KABANATA 21

2033 Words
Hindi rin nagtagal nang dumating si Porcia. She is wearing a suit for women. Naka clean ponytail rin ito at nakatakong. Nakasalamin din siya pero hindi ito tinatago ang natural at nakakagaw na atensyong kagandahan ni Porcia. I saw how Denver stared at Porcia whose expression is as cold as ice. She sat down beside me and put down her suitcase. “I’m sorry for being late, I hope I didn’t make you wait for too long.” Sabi nito. “It’s really fine.” Sabi ni Denver. “So, you’re Porcia.” Sabi ni Regan at inilahad ang kamay kay Porcia. “Atty. Porcia Laurenti.” Pormal na pagpapakilala ni Porcia. Tumango naman si Regan. “Regan Lozano.” Sabi ni Regan at nagbitaw na sila ng kamay. “Pinag-order kana namin ng baby back ribs.” Imporma ko kay Porcia na tinanguan niya. “Okay Madam, thanks.” Ngumiti ako at tiningnan sina Denver at Regan. “She is my lawyer, and she’ll discuss to you how the agreement will be settled.” Pag-umpisa ko. Tumango naman silang dalawa. Kinuha naman ni Porcia ang suitcase niya at naglabas ng mga papel doon. I already gave her the titles of the land and mansion that night when she slept in my house. “The original price of the land and mansion was 600 million. But it was the house that made it so pricey. Hindi aabot ng 120 million ang presyo ng lupain, so I gave you the right on the mansion instead.” Pag-uumpisa ni Porcia habang inaayos ang mga papel. She was referring to Regan who just nodded and intently listened. “It’s fine with me. Though, I want the land as well.” Sagot ni Regan. Tiningnan lang siya ng seryoso ni Porcia. Natural na matatalim ang tingin ni Porcia kahit na normal ka lang nitong titingnan. Now, she’s looking at Regan at is she’s glaring tapos ay muling bumaba ang tingin ni Porcia sa mga papel. “That depends on the owner’s decision.” Sagot niya at nagkatinginan kami ni Regan. “Pumapayag naman akong bigyan siya ng porsyento sa lupa at mansion, pero may mga kondisyones ako.” Sabi ko at tumango-tango sila. “Say it.” It was Regan. “Since mas marami ang percent ko sa’yo, which is 80% in total, I am still the rightful owner of the property. Hindi ka pwedeng maglagay o gumawa ng kung ano-ano doon katulad ng mga negosyo o pagpapasok ng mga tao ng walang pahintulot ko.” Seryosong sabi ko. Napaseryoso rin ang tingin ni Regan saakin at mukhang pinag-isipan muna ang sinabi ko. Sinalubong ko ang tingin niya at pinakitang seryoso ako sa lahat ng sinabi ko. “Ibebenta mor in naman ng buo iyon saakin, maybe not now, but soon enough— “Careful with your words, Engr. Lozano. This may impose of threat that can lead to different sunctions, lalo na at properties ang pinag-uusapan. Sa pagpupumilit mong iinvade ang mansyon ng mga Bennet.” Seryosong salansan ni Porcia. “I’m sorry Porcia, but Ms. Bennet was the one who did my friend wrong. It is also your friend who chose to settle to this, para lang hindi makulong iyong pinsan-pinsanan niya. I assume na alam mo na ang buong nangyari.” Ani Denver kay Porcia. Kahit na seryoso ay may pagkamalumanay pa rin ang boses nito. Tiningnan lang siya ni Porcia at hindi na ito umimik. “Hindi mo naman kasi kailangan sabihin ngayon Regan na kukuhanin mo rin ng buo ang mansyon later on. I can tell how desperate you are, but please I’m doing my very best to meet your conditions para matapos na ang lahat ng ito.” Sabi ko. Regan just nonchalantly nodded, but he looks like he’s not giving up with what he said. “I am just telling you that the mansion’s matter is different and apart from our work, Icely. Ibang usapan ang mansyon na iyon.” Napatitig ako kay Regan. “That mansion is MINE, Regan. Huwag kang magsalita na parang pinagdedesisyon mo na ang lahat.” Umiwas ng tingin si Regan pero hindi natitinag ang ekspresyon nito. “You do not have to argue. Just state both of your conditions and agreement, argument is pointless at kung hindi kay magkakasundo rito ay walang pirmahang magaganap.” Seryosong sabi ni Porcia at pinakatitigan si Regan na tila sinasabing, ito ang may kailangan mula saamin kaya ito dapat ang magpakumbaba. “Fine.” Regan said after a sigh. Mabuti nalang at dumating na ang mga pagkain kaya nawala ng tension sa pagitan namin. It was Denver and Porcia who talked about it, and they will just ask for our opinions and conditions or if we agree on each other’s terms. In the end, if I want my conditions to be met, kailangan rin iyong maapply sa panig ni Regan. Like, I can’t do anything to the mansion without his prior knowledge and permission. All I want to give Regan is his right, and nothing else. When I think that Porcia’s assured enough, I agreed with everything onwards, because I truly trust Porcia’s intellect and abilities. The meeting just lasted for about two hours until it ended, and both Regan and I signed the papers. Hindi ako masaya pero nabawasan rin ang bigat ang alalahanin ko. I feel like it’s all settled, and I can move forward after this. It’s just a matter of acceptance that Regan and I are now co-owners of that mansion. Kung sigurong doon ako lumaki ay mas mabigat sa pakiramdam na isuko ang kahit na katiting na parte ng mansyon sa kahit na sino, pero siguro nga ay dahil hindi ko iyon kinalakihan kaya hindi ganon kahalaga ang mansyon saakin. Pagkatapos ng pagkakasundo at pag-uusap ay nagsiuwian na kami. Kasabay kong umuwi ng bahay ko si Porcia at nang makapagpark na kami ay bumaba na ako ng sasakyan ko at ganoon rin siya. Nagtinginan kami. “Ayos ka lang?” Tanong niya habang sabay kaming pumapasok sa loob ng bahay. Tipid akong ngumiti at tumango. “Napapaisip lang ako ngayon kung tama bang hinayaan ko si Regan na magkaroon ng partes a mansyon.” Sabi ko. “Hindi ko pa maipapangako sa’yo na ito ang buong detalye at katotohanan, but Engineer Lozano can be trusted.” Sabi ni Porcia na ikinatahimik ko. Makahuluganan niya lang akong tiningnan. “May nalaman ka ba tungkol sakaniya o sa pamilyang pinanggalingan ko?” Tanong ko. Even if Porcia’s a lawyer, she still has some connection who are capable of finding out and gathering various informations about people. Tumango si Porcia. Ibinaba niya ang suitcase niya sa may sofa. “His father was a former lawyer from Laguna. Aside from that, I couldn’t find anything, but maybe some more digging at magkakaroon na ako ng sapat na impormasyon tungkol sakaniya.” Naiwan akong nakatayo at matamang nakatingin kay Porcia matapos kong marinig ang sinabi nito. Bigla naman lumabas si Miles na mukhang nagising lang. Regan’s father is a lawyer. From Laguna? So, both of our families came from Laguna. “Ginabi kayo? Kumusta ang lakad niyo?” Hikab pang tanong ni Miles. “It went well.” Sagot ni Porcia. “Sa kwarto na kami ni Mama matutulog, Miles. Bumalik ka na sa kwarto, magbibihis pa kami ni Porcia.” Sabi ko kay Miles. Tumango naman ito at pikit pa ang isang mata. “Oookayyy, goodnight mga madam.” Paalam niya at muling tumalikod. Pagkatapos naming maghilamos at magbihis ni Porcia at saka na kami humiga ng kama. Magkatabi kami at siya ay kita kong nagtitipa pa sa cellphone. Ako naman ay nakatingin lang sa ceiling pero nakapatay na ang ilaw. “Pupunta ako bukas ng Laguna, gusto mo bang sumama?” Tanong ko kay Porcia saka ito sinulyapan, nakita ko namang napatingin ito saakin. “No, but thanks. I have a lot of things to do. Sa ibang araw, it would be my pleasure to see that million-dollar mansion.” Sagot niya at pinatay ang cellphone. Tumagilid naman ito ng higa at tiningnan ako. “What do you think of Denver, Madam?” Tanong niya bigla. Tumagilid rin ako ng higa at sinalubong ang tingin niya. “I don’t know, but I think he’s nice… as a man, maybe. Nagawa niya ngang makuha ang loob mo e.” Porcia just smiled but it was a sad one. “Denver and I had a thing when I was still a graduating student, at noong mga panahong nagrereview ako for bar exam, naging magulo ang lahat sa pagitan namin hanggang sa pinutol ko lahat ng komunikasyon namin.” Nanlaki ang mata ko. “WHAT?! That was… 7…no, 6 years ago!” Gulat na sabi ko. Marahang tumango si Porcia. “We just met recently again. Mukhang kakabalik lang niya mula Seattle a year ago.” She added. “Gosh, and he’s still madly inlove with you until now? After all those years? That’s something else, Madam!” sabi ko dahil naalala ko ang sinagot ni Denver kanina sakin sa dinner meeting nang tanongin ko ito. “I’m not sure, Madam. What if he just wants to take revenge on me now? I know it was my fault back then… aaminin ko. Ako ang nang-iwan at nagpaalis sakaniya. Pinagtabuyan ko siya.” Lumamlam ang mata ko habang nakatingin kay Porcia. Grabe naman pala ang love story nilang dalawa. “Love is taking a risk. Love is like believing unto something unreal, but it becomes real the more you feel it and the more you seek for it. Sundin mo ang puso mo, Madam.” Sabi ko nang hindi nagmumukhang pinapanigan si Denver. Porcia just stared at me and sighed. “I don’t know… anyway, how about you? You’re all alone now, Madam. Wala ka pa bang boyfriend?” Tanong naman nito pabalik saakin na tila iniiba ang usapan. “Ayon na nga… well, napag-isip isip ko na din. Gusto ko nang makipag-date at magboyfriend… kung papalarin, kung makikita ko ang true love ko, pero kung hindi, hindi ko naman pipilitin.” Sagot ko. Nanlaki naman din ang mata niya. “Seryoso ka ba diyan? Wow! I’m excited for you! I hope you meet that man you deserve!” Masayang sabi niya. Tumango ako pero sa hindi malamang kadahilanan ay biglang sumagi sa isipan ko si Regan. Kaagad ko iyong pinalis. “Pero wala akong ganang makipagkilala kung sino-sino, kaya sinabihan ko si Miles na magset ng blind dates for me.” Pagpapaalam ko sakaniya. Tumaas naman ang kilay ni Porcia. “Blind dates, huh? Do you want me to arrange one for you too?” Alok naman niya na siyang ikinangisi ko. “Why not?” Sabi ko at sagay kaming humagikgik. Nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya kapwa kami natigilan. Nangunot ang noo ko at inabot ito sa bedside table. Habang si Porcia naman ay bumalik sa sariling pagcecellphone. Who the hell calls me late at night? Lagpas alas dyes na. Nang makita ko ng nickname ni Regan sa screen ay nanlaki ang mata ko. Napabalikwas ako ng bangon at dali-daling lumabas ng kwarto dahil baka marinig ito ni Porcia at kung ano ang pag-iisipin niya katulad ni Miles. Paglabas ko ng pintuan ay sinagot ko ang tawag ni Regan. “Hello?” Bungad ko. “Natutulog ka na ba?” Natahimik ako. This intro of him... “Hindi pa, bakit?” Tanong ko pabalik. I did my best to sound serious and formal. “I am just checking if you got home safe. Well, Denver was asking, you know, your lawyer and him.” I was stunned. So, he called because Denver asked him to? “Well, we got home safe. Porcia’s sleeping in my house.” Sagot ko sa mababang boses. Not me getting my hopes high. “Okay, goodnight.” “Yeah, bye.” Simpleng sagot ko at naputol na ang tawag. Napatitig ako sa cellphone ko matapos ang tawag ni Regan. He could’ve just texted me, o hindi kaya ay dapat si Denver nalang ang tumawag kay Porcia kung gano’n. “Tsk.” I rolled my eyes and went back inside the room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD