KABANATA 22

2247 Words
Kinabukasan ay inasikaso ko muna ang mga tungkol sa trabaho ako at nagguhit-guhit at nagdesign na rin. Pagsapit ng hapon ay naghanda na akong umalis patungong Laguna. May dala akong maleta dahil balak kong mag-iwan ng mga kakaunting gamit at damitan doon. Ang sabi kasi ni Shiela saakin ay sobrang linis na ng isang banyo at ang iilang kwarto roon. I gave her enough money to buy things that are needed to make everything work. Like changing the faucet and the shower. Cleaning tools and other things as well. Then Shiela texted me that the mansion is now inhabitable. May dala rin akong pasalubong sa mga ito, iyong pinangako kong robot kay Sean at nabanggit saakin ni noon na si Shaun ay isang bookworm ang kaso lang ay wala itong pambili ng mga libro kaya naman naisipan kong ibigay lahat sakaniya ang mga librong nabasa ko na noong mga ka-edad palang niya ako. There are more than 10 books, and I think Shaun will like them. Dala ko rin ang laptop ko at ibang mga gamit na pangdrawing at pangtrabaho dahil balak kong magstay roon hanggang bukas at umaga na ako ng lunes aalis, diretso pa-opisina. Nang masiguro kong kumpleto na ang lahat ay nilock ko na ang bahay saka na ako umalis. Mahaba-haba ang byahe ko pero mas mabilis na kumpara noong unang beses akong pumunta doon dahil alam ko na ang daan ngayon at hindi na sira-sira ang sasakyan ko. It took me three hours and more because of stopovers and finally, I reached my destination. Hindi ako dumiretso sa mismong mansyon, kung hind isa bahay nina Shiela. Halos mag-aalas singco palang naman. Dahan-dahan ang pagmamaneho ko sa masikip na eskinita patungo sa bahay nila. Alam ni Shiela na parating ako kaya naman nakita ko kaagad siya sa harapan ng bahay nila at mukhang hinihintay lang din ako. Pinark ko na ang sasakyan sa gilid ng bahay nila saka na bumaba. Sinalubong naman ako ni Shiela ng may ngiti sa labi. “Ate Ice!” Bati na siya saakin na akala mo ay matagal na kaming magkakilala. “Hello Shiela! Kamusta?” Bati ko sak dumiretso sa likod ng sasakyan kung saan nakalagay ang mga dala kong pasalubong para sakanila. “Ayos lang naman po Ate, sana ay ako nalang ang nagpunta sa mansyon, nakakahiya naman po sainyo ay dumiretso pa kayo rito saamin.” “Ayos lang naman saakin, at sadya ko rin naman ang Tatay mo. Nandyan siya hindi ba? Siya nga pala, may dala akong mga pagkain at iilang mga pasalubong.” Sabi ko at inabot kay Shiela ang isang bilao ng pansit at dalawang supot ng lechon manok. “Ay grabe naman ‘to, Ate Ice! Ang daming pagkain nito.” Kumento ni Shiela. “Mas mabuti nang sumobra kaysa kumulang.” Sabi ko. Ngumiti nalang siya at nagpasalamat, pagkatapos ay nauna na itong pumasok sa loob ng bahay niya na sinundan ko naman. Bitbit ko ang isang kahon ng mga libro na sumunod sakaniya at sa itaas ay nakatapong ang kahon ng laruan para kay Sean. “Ang mga kapatid mo, nasaan sila?” Tanong ko habang nakasunod sa likod ni Shiela hanggang sa makapasok na kami ng bahay nila. “Sean! Natatandaan mo ba si Ate Ice? Nandito siya!” Sigaw ni Shiela. “Si Sean ay kakauwi lang galing eskwelahan, pero si Shaun ay may ginawa pa yatang group project at pauwi palang.” Sabi ni Shiela at dumiretso sa kusina nila. Bigla naman lumabas si Sean mula sa isang kwarto. “Hello Sean! Hindi ba nangako ako sa’yo na bibigyan kita ng robot? Ito oh, sana magustuhan mo.” Pagsalubong ko sakaniya nang dahan-dahang siyang lumapit saakin. Halata naman ang gulat sa mata niya at tila naniningning ang ekspresyon niya habang nakatitig sa robot na binili ko online. It is the self-transforming Optimus Prime from Tranformers Series. Yumukod ako para magpantay kami ni Sean. “S-Saakin po ba ito?” Paninigurado niya nang hawakan ang kahon. Mabilis akong tumango habang nakangiti nang bigla niya akong yakapin sa leeg. Tila hinaplos ang puso ko sa ginawang iyon ni Sean. We’re not closely related by blood, but I can feel that we’re somewhat related because of the warm feeling in my heart. “Thank you po!” Masayang sabi niya. “Naku! Ate Ice! Hindi mo naman kailangang mag-abala pa sana!” Kumento ni Shiela nang makita niya ang binigay ko kay Sean. Umupo si Sean sa sahig habang excited na binubuksan ang laruang ibinigay ko. “Ayos lang Shiela. Binanggit ko rin naman ito kay Sean noong naglalaro tayo hindi ba?” Sabi ko. Napailing-iling nalang si Shiela pero kita ko ang galak sa mukha niya at doon palang ay sobrang natutuwa na ako. Tumayo na ako ng tuwid at pinakita ang kahon ng mga libro. “Ito naman ay mga pinaglumaan kong mga libro noong bata ako na nakatambak sa study room ko. Magagndan ang mga librong iyan at hindi naman naluma, sa tingin ko ay magugustuhan ito ni Shaun.” Sabi ko. Tumango si Sheila. “Maraming-maraming salamat Ate Ice.” Pagpapasalamat niya habang ibinababa ang mga pinggan sa maliit na mesa sa sala. Bigla naman lumabas ang Tatay ni Shiela sa isang kwarto na ikinalingon naming lahat. “Ikaw pala.” Sabi nito. “Magandang hapon ho. Sana po ay hindi po ako nakaabala sainyo.” Bati ko at lumapit rito para magmano. Mabuti nalang ay tinanggap nito ang pagmamano ko. “Mukhang marami kang dala. Sana ay hindi ka na nag-abala pa. Kamusta ka naman? Maupo ka.” Pagsasalita nito saka umupo sa pang-isang upuan na gawa sa kayo. Umupo naman ako sa tapat niya at sa gitna namin ay ang maliit na mesa. “Ayos lang naman po. Pupunta po kasi talaga ako sa mansyon pero naisipang kong dumiretso muna rito.” Napatango naman ito. “Balak mo bang manirahan sa mansyon?” Tanong niya na ikinatigil ko. Napahinga ako ng mlaalim. “Sa totoo lang po ay hindi ko pa po alam.” Sagot ko. Napatango naman siya. “Pareho pa rin ang maipapayo ko saiyo, ipagbili mo nalang iyon.” Muli akong natahimik. Pero kahit na gano’n ay kinuha ko na ang tyansan para magtanong rito. “Gusto ko lang pong malaman kung ano po ang alam niyo tungkol sa totoong nangyari sa pamilya namin? Baka po kasi makatulong sa pagbuo ko ng mga desisyon tungkol sa mansyon.” Mahinahong tanong ko. Natahimik sa pagitan namin at nanatili siyang diretsong nakatingin saakin. “Matagal na panahon na rin ang lumipas, pero hindi ako nakakasiguro kung ayos lang bang ipaalam sa’yo ang lahat. Inilayo ka ni Madam Winter sa mahabang panahon at ni hindi siya nagpakita o bumalik sa lugar na ito dahil walang halaga ang pera para sakaniya kung kaligtasan mo naman ang kapalit. Hindi mo nalang ba rerespetuhin iyon?” Bahagya akong natahimik pero isa ang nakapukaw sa atensyon ko, “Kaligtasan? May kaakibat po bang panganib ang mansyon at lupaing iyon?” Tanong ko. Napaiwas ng tingin ang tatay ni Shiela. “Maaaring oo, maaaring hindi. Alam mo hija, mas mabuting huwag mo namang itanong ang mga ganiyang bagay. Sige at ikaw ang bahala kung gusto mong manirahan doon, hindi kita pipigilan.” Sabi nito na siyang ikinailing ko. Tiningnan ko siya na pawang nagsusumamo. “Please po, nagmamakaawa ako. Gusto ko pong malaman ang totoo. Handa ako sa kahit ano mang kapalit.” I begged him. Para itong nagdadalawang isip kung sasagutin ako at pagbibigyan o hindi, hanggang sa bumuntong-hininga ito. “Ang mga Bennet ay likas na mababait, matulungin, at maaruga sa kapwa. Halos sila na ang sumakop sa buong Laguna dahil sa impluwensiya nila at ari-arian. Isa sa pinakamaimpluwensiya at pinakamayaman ang pamilyang Bennet noon.” Napalunok ako. Naninndig ang balahibo ko sa tinuran nito. I came from a crazy rich family. Explains why my mother was able to give me a simple and comfortable but luxurious life. Hindi lang siyang isang simpleng factory worker. “Hanggang sa inudyok sila ng taong bayan na humabol sa politiko.” His voice became serious and dangerous as he narrates the past of my family. Doon ay samu’t-saring teoriya na ang namuo sa isipan ko at napalunok. I know how dirty and dangerous politics is! “Naging banta ang pagpasok nila sa politiko. At anong sa tingin mo ang gagawin ng mga tao kapag may banta sa buhay o hangarin nila?” Seryoso at diretso ng tingin ng tatay ni Shiela habang nagkukwento habang ako ay napapalunok. When there’s a threat, you get rid of it. “Tama ang nasa isipan mo, hija. Maraming nagturing sa pamilya niyo bilang kaaway. Lalo na ang mga Buenaventura noon na siyang pumapangalawa sa pamilya niyo sa politiko. Walang totoong nakakaalam sa pinakanangyari kung hindi ang Mama mo, si Madam Winter, pero ang alam ko, bago pa manalo ang Papa mo sa pagiging gobernadora ay pumanaw siya. Hanggang sa sunod-sunod na ang nangyari, maging ang Lolo mo ay pumanaw at hindi rin nagtagal ay ang Lola mo naman. Bigla rin nawala ang mga Buenaventura, maging ang Mama mo. Lahat ng iyon ay nakaraan na at naisalimot na. Walang naghabol ng sagot o hustisya, para iyong misteryong nalimot na, at iyon din ang dahilan kung bakit ayaw kong ipaalam saiyo. Huwag mo nang halungkatin pa ang nakaraan, hija.” Mahabang litanya niya. Napalunok ako habang nalulumo. Buenaventura. But Regan’s last name is Lozano. There’s a lot of theories in my head, but my heart feels so heavy. What happened in the past? Napatango nalang ako kahit na hindi na ako nakatingin sa Tatay ni Shiela. “L-Lozano… may kilalang po ba kayo sa apelyidong Lozano?” Mahinang tanong ko at tila ngayon ay wala na ako sa sarili. “Lozano?” Ulit ng Tatay ni Shiela at doon na ako muling napatingin sakaniya at tumango. Ilang segundong itong tila nag-iisip hanggang sa umiling ito. “Wala akong matandaan.” Napabuga ako ng marahas na hangin. Then… Regan’s family isn’t involved? Then why? What does he aim to accomplish? Ilang saglit pa kaming nag-usap ng Tatay ni Shiela. Sinabi nito na ang mga ari-arian ng pamilya namin ay naliquidate ng abogado ng pamilyang Bennet. At tanging ang lupa at mansyon rito ang natira. May nahihinuha na ako kung saan napunta ang mga perang iyon… kay Mama. I’ve never seen my mother’s bank account! I also think that Attorney Ramon Rosales has something to do with them. Sumapit ang gabi at umalis na ako sa bahay nina Shiela para umuwi ng mansyon. I was drawnin into thoughts. My family has such a history. Ngayon ay naiintindihan ko ang Tatay ni Shiela kung bakit hindi nito ipinaalam saakin ang kwentong iyon noong una kaming magkita. I am basically the last survivor, and the remaining Bennet. Natural lang saakin ang maghalungkat ng nakaraan but digging into past will bring me answers… and at the same time, danger. If my family was powerful and rich enough back then, so the enemies they had were much way powerful… Nasaan na sila ngayon? Ang mga Buenaventura? Even if Shiela’s father didn’t say it directly, I can tell that he’s thinking the same thing as me... may kinalaman ang Buenaventura sa pagbagsak ng pamilya ko… sa pagkamatay ni Papa! I can barely remember his face… my father. Politics is indeed cruel. I was expecting that the mansion would be dark and gloomy when I got here, but I was surprised to see the lamp post with lights on, kahit na sarado pa ang gate ng mansyon ay nakikita ko ang mga ilaw mismo ng mansyon na nakabukas. Nangunot ang noo ko at bumaba muna ng sasakyan ko para buksan ang gate na hindi naman naka-lock, nakasarado lang. May tao ba? O sinadya ni Shiela na buksan ang mga ilaw? Ngayon ko lang nakita ang ilaw ng mansyon sa gabi. It’s so… beautiful. Gumagana pa pala ang mga ito. Ngayon ko lang naapreciate ang ganda ng mansyon. Binuksan ko ng malawak ang gate saka na muling sumakay sa sasakyan ko at pinasok ito. But what made my eyes widen is when I spotted a car! A Sedan! A familiar sedan! Kumabog ang dibdib ko nang maisip ko si Regan! Is he here? Napapalunok habang pababa ng sasakyan at nakatuon ang tingin sa direksyon ng mansyon. Maglalakad palang sana ako patungo sa mansyon nang mapatigil ako dahil ang taong pumasok sa isipan ko ay sumulpot lang naman sa sentrong balkonahe ng mansyon! Tumingala ako at nakita ko naman na dumako ang tingin niya sa direksyon ko. Nakapamulsa pa ito. “Regan?!” Sambit ko sa pangalan niya. “The one and only.” Nang magsalita siya ay mas nakumpirma kong siya nga. Nalukot ang mukha ko. “What the hell are you doing here?!” Sigaw ko sakaniya para mas marinig niya ako at mahimigan niyang hindi ako natuwa na makita siya rito. “What do you mean? Bahay ko na rin ito, hindi ba?” Malakas ang boses na sagot niya at sapat lang upang marinig ko. Napakurap-kurap ako at hindi kaaagad na nakaimik. He is right… “But…but I will stay here for the night! You can’t be here!” Sigaw ko pabalik. I heard him chuckle. “Wala naman sa kontrata na kapag nandito ka ay bawal ako rito.” Pasigaw na sagot niya. Halos manlumo ako habang nakatingin sa gawi niya at napipil ang bibig. Why is this getting worse?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD