KABANATA 17

1941 Words
Regan didn’t answer my question. He remained silent and didn’t bother to say anything anymore. Sari-saring konklusyon ang namuo sa isipan ko na siyang ikinatahimik ko kaya naman umiwas na ako ng tingin at tinuon ang atensyon sa labas. Am I, his enemy? Are we enemies? I need to know the history of my family as soon as possible! I might be riding the car of someone who can potentially harm me, but why does it feel so heavy? Thinking that Regan has his bad ulterior motives. I am aware of that from the start, but why am I disappointed now? Umasa ba ako na may tyansang magkakasundo kami? I breathed air and just remained silent on my seat. Sino ka ba talaga Regan? Pero sino ba talaga ako, o ano ba talaga ang nangyari sa pamilya namin? I badly want to know too. This feeling is frustrating. From that moment, I lost all the ability to argue nor to have any meaningless conversations anymore, kaya’t hindi na kami nagkaimikan ni Regan. Hanggang sa itinigil nito ang sasakyan sa isang parking. Inalis ko na ang seatbelt saka na rin bumaba nang makita kong pababa na rin si Regan. Inikot ko ang tingin sa paligid. This is the town’s city. Dito pala ang EVA. May mga nakaharang na sa pagtatayuan ng proyekto. Napakahaba at mapaklawak nito na kung lalakarin ko siguro ang buong espasyo na siyang kinabitan ng harang ay mapapagod ako. “Tara na. Ayan ang site.” Sabi niya at itinuro ang tinitingnan ko. Tumango ako at naunang naglakad at sumabay naman siya. This place used to be a huge park. A wide space where people can jog around, have a picnic, or sometimes it is also used for concerts and recreational activities. But the owner has signed a partnership with the Jimenez Land Corporation, and they’ve decided to make the EVA project possible, which is to build a community within the city that consists of high-end condominiums and other establishments. Medyo maaraw kaya naman naiharang ko ang mukha ko sa araw habang naglalakad. Hanggang sa umabot na kami sa guardhouse, kung saan ang entrance ng malaking espasyong binakuran. “Good afternoon, Sir, mag-site visit kami. Galing kami ng PrimeLine. I’m an Engineer ang she’s an architect.” Tinuro ako ni Regan kaya ngumiti ako sa guard. “Goodafternoon Sir, sandali lang po.” Bati naman pabalik ng gwardiya kay Regan tapos ay tinutok nito ang walkie-talkie sa bibig. “Site visit raw from PrimeLine Designs.” Sabi nito sa walkie-talkie. Habang naghihintay kami ng anunsyo mula sa gwardiya ay biglang may mga nagsidatingan na tao. Dalawang lalaking nakasunod sa isang lalaki na siyang pinapayungan naman ng isa sa mga lalaking sumusunod. It’s Rios! “Sir! Tapos na po ba kayong maglibot?” Parang gulat na baling sakaniya ng gwardiya. “Hindi pa.” Sagot ni Rios na nakangiti. Nakasuot lang ito ng plain white polo shirt, but polo shirts’ never been so hot in my eyes not until I see Rios right now wearing it. Parang ang fresh nito at bumakat ang muscles nito sa katawan. Dumako naman ang tingin niya saamin, saakin. “Icely! I knew you’re coming.” Sabi nito na ikinagulat ko. Alam nitong pupunta kami rito? Oh right, he’s the CEO of the Company who wants to build the Eva Project. Ngumiti ako sakaniya nang biglang humarang si Regan sa harapan ko at tumayo ito sa harapan ni Rios. Tinapik nito ang balikat ni Rios. “Maglilibot lang kami.” Sabi ni Regan rito. Nawala ang ngiti sa labi ko at tumabi nalang sakaniya para hindi niya ako nahaharangan mula kay Rios. “Sure. Kailangan niyo ba ng tulong— “Hindi.” Sagot ni Regan saka tumingin saakin. “Tara na.” Aya nito saakin. Muli niyang tinapik sa balikat si Rios saka na ito nilagpasan. Ako naman ay tinanguan si Rios at lalagpasan na sana ito nang bigla akong tawagin. “Wait Icely,” Tawag niya nang bigla ako nitong payungin. “I’ll lend you this. You might get sunburned.” Sabi nito na siyang ikinatuwa ko. Kukunin ko na sana ang payong nang biglang may kamay na kumuha nito. “Ako na pare.” Sabi ni Regan. Nawala ang ngiti ko at pasimple siyang inirapan pero hinayaan ko nalang iyon. Hawak niya ang payong na siyang sinisilungan ako. “Thanks Rios, see you around!” Pagkatapos ay umalis na si Rios dahil may tinawag raw para sakaniya kahit na gusto niyang Samahan kaming maglibot. Kahit na hindi ako masyadong kinakausap ni Regan ay pinapayungan pa rin naman niya ako. Napabuntong-hininga nalang ako at tinuon ang atensyon sa paligid. Ang lawak, mga 15-hectare yata ito sa pagkakatanda ko. “Iba-iba ang anggulo ng bawat building. Condominiums will rise from there.” Tinuro ni Regan ang medyo may kalayuang parte. Nanliit ang mata ko at tinanaw naman ang direkyson. “Hindi ba diyan ang sentro? Hindi ba dapat nandiyan ang mall?” Sumulyap saakin si Regan. Pero ang nakapukaw sa atensyon ko ay ang pawis nitong nahulog mula sa noo. Mabilis akong umiwas ng tingin at napahinga ng malalim. “Katabi niya ang mall.” Sabi nito pero nawala na ang pokus ko sa pinag-uusapan namin. Kung si Rios ay magaan ang vibes, si Regan ay mabigat pero iyon ay ang klase presensiya na gugustuhin mong panatilihin sa paligid. It’s like Regan’s like a magnet that his presence will pull you closer to him even more, but I won’t come closer, I won’t. “Ang init naman pala rito.” Bulong ko at napapaypay sa aking sarili gamit ang kamay pero ayaw kong iparinig kay Regan dahil baka sabihin nito ay ang reklamador ko. “Let’s take a break after a while.” Napasulyap ako sakaniya nang sabihin iyon. Hindi siya nakatingin saakin. Hindi na ako nakaimik dahil baka akala niya ay assuming ako na dahil sa ibinulong ko kaya niya sinabi iyon. Malay ko at baka siya rin ay naiinitan na ng sobra. Naglakad-lakad pa kami pero ang lakad namin ay papunta sa gilid na parte malapit sa mga harang na pawang pader kung saan natatakpan ng malalaking puno ang init ng araw. Nang makasilong kami ay napahinga ako ng malalim lalo na nang umihip ang hangin at nakaramdam ako ng ginhawa. “May pupuntahan lang ako doon, dyan ka muna.” Tumingin ako kay Regan at itinuturo niya iyong direksyon kung saan malapit ang mga buildings. “Sasama na ako kaysa bumalik ka pa rito— “Kaya ko na, diyan ka nalang, may bato diyan para maupo ka.” Tinuro niya ang malaking bato sa likuran saka na ito naglakad paalis. Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa likod niya habang papalayo ito. May kakaiba kay Regan na hindi ko mawari o maipaliwanag. Umiwas na ako ng tingin at inilibot muli ang tingin sa paligid. A few years from now, this overly wide space will be blooming with life with the infrastructures that will rise where people can enjoy their life comfortably but beautifully. I admit that I’m excited and looking forward to seeing it. Umupo nalang ako sa batong itinuro nito. Ilang minuto ang lumipas, nakita ko si Regan sa hindi kalayuan na lumapit lang pala sa isa pang guard house. Ang lawak kasi nito kaya iilang entrance ang nakapwesto na siyang nagsisilbi ring guard house. Ano bang ginawa niya roon? Hay na’ko. “Dahan-dahan ka.” “Baka mabali ang sanga!” “Pinuputol na ‘tong mga puno, kuhanin lang natin ‘yung pugad.” Napalinga-linga ako nang makarinig ako ng mga boses. Napatingala ako dahil may mga nalaglag na dahon saakin. Tila umuuga ang malaking sanga na nakalusot sa pader na harang at ang puno ay nasa labas. Pinagpag ko ang sarili ko at ang buhok kong nalagyan ng maliliit na dahon. “What’s going on?” Bulong ko at tumayo. “Hoy tumalon ka na! May hiwa na pala ‘yang malaking sanga!” Sigaw iyon ng lalaki sa kabila ng harang na pader. Are they climbing trees? Gusto kong umalis sa pwesto ko pero ito nalang ang parteng may silong dahil sa punong natitira sa kabila ng pader na harang. “Icely!” Napalingon ako kay Regan nang marinig ko ang boses nito na sumigaw. Nagtakha ako nang makita ko itong tumatakbo papunta saakin. Why is he running? “Watch out!” Kumabog ang puso ko sa isinigaw nito hanggang sa makalapit siya at ang susunod na nangyari ay ang nakapagpatigil saglit ng mundo ko. The huge branch of tree was falling right above my head, and it would be too late to run because my feet couldn’t even take a step away due to shock. It was when I felt Regan’s strong arms pull me and then I screamed in fear. I heard Regan groan when we fell to the ground. Scared for my life, my eyes were deeply shut, thinking that the gigantic branch of tree fell on me, but minutes later, I didn’t feel anything. Unti-unti kong iminulat ang mata ko at ang bumungad saakin ay ang mukha ni Regan na nakangiwi. For a moment, my world stopped and all I could do was stare at him. Then I realized I was on top of him and his back’s laying on the ground. Nang unti-unting magmulat ang mata niya ay doon ako nakahuma at dali-daling tumayo. I got no injury, and I am perfectly fine! Mabilis akong lumingon kung saan bumagsak ang malaking sanga ng puno at ilang pulgada langa ng layo nito sa mga pa ani Regan at kung hindi ay baka tumama na ito sakaniyang mga binti. “R-Regan!” Baling ko sakaniya na sinusubukang tumayo. Mabilis ko siyang tinulungan at hinila ang kamay nito para makatayo siya. “A-Ayos ka lang ba?” Tanong ko at pinaikutan ko siya para pagpagin ang likod niyang namantsahan ng lupa at alikabok. “S-Stop.” Naging abala ako sa pag-pagpag ng kaniyang katawan nang bigla nitong hulihin ang kamay ko. Nagsalubong ang mata namin at doon ako natigilan. Kunot ang noo nitong nakatingin saakin ng mataman nang suyurin ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa mga mata ko. “I’m fine. Dapat ay mag-alala ka para sa sarili mo. May natamo ka bang sugat o galos o kahit ano— “A-Ayos lang din ako.” Salansan ko sa pagsasalita niya na ikinatigil niya. Nang kapwa mapatingin kami sa kamay naming magkahawak ay nahulog ang tingin ko sa lupa at dahan-dahang pinabitaw ang katawan ko sakaniya. Narinig ko siyang marahas na bumuntong-hininga at tumingin naman ito sa sanga ng puno ng bumagsak. “Muntikan kana roon. Dapat ay hindi nalang kita iniwan. Nagpuputol pala sila ng puno, pero alam ko ay wala naman ang mga taga-putol ngayon. Wala naman akong narinig na makina.” “May narinig akong mga boses kanina, mukhang umakyat sila sa sanga ng puno kaya bumigay. P-Pero mabuti nalang at walang nangyaring masama. Sigurado ka bang ayos ka lang?” Muling paninigurado ko at sinuyod siya ng tingin. I’m overly concerned because he just saved me there! “Ayos lang ako, tara na at umalis na tayo.” Aya niya at pinagpag ang sarili. Nauna na siyang naglakad saakin pero hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Ang payong ay nadaganan na ng malaking sanga ng puno. Tapos ay napasulyap naman ako sa dalawang bote ng tubig na natapon sa lupa. My eyes softened and gazed at Regan. Nakita kong nakatigil ito at nakalingon saakin. “Let’s go.” Muling aya niya kaya naman ay walang imik na akong sumunod sa likod niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD