KABANATA 23

2407 Words
Luckily, there are two room that are completely clean, katulad nga ng sinabi ni Sheila. Regan has totally claimed the other clean room as his own! I didn’t know and wasn’t expecting to see him here! Ang layo ng Bulacan! Bakit nandito ito? Wala bai tong sariling bahay? Marahas akong bumuntong-hininga at pabagsak na umupo sa malambot na kama na mala-princess bed pagkatapos kong ayusin ang lahat kong gamit na iiiwanan rito. Kahit na may mesa rito at vanity at ayaw ko naman dito magtrbaho kaya ang laptop at iilang gamit kong pangdrafting ay hindi pa maayos. Ayaw ko kasing iisa ang resting area ko sa working area ko dahil Madali akong madistract. Kapag nakikita ko ang isang working area habang nakahiga ay pakiramdam ko ang tamad-tamad ko at wala akong Karapatan magpahinga. Kaya naman magkaiba rin ang study room ko sa mismong room ko doon sa bahay sa Bulacan. Alam ko naman na may library rito sa mansyon pero hindi pa iyon nalinis. Saan naman ako magtatrabaho? Sa sala nalang kaya? Tumayo ako saka na lumabas habang hila ang maleta ko dahil dito ko muna nilagay ang laptop ko saka ang ibang gamit tulad ng papel, lapis, at ballpen. Ang mga malinis na kwarto ay nasa ikalawang palapag kaya naman kailangan ko pang bumaba patungo sa sala. Even if the thought of Regan bothers me, it calms me that I am with someone, and I am not entirely alone. Hindi na ako natatakot kahit na mag-isa akong bumababa ng hagdan at gabing-gabi na. Isa pa iyon na kahit malalim na ang gabi ay hindi pa rin ako nakakramdam ng antok. Dahil siguro doon sa mga sinabi ng Tatay ni Shiela at ang isipang nandito rin si Regan. At kaysa pilitan ko ang antok ko ay magtatrabaho nalang ako. Hindi na gumagawa ang mga aircon rito pero malamig nama ang buong bahay dahil sa Magandang ventilation. Mabusisi ang pagkakagawa ng bahay at kahit luma na ay nasi-serve pa rin ang purpose ng bawat parte ng mansyon. Hindi ako sinalubong ni Regan ni ang ginulo pagkatapos ng pag-uusap namin kanina nang mabungaran ko ito sa balkonahe. He just told me to not mind him, and he won’t mind my presence here either. Sa tingin ko naman ay natutulog na rin siya. Hanggang sa makababa ako ay dumiretso ako sa may living room ng mansyon pero halos mapasigaw ako nang makita ko roon si Regan na mag-isang nakaupo sa single sofa at nakayukod ito sa may sala table at kita kong may laptop rin ito at mukhang abala sa ginagawa. Akala ko ay tulog na siya! I was about to turn around thinking that he didn’t notice me and it’s better for me to avoid him, but he suddenly spoke. “Alam kong nandiyan ka.” Sabi niya at lumingon saakin na ikinatigil ko. Dumako ang tingin niya saakin at sa maletang hawak ko matapos at sinuyod naman ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I’m wearing my blossom’s pair of pajamas! “Hindi ka mukhang paalis. Saan ka pupunta? Are you sleepwalking?” Sunod na tanong niya. I rolled my eyes and sighed. Tinuloy ko nalang ang pagpunta sa direksyon niya habang hila ang maleta ko. Umupo ako sa mahabang sofa at binuksan ang maleta. “You told me to not mind you, so you shouldn’t mind me as well. Naghahanap ako ng working area. Ayaw ko kasing nagtatrabaho sa kwarto ko.” Sabi ko habang inilalabas ang laptop ko at mga gamit saka inilagay sa sala table. May kaunting distansiya naman ako mula kay Regan. Hindi ko na ito narinig na nagsalita habang ako at abala lang ako sa paghahanda sa laptop ko. Hanggang sa namayani ang katahimikan at hindi ko mapigilang mapasulyap sa gawi niya. He went back to working on his laptop again and when he noticed that I was looking at him, he gazed at me. It’s my first time seeing him dressed like this. A white shirt that hugged his lean body, and just a trunk. Hindi ako nagsalita at umiling nalang saka nag-iwas muli ng tingin, pinapakitang wala akong nais na sabihin. “Hindi ko inasahan na pupunta ka rito.” Biglang pagsasalita niya. I don’t know if I want him to talk to me or not. “I’m still the rightful owner. Pupunta ako rito kung kailan ko gusto.” Sabi ko habang tinatype ang password ng laptop ko. “May Karapatan rin akong pumunta kung kailan ko gusto, kaya wala kang karapatang magalit ngayon saakin.” Tumingin ako sakaniya at tinuro ang mukha ko. “Mukha ba akong galit?” Sabi ko habang nakataas ang kilay. He shook his head. “But you do sound like one.” Umirap ako at muling tinutok ang mukha ko sa laptop. “Anong gusto mo? Mahinhin at ipit na boses tulad ng kay Emerald?” Puno ng sarkasmong usal ko. Hindi na siya umimik ulit at kahit na gusto ko siyang sulyapan ay pinigilan ko nalang ang sarili ko. “It’s already so late, why are you still working? Plus, it’s Saturday night, you should be resting your mind and body.” Doon ay napasulyap na ako sakaniya. “Para naman hindi masabi ng kung sino lang na wala akong ambag sa proyekto at nagpapabuhat lang daw ako saiyo.” Sagot kong muli. Nangunot ang noo ni Regan at tila nagtatakhang nakatingin saakin ngayon. Muli akong umirap. “Huwag mo na akong istorbohin, may ginagawa ako.” Dagdag ko pa kung sakaling may sabihin pa ito. “I see, you’ve got some issues.” Masama ko siyang tiningnan. “Hindi ako ang may issue, sila ang may issue saakin, at ang issue ang lumalapit saakin.” Depensa ko. Regan just nodded nonchalantly while eyeing his laptop. I rolled my eyes again. “Until when will you stay? Tomorrow?” Mahinahong tanong niya at pag-iiba ng usapan. Walang tingin na sumagot ako, “Lunes ng umaga.” “Kagabi pa ako nandito.” Sabi niya kahit hindi ko tinatanong pero tinanguan ko nalang. “I’m planning to put a fridge. I’ll renovate the kitchen and dining area.” Napatingin ako sakaniya. “You have no reason to disagree, so I think permission granted.” Nakangiting sabi niya. Kinunotan ko lang siya ng noo. “Balak mo bang tumira rito?” Tanong ko. Nagkibit-balikat siya. “It depends, maybe just a rest house or vacation house?” “Sa dami mong pera kahit singkwentang rest house sa iba’t-ibang panig ng bansa ay makakabili ka.” Kumento ko. “In life, there are a lot and infinite choices. Maraming iba, Icely. Yeah, you’re right, but despite that, I know how to make one a priority, kapag gusto ko ang isang bagay, doon lang ako. Isa lang ang gusto ko.” Natikom ko ang lab isa seryosong hayag na iyon ni Regan habang nakatitig saakin. Kumurap ko at napaiwas ng tingin. My heart skipped a beat. He’s just referring to the mansion, right? Hindi na ako umimik. Ano pa bang isasagot ko doon? Bahala siya sa prinsipiyo niya sa buhay. Binuksan ko ang mga initial drawings ko. Lahat ng inaral ko at mga inspired designs ko. Kapag nakikita ko ang mga tinrabaho ko ay nagiging masaya talaga ako. Halos isang oras ang lumipas at tahimik lang kami ni Regan na tutok sa sarili naming laptop hanggang sa mapahinga ako ng maluwag at masayang nakatingin sa screen ng laptop ko. I’m imagining the future, and the possibilities if ever my ideas and designs will be approved. Ang saya siguro at baka ako mismo ay mapabili ng isang unit kung sakaling palarin at mga design ko ang maipapasa. “You look happy.” Napabaling ako kay Regan nang magsalita ito. I jokingly covered my laptop as if hiding it from him. “Ang boss ko dapat ang unang makakita nito.” Sabi ko at nanliliit ang mata. Nakatingin lang saakin si Regan at nagkibit-balikat. “I can make comments and you can make it much better, para kapag pinakita mo sa boss mo ay perpekto na.” Sa sinabi niyang iyon ay kaagad naman akong nakumbinsi. Inalis ko ang pagkakatakip ng braso ko sa laptop at hinarap ito sakaniya. Bahagya pa akong umusog papalapit sakaniya para mas magkarinigan kami. Ganito ako kapag ang trabaho ang usapan. Kapag nadadala na ako ng sarili kong mga likha. I’m overjoyed and excited. “So, nagresearch ako ng mga top immigrants, mga nationalities na nagpupunta rito, at ginawan kong priority ang nasa top list. Tapos second naman ay iyong pinaka-ideal na theme pero hindi lahat ay napupuntahan, it’s like making their dream destination as their home. For example, one unit that is inspired by Bali. So here, then I made them as minimalist as possible while following the likes and styles that our client wants to achieve, PLUS—” I paused when I looked at Regan and breathed some air. He was just listening and intently staring at me, while I was drowning in my mini presentation. “—I considered what you’ve said. So nakita ko ang mga supplier’s ng Jimenez Land Corporation and other design and build companies that was hired for the EVA Projects, though I am still working on it, but I will make sure that all the materials will be obtain from the current suppliers, para iwas abala, saatin, sa’yo, sakanila, sa manpower, sa labor.” Pagpapatuloy ko at ngumiti. Halos hingalin ako s amabilis at diretso ko pagsasalita. Regan was just staring at me, and I stared back at him with a nonchalant smile, waiting for his comments and thoughts but moments later, he just kept staring at me and we were enveloped with silence. Saka kolang napansin na medyo malapit pala kami sa isa-isa. Napaiwas ako ng tingin at napahinga ng malalim, and then I cleared my throat. Muli ko siyang tiningnan at sa wakas ay umiwas na rin ito ng tingin. Nakatingin na ito ngayon sa laptop ko. I saw him nodding. “Akala ko ay hindi mo susundin ang mga kumento ko noong isang araw.” Sabi niya at muling tumingin saakin. Nagkibit-balikat ako. “I told you that I accept criticism.” “But not from me, right?” Hindi ako nakasagot. “This is nice. I will make some highlights with each point—from an engineers’ perspective. Can you print it by page? Then give it to me.” Nagliwanag ang mukha ko at napatango. “Talaga?! Wala ka nang sasabihin? Like, did I do well?” I sounded like a child getting some praise and stars from a grade school class. Then I saw Regan smile with a nod. “Okay! I’ll give you a copy! But let’s keep it a secret for now, okay? The thought will be presented, pero baka ito ang ipasa kung sakaling magrequire na sila ng outline after the conference. So, treat the copies as confidential papers, okay? Ikaw at ako lang ang nakakita ng mga ito.” Tumango siya. I smiled happily. “Promise?” Sabi ko at tinaas pa ang pinky finger ko sa harapan ni Regan para ipakitang seryoso ako. He smiled, “Promise.” He said and I didn’t expect him to make our pinky intertwined— sealing a pinky promise. I didn’t expect the night to end that way. I no longer feel remorse or bothered by the thought of Regan staying on the same roof as me. Ang lawak din naman kasi nitong mansion kumpara naman sa normal na bahay. Naging mahimbing ang tulog ko kahit na namamahay ako ay hindi ko inasahang makaaktulog ako ng mahimbing sa kwarto ko. Paggising ko, lagpas alas-nueve na ng umaga. Bumangon na ako at nag-inat. Dumiretso ako sa may pintuan ng balkonahe nitong kwarto ko saka iyon binuksan pagkahawi ko sa kurtina. A cold yet warm breeze welcomed me. Mataas na ang araw pero hindi diretsong tumatama ang sinag sa direksyon ko. Kumurap-kurap pa ako hanggang sa tuluyan nang bumukas ang mata ko at makita ang paligid. This is the back of the mansion, where the hectares of land can be seen. “Wow.” I murmured. Wala namang flowers flowers o kahit na anong tanim pero napakasarap sa pakiramdam na nakatayo rito at nakatingin sa malawak na espasyo. Para tuloy akong nasa isang fairytale, pero ang karaker ko ay si blossoms dahil sa suot ko pantulog. Natawa ako sa sariling naisip saka na tumalikod. Saka ko lang naalala si Regan. Nandiyan pa kaya siya? Hindi ko naman alam kung hanggang kailan siya rito. Is he awake? Lumabas na ako ng kwarto at sinilip ang hallway. Sa kabilang kwarto si Regan. Nakasarado ang kwarto nito. Natutulog pa kaya siya? Anyway, I don’t have to mind him that much. Bumaba nalang ako ng hagdan nang bigla akong makaramdam ng gustom. Hawak ko ang cellphone ko at nagbrowse ng pwedeng pag-orderan from online. Walang masyadong available delivery apps na aabot hanggang rito. There are additional fees, ang mahal ng patong. Anyway, gutom na ako. Pagbaba ko ay natigilan ako nang makarinig ako ng mga ingay mula sa kung saan. “Yeah, put it there.” Hinanap ko kung saan iyon nanggagaling nang makarating ako sa kitchen area. Natigilan ako sa mga bumungad na iilang tao saakin, until my eyes landed on Regan. “Anong nangyayari?” Agaw ko sa atensyon nila. Ang unang lumingon saakin ay si Regan. “I’ve got a refrigerator.” Sabi nito na ikinaawang ng labi ko. Ang bilis naman! Did he order it online and made it deliver here?! He’s so unbelievable! Saka ko lang nakita iyong double door fridge na ipinupwesto ng tatlong katao na sa tingin ko ay ang presyo ng ref ay hindi biro ang halaga. “For real?” Bulong ko. Nakasando nalang ngayon si Regan na kulay white na hapit sa katawan niya, at isang black na sweatpants. I can’t believe that I’m seeing this version of Regan as a mere workmate! “For real. Also, I’ve ordered some food for breakfast. You can find them in the living room, sa may sala table. Pumili ka nalang ng gusto mong kainin doon. There are pancakes, pandesal sandwich or a rice meal.” Diretsong pagsasalita ni Regan. Naktingin lang ako sakaniya ng hindi makapaniwala sa kabila ng pagsasalita niya ng mahinahon at tila normal lang ang lahat ng ito sakaniya. But I can’t deny that my heart’s beating so fast! He’s… just too much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD