KABANATA 16

1963 Words
Ilang oras ang lumipas pagkatapos kong mag-umpisa sa pagtatrabaho ay bigla naman dumating ang sekretarya ni Regan at sinasabing pinapatawag ako. All I thought was I won’t need to come and see him for today, pero mali pala ako. Ano bang pag-uusapan namin? Ayaw nga nito sa ideya ko. I’m stuck between accepting his words as criticisms for me to improve even further and learn from them, but I’m also contemplating being mad and furious toward him. Tumayo na ako para lumabas at magtungo sa opisina ni Regan. Puro nalang ako ang nagpupunta roon. Ganito nalang ba ang gagawin ko hanggang matapos ang EVA Project? Kung makautos na pinapatawag ako, kala mo siya ang boss ko. Pinatay ko muna ang desktop ko pero habang naghahanda ako para lumabas ay dumako ang tingin ko kay Emerald na siyang katabi ng opisina ko. Nakagitna kasi ako sa opisina ni Emerald at ni Ms. Pauline. Dahil glass wall ay kita ko ang pagtutok ng tingin nito saakin habang nakaupo ito sa swivel chair. Masama ang tingin niya. Hindi naman maipagkakaila ang angking talino at galing ni Emerald kaya kahit na halos kasing-edad ko lang ito ay nagawa na nitong maging Senior Architect. She’s next to Ms. Pauline in line, and as far as I know, she came from a rich family. May lahi rin kasi itong hapon kaya Hayashi ang apelyido. She’s obviously a spoiled brat dahil lagi nitong pinipilit ang gusto hanggang sa magtagumpay siyang makuha ito. Hindi ko nalang ito masyadong pinansin simula noong napagtanto ko na ang karakter niya kahit na nakakainis siya at mabuti nalang ay hindi rin ako nito masyadong pinapakialaman dati, pero ngayon ay harap-harapan ang pakikibangga nito saakin. Mukhang tipo nito si Regan, may gusto siya kay Regan, o hindi kaya ay may relasyon ito kay Regan. Kaya ganito nalang ang biglang asta niya saakin. Umiwas na ako ng tingin. Mas mabuting huwag ko nalang patulan dahil wala naman Magandang maidudulot iyon saakin, basta ay manatili si Emerald sa lugar niya ay hindi ko siya kakantiin. Hindi ko na muling tinapunan ng tingin si Emerald habang papalabas ng opisina pero ramdam koa ng pagsunod ng tingin nito saakin. Diretso lang ang lakad ko dahil malapit lang ang opisina ng mga Engineering. Binagalan ko ang lakad ko dahil medyo nag-iingay ang takong ko. Dumiretso akong pumasok ng pinaka-pintuan ng kanilang opisina dahil nakabukas naman ito. The designs of each office here are like spacious office for each department and there will be offices inside the office for the officers-in-charge/bosses/head/senior. Pero dahil puro drafting, designing, and layouts ang niche ng kumpanya, ang ibang mga empleyado ay sama-sama sa malawak na workspace kung saan meron malaking table na obling sa gitna at doon halos sila nagtatrabaho. Pagpasok ko ay bumungad agad saakin ang isang abalang departamento. Ang iba ay napasulyap saakin at ang iba naman ay hindi ako alintana. Ngumiti nalang ako sa tahimik na pumasok. “Halos araw-araw ka na rito Ms. Icely.” Ngumiti ako sa biglang nagsalita sa hindi kalayuan na nakaupo sa pwesto nito. It was Jake, one of the engineers. “Oo nga ‘e, dahil sa EVA Project.” Sabi ko at pinakabagal ang lakad ko, halos napatingin na tuloy silang lahat saakin. “Kung dito kanalang muna kaya mag-opisina Ms. Ice? Ikatutuwa pa naming magkaroon ng katrabahong maganda.” Segunda pa ng isa habang pataas-taas ang kilay. Tumawa nalang ako sakanila dahil ganiyan sila palagi, palabiro at nambobola. “Hindi naman ipapamigay ‘yan ni Ms. Pau.” Natatawang sabi ni Jen, isa sa mga katrabaho nilang babae. “Kung mapunta siya sa’kin, hindi ko rin siya ipapamigay.” Rebutt naman ni Jake at kinindatan pa ako. Napailing-iling nalang ako habang tumatawa. “Kayo talaga, mambobola.” Kumento ko. “Parang mas lalong gumanda si Ms. Ice, ‘no? May boyfriend ka na ba Ms. Ice?” Tumataas-taas pa ang kilay ni Kyle, isa din sa mga Engineer nila rito. Hindi ako sumagot kung hindi ay nginitian ko lang, hanggang sa makalapit na ako sa opisina ni Regan pero laking gulat ko nang mapansin kong nakatayo pala ito sa pinakapintuan ng opisina niya habang nakapamulsa at nakahilig sa glass wall. Sa kinatatayuan niya ay makikita ang buong opisina. He’s in his usual blank stare, but his eyes are on me. Mukhang ngayon lang din siya napansin ng mga empleyado kaya biglang natahimik ang buong opisina. Tumigil ako sa harapan niya pero ang nanatiling nakapako ang tingin niya saakin hanggang sa sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa saka bumalik sa mata ko ang tingin niya. “We’re going out.” Sabi nito bigla na ikinakunot ng noo ko. “Huh? Saan tayo pupunta?” Tanong ko. Umayos na siya ng tayo mula sa pagkakahilig sa babasaging dingding. “Site visit.” Sabi niya nang bigla akong lagpasan. Napasunod lang ako ng tingin sa likod nito hanggang sa tuluyan na itong nakalabas ng opisina. Napairap ako sa hangin. That was so rude! Sana ay sinabing aalis kami at sana man lang ay hindi na ako nag-abalang puntahan siya rito. Kunot ang noo kong nagmartsa palabas ng Egineering Department para sundan siya. I really hate this man! Dumaan muna ako sa opisina para kuhanin ang bag ko saka na dali-daling lumabas para makasunod kay Regan. Hindi ko na naabutan ang elevator na sinakyan niya kaya naghintay pa ako na siyang mas ikinainis ko. Now, I’m sure, he’s doing this on purpose! He’s just so utterly mean to me! Ano bang sumagi sa isipan ko kanina at naisipan kong nagkakagusto ako sakaniya? No! Over my dead body! Hindi naman nagtagal ay tumunog na ang elevator kaya sumakay na ako. Kaagad kong pinindot ang basement parking at ilang mintuo ang lumipas ay nakalabas na ako. Ang akala siguro ng Regan na ‘to ay sasabay ako sakaniya! Nakita kong nakaandar na ang kotse niya nang makalapit ako. Ibinaba pa nito ang bintana ng driver’s seat at tiningnan ako. Inis ko siyang inirapan saka ito tinalikuran. Dumiretso ako sa kotse kong naka-park sa mismong kaharap nito. Binuksan ko na ang driver’s seat ng land cruiser ko at halos kakasakay ko lang nang biglang i-abante ni Regan ang kaniyang sasakyan at kakaunti nalang ay magbanggan ang harapan naming kung hindi nito iyon itinigil. Nanlalaki ang matang napababa ako ng sasakyan ko. “Regan! What the hell are you doing?!” Sigaw ko sakaniya at sinulyapan ang hood ng sasakyan ko, halos gahibla nalang ang layo ng mga sasakyan namin. Mula sa windshield ay nakita ko si Regan na sumenyas at itinuro ang passenger seat ng kotse niya. Naikuyom ko ang kamao ko habang galit na nakatingin sakaniya. “Para kang bata!” Sigaw ko bago kinuha ang gamit ko sa sasakyan ko saka na ito isinara bago nagmamartsang nagtungo sa passenger seat ng kotse ni Regan at padabog na sumakay. Hindi ko rin naman magagamit ang sasakyan ko kung haharang lang sa harapan si Regan. My car is totally cornered! I saw how Regan smirked before stirring the wheel and started driving out of the basement parking lot. “What’s wrong with you?! Akala ko ba ay ayaw mo sa’kin? Why do you keep insisting on riding the same car?” Naguguluhang tanong ko pero hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. “Regan!” Tawag ko sa pangalan niya, mabilis na sulyap lang ang iginawad niya saakin. “Alam mo ba kung saan ang site?” “Yes! I’ve already saw it on one of the files you’ve sent to me!” Mabilis na sagot ko. Umiling siya. “You don’t know the way, pahihirapan mo pa akong magturo ng daan sa’yo.” Napailing ako, “I can just follow you!” Iritang sagot ko pero halos mapasubsob ako nang biglang ihinto ni Regan ang sasakyan sa kalagitnaan ng pagdadrive nito kung hindi lang ako napahawak sa door handle. “Regan! What the— “Nag-iinsist kang magdrive pero hindi ka marunong magseatbelt bilang passenger?” Nahigit ko ang hininga ko at natameme nang biglang ang lapit ni Regan saakin. Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa mukha nito. Halos ilang pulgada langa ng layo ng mukha nito sa mukha ko at hindi ko napansin ang pagtitig ko sa mga mata nito. Hindi ko alam kung ako ang unang napatitig o siya nanaman ang nakatitig saakin. Sa mga ilang segundo ay tila natahimik ang aking paligid at wala sa sariling napalunok. I’ve never felt so close as this towards Regan until now. Nang makahuma ako at naglikot ang mata ay napaiwas din ito ng tingin. Hindi ako nakagalaw hanggang sa makarinig ako ng ‘click’ at lumayo na siya saakin. Ilang beses akong napalunok at huminga ng malalim habang nakatuon na ngayon ang tingin ko sa labas ng bintana. I didn’t say a word and even he. It was complete silence, and it was until he started driving again when I realized that he put on the seatbelt for me. I swallowed again. My heart’s skipping a beat, parang nawala ako sa tuliro sa mga sandaling iyon at hindi nagproseso sa utak ko ang nangyari. Hindi ako makatingin sakaniya at pawang nabibingi ako sa katahimikan. Until it became awkward! What the hell did just happened? He didn’t have to put on the seatbelt for me, and he could’ve just said so! Hindi ko na rin namamalayan ang daang tinatahak niya dahil sobrang naging okupado ang isipan ko sa nangyaring iyon. I was literally flustered until I thought of taking a glance at him. Pasimple akong sumulyap sakanya at nakita kong seryoso ang mukha niyang nakatutok sa daan. Nakasandig naman ang siko nito sa pintuan ng driver’s seat. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at napahinga ng malalim. The awkwardness is killing me. “You didn’t have to do that.” Mahinang sabi ko habang diretso ang upo at diretso rin ang tingin sa daan. Wala akong narinig na tugon mula sakaniya kaya kinalma ko na ang isipan ko, “But thank you.” Sambit ko at nanahimik na sa kinauupuan. Ilang minuto ang lumipas nang sa wakas ay magsalita ito. “Do you mind telling me how you got in Bulacan?” Hindi ko naman inasahan ang tanong niyang iyon kaya napalingon ako sakaniya. Napatitig ako kay Regan, tapos ay naalala ko ang mga sinabi nina Miles at Porcia kagabi, iyong mga posibleng dahilan kung bakit itinago ni Mama saakin ang mansyon at kung saan talaga kami nanggaling. Sumeryoso ang mukha ko habang nakatitig sa mukha niya. “Then, do you mind telling me why you’re so desperate on acquiring the land and mansion?” Seryosong tanong ko. Mabilis lang akong tinapunan ng tingin ni Regan bago ito muling bumalik ang tingin sa daan. Pero ang sulyap na iginawad niya ay tila makahuluganan. He won’t answer it. Umiwas na ako ng tingin. “Kung hindi mo sasagutin ay hindi ko rin sasagutin. Hindi ako ignoranteng tao Regan at alam kong may dahilan ka bukod lamang sa gusto mo ang lugar na iyon o gusto mong magtayo ng negosyo roon.” Seryosong sambit ko ng hindi naktingin sakaniya. “Kung hindi ka pala ignorante, ibig sabihin ay alam mo ang nakaraan ng pamilya mo pero kung makaasta ka ay parang wala kang kaalam-alam.” There was a hint of anger in his voice, and for some reason, I was fazed but it didn’t infuriate me. Napatitig lang ako sa side-profile ni Regan at nakakunot ang noo nito. “Regan… alam mo ang nakaraan ng pamilya ko? May galit ka ba sa pamilyang pinanggalingan ko?” Mahinahong tanong ko. He swallowed but didn’t respond. Tutok lang ang tingin nito sa daan. “Regan, are you an enemy?” I whispered, enough for him to hear, and he finally took a glance at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD