KABANATA 20

2334 Words
Pagkabalik ko sa opisina ko ay hindi na rin ako ginulo ng kahit na sino. Tinuon ko nalang ang buong atensyon ko sa pagtatrabaho. It was after lunch when Regan just simply texted me the name of the five-star restaurant where the dinner meeting will take place. Hindi na ako nagreply sakaniya at sinabi ko na rin kay Porcia ang lugar. Pupunta nalang daw siya mag-isa, so it means, we’ll not arrive togher. Alam na rin niya ang daan papunta doon. Since Porcia will be there, I texted Miles that after the dinner meeting, I’ll go home with Porcia since Friday na rin naman. Miles replied that she will go straight to my house para doon na rin magpalipas ng gabi. Sasabihan ko sila sa plano kong pakikipag-date and they may set blind dates for me. Oras nalang ang hinintay ko at nang mag-alas-singco na ay tumayo na ako at nagligpit ng mga gamit. “See you on Monday!” Paalam ng mga ka office ko. Kaniya-kaniyang alisan na ang mga ito nang dumako ang tingin ko kay Emerald. Parang kaninang umaga lang noong ngiting-ngiti ito pero ngayon ay nakatingin nanaman ng masama saakin. Hindi ko na siya pinansin at lumabas na ng opisina. Tuloy-tuloy lang ang lakad ko hanggang sa elevator. May mga nakasabay akong ibang empleyado at sasarado na sana ang elevator nang mapansin ko si Regan na papalapit. Umiwas ako ng tingin dahil itong mga kasabay ko sa elevator ay hinintay pa siyang makasakay. “Hello Engineer.” Bati ng mga ito sakaniya. “Hi.” Bati niya pabalik. Hindi ko naman inasahan na tatabi pa siya ng tayo saakin hanggang sa umugong na pababa ang elevator. Baka akala niya ay hindi ko siya pinapansin kaya sinulyapan ko siya. Napasulyap rin siya saakin at tipid ko siyang pinilit na ngitian at mabilis na nag-iwas ng tingin. Hanggang sa makalabas na kami ng elevator ay saka na kami nagsilabasan. Hindi ko na tinapunan pa ng tingin si Regan at diretso lang ang lakad ko patungo sa pwesto ng sasakyan ko. “See you later.” Napatingin ako kay Regan na kakalagpas lang at sinabi iyon ng walang tingin. I sighed and tried not to mind him. Sumakay na ako sa sasakyan at pinasibad ito paalis. Mamaya pa naman 7pm ang dinner meeting kaya may oras pa para umuwi. Iuuwi ko lang ang mga gamit ko at magpapalit ng damit. I’m just wearing simple slacks and blouse with my heels. Okay naman ang suot ko pero masyadong sosyal ang napiling lugar ni Regan. I want to change clothes. Saka si Miles ay mauunang umuwi sa bahay. Hindi rin naman ganoon kalayo at kalahating oras lang ang itinagal ng byahe hanggang sa makauwi ako. Miles was already home. Mukhang kakadating lang niya dahil dala pa niya ang mga gamit niya nang pagbuksan ako ng gate para maipasok ang sasakyan ko. Pagbaba ko ay sabay na kaming pumasok ng bahay dala-dala ang mga gamit namin. I don’t mind even if Miles decides to live here, iyon ay gugustuhin ko pa. “Si Regan Lozano ang ka-meeting niyo ngayon, hindi ba?” Tanong ni Miles pagpasok namin ng bahay. “Yes.” Simpleng sagot ko habang padiretso kami sa kwarto ko. “Ohh— “Oh, alam ko na iyang mga linyahan mong iyan, stop it. I think Regan, and Emerald are together, hindi lang siguro nila pinapublicize, so please, stop thinking and saying about those fate and destiny stuffs.” Pagsasalita ko hanggang sa makapasok na kami sa kwarto ko at binitawan ko na ang mga gamit ko. Napaupo naman si Miles sa kama ko at busangot na tumingin saakin na nag-aalis ng butones ng blusa ko. “Ay? Legit ba?” tila dismayadong sabi niya na tinanguan ko. Inalis ko na ang blusa ko dahil nakasando naman ako. Inalis ko na rin ang heels ko at maging ang slacks ko dahil naka cycling naman ako. Miles already saw me n***d, so I don’t mind undressing in front of her. “Sayang— “Walang saying, Miles. Speaking of what you’re probably thinking right now, I think… I am ready to date someone.” Sabi ko at nginisian siya. Kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Miles at napaawang pa ang labi niya. “Woah! That’s new! Who is it? Si Engr. Regan ba?” Nalukot ang mukha ko at nagtungo sa closet para maghanap ng damit. “Ano bang pinagsasabi mo? Kakasabi ko lang na may relasyon silang dalawa ni Emerald. Please, stop considering Regan that way. What I mean is, gusto ko nang kumilala ng mga tao, and I know you know a lot of people.” Pagsasalita ko habang namimili ng damit. “You want blind dates?” “Yeah, I trust you that you know decent men naman.” Tugon ko at hinila ang isang marron dress. “Okay? Kailan ka available? Are you sure, though? Do you have any problem that you’re not telling me aside doon sa newly discovered mansion mo sa Laguna?” Hinarap ko si Miles at pinakitang seryoso ako. “I am dead serious. Hindi ko naman ipipilit kung hindi ko ma-feel ‘yung love. You know, dating requires a lot of consideration and process. It just doesn’t happen over time, and I’m old enough.” Sabi ko at isinarado na ang cabinet. Lumapit ako sa kama at inihiga ang napili kong dress dahil maghihilamos pa ako. Nakahiga na ngayon si Miles habang nakagilid at nakasuporta ang kamay nito sa ulo para hindi tuluyang mahiga. Nakasunod lang ang tingin nito sa bawat galaw ko. “Alright, I know some men that may fit your taste. Hindi ko lang masyadong inasahan. So, when are you available?” Tanong ulit niya. Tumango ako at ngumiti, “Monday? Make it dinner time. After office hours.” Sagot ko. Tumango si Miles nang maalala ko ang plano ko bukas. “By the way, pupunta ako sa Laguna bukas para bumalik ulit sa mansyon. Gusto mo ba sumama?” “Ay, lalabas kasi kami bukas ng kapatid ko. Hindi ba nagkasakit siya? Gusto niya pumunta sa parke at lumanghap ng sariwang hangin, napangakuan ko kasi siya.” She sounds apologetic. I just nodded with a smile, “Okay, it’s fine. May ibang araw pa naman.” After that conversation, I took a half bath and get ready for the dinner meeting. I am wearing a maroon dress which is above the knee, but the length isn’t too short. It hugs the body’s curve, but it isn’t a bodycon. I also wore beige 2-inch heels. Once I’m ready, I notified Miles who’s taking a bath that I will go ahead. Lagpas alas-sais nang makaalis ako ng bahay. Nag-text rin si Porcia na papunta na siya sa location. I think Porcia and Denver already had a talk. Porcia agreed on coming even if she’s aware that it’s Denver she’s meeting with. After a short while, I finally found the restaurant which is also part of a five-star hotel. I am 10 minutes early. Ang valet na ang nagpark ng sasakyan ko kaya pumasok na ako ng hotel at dumiretso sa bungad nitong restaurant. Mga mayayamang tao lang ang regular customer ng sikat na hotel na ito. Pagdating ko sa restaurant ay sinalubong kaagad ako ng isang receptionist. “Goodevening Ma’am.” Bati nito saakin at may matamis na ngiti sa labi. She looks warm and kind enough. I smiled at her warmly. “Is there a reservation with the name of Regan Lozano?” Kausap ko. Inaya naman ako nito sa may front desk nila at tiningnan ng pangalan na binanggit ko sa guest list nila. “Yes Ma’am, this way.” Aya ng receptionist saakin kaya sumunod na ako sakaniya. Hindi naman malayo ang nilakad namin hanggang sa mahuli ng mata ko si Regan na nakaupo sa isang table for four sa may glass wall ng resto. “I can manage here, thank you.” Sabi ko sa receptionist at tumango naman ito bago ako iniwan. I avoided Regan’s gaze because I saw him looking at me from his direction while I walked towards him. Nag-iisa palang ito at wala pang kasama. Dahan-dahan ang lakad ko papalapit sakaniya nang makita ko itong tumayo at pasimpleng hinila ang upuan sa tapat niya at muli ring bumalik sa kinauupuan. Hindi na rin ito tumingin saakin at uminom ng tubig sa basong nasa mesa. Hanggang sa makalapit ako ay hindi ako umimik, pero siya ay tumingin na ulit saakin. Umupo ako sa hinilang upuan nito para naman hindi ako magmukhang masama ang ugali. I settled in my seat before finally engaging Regan’s gaze in front of me. He is boldly staring at me. “Where is your lawyer?” I asked. “He’s on his way.” Simpleng sagot niya. “And yours?” “Papunta na rin siya.” Sagot ko. Saka ko lang napansin na nagpalit rin ito ng damit. White long sleeves that made him look so neat and fresh. I could feel that awkwardness between us until a waiter came and filled my glass with some water. Noong nakaalis na ang waiter at kaagad akong uminom ng tubig. “They’re getting better.” Napatingin ako kay Regan nang magsalit siya. Tiningnan ko siya na pawang tinatanong kung ano ang ibig niyang sabihin. Hindi napuputol ang tingin niya saakin. “My bruises.” I was stunned after hearing that. “Great, pero alam kong hindi totoo ‘yan. Halos dalawang araw palang ang lumilipas. Were they big?” I remained calm as much as possible. Tumango siya. It made my heart twitch. “I’m sorry— “I know you are. Gagaling din. They’re just bruises, don’t have to overly think and concern about them.” He interrupted me as if reassuring me again that I should no longer feel sorry. I stared at him for a while until I nodded and forced a smile. “Are we okay now?” Napataas ang dalawang kilay ko sa kasunod niyang tinanong. “Huh?” “I mean, okay na… I just kinda… let you think this morning… I mean, how do I put it— “Okay naman tayo.” Sabi ko ng seryoso kahit na halos bumara ang lalamunan ko. He looks like a boyfriend trying to apologize to his girl. His face softened and stared at me. “You spoke about being just strangers.” Dugtong pa niya at doon ko naintindihan ang pinupunto niya. “A-Are we not?” Mahinang tanong ko. Ilang segundong namayani ang katahimikan sa pagitan namin habang magkatinginan lang kami. “Well…” I swallowed. “P-Pero lahat ng sinabi ko ay totoo a-at seryoso ako sa mga ‘yon. That’s all.” Diretsong sabi ko. He stared at me and shut his lips before nodding nonchalantly as if surrendering to my ideals. It’s better this way. Mabuti nalang at biglang dumating si Denver kung hindi ay lalamunin lang kami ng katahimikan ni Regan. Denver arrived with his suitcase. Medyo nahihiya na itong humarap saakin at kita ko ang hindi buong pagngiti niyang nang batiin ako hanggang sa makaupo siya. “Goodevening Ms. Icely.” Mahinahong umpisa niya. I just smiled a bit. “Goodevening.” I greeted him back. “Let’s order food.” Sabi ni Regan na tinanguan ko. “Yeah, I know Porcia’s food preferences, she’s not that picky, we can order food now.” Pagsang-ayon ko. Kita ko ang pasulyap saakin ni Denver nang banggitin ko ang pangalan ni Porcia. Nagpili na kami ng makakain sa mga menu na nasa table saka naman nagtawag ng waiter si Regan at sinabi ang mga order namin, tapos ay ako ang pinapili para sa kakainin ni Porcia. “For Porcia, she will like the— baby back ribs,” Nagkatinginan kami ni Denver nang sabayan niya ang sinasabi ko habang nagsusulat ang waiter ng order. Mabilis na umiwas ng tingin si Denver at napainom ng tubig. I didn’t hide my grin and shook my head a bit, showing him that I find it a bit hilarious. “That’s all.” Nakangiting sabi ko sa waiter. He repeated that order and when we confirmed it, he left. I stared at Denver who’s avoiding my gaze. “Porcia didn’t tell me anything. Gusto ko lang malaman ang isang bagay pero pwede mo namang hindi sagutin kung ayaw mo.” Nang magsalita ako ay napatingin na ito ulit saakin. Sumeryoso ang mukha niya hudyat niya pinapatuloy ang gusto kong itanong. “How much do you like Porcia?” Tanong ko. Seeing that Denver didn’t waver, it assured me that he’s serious about my friend. “I would be willing to marry her right this moment, begging on my knees and if she refuses, I may just kidnap her and force her to marry me.” Napataas ang isang kilay ko pero napatango nalang ako habang nakangisi. “Okay.” I said, letting him see that I’m satisfied with his answer. He finally smiled. “I’m starting to like you, Icely.” Sabi nito. Tumaas muli ang kilay ko. “As far as I know, you’re avoiding to text me because you don’t like talking to me, because you do not like me.” Sabi ko, pertaining to what Regan said about Denver that he’s avoiding contacting me. Biglang siniko ni Denver si Regan na tahimik lang na nakiki-ayon at nakikinig sa pag-uusap namin ni Denver. “Sino naman ang nagsabi sa’yo niyan? Hindi totoo ‘yan.” Sabi ni Denver at nagtinginan sila ni Regan. Sinamaan siya ng tingin ni Regan tapos ay sinulyapan ako ng mabilis pero muling sinaman ng tingin si Denver. “What— that’s what you said—” Regan paused and sighed. Muli kasi siyang siniko ni Denver. Pawang labag sa kalooban na nanahimik si Regan sa kinauupuan. Habang ako ay hindi naiwasang mapangiti ng palihim. I just find their friendship a bit funny and wholesome. Parang kami nina Miles at Porcia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD