KABANATA 12

2175 Words
My mind was occupied until the meeting was over. Mga formalities nalang and short conversations, then people are leaving one after the other. Nakangiti ako at may kasiyahan na namamayani sa dibdib ko. It’s the feeling when you achieve something, that you succeed at something. I feel thrilled and great, lalo na ang makatanggap ng papuri at recognition sa mga kapwa ko sa propesyon. I was smiling the whole time, at ngayon ay nandito na ako sa lobby habang hinihintay si Regan na matapos sa pakikipag-usap at pagpapaalam sa ibang mga dumalo sa meeting. “See you again, Ms. Bennet!” Paalam ng isang architect na may katandaan na, nakangiti itong nilagpasan ako kaya kinawayan ko ito at yumuko hanggang sa makaalis na ito. Madami pa ang mga nagpaalam saakin na siyang ikinagalak ko. I’ve never felt this way for a while. Muli ko nang tiningnan si Regan na nasa hindi kalayuan at nakatayo habang may kausap pa ito. Saka ko lang naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko kaya napakagat ako sa labi. Nalipasan na ako ng gutom, hindi pa ako kumakain sa buong araw na ito. Mabuti nalang at may inihapag na sandwich saamin at tubig. Hindi pa kaya tapos si Regan? Gutom pa rin ako. Gusto ko nang umalis. “Hey.” Napalingon ako sa bilang lumapit saakin at tinawag ang atensyon ko. Nagulat ako nang bumungad saakin ang CEO ng Jimenez. Siguro ay magkasintangkad lang sila ni Regan dahil napatingala rin ako sakaniya. Ngumiti ako nang makita ko ang malapad niyang ngiti. “Mr. Jimenez.” Bati ko sakaniya. Inilahad naman niya ang kamay. Tinanggap ko ito at nagkamayan kami. “Call me Rios. Nice to meet you, Icely.” Hindi ko inasahan ang pagtawag lang nito sa pangalan ko. He’s dropping the formalities, and he wants me to call him on a first name basis. Bumitaw na ito sa pakikipag-kamay. Pansin kong nawala na ang nakaka-intimidang awra nito kanina. Hindi na rin matatalima ng tingin. Hindi rin naman maipagkakaila ang kagwapuhan ni Rios Jimenez at mukhang tatanda lang ito ng kaunti saakin. I wonder if he already has a wife or a girlfriend? He’s such a big catch. “Nice to meet you too, uhm… Rios.” Mahinang sabi ko. Nakita ko ang pagtango niya habang nakangiti, tila hudyat na tama lang ang itinawag ko sakaniya. “Uuwi ka na ba? O babalik sa kumpanya niyo? I can give you a ride.” Hindi ko inasahan ang pag-alok nito saakin. Mukhang nakita niya ang pananahimik ko. Is he trying to hit on me? “Huwag mo sanang mamasamain. Na-impress lang kasi ako sa’yo kanina sa meeting. You’re so brave and courageous, and smart. It’s not everyday I get to meet woman like you. Madaming mga competent na babae sa industriyang kinabibilangan ko, pero hindi katulad mo na nababalot na tila magaang atmospera.” Tila napansin niya at nahula ang nasa isipan ko nang sabihin iyon. Napangiti ako dahil doon. So, he’s trying to befriend me. “I admit that I was kind of intimidated by you earlier. Akala ko ay palalabasin mo ako ng conference.” I chuckled and it made the awkwardness between us disappear. “Pasensiya na. But you nailed it anyway.” He said and chuckled. “Are you free? Dinner?” Biglang aya nito. I smiled apologetically, “I have plans.” Sabi ko. He pouted jokingly, “I’m getting turned down already.” Nagbibirong saad niya. Umiling-iling ako, “Some other time. I’m meeting my bestfriends kasi, alam mo na, busy life, full in scheds, madalang nalang kami magkita.” I explained. Tumango-tango naman siya, “I was just kidding— but not in the dinner part. But I think I can give you a ride— “She’s with me.” Kapwa napalingon kami ni Rios nang lumapit bigla si Regan na siyang hindi ko napansin na tapos na pala sa pakikipag-usap. He’s in his usual adamant face. Nagtinginan sila ni Rios nang biglang magkadead-air sa pagitan naming tatlo. “Oh right, Regan. Inaalok ko lang na isabay si Icely. I know you’re work-mates.” Kausap ni Rios ng kaswal kay Regan. Maging ang CEO ng Jimenez ay kakilala ni Regan? “Yeah, pero kasabay ko siyang pumunta rito kaya kasabay ko rin siyang babalik sa kumpanya, hindi mo na kailangan mag-abala.” Sabi ni Regan. Ngumiti ako kay Rios at tumango-tango. “He’s right, Rios. Pero maraming salamat sa pag-alok.” Magiliw na sabi ko. Rios’ still eyeing Regan, and so as Regan. They were eyeing each other until Rios suddenly nodded nonchalantly while staring at Regan, and then his eyes landed on me, and then on Rios, and then on me again, until he gave me an awkward smile. “Alright. See you around, Icely.” Nakangiting paalam nito. Ngumiti rin ako at tumango. “See you around.” Tugon ko. Tinapik naman nito ang balikat ni Regan habang nakangiti. Regan didn’t even bat an eye or gave back a smile. What’s wrong with this guy? Mukhang wala sa mood. Hanggang sa makaalis si Rios ay ganoon lang si Regan. Tiningnan ko siya. “Tara na. It’s not that I wanted to ride with you, ayaw ko lang maabala si Rios. Gutom na rin ako, I’ll treat you for lending me your suit.” Kausap ko kay Regan pero tiningnan niya lang ako. Hindi ito umimik. Nakatingin lang ito saakin hanggang sa bumuntong-hininga at umiwas ng tingin. Bigla nitong inagaw ang coat na nasa kamay ko at sinuot iyon. That was kinda rude! What’s wrong with this guy? “Don’t have to do that, bumalik na tayo sa kumpanya.” he said blandly. Nilagpasan niya ako habang ako naman ay naiwang nagtatakha sa inasta nito. Then it hit me! We are never going to be casual! The meeting is over! The formality between us is over! We no longer need to cooperate with each other! Ngayon ko lang napagtanto ang pinagsasabi nito saakin. He’s literally not mixing his personal affairs with work, dahil kung work ang pag-uusapan, siguro ay magiging mabait ito sa’yo kahit ikaw ang taong pinakmumuhian niya. Now I got it! Finally! Masyado lang akong naging masaya at nadala ako ng emsoyon ko kanina na nakalimutan ko ang hidwaan sa pagitan namin. He was nice earlier for work purposes. Well, it’s better that way! I heaved a sigh and rolled my eyes. Sumunod na rin ako sakaniya. Sana pala ay tinanggap ko nalang ang alok ni Rios saakin kanina na sakaniya ako sumabay. Hindi ko nalang ininda ang presensiya ni Regan habang nasa sasakyan kami at pabalik ng kumpanya. Nakatuon ang atensyon ko sa cellphone dahil nagtext si Porcia na pupunta nalang raw siya sa bahay ko kaya naman nireplyan ko nalang siya. I also texted Miles na sabay kaming uuwi. “Saan mo galing iyong ideya na maglagay ng mga themes sa condominiums?” Nilingon ko si Regan na diretso lang ang tingin sa daan habang nagmamaneho. I stared at him. He’s frowning. “I studied their past projects, masyado nang plain and common ang mga buildings nila, walang twist, walang something new. So, I thought of the idea, kasi nowadays uso na ‘yon, kita mo mga hotels, mga first class, and five-stars? Nagrerenovate na sila to put themes on their suites.” Simpleng sagot ko. “That would take a lot of time and effort, you need to research everything, they will for sure expect more from you, buti sana kung ikaw ang may-ari ng PrimeLine, pero hindi.” Natahimik ako sa sinabi niya. Nakatingin lang ako sa side profile ni Regan. “Do you mean… I should’ve kept my thoughts and ideas to myself?” Mahinang tanong ko pero mahihimigan na ang pagkadismaya sa tono ko. When Regan didn’t answer, I looked away. Pinagbuti ko nalang na tumingin sa labas ng bintana, sa mga bawat dinadaanan namin. “I am saying, this is a big project. You can exceed their expectations by just following what they want to achieve. You did nothing wrong, but consider the manpower we have, hindi lang naman ikaw ang magdedesign.” Lumunok ako, he has a point but I’m just trying to make everything better. “Hindi ako natutuwa sa mga sinasabi mo Regan.” Seryosong sabi ko. “Hindi mo kailangang matuwa Icely. This is work— “Hindi na ako bata Regan! Hindi naman ikaw ang superior ko para ipaalala ko sa’yo! Magkaiba rin ang propesyon natin! Teamwork teamwork kapa, kaya pala hindi ka mukhang masaya kanina.” Inis na sabi ko. “Before coming up with that idea, have you considered the labor? The materials? The time it will consume. All you’re doing kasi is to make things extravagant, hindi naman ikaw ang mamomroblema afterwards— “I can’t believe you’re saying that! I can’t believe people are looking up to you! Engineer of the year? Psh! You sound like a coward. Naduduwag ka ba sa mga disenyong naiisip ko? Oh, now it makes sense! An architect’s dream is an engineer’s nightmare.” I laughed sarcastically. “You don’t get my point, Icely— “I don’t have to! Hindi mo rin naman maintindihan ang punto ko Regan. Pag-usapan nalang natin itong diskusyon sa meeting a month from now, until then, arguments will be pointless!” Galit na sabi ko na pawang tinatapos ang usapan. Pagkatapos ay namayani na ang katahimikan sa pagitan namin. I really hate him. I thought he was starting to be nice, pero saka ko naman naalala na hinding-hindi nga pala kami magkakasundo. ** Pagbalik namin sa kumpanya ay malapit na rin matapos ang office hours. Hindi ko na kinausap pa si Regan. Mabilis kolang itong iniwan sa sasakyan at inunahan na itong pumasok sa kumpanya. Pagpasok ko sa opisina naming ay kaagad naman bumungad saakin si Emerald na nakatayo at nakakrus ang mga braso. Nakataas pa ang kilay nito. Walang gana ko itong tiningnan at nilagpasan. Ramdam ko rin ang nakasunod na tingin saakin ng mga kawork-mates ko pero wala ni isa sakanila ang nagsasalita. “Hindi mo naman siguro ipinahiya ang PrimeLine sa mga dumalo sa meeting ano?” Nang-uuyam ang tono ng boses ni Emerald. Oh, people! Bago pa ako makapasok sa opisina ko ay hinarap ko na ito. I’m already so tired at gutom na gutom ako, tapos ay ang galit ko pa kay Regan. Kunot noong sinalubong ko ang tingin ni Emerald. “May problema ba, Emerald?” Mahihimigan ang pagkairita sa boses ko. Emerald’s a tall woman, skinny and she has a good figure. Pero ang siyang ikinaganda niya ay siya naman ikinasama ng ugali niya. She has a long straight black shiny hair, but for me, she looks like that evil queen from snow white. “No, kinakamusta ko lang naman kasi ang naging meeting. Kung ako kasi ang ipinadala roon, I’m sure I’ll do better than you.” I chuckled sarcastically. Nahagip naman ng paningin ko sina Kylie, Cindy, at Ronald na umiiling sakanilang mga kinauupuan, na animo’y pinipigilan ako at sinasabing huwag kong patulan si Emerald. Hindi ko sila pinansin. “Alam mo Emerald? Kung ginalingan mo sana ang pagpiprisinta noon sa meeting, sana ay ikaw nalang ang ipinadala roon? Mas gugustuhin kopa. Kaso hindi ‘e, hindi mo ginalingan. Paano pa kaya sa naganap na meeting kanina? I doubt it.” Nang-uuyam ang tono ko. Nalukot ang mukha niya at halatang nagalit ito sa sinabi ko. “How dare you say that! Pinili ka lang naman ni Ms. Pauline dahil marami nang trabahong nakaatang saakin. Kung alam ko lang, siguro ay pinag-usapan niyo ito ni Ms. Pauline beforehand— “Oh, are you accusing Ms. Pauline? Makakarating.” I interrupted her mockingly. Mukhang mas nairita siya at halos umusok na ang ilong. “You’re getting cocky now just because you’re working with Regan! That should be me! Ito ang tandaan mo Icely, at itatak mo sa kokote mo, Regan is just working here for a short time, don’t you think that you can get him, or you can have your way on him, dahil hinding-hindi mangyayari ‘yon.” Ngumisi pa si Emerald. Tiningnan ko siya ng hindi makapaniwala. “Saan nanggagaling ‘yang pinagsasabi mo Emerald?” Naguguluhang tanong ko. “What’s going on here?” Kapwa napatingin kami sa biglang pumasok. It was Ms. Pauline. Napabuntong-hininga ako. Biglang tumayo si Cindy. “Wala naman po Ms. Pau, kakagaling lang kasi ni Icely mula sa meeting, mukhang naging maayos naman po ang kinalabasan, pero mukhang pagod na rin siya, kung mag-early out muna kaya siya?” Si Cindy na ang sumagot kay Ms. Pau na kakapasok lang. Napairap ako sa hangin saka na padabog na pumasok sa loob ng opisina ko at hindi ininda ang iisipin ni Ms. Pau sa inasta ko. Emerald’s going overboard. Kung may namamagitan sakanila ni Regan, huwag na sana niya akong idadamay! She’s obviously acting that way because of Regan as if she’s jealous or something. Psh. As if! I hate that guy to the core, now even more!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD