KABANATA 24

2740 Words
Pagkatapos ilagay iyong ref ay umalis na rin ang mga nagdeliver doon sa ref na binili ni Regan. I’m wondering what Regan’s family business is, or is it just his pure hard work and own money? He’s crazy rich! But I shouldn’t concern myself too much. Kasalukuyan akong nasa sala at kinakain ang mga pagkain rito. Naka-indian sit pa ako sa mahabang sofa at nags-scroll sa peysbook habang ngumunguya. It’s Sunday and it’s my rest day. “The kitchen’s clean, looks like someone already cleaned in before I arrived.” Napatingin ako kay Regan na lumapit sa sala at umupo sa single sofa. Nilunok ko muna ang kinakain ko. “Oo, kita mo naman malinis na rin iyong kwartong tinutulugan mo pati ‘yung saakin, even the groundfloor bathroom. Kasi naman, sinasabihan ko si Shiela at may tumutulong rin sakaniya sa paglilinis nitong mansyon. Didn’t expect that you would want to live here or make it a vacation house.” Kinuha ni Regan ang pandesal sandwich na hindi ko kinain saka kinagat iyon. Tumango lang ito sa sinabi ko. “Makes me think even more that you’ve really known each other for a long time.” Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi. “Kailangan ba kitang kumbinsihin na maniwala saakin o hindi?” Maalat na sabi ko. Tumingin saakin si Regan. “Tell me.” Nabuntong-hininga nalang ako. “I just really met Shiela last week. Alam mo naman na ito ‘e.” Kunot noong sabi ko. Nakatingin lang si Regan saakin. “Pero parang handa kang gawin ang lahat para sakaniya. May parte saakin na ayaw maniwala, pero may parteng naniniwala naman.” “Fine. Whatever you choose to believe. We’re distant cousin’s pa rin. Saka naawa ako sakaniya at sa kalagayan niya. Ayaw kong magsisi na pinagpalit ko ang material na bagay kaysa makatulong sakaniya. I’m not regretting it anyway.” Regan stared at me. I’m getting used to it. Sumubo akong muli sa pancake. “Bakit saakin hindi ka naawa? Sinubukan nila akong lokohin.” May kataliman sa boses niya. Nakatingin ako sakaniya hanggang sa malunok ko ang nginuguya ko. “Hindi ka naman mukhang kawawa unang kita ko palang sa’yo. Sheila was begging and crying, regretting it. Nadala lang rin siya at naniniwala akong nabiktima lang siya ng abogadong tinakbo ang pera mo. Hindi niya sinasadya ang nangyaring iyon.” Napailing si Regan na pawang hindi kumbinsido sa pananaw ko sa buhay. “Just because some people have more, it doesn’t mean that they don’t deserve empathy from others anymore.” Sabi niya ng hindi nakatingin saakin. Nanatili akong nakatingin kay Regan. He’s right though. May mga mayayaman naman na tumutulong sa ibang tao at ginagawa ang kanilang makakaya para makatulong, pero sa iba ay hindi pa rin sapat at patuloy silang hinuhusgahan sa buhay na meron sila, as if people want to see them give all their wealth to people until nothing is left for them, which is I think so cruel. It also falls under the thought that people think rich people have everything, parang walang karapatang maging kawawa ang mga mayayaman. Well, this is the reality of this world. “I understand you, but on my judgement… Shiela needed my sympathy more than you. So, I think I still did the right thing. Look, we’re having a casual conversation now. Kahit na sabihin ko nang may nawala saakin, hindi ko naman pinagsisihan.” Mahinahong sabi ko. Regan stared back at me, and for a moment, we were just staring at each other as if we were starting to meet each other’s ends. “Do you really want to keep this mansion?” Mahinahong tanong nito. Hindi ako kaagad na nakasagot. Do I? Saka ko naalala ang mga sinabi ng Tatay ni Shiela kahapon. Ang nakaraan ng pamilya ko… and it seems that Regan isn’t involved… or there must be something to it. “Do you want to know a truth?” instead of answering him, I questioned him back. He nodded while he kept staring at me. “This property is the only thing that binds me with my family, and with the past of my family. It feels like keeping this property makes me who I am as my mother’s daughter. I feel fulfilled knowing that I have this mansion, ang kaso lang, habang tumatagal na nasa akin ito… mas lalong dumadami ang mga katanungan at misteryo sa buhay ko.” Regan breathes out as he nodded. Seryosong-seryoso ang mukha niya. “Do you really don’t know about your family’s past?” Tanong niyang muli. Pinapantayan ko lang ang titig niya saakin. “I just found out about it yesterday. Shiela’s father told me.” Malungkot na sabi ko at napaiwas ng tingin. “What did you find out?” Napailing ako. “Just my family’s prestige and downfall.” Humina ang boses ko. “Kamakailan mo lang ba talaga nalaman?” Tumango ako. “It was hidden from me until my mother’s funeral and two days after, I’ve found out about this mansion, and yesterday… about my family.” I heard Regan sigh a harsh one that made me glance at him. He suddenly stood up. “Labas lang ako at maglalakad-lakad.” Sabi niya at tumalikod. Nanatili akong nakatingin sakaniya at halos nakakailang hakbang palang siya nang tawagin ko siya. “Regan.” I called his name. Instead of looking back at me, he just stopped walking. “Do you know about the Buenaventura Family that used to live here in Laguna?” Dahan-dahan ang pagsasalita ko. Hindi gumalaw si Regan ni ang umimik. Biglang kumabog ang puso ko. I was terrified about what he was going to say. That if he’s connected with the Buenaventura or not. Hindi na rin ako magtataka na may alam si Regan tungkol sa nangyari noon sa pamilyang Bennet dahil halos naman yata lahat ng nakatira sa Laguna ay alam iyon. Hinintay ko siyang sumagot pero wala akong narinig sakaniya hanggang sa tinuloy niya ang paglalakad palabas ng mansyon. Hinayaan ko nalang iyon. Pero bakit ganito? Even if it is not clear whether Regan is an enemy or not… I feel safe with him. Ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano. Gusto kong magkaroon ng payapang araw ngayon kaya naman inalis ko muna ang mga bagay na bumabagabag sa isipan ko. Pagkatapos kong kumain sa sala ay niligpit ko na ang mga kalat. May ibang sobra pang pagkain na hindi ako sigurado kung kakainin pa ba ni Regan kaya hinayaan ko nalang muna doon ang paper bag at inalis ang ibang kalat. Pagkatapos ay naligo nalang ako. Humigit isang oras nang matapos ako sa pagpapatuyo ng buhok ko. May dala naman akong maliit na blow dry. Nakasuot lang ako ng simpleng kulay sky-blue na button down polo shirt dress. Nagtsinelas nalang din ako. Pagkatapos ay lumabas na din ako ng mansyon. Hindi ko alam kung nasaan si Regan at hindi ko rin naman kailangang alamin pa. I should mind my own business. Gusto ko lang maglibot at lumanghap ng sariwang hangin. May puno puno naman sa gilid ng malawak na lupain kung saan pwedeng maglakad kahit may araw, pero mabuti nalang at hindi mainit ang ihip ng hangin. May araw lang pero may kalamigan ang simoy ng hangin. Naglalakad ako sa gilid ng mansyon palabas sa bakod nito. Medyo may kahabaan pero hindi ko ininda. Hanggang sa makalabas na ako sa malawak na espasyo ay pinanatili kong sa gilid-gilid lang ako. Hindi naman din matatayog ang damuhan. Inililibot ko ang tingin sa malawak na espasyo. Naniningkit pa ang mata ko at para hindi ako masilaw ay ibinaba ko ang hinanda ko sunglasses. Better. I thought of taking a selfie. Kaya tumigil muna ako at nag-piece sign sa camera ng cellphone ko habang ang background ko ay ang ulap. “Wow… ang ganda pala magpicture rito.” Bulong ko habang iniscroll ang mga selfie ko. It’s instagrammable. Mamaya nalang ako maga-upload. Muli kong pinagpatuloy ang paglalakad. Kung magstart kaya akong ng farm business rito? Taniman ng mga prutas… sayang naman kasi. I am thinking of a vineyard. O kayanaman ay kubo muna para may pahingahan sa tuwing nalulula ako sa lawak ng mansyon. I smiled at the thought. Right, I should put a simple hut in here. I can ask Shiela about it at baka sakaling may kilala siya. Sa lawak ng lupa ay maaari ring mangabayo rito. Magiging haciendera pa ako ‘di oras sa mga naiisip ko. Pero parang naeexcite ako sa mga naiisip ko. I only see those in movies and read them in books, but now I get the chance to live with it. Should I buy a horse? Para kapag bumibisita ako rito ay magpinagkaka-abalahan ako. Pero sino naman ang mangangalaga? Ang mahal pa naman ng mga kabayo. Hindi naman pwedeng isa lang dahil malulungkot siya. So, I should buy a pair. Argh, baka mamulubi naman ako na may mansyon. Wala pa naman akong business. Maybe, one step at a time. Kubo muna for a starter. Pwede naman akong magtanim-tanim bilang pagkakaabalahan at pwedeng bantayan ni Sheila ang mga halaman ko from time-to-time na bibisita siya sa mansyon. Right! Hindi ko napansin na napapalayo na pala ako. Nagseselfie ako from time to time and I was enjoying the weather when it suddenly became cloudy. Masyado akong napalayo at sa pwesto ko ay tila maliit nalang ang mansyon kung titingnan. I roamed my eyes around and I became wary when I felt like it was going to rain. Habang hindi pa umuulan ay nagmadali akong naglakad pabalik. Ako lang mag-isa rito at kung may mangyaring masama saakin ay walang makakaalam. Kanina naman kasi ay hindi ko alintana na mag-isa lang ako dahil sa sobrang aliwalas ng panahon, pero ngayon ay biglang lumilim ang mga ulap. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at ang tanging goal ko ay makabalik sa mansyon. Halos takbuhin ko na nang bigla akong may maapakan at maramdaman ko sa paa ko na pawang may dumikit na malamig na malambot na madulas. Nang tingnan ko ay halos mapalundag ako at bigla akong napasigaw nang makakita ako ng ahas. I was freaking out that it sent shock to my body. “Aahh!!!” Sigaw ko at napatalon. Napaluha ako dahil tila nawawala ako sa sarili dahil sa takot. Is it going to bite me? Did it bite me? Am I going to die? Is this my end? I was hysterically crying while screaming instead of running away. I screamed again when I felt the snake in my feet. I was too scared to look at it. And even if I jumped, it kept touching my skin that startled me even more. “Icely!” I felt relieved when I heard someone’s voice, then I saw Regan from afar while running in speed toward my direction. “REGAN!! HELPP!” I screamed on the top of my lungs while crying. I can still feel the snake at my feet. Hindi na ako gumalaw pero patuloy lang ako sa pag-iyak. “Regan!” Sigaw ko sa pangalan niya habang umiiyak at hinihintay siyang malapitan ako. I was looking at him even if my vision’s already blurry because of my tears. Mabilis ang takbo niya hanggang sa tuluyan siyang makalapit ay kusang gumalaw ang katawan ko at lumingkis sakaniya. “M-May ahas!” Umiiyak na sabi ko habang nakalingkis ang mga braso ko sa leeg niya nang bigla ako nitong binuhat at sinapo ang dalawa kong binti. Umiiyak ako habang nakapikit at ramdam ko pa rin ang takot sa katawan ko. Akala ko ay mamamatay na ako. I kept crying on Regan until I felt him taking some steps. Saka ko lang naramdaman ang paghingal niya hanggang sa marahas siyang bumuga ng hangin. “Damn… that really scared the hell out of me.” Dinig kong pagsasalita niya at muling huminga ng ilang beses. Kahit na umiiyak pa rin ako ay napamulat na ako. Nakakubli ang mukha ko sa balikat ni Regan nang sulyapan ko ang mukha niya. Puno na ng uhog at luha ang mukha ko dahil sa pag-iyak. Kunot ang noo ni Regan nang sulyapan ako. “Patay naman ang ahas.” Ilang segundong nagproseso sa utak ko ang sinabi nito nang dahan-dahan kong sulyapan ang pwesto ko kanina dahil lumayo lang ng kaunti rito si Regan. Pinakatitigan ko iyon at saka ko lang narealize na patay pala iyon. I freaked out too much to notice. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa pag-iyak pero unti-unti na akong kumakalma. Ilang beses akong napahinga ng malalim bago ako tumigil sa pag-iyak. Then I realized that my arms were still wrapped around Regan’s neck, and he was still carrying me. My heart skipped a beat, but I didn’t let him notice that I was flustered by it. Ginalaw ko ang binti ko hudyat upang ibaba ako ni Regan. He felt it and slowly put me down. Inalis ko na ang pagkaka-kapit sakaniya ng isang kamay ko ay pinunasan ang luha ko sa mukha. Nang tuluyan akong maibaba ni Regan ay tila nangatog ang mga binti ko at muntik na ako madapa kung hindi lang ako nakahawak sa balikat niya. “Makakapag-lakad ka ba?” His voice was so deep. Tumango ako pero bigla ako nitong binuhat na ikinasinghap ko. Nanlaki ang mugto kong mata nang ipulupot kong muli ang braso ko sa leeg ni Regan at salubungin ang tingin niya. “O-Okay na, hindi naman ako paralisado, ibaba mo ako.” Napapaos na sambit ko. He just shook his head and started walking while carrying me. Napahigpit ang kapit ko sakaniya dahil mukhang desidido siyang buhatin ako. “Your body’s still in shock. Alangan naman pabayaan kita rito. Hindi ka naman mabigat.” I found myself staring at Regan’s face. Napakalapit ng mukha ko sa mukha niya na halos makita ko ang kasulok-sulokan nito. He really has the visuals. My heart’s beating so fast that I can no longer deny it. I am really falling for him. I closed my eyes. “Regan?” Mahinang tawag ko sakaniya habang patuloy lang siya sa paglalakad at buhat ako na hindi iniinda ang bigat ko. “Hmm?” He responded. “Can I rest my head?” Paalam ko. It took him a long time to answer when I heard him swallowed. “Okay.” Nang sumagot siya ay inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya habang nakapikit. All I could hear now was the loud beating of my heart. Dahil na rin siguro sa nangyari kanina pero lalo na ang katotohanang buhat ako ni Regan ngayon na pawang gustong-gusto ko naman. “Are you calm now?” Dinig kong tanong niya bigla at dahil napakalapit ko lang sakaniya ay rinig ko ang boses niya may kalaliman na pawang may pagkapaos. It sounded so good in my ears. Tumango ako at alam kong naramdaman niya iyon. Saka ko naalala iyong sinabi ni Emerald noong nasa elevator kami. Regan hates handful women, and it’s the second time around that I made Regan handle me. Kumirot ang dibdib ko. Regan will not like me then. “Bakit naman kasi pinakalayo mo? At kahit na ikaw ang may-ari rito, nakayo mong gumala ng ganoon kalayo ng ikaw lang mag-isa, that’s so reckless.” He sounds like scolding me. I felt butterflies. Para nanaman siyang boyfriend na pinagsasabihan ako. “Nawili lang ako sa paglalakad.” Bulong ko at narinig ko lang siyang bumuntong-hininga nang biglang bumuhos ang ulan na ikinamulat ko. Napatingala ako at gulat na tiningnan si Regan na nabasa na sa ulan. Nakita kong medyo malapit na kami sa mansyon. “U-Umuulan na Regan. Ibaba mo na ako, takbuhin nalang natin.” Sabi ko at nabasa na rin ako. Ginalaw ko ang paa ko para ibaba ako ni Regan pero natigilan ako nang mas higpitan niya ang hawak. “It will be muddy. Hayaan mo nang makarating tayo sa mansyon.” Sabi niya. Ngayon ay basang-basa na kami dahil malakas ang buhos ng ulan pero hindi naman ganoon kalakas ang hangin at hindi rin kumukulog. Tumitig ako sa mga mata niya at gayon rin na tumitig siya saakin. I felt like the world around me stopped and it focused on Regan’s pair of eyes. Nang umiwas siya ng tingin ay nanatili akong nakatitig sa basa niyang mukha. His hair is already dripping wet, and the raindrops kept pouring down on us.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD