KABANATA 11

3000 Words
Dumating na ang puntong kailangan na namin umalis ni Regan para sa meeting, pero ako ay tahimik lang at hindi nagsasalita habang papaalis kami ng kumpanya. Kung magsasalita kasi ako ay baka masigawan ko lang ito at makapagsalita ng hindi maganda. I don’t know why, pero kaya ko naman bawiin ang sinabi niya at kahit magsinungaling man lang ako na may boyfriend ako kahit wala, pero hindi ko magawa. Lalo na sa paraan ng pagkaksabi niya kanina. That I look old! That I don’t have a boyfriend! Na walang makakatagal saakin! He was insulting me again! Ngayon may dahilan talaga at pinanggagalingan ang galit ko sa taong ito pero pinili ko nalang na manahimik kahit na kating-kati akong pagsalitaan ito ng hindi magagandang bagay. Halos umusok ang ilong ko habang nakatingin rito ng matalim. Kasalanan ko naman kasi at nagpadala ako sa mga salita niya! Ofcourse no one would play a game that they don’t know about! He played me well! Padabog ang ingay ng takong ko nang sumakay kami ng elevator. Pinanatili ko ang distansya sa pagitan namin habang bumababa ang elevator. Ayaw ko itong tingnan at diretso lang ang tingin ko sa pintuan ng elevator. Salubong na salubong ang kilay ko pero tahimik lang ako. “Now I feel like I’m with an angel.” Natatawang sabi naman ni Regan sa tabi ko. Ngayon ay tiningnan ko na ito ng napakasama at kung nakakamatay lang ang tingin ay humandusay na ito sa sahig ng elevator. Nakapamulsa pa ito habang nakangising nakatingin saakin at halatang nasisiyahan ito sa kagagawan. “You! I really hate you!” Napapadyak pa ako sa sobrang inis pero inilagay lang nito ang daliri sa labi na pawang pinapatahimik ako. “Hush. I won the deal; you need to be kind and calm for the rest of the day.” he said chuckling. Umigting ang panga ko at marahas itong inirapan. “Why didn’t it surprised me that you do not have boyfriend?” Natutuwang aniya. “Please Regan, if you’re going to insult me more than you did, just shut your mouth at baka magbago pa ang isip kong sundan ang deal mo!” Galit na sabi ko ng hindi tumitingin sakaniya. “I’m not insulting you— “Not insulting?! You said I look old! That’s so mean! ‘E kung sabihin ko bigla sa’yong mabaho ka out of nowhere? Matutuwa ka ba?!” Inis na sabi ko saka itong sinulyapan. Pero tumaas lang ang makakapal nitong kilay saakin. “Oh woman, alam ko kung gaano kabango ang amoy ko.” Puno ng kumpyansang sabi niya. Naiiritang tiningnan ko lang ito mula ulo hanggang paa na animo’y naiinis sa buong pagkatao nito bago muling inirapan. “Just shut up! I still have the rest of the day to endure. Huwag mong ubusin ang pasensya ko, Regan.” Huling sabi ko bago huminga ng malalim at tumahimik na. Pagdating namin sa basement parking ay inunahan ko na siyang lumabas ng elevator. Padabog ang ingay ng mga takong ko habang mabilis na naglalakad. “Saan ka pupunta?” Biglang tanong nito. Napatigil naman ako pero hindi ito nilingon. Kinalkal ko ang susi sa bag ko at nang makita ko ito ay saka ko siya nilingon. Nakatayo pa rin siya malapit sa harapan ng elevator habang nakatingin sakin. Nginisian ko siya at iwinagayway ang susi ng sasakyan ko bago ito pinindot upang patunugin na siyang narinig naman sa buong parkingan. “To my own car, of course.” Mayabang na sagot ko saka na pinagpatuloy ang paglalakad pero hindi ko inasahan na susundan pa ako nito at sasabayan sa paglalakad. This man is so irritating! “I thought you do not have a car, or that your car is broke— “Hush!” Hinarap ko ito at inilapat ang hintuturo ko sa labi niya upang manahimik na siya. Matalim kong sinalubong ang mata niya at kahit na nakatakong ako ay matangkad pa rin siya saakin. “That car was rented, now do a fact check first before insulting someone that they do not afford a decent car. Tsk!” Ungos ko saka na ito inirapan at nilagpasan. Hindi naman masyadong malayo ang sasakyan kong Land Cruiser kaya nang makalapit na ako ay bubuksan ko na sana ang driver’s seat nang biglang may dumantay na braso sa pintuan. Regan’s now standing beside me while leaning on the door of my Cruiser, sinadyang harangan ng braso nitong nakadantay ang pintuan ng sasakyan ko, kaya naman galit ko itong nilingon. He’s just a few inches away from me and it required me to look up to meet his gaze. “Ano nanaman Regan?” Naiiritang tanong ko habang magkasalubong ang tingin namin. “Okay, Land Cruiser is decent enough. Forget about these things. Seriously? Convoy?” Tanong nito. Bahagya akong natigilan at tinaasan siya ng kilay. “No, seriously? You expect us to ride the same car?” Lukot ang mukhang tanong ko. His adamant face nodded. Doon ako mas lalong natigilan at hindi nakapagsalita. I blinked twice. “Required ba na sabay tayo palagi sa mga meetings, conventions, and conference?” Tanong ko ng nakakunot ang noo. “Hindi naman, pero kapag nakita tayo ng mga tao sa pupuntahan natin, iisipin nila na hindi tayo close at wala tayong teamwork. Clients are observant, alam kong alam mo ‘yan.” Halos manlumo ako at ang ekspresyon ko ay pawang punong-puno na ako sa nangyayari sa buhay ko habang nakatingin sakaniya. “Wala naman talaga dapat akong problema sa kahit ano Regan, kung hindi lang ikaw ang kasama ko rito kahit magpakandong pako sa Engineer na sasamahan ko.” I said as if explaining dramatically. Biglang tumaas ang isang kilay niya. “Iyon ay kung kakandungin ka ng Engineer na sasamahan mo.” My fist clenched, “Argh! You’re getting on my nerves on purpose!” Sabi ko. Bigla itong tumawa ng pagak, “I just need you to be calm, Icely. Now, let’s go, we’ll use my car.” Sabi nito saka na ako tinalikuran. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko habang matalim ang tingin ko sa likod nitong papaalis. “Ayaw ko!” Sigaw ko. “Okay!” He answered and waved his hand. Nanlaki ang mata ko nang makita ang iwiwagayway nitong susi ng sasakyan ko. “Argh! Lozano!” Sigaw ko sa pangalan niya. ** “We are from PrimeLine Designs and Build. Yeah, nice meeting you.” Regan’s shaking hands with people who are wearing suits and screams formalities once we’ve entered the company of Jimenez Groups. “You’re Engr. Regan Lozano! I know you!” Natutuwang bati naman sakaniya ng isang blonde na lalaki na medyo may edad na at sa tingin ko ay foreigner. “Yeah, we didn’t have the chance to have a conversation back in Dubai, but I can remember you. Nice to see you again! How are you?” Bati naman pabalik ni Regan rito. They look so happy while I remain quiet beside him. Inilibot ko ang tingin sa paligid. This is one of the Jimenez’ companies. It’s so spacious from the lobby, and it looks so busy, judging from the few people who passes by. “Oh right! This is one of my colleagues, she’s an architect.” Nagulat ako nang biglang sabihin iyon ni Regan kaya mabilis akong napalingon sa kausap niya na ngayon ay kapwa na silang nakatingin saakin. Kaagad akong ngumiti, “Hi, I’m Icely Bennet. You can call me Icely, I’m an architect from Primeline Designs.” We shook hands and smiled at each other. The guy suddenly stared at me while smiling. “I’m Lousito, I’m also an architect from Emirates, but my family is really from America, so that’s why I look like an American.” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya at pinakita kong natutuwa akong makilala siya. Kaya naman pala. We’ve have chatted for a while and he’s nice. Hindi ko na ikakaila na impressed ako kay Regan, he’s familiar with most people here, even those with big names and big businessmen. Gladly, hindi niya ako pinabayaan, which I admit that I’ve appreciated. Hindi naman nagtagal nang sinabihan na kaming pumasok sa conference room. Madami kaming kasabay sa elevator kaya halos magdikit kami ni Regan. Tahimik lang ako habang papaakyat ang elevator. His hands are in his pockets again. I admit that it’s my first time to be in this kind of conference na maraming malalaking tao. Pero mukhang si Regan ay sanay na sanay na. Masyadong malakas naman ang aircon nila rito dahil nakaramdam ako ng lamig. Naka green pencil skirt kasi ako at beige na boulse. Hindi naman ganito kalakas ang aircon sa PrimeLine, sana ay kayanin ko ang lamig at baka magkasakit pa ako ng hindi oras nito. People are having conversations as we walk, pero ako ay nakikingiti lang at nakikitango at hindi masyadong kinakausap si Regan. Ngayon ko lang narealize na hindi pa naman talaga kami kaswal na nagkausap ni Regan ni minsan. Pagkapasok namin sa conference room ay mas lalo akong natahimik dahil sa lamig! Hindi naman ako nasabihan! Sana ay nagcoat nalang rin ako! “Thank you.” Ngiting sabi ko sa nag-aassist saamin nang ihatid kami nito sa uupuan namin. May nakasadya pang pangalan ko at ni Regan sa may table ng uupuan namin. It’s a spacious conference room. Ang lawak at ang laki ng table sa gitna na siyang pinapalibutan namin. May lagpas bente or trenta kaming katao at may kaniya-kaniya silang pinag-uusapan. Pamilyar ako sa iba pero ang atensyon ko ay sa nilalamig kong mga binti. Inilagay ko ang notepad ko sa table at palihim na kiniskis ang palad ko sa mga binti ko sa ilalim ng table. Inihahanda pa ang presentasyon at hinihintay pa ang mga boss mula sa Jimenez na siyang mga kliyente namin. Sana ay hindi nalang magtagal ang meeting. “What’s wrong?” Nilingon ko si Regan na nasa tabi ko. Nakatingin ito saakin at nakakunot ang noo. Palibhasa ay naka suit and slacks na kulay gray and blue, kaya hindi nito alintana ang kalamigan. Inilingan ko siya pero nakatingin pa rin siya saakin. Kinunotan ko siya ng noo. “Hindi ka ba komportable?” Tanong niya. Hindi ko inasahan na may pakialam pala talaga siya saakin. Huminga ako ng malalim. “Nilalamig ako.” Mahinang sabi ko na bahagyang humilig sakaniya para hindi kami marinig. I saw how he frowned and glanced at my thighs under the table. Bahagya siyang napailing. “Dapat ay sinabihan mo ako kaagad.” Sabi nito. I didn’t expect him to stand up. It was the exact moment when I found myself really staring at him while watching his every move. Matangkad si Regan, maganda rin ang tindig ng katawan, at mas lalong may hubog ang katawan niyang matipuno na natatakpan ng makapal niyang suit, pero sa mga sandaling iyon ay parang nagslowmo ang oras habang nakatingin sakaniya na maingat na hinuhubad ang coat niya! Kunot pa ang noo niya habang hinuhubad ang coat niya. Kita ko ang pag-flex ng biceps niya sa long-sleeve niyang kulay asul. I found it extremely attractive while he was removing his coat with a frown. Ang tangos din ng ilong niya, at ang ganda ng mga mata na animo’y kumikislap pero napakalalim at dilim kung tumitig. Pasimple akong nag-iwas ng tingin nang mahubad na niya ang coat niya at inilahad saakin. “Here.” I heard him say and I’m not sure if I should accept it or not, but my heart is already flattered by his gesture! “Hindi mo naman kailangan gawin ‘yan.” Mahinang sabi ko, pero naramdaman ko lang ang paglapat ng makapal niyang suit sa binti ko. Tiningnan ko siya at muli na siyang umupo. “You might freeze to death.” Even if he sounded a little mean, I didn’t mind it for the first time. 3/4 naman ang blusa ko kaya sa binti ko nalang tinakip ang coat ni Regan. I instantly felt warmth and relieved. “Thanks, I owe you one.” Sabi ko ng hindi makatingin. Hindi nagtagal nang magsimula ng meeting. It was my first time meeting the Jimenez Bosses. Madami silang pagmamay-aring sikat na establishments sa buong bansa, at matunog rin ang pangalan nila bilang isa sa mga pinakamayamang pamilya, at mas lalo pa silang yayaman sa bagong proyekto nilang ito. Kahit na tutok na tutok ako sa pakikinig ay hindi mawala sa isipan ko ang coat ni Regan na nasa binti ko. Hanggang siya na ang magsasalita sa harapan bilang representative ng kumpanya namin. Doon ko siya mas napanood ng maayos. “Building such a huge project is like a dream come true, and I know it requires all our skills here to be unified to make it all possible. I hope that PrimeLine Designs talent meets our clients’ expectations, and not only that, but this project will also be a milestone for us. Dedicating our craft to make people’s lives easier and comfortable…” He’s so good at speech! I was taking notes, and drawing the whole time, memorizing the presentation I should relay in PrimeLine a month from now. Napakagara ng proyekto at masasabi kong maging ako ay maeenganyong manirahan sa ganoong klaseng lugar. It’s literally like a city within the city. It’s called the EVA Center, where there will be high-rise high-end condominiums for residential units, and high-rise buildings for commercial spaces, there will also be the EVA Mall at the center which I find fantastic. I wasn’t expecting that I would be required to speak infront as well, mukhang kaming lahat pala, mabuti nalang ay prepared ako at sinundan ko nalang rin ang sinabi ng mga past speaker before na siyang mga architects’ din. “Good afternoon, everyone! I’m Icely Bennet, I’m with Engineer Lozano, from PrimeLine Designs and Build.” Pagpapakilala ko at inaamin kong kinakabahan ako sa mga tingin nila saakin. Mga propesyonal ang mga ito at hindi biro ang pinag-uusapan namin, but it’s a great opportunity for me to stand in front of them mukha naman silang looking forward sa sasabihin ko. “So, this is my second time participating in something huge as this project. But as an architect, it’s my passion to draw and create dream spaces, and my craft is dedicated to building and creating designs not only to improve the way of living, but also to make life necessarily beautiful,” I paused and glanced at the projector behind me, “I saw the inspiration for this EVA Center, and I think why don’t we blend the modernity with some themes? I’m talking about the high-end condominiums.” I can see them intently listening to me. “What do you mean themes?” Tanong ni CEO ng Jimenez. He’s so intimidating, and the way he stares at me speaks with authority. Nasa pinaharapan ko siya kaya kitang-kita ko ang ekspresyon sa mukha niya. “Based on what you want to do, you just want minimalist-modern-luxury spaces, but why don’t we give the future clients some choices of their likings? For instance, a family or someone who just moved in the country from Spain! If they should choose a residential unit, of course, they would want something that is like the comfort of their homeland. So they would probably choose a unit with a touch of Spanish Style in it.” Nakangiting paliwanag ko. There was a brief silence. The CEO kept staring so deeply at me. “After hearing everything, and after knowing what we aspire to build, coming from you as well, we just want to build residential spaces that are minimalist-modern-luxury spaces, so why bother to propose something like this which none of us here considered?” Napalunok ako sa seryosong tanong nito. Baka akala nito ay paladesisyon ako, at kitang-kita ko na hintay na hintay sila sa isasagot ko. Kumabog ang puso ko, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang sinasabi ko o hindi dahil kinakabahan na ako. Napadako ang tingin ko kay Regan. Gano’n din ang tingin niya saakin, seryoso at titig na titig, kunot rin ang noo nito. Then I remembered what he told me, “This project is not in your niche.” Humigpit ang hawak ko sa mic at huminga ng malalim. Muli kong sinalubong ang tingin ng CEO at pinilit na ngumiti. I will prove Regan wrong. “What is the purpose of hiring architects who are much knowledgeable and studied years and gained experience if they can’t share to their clients their own ideas better than the idea of what the clients want to build? I don’t know about the others, but I am an architect who makes people’s dream spaces possible, meanwhile, my crafts are also to improve and develop their aspirations. It’s like exceeding the expectations. That, that is my profession, and that’s why I’m trying to tell you other possible ideas, outside of the box that you’ve drawn.” Mahabang litanya ko. There was a moment of silence, until I heard a laugh. The chairman’s laugh! The grandfather of the CEO who’s sitting next to him. “Magnifico.” Tumatawang sambit ng chairman na may kasama pang palakpak. Meanwhile, the CEO who questioned me kept staring so deeply at me until his frown vanished and smiled. Doon ay pawang nakahinga ako ng maluwag, lalo na nang magtanguan ang mga nakikinig na kapwa ko arkitekto. Until they’ve clapped their hands while nodding and smiling. Doon na ako nakahinga ng maluwag at nakangiti. Dumako ang tingin ko kay Regan na tila hindi kumibo sa kinauupuan. Nakatitig pa rin ito sa direksyon ko, malalim ang titig habang salubong ang kilay. He doesn’t look happy, and why should I expect him to be happy for me? Umiwas nalang ako ng tingin. “From now on, we will consider that ideas of yours.” Ani ng CEO at tumayo. Ngumiti ako sakaniya. Nakangiti rin siya saakin nang kuhanin ang mic sa kamay ko at sinabing maupo na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD