KABANATA 25

2157 Words
Dahil isa lang ang malinis na banyo rito sa mansyon ay pinauna na akong maligo ulit ni Regan. He just removes his top clothes para hindi siya matuyuan. And what the hell is wrong with me?! I for sure already saw men topless in movies and teleserye, but this hits so different. Hindi ko nalang pinapahalata na nahahalata ko na ang bawat ginagawa ni Regan. Binilisan ko nalang ang pagligo para makaligo na rin siya. Nasa groundfloor ang CR kaya pagkatapos kong naligo ay umakyat na ako sa itaas pero natigilan ako. “Regan. I’m done, you can use the shower!” Sigaw ko mula sa itaas ng hagdan. Sinigurado kong maririnig niya ako. Nahihiya akong magpakita sakaniya dahil baka hindi ko na mapigilan at mahalata niyang may pagtingin ako sakaniya. Dumiretso na ako sa kwarto para magpatuyo ng buhok. At habang nakatitig ako sa sarili ko ay naalala ko ang pangyayari kanina. Binuhat ako ni Regan… I palmed my chest. Ramdam ko parin ang katigasan ng katawan niya. He’s so strong. Nag-gym kaya siya? Mukhang mini-maintain niya ang katawan niya. Napapikit ako at napailing. Stop it Icely! Hindi ka ganiyang klase ng babae! Pagmulat ko at napabuntong-hininga nalang ako. What if Regan wasn’t there earlier? Paano kung wala pala siya rito? Ako lang ang mag-isa? Umulan at nagpapanic ako? Sino ang makakatagpo saakin? I do have it. Nagpapanic ako agad at parang nasha-shock ang katawan ko sa mga ganoong pangyayari. Katulad nalang doon sa nangyari sa may site ng EVA, noong iniligtas rin ako ni Regan mula sa pagbagsak nu’ng puno. It would take me a while to realize that the snake is dead, or worse, I will not realize that at all. I’m thankful that Regan was there and rescued me. Paanong mangyayaring may galit si Regan sa pamilya namin? O kung may alam siya at tinuturing niya akong kaaway? Sana ay hindi niya ako inililigtas? This is the second time that he saved me. What if he just badly wants this mansion? Na wala talaga siyang kinalaman sa nakaraan ng pamilya namin? With that conclusion, I found myself smiling. I just know, mostly right now that I’ll be safe with Regan. Tinuloy ko na ang pagpapatuyo ng buhok ko. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan pero hindi naman ganoon kalakas. Ako nalang ang oorder ng pagkain para sa tanghalian. Hindi ko inasahan na magiging ganito ang setup namin rito. I thought we would mind our own business, kaya naman nagulat ako kaninang umaga nang malaman kong bumili siya ng pagkain. Ako naman ang oorder ngayong tanghalian. Napalunok ako. Ano kami ngayon? Para kaming magjowang nags-staycation. Well, what should I expect? We’re on the same roof. WE basically both own this house now. Daig pa namin ang mag-asawa—Argh! Kung saan-saan na napupunta ang imahinasyon mo Icely! Focus! Nagkataon lang na nagsabay kayo ni Regan rito sa mansyon! Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay bumaba na ako ng hagdan. Nag-order na rin ako ng mga pagkain. Dumiretso ako sa sala. Mukhang hindi pa tapos maligo si Regan. Umupo ako sa mahabang sofa at nag-indian seat. Kahit na nakatutok ang mata ko sa cellphone, ang utak ko naman ay nasa isipang nalilig pa si Regan at kung matapos ito at aakyat sa itaas ay makikita ko itong dadaan. Palala nang palala itong naiisip ko. Hindi na ito tama. Napapailing ako sa sarili ko. Stop it, habang maaga pa Icely. Tiningnan ko nalang sa internet kung may bagyo ba dahilan para umulan, pero wala naman. Biglang bugso lang pala ito. Dumapa ako sa mahabang sofa habang nagcecellphone. Masyado akong naging komportable at nakataas pa ang mga paa ko at naka-krus ang mga ito habang nakadapat ako sa sofa. I scrolled through reels and all I could see were mansions, houses, architects’ videos, and such. Grabe na ang algorithm ng peysbook, minsan nagugulat ako tiningnan ko lang ang isang website tapos across all apps, gano’n na lahat ang lumalabas. Sometimes it does creep me out. Bigla naman dumaan sa isang ads ang isang dating app. Saka ako biglang napaisip. Paano kung magdating-app nalang kaya ako? Kaysa nagnanasa ako ng boyfriend ng iba rito. I can use a dating app even if Miles sets up blind dates for me. Mabuti nalang at malakas ang signal rito ng network ko at nakapagdownload ako ng yellow app na dating app. Masyado akong naging abala at nakalimot sa isipang kasama ko si Regan sa bahay na ito habang nasiset-up ako ng profile ko. Nilagay kong profile ay iyong selfie ko kanina. Para tuloy akong haciendera. I am aware of dating apps kasi nasabi na ni Miles ang pros and cons ng mga ito. Some people will straightly tell you that they’re only looking for s*x partners, but some people are also looking for true love. So, I should be careful. Try lang naman. Aalisin ko rin kapag hindi ako nasiyahan. I was humming as I set up my profile. I set-up my hobbies and some bio. I put my real age para naman hindi matatanda at mga bata saakin ang makikita ko, until it all set up! Scroll right if I like the person, and scroll left if no. I started scrolling. Puro left lang. Nakakunot pa ang noo ko dahil wala akong natitipuhan. Puro mga pa-cool ang mga pictures. What I’m looking for are simple and elegant men. Iyon tipong clean look pero manly ang datingan. Formal din kung titingnan at mukhang responsible. Ang kaso wala akong matipuhan. “Dating app huh?” Halos nanginig ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Regan sa likod. Nanalalaki ang mata ko habang nakatitig sa screen ko nang patayin ko ito at tinago sa dibdib ko ang phone ko. Dahan-dahan akong sumilip sa likod ko at nakita si Regan na nakatayo. Naka-white T-shirt nanaman ito at trunks. Nakatingin lang ito saakin. Hindi ko siya napansin! “Ang linaw naman ng mata mo!” Singhal ko at bumalikas mula sa pagkakadapa sa sofa. Nasa bandang paanan ko siya pero nakita niya ang ginagawa ko sa cellphone ko. Seryoso lang ang tingin niya saakin. “Masyadong obvious.” Sabi niya at naglakad na patungo sa single sofa sa may bandang uluhan ko. Mabilis na akong bumangon at nag-indian sit habang nakatingin sakaniya na nagbukas rin ng cellphone. “Paano mo nalaman? Nagganito ka rin ano?” Balik ko sakaniya. He shook his head while looking at his phone. “Of course. Pero si Denver, oo. He was desperate to forget about your friend, pero hindi siya nagtagumpay at mas lalo lang siyang nabaliw.” Nakumbinsi naman ako sa sinabi niya. Napaiwas ako ng tingin at napalunok. Alam ko ang maaaring iniisip nito. He’s probably thinking that I’m looking for someone. “Sinubukan ko lang naman.” Sabi ko ng hindi nakatingin sakaniya. Binuksan ko ulit ang phone ko at mabilis na dinilete ang app saka huminga ng malalim bago tumingin sakaniya. Nakatingin na ulit siya saakin. “You’re looking for someone?” Kaswal na tanong niya. Hindi ko alam kung tatango ako o iiling lalo na sa klase ng tingin na ginagawad niya saakin. “It was my first time trying the app, huwag ka masyadong magconclude ng kung ano-ano. Saka ano ngayon? I’m a grown woman. Already at the marrying age.” Puno ng kumpyansang sagot ko. Sumadal siya sa sofa pero hindi naputol ang tingin niya saakin. “Already at the marrying age but you don’t have anyone to marry. Kaya naghahanap ka ngayon ng nobyo. I’ll bet everything that I’m right.” Sinimangutan ko siya. “So? Nothing’s wrong with that.” Masungit na sabi ko. “See? Ayan ka na naman, I don’t think any man could handle you.” Napailing-iling pa siya. Para naman kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Right, he doesn’t like handy girls. “Hindi naman ako naghahanap ng babysitter.” Umirap ako. “Ano bang hanap mo?” Nang marinig ko ang tanong niya ay napaisip rin ako. Para akong ewan na napatitig sa vase na nasa sala table. This is why I’m struggling in dating. I don’t know yet what I’m looking for. Wala sa sariling napasulyap ako kay Regan. It was like a side-eye, but I stared at him. Mataman rin siyang nakatingin saakin na pawang hinihintay ang isasagot ko. It would be shameless of me to say that I’m looking for someone like him. I even feel remorse just by thinking that. “Just someone responsible. A man of his words. Someone who’s done at playing games and is ready to settle down— siguro mga gano’n.” Tila hindi siguradong usal ko. Hinihintay ko siyang magkumento pero hindi siya nagsalita at umiwas lang ng tingin. He even cleared his throat and just nodded. Umiwas na ako ng tingin. As much as I want to ask him about his relationship with Emerald, I don’t want him to think that I’m interested in him, o baka pa ay masabi niya kay Emerald na natanong ko siya at baka mabaliw na si Emerald. Baka sa elevator palang ay sakalin na niya ako. Speaking of which, knowing Emerald, baka mabaliw na talaga ‘yon kapag nalaman niyang pawang nakatira kami ni Regan sa iisang bahay. If I were Emerald, hindi ko rin naman gugustuhin na ang lalaki ang ginagawa ang bagay na ito ng lingid sa kaalaman ko. All hell will break loose if I find out that my boyfriend’s spending a night with another woman in the same roof! Regan’s capable man, and he almost has everything that those established women could ask for, but I think… maybe Regan’s still enjoying his bachelor life? He’s not the type who’s not yet ready to settle down. Ilang babae na kaya ang dumaan kay Regan? Is he a playboy? Bigla akong na-curious. I was thinking of asking him, but I don’t want him to think that I’m interested with him when he suddenly spoke in amidst of the silence between us. “Hindi ka pa talaga nagkaboyfriend sa edad mong ‘yan?” Mabilis akong napalingon sakaniya. Tinaasan ko siya ng kilay. “Bakit hindi tunog patanong ang sinabi mo? H-hindi sa totally hindi pa nagkaboyfriend, hindi ko lang sila naeentertain ng maayos noon. Masyado akong invested sa career ko.” Masungit na sabi ko. He’s staring at me again. “I’m wondering kung gaano kasama ang ugali mo noong teenager ka palang.” Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. “Anong ibig mong sabihin? Hindi naman ganoon kasama ang ugali ko. Hindi lang talaga ako mahilig magpaasa ng tao. Kapag ayaw ko sakanila, ayaw ko sakanila. Period.” Tumaas ang kilay niya. “What I mean, walang nakakatagal sa ugali mo.” He’s judging me to the core. Gaano kasama ang tingin ni Regan saakin. Hindi naman ganon kagaspang ang ugali ko. “Ano bang ugali ko ang tinutukoy mo ha?” Nakataas pa ang kilay ko. I saw that while he was looking at me, the corner of his lips moved a bit. “You really did tell me back then that you don’t like the person I am. Ang sama palagi ng tingin mo saakin at palagi kang galit magsalita. Ang taray mo saakin. Which I kinda understand— yeah, but nice women aren’t like that.” Nalukot ang mukha ko at inirapan siya. “I am not a nice woman then! I’m not your cup of tea!” Iritang sabi ko. He suddenly chuckled. “Oh, kita mo na. Nagtataray kana naman.” Nakangiwing tiningnan ko siya. “Magtataray ako kung kailan ko gusto, okay? I’m also being nice kasi marunong naman akong tumanaw ng utang na loob. You carried me earlier; you saved me again. I’m feeling thankful towards you. Pero huwag mo naman sagarin ang pasensiya ko.” Mahinahong salaysay ko. He just nodded with a face that says ‘okay-whatever-you-say’. Iniwas ko na ang tingin ko sakaniya nang biglang may tumawag sa phone ko na number at mukhang dumating na ang order ko. Mabuti nalang at medyo tumila na ang ulan. “Sandali lang, umorder kasi ako ng pagkain para sa lunch.” Sabi ko kay Regan saka tumayo at sinagot ang tawag. “You ordered lunch?” Inulit pa. Tumango ako. Tumigil ako sa likod ng sofa na kinauupuan niya. “Hello po?” Bati ko sa rider. “Hello Ma’am, nandito na po ang order niyo. Tama po ba ang address? Nasa harapan po ako ng mansyon.” “Opo sir, saglit lang po lalabas na— “Ako na ang lalabas.” Napalingon ako kay Regan nang bigla itong magsalita at naktayo na pala ito sa likod ko. “Ako nalang— “It’s raining.” Sabi nito at nilagpasan ako. Napasunod ako ng tingin sa likod niya. Paladesisyon na siya ngayon. Mabuti nalang at bayad na ang inorder ko. Hinayaan ko nalang siya at sinabi sa rider na ibigay kay Regan ang order
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD