KABANATA 26

2936 Words
After Regan and I ate lunch, we minded our own business. It still kind of feels a bit awkward being too close and casual to each other. Nauna rin siyang umalis kanina. Alaskwatro nang magising ako at siya ay paalis na. Mag-aalas otso na ngayon at nakarating na ako sa kumpanya dahil dumiretso ako rito. I was smiling while walking in the corridor. Hawak ko pa ang isang kape sa kamay ko hanggang sa makarating na ako ng office. Halos sakto lang ang oras ko at kumpleto na ang lahat. “Wow, Icely. You look radiant and happy today ah.” Kumento ni Cindy. Natawa ako. “Goodmorning sa’yo ah.” Sabi ko saka na dumiretso na ako sa opisina ko. I saw Ms. Pauline wave at me in her seat from her office through the glass wall. Kumaway din ako sakaniya at nilagay muna ang bag ko sa table ko maging ang hawak kong kape bago muling lumabas at pumunta sa opisina ni Ms. Pau. “Goodmorning Ms. Pau!” Bati ko. “Goodmorning.” She greeted me back with a smile. Nakatayo ako ngayon sa harapan ng table niya. “Ready your presentation. We’ll hold the presentation three weeks from now.” Kahit na inasahan ko na ito ay kinabahan pa rin ako. Alanganing tumango ako. Nakatingin saakin si Ms. Pau nang manliit ang mata niya saakin. “You okay? Kanina ngiting-ngiti ka, ngayon ay biglang nawala.” Kumento niya. Ngumiwi ako sakaniya. “Natural lang kabahan Ms. Pau. Baka may makaligtaan akong importanteng bagay na kailangan i-relay sainyong lahat.” Sabi ko. “I know you can do it.” Nginitian ko siya. “Thanks, Ms.Pau.” Nanatili siyang nakatingin saakin. “Mukhang blooming ka ngayon dear. Inlove?” Nawala ang ngiti ko sa tinuran ni Ms. Pau. Nang bigla kong maalala iyong nangyari noong isang araw. She’s probably thinking some despicable things between me and Regan. Umiling-iling ako. “Hindi Ms. Pau. Malabo.” Paglilinaw ko pero tiningnan lang ako nito na nagsasabing hindi siya kumbinsido. “You can’t fool me. I know when a love blooms— “Maniwala kayo Ms. Pau. Actually…” Napatingin ako sa kaliwa’t-kanan ko at siniguradong walang makakrinig saakin. Yumukod ako para lumapit ay Ms. Pau at nang mapansin niya iyon ay lumapit naman siya saakin. “If you’re thinking about Engr. Regan… which is sigurado akong ini-isyu niyo na ako sakaniya—tigilan niyo iyan Ms. Pau. Atin-atin lang ah? I think Emerald and Regan has a relationship, hindi lang nila isinisiwalat which I respect, and that’s why sainyo ko nalang ipinapaalam.” Bulong ko saka na lumayo. Nanatiling nakatingin lang saakin si Ms. Pau hanggang sa tumango siya. “Don’t worry dear, sayo ako nakaboto.” Nangunot ang noo ko. “Ah?” “Sige na, sige na, may meeting pa ako through online.” Biglang pagpapaalis niya saakin. Kahit gusto ko pang tumutol ay hindi ko na nagawa. Aangal pa sana ako para linawin kay Ms. Pau ang lahat pero tinuon na niya ang atensyon niya sakaniyang desktop. Buntong-hiningang tumalikod na ako saka na bumalik sa opisina ko. I sat in my chair and took a sip of my coffee while opening my desktop. Bigla naman tumunog ang cellphone ko at nakita kong mag mensahe si Miles. “Madam, a friend of mine agreed to have a date with you tonight. 7pm sharp at V Towers, okay?” I smiled a bit upon reading Miles’ text, she didn’t forget. “Okay, what is his name?” Reply ko sakaniya. Nilagay ko na ang password ng desktop ko habang hinihintay ang reply ni Miles. Hindi naman nagtagal nang magreply siya. “Leon Salvatore, he’s also an architect. I think you two will get along.” “Salvatore? Is he from those crazy rich family who owns multiple companies?” I hit send. “Yeah, but really a down to earth man. Medyo straightforward lang siya, pero kilala naman kita na hindi basta-basta bumibigay, malay mo at baka siya na ang true love mo at ikaw na ang true love niya. It’s like helping both of you.” Kaagad na reply naman ni Miles. “Okay! Leon Salvatore it is.” Reply ko. Kahit na gusto ko pang itanong kung paano niya nagaawang kaibiganin ang taong iyon na sa pagkakaalam ko ang pamilya ay ubod ng yaman, pinagbuti ko nang hindi nalang itanong. Nang bigla kong maalala si Rios. I knew that Rios was trying to befriend me back then, and he’s nice to me. Pero wala akong maramdamang romantic feeling para sakaniya. It’s just that I don’t see him in that perspective. Miles just messaged me ‘good luck and have fun’. Hindi na ako nagreply at tinuon ang atensyon ko sa desktop. Inumpisahan ko na ang pagtatrabaho. May printer sa mismong opisina kaya naisipan kongi print na iyong mga plano ko na hinihingan ng copy ni Regan. Habang nagpiprint ay matiwasay naman akong nagtrabaho nang bigla kong maisip kung nasa opisina na ba si Regan. Well, I would see him naman later to give him the copies. I restrained myself from smiling. Kahit na inaamin ko nang nagkakagusto ako kay Regan, hindi pa naman ganoon kalala. Pwede pa namang pigilan. I hope he abides with what I said last time to minimize our meeting. Baka masyado lang akong nasasany sa presensiya niya. Hindi ko napansing napatitig nalang ako sa screen at nawala sa focus nang maalala ko ang ganap namin ng sabado at linggo. I totally didn’t expect to spend those days with Regan. That was unexpected, but now that I came to think of it… I was so comfortable around him. Regan is still a man, and I’m a woman, paano ko nakayang matulog sa iisang bubong na kasama siya kahit na hindi naman kami ganoon ka-close? But I admit that because of that, Regan and I have grown closer to each other. Not totally, pero nandoon na rin iyon at ramdam ko iyon. I was drowning in thoughts and only the sound of the printer is all I could hear when I suddenly heard someone knock twice in the glass wall. Mabilis akong nagbalik sa reyalidad at dumako ang tingin ko sa may pintuan. Nanlaki ang mata ko at tila hindi makapaniwala nang makita kong nakatayo sa may mismong pintuan si Regan. Napadiretso ako ng upuan at kumurap-kurap habang nakatingin sa gawi niya na biglang kumaway saakin. “Regan?” Mahinang sambit ko sa pangalan niya at lumingon-lingon sa paligid para makita ang mga kasama ko sa department pero hindi naman nila alintana ang presensiya ni Regan. Regan’s wearing a suit again, and it’s a charcoal gray in color. “May I come in?” Tanong niya. Mahina akong tumango at napaiwas ng tingin. Anong ginagawa niya rito? Hanggang sa makalapit siya sa harapan ng table ko ay doon ako napatingin sakaniya. “A-anong ginagawa mo rito?” Tanong ko at napakunot ang noo. Pasimple pa akong sumulyap sa gawi ng office ni Emerald at hindi ko alam kung bakit tila nagalak ako nang makita kong wala siya. “Mukha kasing ayaw mo nang magpunta sa office ko kaya ako nalang ang pumunta sa’yo. Kukuhanin ko lang ang mga copies na hinihingi ko.” Diretso ang tingin ko sa mga mata ni Regan at hindi nakaimik. Nang maalala ko iyong mga sinabi ko sakaniya noong isang araw. “Ang sabi ko lang ay gawin nating organized. Minimized the meetings— “I know. I’ll just get the copies.” Sabi niya. Napabuntong-hininga ako at sumulyap sa printer na nagpiprint pa pero patapos na. “Sana ay inutusan mo nalang ang sekretarya mo.” Sabi ko at tumayo. “Sakto naman patapos na itong piniprint ko.” Sabi ko saka nilapitan ang printer para kuhanin ang mga naprint na at sakto naman na natapos ang mga ito. “Wala ang sekretarya ko. Bakit? Hindi ba ako welcome sa office mo?” Napabaling ako sakaniya nang sabihin iyon. Hindi ako nakaimik nang bigla akong napatingin sa gawi ni Ms. Pauline. Sa office nito. Nakita kong nakatingin siya sa gawi ko at nang makita akong tumingin sakaniya ay bigla itong umiwas ng tingin. “Hindi naman sa gano’n.” Mahinang tugon ko at muling lumapit sa table ko. Kinuha ko ang isang expanding envelope at sinuksok doon ang mga pinrint ko. Matapos ay inilahad ko na kay Regan at muling sinalubong ang tingin niya. Tiningnan ko siya ng seryoso. “Hindi mo pwedeng ipakita iyan kahit kanino ah.” Paalala ko sakaniya. Kinuha niya iyon saka tumango. “Promise.” Sabi niya. Tumango ako at bahagyang ngumiti. “Okay. Hintayin ko nalang bumalik saakin ‘yan.” Sabi ko. Tumango siyang muli. “I’ll go ahead.” Paalam niya at tumango na ako. Akala ko ay aalis na siya at akmang uupo na ako nang mapansin kong hindi siya gumagalaw at umaalis kaya naman hindi natuloy ang pag-upo ko. Tinaas ko ang kilay ko, “Anything else?” “Wala, aalis na ako. Actually, I came here to check if you’ve arrived safely. See you around, Icely.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya saka na umalis. Habang ako ay naiwang nakasunod ang tingin sa likod niya hanggang sa tuluyan na siyang makaalis. He didn’t have to say that! Because of that, I had a hard time trying to get Regan out of my head the whole day! I know he’s just being casual and being nice, maybe because we’ve known each other for awhile now. It must be just me taking it this way. Pero gayon pa man ay nagpapasalamat akong lumipas na ang buong araw at hindi na ako ulit kinausap ni Regan na siyang hindi ko alam kung papasalamatan ko ba o hindi. Diretso lang akong umuwi dahil ang nasa isipan ko na ngayon ay ang blind date na sinet ni Miles para saakin. Pagkatapos kong nagbihis ay umalis na ako ulit ng bahay para pumunta sa restaurant na sinabi ni Miles saakin kung saakin kami magkikita ng ka-blind date ko. I was just on time when I finally reached the restaurant and had a valet park my car. I’m wearing a cream satin dress with a blazer. Hindi kataasan ang heels ko at sinigurado kong komportable ako sa buong oras ng date na ito. It’s my first time dating again for a while. I’ll make sure to now leave any chance to overthink about the impression I’d give. Nasa ikaapat na palapag ang restaurant na parte ng five-star hotel. I did not expect any less. Kilala ang pamilya ng lalaking ka-date ko ngayon bilang isa sa mga pinakamayamang pamilya. Hangga ngayon ay nagtatakha pa rin ako kung paano nagawang kilalanin ito ni Miles. Pero alam ko naman na ang mga ipapakilala saakin ni Miles ay ang mga lalaking alam kong hindi siya at hindi niya nagustuhan. There’s no way that Mile will do that to me. Pagdating ko sa palapag ng restaurant ay kaagad naman bumungad saakin ang mga receptionist na bumati saakin. Dinala ako ng mga ito sa front desk nila. “Reservation for Leon Salvatore.” Sabi ko at tiningnan naman nila ang guest list. Ngumiti ang receptionist at sinabi sa isa pang receptionist ang pwesto ng sinabi kong reservation, tapos ay inaya na ako ng sinabihang receptionist na sumunod sakaniya. Sumunod ako sa likod nito hanggang sa mapansin kong papalabas kami sa may mkhang balkonahe ng restaurant. Buti nalang para at nagblazer ako kung hindi ay lalamigin ako. “This way Ma’am.” Sabi ng receptionist at itinuro ang nag-iisang table for two sa mismong balcony. It is not entirely private, pero may pagka-exclusivity ang pwesto. My heart raced with a bit of nervousness, especially when I saw a man sitting while watching the city light from his spot. Naka suit pa ito. “Thank you, I can manage from here.” Umalis na ang receptionist at huminga muna ako ng malalim bago naglakad patungo sa pwesto namin ng ka-blind date ko. Nang mapansin nito ang paglapit ko ay saka lang ito lumingon saakin. I smiled and I won’t deny that he also has the visuals. Para pa itong napatitig saakin nang makita ako at bigla siyang tumayo at ngumiti. “Leon Salvatore?” Sambit ko sa pangalan niya para masiguradong tamang tao ang nalapitan ko. He extended his hand with a wide smile and nodded. “Yes, that’s me. Nice to meet you, Icely?” Sabi niya na may tonong patanong sa huli. Tinanggap ko ang kamay niya at tumango. “Nice to meet you.” Sabi ko at umalis naman siya sa kinauupuan para ipaghila ako ng upuan ko na katapat niya na siyang na-appreciate ko naman. Such a gentle man. Pagkatapos ay bumalik na ito sa kinauupuan sa mismong harapan ko. Sumulyap ako sa city lights view mula sa pwesto namin. “Such a nice view.” Kumento ko. “I’ll get the waiter to prepare our food. Miles told me about the food you prefer, so I won’t have to ask you. I hope you don’t mind.” Tumango at ngumiti. “Okay na okay lang saakin. I really like element of surprise.” Sabi ko at pagak na tumawa. He called for the waiter who’s standing in enough distance to give us privacy but is reachable enough if we need something. May bell at nang pindutin iyon ni Leon ay kaagad naman lumapit ang waiter. Kinausap lang siya saglit ni Leon at saka naman na umalis ang waiter. Muling bumalik ang tingin saakin ni Leon at ngumiti. “So, I heard you’re an architect?” I nodded with a smile. “Oo, ikaw rin, hindi ba? Sabi ni Miles.” Mahinahong tugon ko. “Yeah, it’s such a tiring day running an architectural firm all by myself. Pero pagkakita ko sa’yo ay pawang nawala ang pagod ko. I didn’t know that Miles have a friend like you who’s beauty is what people call timeless.” I chuckled. He has his way with words, I see. “I’ll take that as a compliment, so thank you.” Sabi ko habang tumatawa na malumanay. He also chuckled. “I’m really telling that truth. Siguro ang taas ng standards mo… that’s why Miles had to set a blind date for you, or you’re just too busy with your career?” I shrugged, “Both? Maybe?” I paused, “I’m not person who set standards, but I live within what I have and what I deserve. I am not an entitled person.” He stared at me like I’m a sparkling diamond that he’s never seen in his life. “How about you? Hindi siguro ako maniniwalang nahihirapan kang maghanap ng girlfriend.” Nakangiting sabi ko. He shrugged too, “Looking for a wife and looking for a girlfriend is entirely different thing, right? It’s just easy to find a girlfriend, but looking for a wife is really a difficult one.” Napataas ang dalawang kilay ko. “So, you’re ready to settle down?” Bahagyang gulat na tanong ko. “My family wants me to.” Sa isinagot niyang iyon ay nawala ang gulat kong ekspresyon at napatitig sakniya. Simple lang ang isinagot niya pero nahinuha ko na ang kaniyang rason kung bakit siya nakikipag-blind date ngayon. He’s not looking for a true love. “But don’t think that I’m not doing this sincerely. It’s just too visible in your face and the way you stare at me. Mukhang iniisip mo na hindi ako seryosong tao.” Dagdag niya na siyang hango naman sa naiisip ko. Doon ay napahinga ako ng malalim at umiling habang nakangiti. “It’s fine. I like honest people.” Kumento ko. He smiled and stared at me again. “I like you to— “Leon?” Kapwa napalingon kami ni Leon nang biglang may magsalita, and it is a familiar voice! Kapwa napatingin kami ni Leon sa lalaking naglalakad ngayon papalapit sa direksyon namin at habang papalapit ito ay lumalaki ang mata ko at napapaawang ang labi ko. Nakapamulsa pa ito pero seryoso ang mukha. Kahit na rinig kong si Leon ang tinawag nito ay saakin ito nakatingin. “Lozano?” Sabi naman ni Leon na siyang ikinsulyap ko rito. Nakatingin ito kay Regan habang kunot ang noo. Magkakilala sila?! Bakit lahat nalang kilala ni Regan?! “Yeah. Ngayon lang kita nakita ulit, anong ginagawa mo rito sa Bulacan?” Baling ni Regan kay Leon na pawang hindi ako alintana nang makalapit ito saamin. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Leon saakin at kay Regan. “I know it’s been a while since we last saw each other, Lozano. It’s great to see you again, but as you can see… I’m having a date right now.” Dahan-dahan ang pagsasalita ni Leon. Sumulyap saakin si Regan. Sunod-sunod akong napalunok. Bakit para naman itong kabuteng sumusulpot?! “It’s fine. I don’t mind.” Preskong sabi ni Regan at iniwas ang tingin saakin. Nalukot ang mukha ko at napatingin sa city lights. It’s obvious that Leon wants him gone. Why is he interrupting a date? Sasabihin kaya nitong magkakilala kami? “No, I mean— “Hindi naman ito ang unang beses na nakita kitang may kasamang babae. Ngayon ka pa ba mahihiya?” Kaswal na untag ni Regan kay Leon. Napatingin ako sakanila. “Hey, Lozano… my date might get the wrong idea— “Hindi naman siguro. I know she won’t mind. We know each other.” Hindi ako nakapagsalita nang tingnan ako ni Regan saka ngumiti. Sinamaan ko siya ng tingin. Why is he interrupting my date?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD