KABANATA 18

2510 Words
Pagkatapos namin sa site ni Regan ay diretso na kaming bumalik ng firm. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang nangyari doon. What if Regan didn’t save me? Paano kung hindi niya itinakbo iyon? I would be in hospital right now. Habang nakaupo ako sa swivel chair ay tulala lang ako. Ilang minute ang lumipas ay biglang sinabi naman saakin na pwede na akong umuwi na siyang ikinagulat ko dahil si Ms. Pauline pa talaga mismo ang nagpapauwi saakin at sinabi niyang bibigyan nalang niya ako ng libreng overtime bukas. Dahil wala na rin ako sa wisyo para magtrabaho ay pinagbuti ko nalang na umuwi na ako. Perhaps, Regan told Ms. Pauline about the incident which he really didn’t have to do. Hanggang sa makauwi ako ay okupado pa rin ang isipan ko. Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakaupo sa may patio ay nakatulala sa cellphone ko. Kung hinayaan akong umuwi, sana ay si Regan rin. I never texted him first, dahil siya naman ang laging nauunang mag-message. Kaya naman ay nagdadalawang-isip ako kung ite-text ko siya o hindi habang nakatitig ako sa phone ko at nakaflash na ang message conversation namin. Hindi naman tumagal nang matagpuan ko ang sarili kong tumitipa. “Pinauwi ako from office, was it your doing? Thank you for saving me there, and for letting me go home.” I hit send. Napalunok pa ako habang nakatitig sa cellphone. Hindi ko naman inasahan na magrereply siya kaagad. “Anyone would do what I did. Magpahinga ka nalang at alam kong shock ka pa rin sa nangyari, you may deny it, but your body won’t. Ayaw ko ring mag-excuse ka kung sakaling magpameeting si Denver para sa signing of official agreement ng mansion.” Even if he didn’t miss mentioning the mansion this time, I didn’t mind it. “Ikaw? Hindi ka ba uuwi?” Reply ko. Hindi ko alam kung bakit ko rin iyon tinanong pero kusang iyong natipa ng aking mga daliri. Nakatutok ako sa cellphone at hinihintay itong sumagot. “Nasa office pa ako.” Nangunot ang noo ko pagkabasa ng reply niya. “Mas kailangan mong magpahinga kaysa saakin, bakit hindi ka nalang muna umuwi?” I hit send. I at least want to let him know how grateful I am. Kaagad kong tinawagan si Ms. Pau pagkatapos ng text kong iyon kay Regan. Hindi naman nagtagal nang sumagot ito. “Yes, my dear?” Bungad ni Ms. Pau. “Hello Ms. Pau, about the incident this morning, hindi lang naman ako ang involve, pati rin si Engr. Lozano. If I deserve a rest, then I believe that he deserves it more than me. Siya kasi ang dahilan kung bakit parehong maayos ang kalagayan namin ngayon. Please Ms. Pau, I know you can do something about it.” Mabilis na sabi ko. Bigla naman namayani ang katahimikan sa kabilang linya. “Hello? Ms. Pau?” “Oh, that’s why—” I finally heard her speak. “Ms. Pau— “Okay dear got it. Is that all?” Biglang salansan niya sa tangkang pagsasalita kong muli. “That’s all Ms. Pau.” Sagot ko. “Alright, leave it to me. Have a nice rest, bye-bye dearest Icely.” She giggled and hung up. Napabuga ako ng hangin at muling tiningnan ang phone ko, nakita kong may reply si Regan kaya binuksan ko. “I still have a lot of things to do.” Nakatitig lang ako sa reply nito. Wala na akong alam isagot. Para lang din naman sakaniya, pero wala ako sa posisyon para pilitin siya. Kaya naman ay hindi ko nalang siya nireplyan at pinatay nalang ang cellphone ko. Alam kong magagawan iyon ng paraan ni Ms. Pau kaya naman ay mas gumaan na ang pakiramdam ko kaysa kanina. I just also feel like I want to repay Regan for saving me. Nakatitig lang ako sa hangin nang muling magvibrate ang phone ko pagkatapos ng ilang minuto. “I’m going home.” “Pero anong sinabi mo sa boss mo?” Dalawang magkasunod iyon na mensahe. Napangiti ako ng hindi ko namamalayan. Maaasahan talaga si Ms. Pauline. “It’s my way of showing gratitude.” Sent. “Sinabi ko lang naman iyong totoo.” Sent. He then replied fast, but it was just an emoji of laughing. Nangunot ang noo ko. “What’s funny?” I hit send with a frown. “Because that’s not what I told her.” Napatulala ako sa cellphone sa nabasa. Saka ko na-imagine ang iba’t-ibang maaring naging reaksyon ni Ms. Pau at ang pagiging natural niyang malisyosa. Napangiwi ako at mabilis na nagtipa. “Anong sinabi mo sakaniya??” Mabilis ko itong sinend. “Sinabi ko lang na may sakit ka at ayaw mo lang sabihin dahil abala tayo sa proyekto.” Nalukot ang mukha ko sa nabasa. “Hindi mo naman kailangang magsinungaling! Why did you say that instead of what really happened?” Mabilis na reply ko. “They will be alarmed and will be worried. They will tell us to go home— both of us, pero ako ayaw kong umuwi. Hindi ko naman inasahan na paapkiusapan mo pa ang boss mo para pauwiin ako.” Ngayon ko lang naramdaman ang pagkahiya sa ginawa ko. I feel like I did something for him out of care and pure concern! Na parang sobrang nag-aalala ako sakaniya! I sent him an angry-red emoji and he just haha’d it. “Don’t get the wrong idea huh! I just wanted to repay you back for saving me earlier!” Mabilis kong reply sakaniya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Hiya, inis, galit, o itong puso kong kakaiba na ang ritmo ng pagtibok. Inabala ko nalang ang sarili ko at hindi na tinext pa si Regan, hindi ko na rin sinilip ang cellphone ko at nagmukmok nalang sa bahay ng mag-isa. Napagpasyahan kong magdrawing nalang muna at mag-isip ng design para sa mansion sa Laguna kung sakaling magkapera ako at maipaparenovate ko at papagawan man lang ito ng landscape. Pagkatapos kong kumain ng tanghalian na siyang pinadeliver ko lang ay nagtungo na ako sa drafting room ko. Yes, my room and the drafting room isn’t the same, nagsilbi na rin itong library. Tatlo kasi ng kwarto nitong bahay, ang kwarto ko, ang kwarto ni Mama noong nabubuhay pa siya, at ang magsisilbing guest room na siyang ginamit ko bilang study room/drafting room/library. May drafting table rin rito at isang malaking shelf ng mga libro na iba-iba ang tema. May mga fiction, may educational books, or other non-fiction books. May desktop rin rito na siyang ginagamit ko lang tuwing wala akong trabaho o naka-leave ako o kaya naman ay work from home ako. Umupo ako sa black dynamic chair ditto sa study table ko pagkatapos kong binuksan ang desktop. I’ll try using software for drawing. Habang hinihintay mabuksan ang desktop ay napasandal ako sa sandalan ng upuan ko at nailibot ang tingin sa paligid. I’ve never felt so alone and estranged. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako kalungkot at kalala ang pag-iisa ko ngayong wala na si Mama. I’ve tried hook ups or flings but never have any intimate or serious relationship, because it’s just not in my interest. Ang gusto ko lang naman ay mag-aral at makatapos dati. But years after I’ve established myself, I became fond of staying single and I think that finding a partner or a boyfriend isn’t a priority. Napahinga ako ng malalim at binuksan na ang mga software na gagamitin ko sa desktop nang magloading ito. I think it’s time to find someone. Not because I’m lonely, but because I feel like I want to be with someone to share my life with, and I think I’ve been ready for a while, but I don’t give it enough attention. Pero hindi ko ipipilit kung wala naman darating. Ang problema kasi ngayon, ang daming cheating issues. Mga lalaking hindi naman seryoso sa buhay at kahit na i-date ka ay wala naman balak na pakasalan ka. It’s so hard to meet a male whose man enough with principles. Bigla nanaman pumasok sa isipan ko si Regan. The incident this morning when he saved my life. The first time we met, I can still remember how I was attracted to him which I won’t deny, but that was simple admiration for his looks. Nasira naman kasi kaagad ang paghanga ko sakaniya nang dahil sa kaliitan ng mundo at nagging magkaaway pa kami ng dahil sa mansion. Tapos ay hindi ko pa inashan na nagging magkatrabaho pa kami. But is it possible? Between me and Regan? Napailing-iling ako at halos ipukpok ko na ang ulo ko sa naisip. There’s no effin way! May kung anong kakaiba kay Regan na hindi ko mawari. Kahit pa halos araw-araw na kami nagkikita ngayon ay hindi ko pa siya lubusang kilala. Kahit pa may mga pagkakataong hindi kami nagkakasundo o may pagkakataon na ngayong nagkakasundo kami ay hindi ko pa rin masasabi ang ugnayan namin. Not now that I think Regan has some hidden agenda involving me or my family. I am not sure who he is, or even what kind of family I came from whom I think both our families are possibly related to each other. It is possible that our family are close or… we’re enemies. Marahas akong napabuntong-hininga at pinalis si Regan sa isipan ko. Ang dami ko naman pwedeng isipin na lalaki, bakit kasi si Regan pa. Hindi bale na, iisipin ko nalang iyong mga pagkakataong hindi kami magkasundo. Iyong mga pinagsasabi niya saakin at baka sakaling mawala na siya ng tuluyan sa isipan ko at hindi ko na iisipin ang mga bagay na ito. While trying to come up with a design for the mansion’s landscape in its front yard, I thought of the condominiums and the meeting that was held a few days ago. Then I remembered what Regan told me. Gagawan ko na rin iyon ng mga initial designs that I will show Regan to make him believe that my idea is possible. I will make sure that once I show him my designs and ideas, he will have no further comments on them. Because of that thought, my day became worthwhile, and I was drowning into coming up with millions of designs and different ideas. At night, before bed, I checked my cellphone again. There were a lot of emails regarding work, text messages and a few missed calls. Pero ang nakapukaw sa atensyon ko ay ang mensahe ng lawyer ni Regan na si Denver. I named him Attorney Denver in my contact list when I got his number. “I’m sorry for causing troubles Ms. Icely. I hope you can forgive me. Tell me anything I could do for you to make up for my improper actions. Please believe my sincerity.” Iyon ang nakalagay sa mensahe nito. Though I already forgave him when Regan said sorry in his behalf, I’ve appreciated him reaching out. “It’s okay. I wasn’t the one you really bothered. Don’t worry about it.” Sabi ko para hindi na pahabain pa ang usapan. It was Porcia whom he bothered the most. Speaking of Porcia, kamusta na kaya ito? Nag-usapa na kaya silang dalawa? I wanted to know about them, but I won’t force Porcia to share anything if she doesn’t feel like it. Sunod kong binasa ay ang mensahe ni Regan. I swallowed before opening our conversation. “What wrong idea should I think about?” “Pero salamat.” Aside from those two messages, he didn’t say anything else. Nakatitig lang ako sa conversation namin. It was so simple, but it made me think about a lot of possibilities. It was a simple text! Why am I having roller coaster feelings now? Hindi ko na ito nireplyan at pinatay nalang ang cellphone. Pinatay ko na ang ilaw at humiga saka pumikit para hindi na ito isipin o mag-isip pa ng kung ano-ano. Pero biglang pumasok sa isipan ko si Emerald. Mabilis akong napamulat. Ngayon bigla akong nagka-interest sa isipang merong silang relasyon ni Regan o kung paano sila nagkakilala o kung ano ba talaga ang ugnayan ng dalawa. It is so obvious and Emerald’s openly declaring to everyone that she has interest, affection, and relationship with Regan. Is she Regan’s girlfriend? They had dinner a few nights ago, right? So, Emerald’s feelings are reciprocated? There’s really no way for me and Regan. Kahit gaano ko isipin, wala talagang paglulugaran. I should stop this now. I shifted to the other side of the bed and hugged my bolster. I closed my eyes again and tried to fall asleep when my phone suddenly rang. Muli akong napamulat at mabilis na inabot ang phone ko. Hindi ko inasahang makikita na tumatawag si Regan! Ano nanaman? Puro nalang Regan! Sinagot ko nalang ito. “Hello?” bungad ko. There was a moment of silence. “Natutulog ka na?” Napalunok ako nang itanong niya iyon. “Hindi, bakit? Napatawag ka?” Diretsong tanong ko at bumangon mula sa pagkakahiga at sumandal sa kama. “Wala naman. I was thinking if you are okay o baka naman ay nahimatay ka dahil late reaction ang katawan mo dahil sa shock kaninang umaga.” I almost laughed but I just smiled and didn’t let Regan know that I found what he said hilarious. “Aren’t you concerning yourself too much to me, Engr. Lozano?” Pagbibiro ko. “The owner can’t die in the process. It will just take me too much time and work.” Napatahimik ako at tumitig sa kawalan sa isinagot nito. The mansion again. Hindi naman ako nagulat o nadismaya sa katotohanang ang pagkakakilala lang talaga saakin ni Regan ay bilang may-ari ng mansyon na gusto niyang bilhin. Huminga ako ng malalim at napailing. I just can’t lower my guard down. “Okay. The message was understood clearly. Pero okay lang ako, I hope you are too. Salamat ulit sa pagligtas sa buhay ko kanina.” Seryosong sagot ko. “I just told you the reason why I saved you.” Tugon nito. “Yeah, whatever. Hindi ko pa rin ipagbibili ang lupa.” Napaikot ang mata ko, but surprisingly, I am not getting angry or furious with the thought anymore. “You’ll surrender in no time.” “Tsk. In your dreams, Regan.” I answered immediately. I heard him smirk a bit. He then just reminded me that we’ll be meeting on Friday night after office hours, and I should bring my lawyer with me, with or without papers for the verbal discussion. Sinabi ko lang na hindi pa ako sigurado dahil wala pang sinasabi si Porcia at ia-update ko nalang siya. After that, I bid him goodbye, but he said goodnight and hung up. Napahinga ako ng malalim at napatitig sa kung saan pagkatapos ng tawag. I palmed my chest where my heart is placed. Nakaya mong hindi pansinina ng mga lalaking sa loob ng dalawampu’t-pitong taon Ice. Makakaya mo rin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD