring notepad, in case sumapi na ang professionalism niya at bigla ako papagdrawingan sa harapan niya. Mabuti nalang talaga at hindi siya ang boss sa department ko at hindi ako directly under sakaniya, kung hindi ay baka iconsider ko pang mag-resign ng hindi oras. Nadatnan ko si Regan na abala sa drawing table nito. Nakatayo ito at nakatalikod pero alam kong aware ito may taong pumasok. Mukhang may blueprint itong tinitingnan sa drawing table na hindi naman kalayuan sa office table niya. “Is it you, Icely?” Tanong nito bigla ng hindi lumilingon. Matalim ang tingin ko sa likod niya pero sumagot nalang ako, “Yeah.” Simpleng sagot ko. “Come here.” Biglang utos nito. Ngayon ay inuutusan na niya ako! Hmp! Kung hindi lang talaga siya considered boss ay hindi ko naman siya susundin! Lumapit na ako sakaniya at dumako ang tingin ko sa blueprint na tinitingnan niya. “This is the sample blueprint of the condominiums we’ll be working. Aalis tayo ng after lunch to attend the meeting of the Jimenez Group along with the other firms. I think you’ll be working with the designs of the condominiums.” Hindi ko maiwasang mapatingin sa seryosong mukha ni Regan habang kunot ang noo niyang nakatingin sa malaking blueprint na nakalapat. Ngayon ko lang maayos na natitigan ang mukha niya ng malapitan. Pero para akong natamaan ng kidlat nang marealize ko na nakatitig ako sakaniya, mabilis kong binaba ang tingin ko sa blueprint bago pa ako nito mahuling nakatingin sakaniya at baka mag-assume pa ito. Napabuga ako ng marahas na hangin. “What a plan.” Kumento ko nang makita ko ang malaking drawing at kita kong may iilan pa itong pahina. “Right. This will require a lot of work. But first, we’re in this together and we need to work as a team. We need to be attentive with every single detail, Icely. Kasi tayong dalawa ang mag-eexplain at magpipresent sa board, maybe a month or two from now on.” Sumeryoso ako sa sinabi ni Regan at sinserong tumango. Napakalaking proyekto nito na hindi biro. Mukhang inspired pa from abroad ang mga style ng condo na gusto nila. “Where did you get this? Do you have all the details? Hindi pa kasi naipapasa saakin iyong mga detalye. Pero baka sa’yo ay naipasa na.” This is the first time I’ve talked to him in such a manner. Tiningnan ko siya at nakatingin pala siya saakin, “Nasaakin na ang lahat, and event eh video of their meeting. I will forward it to you, tell me your email.” Sabi nito saka na dumiretso sa office table na siyang sinundan ko. Tumayo ako sa gilid niya nang umupo ito. Binuksan nito ang email niya. “You just have to type Ice, and my email will show up.” Sabi ko nang makita kong ifoforward na niya ang lahat ng nasend rin sakaniya. Sinundan naman niya ang sinabi ko at sinend na saakin iyong mga files. I was leaning to see his screen clearly, and I didn’t realize how close we were. I am standing beside him and when I glanced at him, he was already staring at me. Mabilis akong napalayo at napatayo ng maayos. I cleared my throat then looked away. What the hell? Why did my heart skip a beat? I felt a bit nervous for a second! “I’ve seen your past projects.” Muli kong tiningnan si Regan nang sabihin iyon. Hinarap nito sa gawi ko ang swivel chair niya kaya ngayon ay nakaupo ito pero nakatingala saakin. “And? What a about them?” Kunot-noong sagot ko. He’s staring at me again! Hindi ko alam kung ugali lang niyang tumitig ng tao o may binabalak lang talaga itong masama saakin sa paraan ng pagtitig niya. “You’ve got a talent.” Napangisi ako at umalis sa pagkakatapo sa harapan niya. Umupo ako sa upuan sa harapan ng office table niya. “I know.” I answered being full of myself. “But I don’t think this project is in your niche.” Napataas ang kilay ko at sinamaan ng tingin ni Regan. “Magkaiba ang trabaho natin, Regan, wala kang karapatang sabihan ako tungkol sa propesyon ko.” Seryosong sabi ko. Nagkibit-balikat lang siya, “I thought you’re open for criticism.” Sarkasmo ko itong nginisian, “I am, but not from you.” Matalam na sagot ko. Mas lalong lumalim ang titig nito saakin at umangat ang sulok ng labi niya. “Let’s see what you’ve got then. I’m just saying that criticisms are also eye-openers, and they can be key for new opportunities.” “Which is I’m very much well-aware, sabi ko na sa’yo, hindi ba? Hindi ko kailangan ng advice mo. I’m open for advice and criticisms, pero hindi galing sa’yo.” Mapait na sabi ko. Nanliit ang mata ni Regan habang nakatingin saakin. “How old are you?” Tanong nito na hindi ko sinagot. Binuksan ko nalanga ng sketchpad ko at may sinulat-sulat roon. Hindi naman ako nandito para pag-usapan kung ilang taon na ako. Nang makita niyang wala akong balak na sagutin ang tanong niya ay muli siyang nagsalita, “You look old.” Galit ko siyang tiningnan, “What old?! 27 palang ako ‘no!” Tumaas nanaman ang boses ko sakaniya. Bigla itong tumawa. “Chill there Little Demon. If I guessed something right about you, you should talk to me for this whole day as calmly as possible, kasi hindi puwedeng ganiyan ka maging sa meeting mamaya.” Tinaasan ko siya ng kilay. “And if you guessed it wrong?” Tanong ko pabalik. Nagkibit-balikat siya, “Name your deal.” Sagot niya. Lumiwanag ang mata ko, “Leave my mansion alone.” Sagot ko. Ilang segundong namayani ang katahimikan sa pagitan namin at nanatiling nakatitig saakin si Regan nang bigla itong ngumisi at tumango. “Deal.” Sagot niya na hindi ko inasahan. Ngayon lang ulit ako natuwa sa presensiya ng taong ito. “Guess one thing about me, one thing really personal.” Buong kumpyansang sambit ko. Wala naman itong alam saakin at bukod kay Miles ay walang ibang taong nakakaalam sa personal ko buhay. Nagkibit-balikat ito na wari sigurado sa susunod na sasabihin. “You’re 27, right?” Aniya na tinanguan ko dahil hintay na hintay ako sa huhulaan niya tungkol saakin. Nakangisi pa rin siya at mukhang nasisiyahan sa nakikitang ekspresyon sa mukha ko, “You’re 27, and I know for sure you do not have a boyfriend or a husband.” Mabilis na nawala ang tuwa sa mukha ko sa sinabi niya. Mas lalong lumapad ang ngisi niya hanggang sa naging ngiti na ito. Habang ako ay unting-unting nagsasalubong ang kilay habang hindi makapaniwalang nakatingin sakaniya. “Silence means yes, now you’ll be a little angel for today.” Sabi nito at tumayo. Habang ako ay hindi ko alam kung uusok ba ang ilong ko. I felt deceived and… I’m so annoyed right now! “How… how sure are you that I don’t have a boyfriend?” Galit na tanong ko at marahas na tumayo mula sa pagkakaupo at galit siyang tiningnan. “With the way you talk, and that kind of temperament, nakasisiguro kong walang makakatagal sa’yo. So, I’m sure, you do not have a boyfriend.” He said with a smile and a wink!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD