KABANATA 9

2370 Words
Pagkatapos ng isang oras na pagpresenta sa plano at napagkasunduan ng kumpanya naming sa iba pang mga firm maging ang gusto ng big time clients namin ay mas naging malinaw saamin ang lahat. This project will take so much time and effort from all of us. “Engineer Lozano will be supervising the progress and the commencement, that being said, siya rin ang magiging representative at makikiusap sa ibang mga firm at maging sa mga client bosses, does anyone refuse?” Tanong ng CEO na nagsasalita sa harapan. Walang umimik. Regan will really handle this big project. Ang laki naman ng tiwala nila sa kakahayan niya. “I guess everyone agrees here.” Sabi ng CEO at tumango naman ang lahat. Dumako naman ang tingin ng CEO sa gawi namin, kay Ms. Pauline. Most people here are architects and engineers, and that’s why this is a company of designs and builds, and these veteran people’s really trusting someone like Regan. “Ms. Pauline, you are the head architect here, so given na ikaw ang sasama kay Engineer Lozano.” Sabi ng CEO. The CEO is a kind person, and a happy-go-lucky one, kaya parang nakikipagkwentuhan lang ito sa mga kaibigan kapag may conference na ganito. “Am I the one who will make the initial plan? Are we not just handling most of the engineering? Then the designs of the high-end condominiums, the landscapes, and the retail and commercial spaces? The architectural from abroad will be the one submitting the initial plan, right? I still have a project on my hands which I am the principal Architect, so I will send one of my men instead of me, is that okay?” Mahabang litanya ni Ms. Pauline. Nahigit ko ang hininga ko at naibaba ang tingin. Not me, please Emerald, magpabida ka, ayaw kong makasama si Regan. “Sure, we trust everyone’s skills here. Who will you send?” Tanong ni Sir Noel. Hindi ako nakatingin. I’m pretending to write in my notes. “Me!” Mabilis akong nag-angat ng tingin at napangiti nang marinig ko ang matinis na boses ni Emerald at nakita kong nakataas pa ang kamay nito. I sighed in relief. Nagliwanag na ang mukha ko at ngumiti. Good job. Bigla naman dumako ang tingin ko kay Regan. Nakita kong nakatingin ito saakin at knowing na hindi ko siya makakatrabaho ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob na taasan ito ng kilay. He’s expressionless while staring at me. Ano ba ang tinitingin-tingin niya? Umiwas na ako ng tingin at tumingin kay Emerald. “Architect Hayashi? Okay— “Architect Hayashi still has an on-going project in Japan. She’s out of the country from time to time, at kakauwi nga lang niya. She won’t be able to handle this.” Bigla sabad ni Ms. Pauline. Bigla nawala ang ngiti ko at kumabog ang puso ko. Lalo nan ang ibinaba ni Emerald ang kamay at hindi maipinta ang mukha, at lalong-lalo nan ang maramdaman ko ang pagdako ng mga tingin sa gawi ko. “What? Kaya ko naman Ms. Pau. I can handle it. Isa pa, magkakilala rin kami ni Regan, we will be working effectively. I also insist.” Pagpupumilit ni Emerald. “Emerald, remember that this project is not solely ours. We’re just contributing, and in partnership. We are not the principal architects. Mas kailangan mong magpokus sa mga proyekto mo ngayon. Representatives is also what we need, huwag kang mag-alala, lahat naman tayo ay magpapasa pa rin ng mga proposals so you can still contribute in it.” Hindi ko gusto ang pinatutunguhan ng pag-uusap na ito. There was a brief silence, nang biglang dumako ang matalim na tingin saakin ni Emerald na hindi na maipinta ang mukha ngayon. Oh no, no, ayaw ko. “So? Are we running out of talents and employees now in the Architecture Department?” Tanong ni CEO. “Ofcourse not. If you trust me, you trust my architects too! Icely Bennet will be the one working with Engineer Lozano.” I swallowed once, twice, and my throat dried up. Dumako ang tingin saakin ng CEO at bigla itong ngumiti. “Akala ko ay hindi niya gusto ang mga ganitong klaseng trabaho? What do you say our Star Architect?” Tanong ng CEO. I faked a smile. I can feel Regan’s eyes on me. Why’d he kept staring?! I can’t say no. They might get mad, lalo na si Ms. Pauline kasi baka isipin ng CEO hindi na maayos ang workflow at environment sa department namin. Napahinga ako ng malalim at labag sa kalooban ko na tumango. “Sure.” Sabi ko sa mahinang boses. “Alright. Ms. Bennet will be the one working with Engineer Lozano at the meetings and conference.” Sabi ng CEO at tumango naman ang ibang mga director. Hindi ako nakaimik, nanatili lang akong nakangiti ng pilit habang tumatango. Ramdam ko naman ang masamang titig saakin ni Emerald. Hindi ko naman ginusto ito ano! Kung tutuusin ay ayaw na ayaw ko rin! But in the name of work and my profession, I should set aside my personal affairs from work. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga sumunod pang sinabi sa meeting, lalo na ngayon na ako ang napili sa Architecture Department, and I know this will put a lot of works in my plate! I’ll be the one presenting at the next conference! Argh! Pagkatapos ng meeting ay nagsilabasan na ang lahat. Ako ay parang pinagsakluban ng langit at lupa habang palabas ng conference room. Bagsak ang balikat ko pero hindi ko rin alam kung bakit. This must be an honor for me, kasi malalagay ang pangalan ko malaking proyektong iyon, kaming lahat naman, and this will also allow more opportunities and exposures for me, so what’s the big deal? Before Regan came into the picture everything was so better! Pero bakit ngayon ay ayaw na ayaw ko rito, lalo na at magiging katrabaho ko pa ito? Because he’s a mysterious person? A scheming person? Argh, I just don’t like him! And if you don’t like the people in your working environment, the work will be more tiresome than it should be. “Are you happy our STAR Architect?” Nagsalubong ang kilay ko nang lagpasan ako ni Emerald habang sinasabi nito, emphasizing the word Star. Kumuyom ang kamao ko. “Kapag inggit pikit!” Bulong ni Kylie na kasabay ko naglalakad. “Tingin ko ay gusto lang niyang makatrabaho si Engineer Lozano kasi may iba siyang agenda, kitang-kita ko ang lagkit ng titig niya kanina kay Engineer at puro paganda at pa-cute ang ginawa, malamag kasi napakagwapo ni Engineer. Nagprisinta pa talaga siya, buti nga at hindi napili!” Sabi naman ni Ronald sa kabilang gilid ko. Napailing nalang ako. I don’t want to bother myself with their own businesses, kung ako lang ang papipiliin ayaw na ayaw ko ang mga nangyayaring ito! Bakit kasi hindi ginalingan ni Emerald? At bakit kasi ako pa ang napili ni Ms. Pauline?! Tahimik ako hanggang sa bumalik ako opisina. My workmates are asking about the meeting, and they’ve talked about it the whole time. Emerald’s already in her office, and everyone can tell that she’s in a gloomy mood. Napailing nalang ako, now that I’m already on this, I should do my best and not let my profession be affected. Nakatuon ang mata ko sa screen the desktop. I’m already researching the project and the past projects of the Jimenez Land Corporation, I will study about their liking, their ideal, and dream to build such life of luxury in presence of building high-end residential units. Biglang may kumatok kaya napaangat ako ng tingin, Kyliee was peeking her head through the door, looking at me. “Ms. Icely, pinapatawag ka raw sa office ni Engineer Lozano.” Ngumiti si Kylie at umalis na. Ako naman ay namilog ang mata. Regan? Regan wants to see me. What the hell? Wala pa naman sinabi kung kailan o kung may meeting na, hindi pa naman nag-uumpisa ang proyekto, wala pa kaming dapat na pag-usapan. Hindi ako agad na tumayo. I’m thinking of the reason why Regan should summon me. I bit my lower lip, hanggang sa mapabuntong-hininga ako at tumayo nalang. Kinuha ko ang cellphone at wallet ko sa bag bago lumabas ng opisina at dumiretso sa Engineering Department. Kaagad akong pinadiretso sa loob patungo sa opisina ng Head, some were waving at me because some of people here are my friends, hindi ko makita si Miles at mukhang nasa labas siya. “I’m here to see Engr. Lozano.” Sabi ko sa isang employee dahil ayaw kong kumatok sa nakasarado nitong pintuan at nakasaradong mga blinds kaya hindi kita ang nasa loob. Kaagad naman kumatok ng kusa ang empleyado at binuksan ang pintuan ng opisina ni Regan. Ilang saglit ay pinapasok na ako. The moment I stepped inside, my eyes immediately landed on Regan’s table. Prente itong nakaupo sa swivel chair at mataman ang tingin saakin habang papasok ako sa opisina niya hanggang sa makalapit ako sa harapan ng table niya. I was looking at him expressionlessly until I raised my eyebrow. “You called for me, Engineer?” Malamig ng tanong ko. Bigla naman itong tumayo. “You may take a seat, Ms. Bennet.” Aniya at nagtungo sa sala ng opisina niya saka umupo sa single sofa. I almost rolled my eyes. Ano ba ang pag-uusapan namin? Pero sumunod nalang ako sakaniya at umupo sa may long sofa, malapit sakaniya. “Small world?” Umpisa nito. Malamig ko siyang tiningnan pero kita kong bahagya itong nakangisi. I faked a smile. “Aaminin kong nagulat ako sa biglang pagsulpot mo, o hindi kaya ay sinusundan mo ako?” Puno ng sarkasmong saad ko. Alam ko naman na imposible iyon, base sa nalaman ko kung anong klase ng tao si Regan, sino ba ako para pag-aksayahan niya ng panahon? Bigla itong pagak na natawa, “I was surprised myself, but I summon you to warn you about one thing.” Sumeryoso ang boses niya, titig na titig ito saakin. “I am really passionate about my work, so don’t you think to mix your personal grudge on our upcoming work and collaboration, I will expect highly of you, Icely.” Sa sinabi nito ay hindi ko maiwasang mapalunok. His eyes feel like pulling my soul, and he talks as if he knew what’s running on my mind. Hindi ko maalis ang tingin sa pares ng matatalim nitong mata. Nagtagal iyon ng ilang segundo hanggang sa umiwas ako ng tingin at mapahinga ng malalim bago tumango at ngumisi saka ulit siya tiningnan. “Huwag kang masyadong mataas ang tiwala sa sarili, Regan. As much as you’re passionate about your work, I also value the mine more than anything. With all my goals and ambitions, your appearance, or existence don’t even count.” Malamig na saad ko. Nakita ko ang pagkibot ng noo niya sa sinabi ko. “You have your way on words, don’t you?” Sabi nito na pawang nang-uuyam. That made me grin proudly, “You’re not the first person to tell me that.” Malamig na sabi ko. Nanatili pa rin ang titig niya saakin hanggang sa marahas itong huminga ng malalim. “Why Star Architect?” Biglang tanong niya na hindi ko inasahan. Is he really asking me about myself? Saglit akong nakatitig sa mukha niya dahil hindi ko inasahan ang biglang tinanong niya. Hanggang sa umiwas ako ng tingin. “Ask someone else whom you heard calling me that. I’m the last person who wants to elaborate that title on someone like you.” Mataray na sagot ko. “Come on, Icely. Can’t you speak a little nicer? We’ll be working with each other from now on.” Tumaas ang dalawang-kilay ko at muli siyang tiningnan. “A little nicer? You can’t expect that from me Regan. After insulting me? After mo ipagpumilit ang sarili mong kagustuhan sa Laguna? After trying to intimidate and dominate me? And Shiela? After you showed your true character to me? I thought I made it clear that I’ll never like the person you are.” Matalim na sabi ko. Kumunot rin ang noo niya. “Aren’t you being short-minded, Icely? Your cousin tried to deceive me, and I lost a lot of millions. It is normal for me to get mad.” Tumalim ang boses niya. And he has a point but, “It was also clear that you don’t like me as a person Regan. So the feeling is mutual. Let’s keep it that way, hindi ko rin naman hahayaan na makuha mo ang gusto mo. Kapag nakahanap na ako ng paraan, aalisin ko rin naman ang Karapatan mo sa mansyon ko.” Mas lalo itong nagmukhang galit at inilapit ang sarili saakin, hindi ako natinag. “Don’t provoke me even more, Icely Bennet. You don’t know what you’re getting yourself into.” Tila may pagbabantang sabi nito. Pinantayan ko ang tingin niya. “Are you threatening me now, Engineer Regan Lozano? I thought you’re passionate and professional about your work?” Nakangising sabi ko. Kita ko ang pag-igting ng panga niya habang matalim ang titig sa mga mata ko hanggang sa lumayo na ito at bumuga ng marahas na hangin. Hindi nawawala ang galit na hitsura nito. “A demon with an angelic face. Psh, you may leave.” Bulong nito saka na tumayo at tinalikuran ako. Mabilis akong tumayo. “What did you just say?! Me? A Demon?!” Napalakas ang boses ko pero siya ay tuloy lang sa pag-upo sa swivel chair niya. “You even heard that?” Aniya nang makalapit ako sa harapan ng table niya. Galit ko siyang tiningnan pero siya ay tiningnan ako na pawang wala siyang kung anong masamang ibinulong. “Argh! Bakit kasi sa lahat pa ng tao, ikaw pa?!” Inis na sabi ko at padabog na nagmartsa palabas ng opisina niya. Hindi ko na alintana ang bahagya kong pagkagulat nang makita ko ang mga taong tila nakikinig sa labas ng opisina ni Regan at bigla silang lahat nabuwal nang lumabas ako. Simula lumitaw si Regan sa buhay ko ay hindi na ako nagkaroon ng payapang araw!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD