Kabanata 31

2156 Words
I was about to call Miles and tell her to postpone the blind date. It became simple for me when I thought of that. But not when Miles texted me that she has confirmed the date for tonight along with the details of date and time, and even the name of the guy! Hindi ko alam kung icacancel kopa ba o hindi. Iniisip ko na pwedeng hindi naman kami magtagal ni Regan at wala akong magiging problema, pero hindi ko gusto ang mga bagay na nalalagay sa alanganin. I don’t want to apologize for being late if ever, pero ayaw ko rin naman icancel nalang bigla after itong masabihan ni Miles. So now, it’s entirely up to Regan if maaga kaming matatapos. Siguro naman ay hindi naman niya tatagalan. He doesn’t like me, and I’ve confessed my feelings for him, siguro ay normal lang na umiwas siya at kahit na nagpapaka-propesyonal kami ay siguro naman siya na ang mismong iiwas sa ikakabuti naming dalawa, kagaya rin ng pag-iwas ko sakaniya. Bumuntong-hininga ako at umupo ng maayos. Ibinaba ko na ang cellphone sa table ko at hindi na tinangkang sabihan si Miles na icancel ang date. Sinabi pa naman nito na hindi basta-basta iyong taong ka-meet ko mamaya, and worst, it would be 6pm! Hindi man lang 7pm, at hindi na ako makakauwi para mag-ayos o magpalit ng damit. Mabuti nalang at maganda ang suot ko ngayon, okay lang sa biglaang blind date. 5pm ang tapos ng office hours at babyahe pa ako papunta sa location. I’m not sure if I can make it in time, knowing that the time of meeting with Regan is also indefinite. Hays, bahala na! Pinagpatuloy ko nalang ang pagtatrabaho. I know why the meeting may take longer than usual. Pag-uusapan kasi namin ni Regan ang conference meeting, kung saan kami ang magli-lead. Bigla kong naalala iyong drafts ko na pinakita sakaniya na tinuturing kong napakaselan at confidential. Siguro naman ay tapos na siya doon? I don’t even know why I trusted him so much to the point of entrusting those drafts to him. Ayaw ko lang na ipakita ang mga drafts na iyon sa kahit na sino dahil iyon ang individual draft or plan ko. It’s my own design and idea that I don’t want anyone knowing about them or even having a glimpse of them, lalo na sa proyekto namin ngayon na halos magkakapareho lang ang kailangan naming gawin. I want it to be unique, the one that I’ve done my best to create with my own ideas. Kasi kung ipapakita ko rin iyon sa kung sino-sino ay maaaring umulit pa ako ng ibang disenyo. Madadagdagan pa ang mga trabaho ko, and it’s also the same ideas that I presented back in the meeting with the Jimenez Land Corporation. I want to get it back from him, baka kasi kung saan-saan nalang niya nilagay iyon. I heaved a sigh. I didn’t expect my life to turn out like this. Mabilis lang na lumipas ang oras at nakita kong mag-aalas kwatro na kaya naman naghanda na akong pumunta sa opisina ni Regan. Hinanda ko na rin ang mga gamit ko para pagkatapos naming ay diretso na akong makakaalis. Pinatay ko na ang desktop ko saka na tumayo. Bitbit ang laptop at sketchpad ay lumabas na ako opisina at dumiretso sa opisina ni Ms. Pau. Kumatok ako sa glasswall para kuhanin ang atensyon niya at hindi na ako pumasok. Nag-angat naman siya ng tingin at mukhang may kausap siya sa earphones niya. May meeting nanaman siguro siya. Sumenyas ako sakaniya. “I have a meeting until dismissal.” Mahinang sabi ko at tinuro ang bitbit ko. Mukhang naintinidhan naman niya ang sinabi ko at mabilis naman siyang tumango. Para hindi na nila ako hanapin kung sakaling aalis na silang lahat sa opisina at hindi nila i-lock ang pintuan. Umalis na ako at dumiretso sa opisina ni Regan. I admit that I’m a bit nervous as I took my steps towards the Department of Engineering. Huminga ako ng malalim pagpasok ko at isang oras nalang ang nalalabi bago ang dismissal ay mukhang busy pa ang lahat dahil may kaniyang-kaniyang tinututukana ng mga ito. Karamihan ay nasa malaking drafting table sa sentro at may pinag-uusapang blueprint. Hindi na ako masyadong nagbati sakanila at diretso lang ang pasok ko sa opisina ni Regan. Mahina rin ang mga yabag ko para hindi masyadong mag-ingay ang mga takong ko. I also don’t want them to comment that they haven’t seen me in Regan’s office for a while. Diretso lang ako at wala ang sekretarya ni Regan kaya walang katok na pumasok nalang ako at isinarado ang pintuan. “Okay, take care.” Natigilan ako at mukahng si Regan din nang magsalubong ang tingin namin sa biglang pagpasok ko. Prente lang siyang nakaupo sa office chair niya at may hawak na cellphone na nasa tenga. Sa narinig kong sinabi nito ay mukhang may kausap itong tao… and I’m sure it’s not work-related. Emerald went out for a meeting with a client, at tingin ko ay ito ang kinausap nito. Muli akong napahinga ng malalim. Ano ba itong bigat na namayani sa dibdib ko. Nakatingin lang sa direksyon ko si Regan nang ibaba nito ang cellphone na hawak at umayos ng upo. Naglakad na ako papalapit sa table niya at tiningnan siya ng walang emosyon. “Saan tayo magmi-meeting, rito ba sa table mo? Sorry, I barged in without notice. Ayaw ko lang mag-abala ng mga tao sa labas. They look so busy.” Bigla itong tumayo at seryoso ang tingin saakin. Parang bahagya pang nakakunot ang noo nito na pawang hindi maganda ang mood nito. Sana naman ay huwag niya saakin ibunton, o baka naman ay ayaw na ako nitong nakikita at ang akala niya ay nagpapansin lang ako sakaniya? “It’s fine. Doon tayo.” Sabi nito at tumalikod. Tinuro ang sala sa office nito kaya naman dumiretso na ako at umupo sa mahabang sofa. Sunod naman ay umupo ito sa single sofa na malapit saakin. Ipinatong ko ang laptop sa coffee table at binuhay iyon bago siya tinapunan ng tingin. Kumibot ang noo nang makita itong matamang nakatingin saakin. “Engr. Lozano, hindi ko alam ah? But I’ve been noticing it, but is it your thing to stare at other people? You’re always staring at me whenever we see each other, and I know it’s not because of admiration. Are you planning a murder on your head or something?” Pagkompronta ko sakaniya. Biglang nawala ang guhit sa noo nito at umiling. “No. Just don’t mind me.” Kinunotan ko siya ng noo pero hindi na ako umimik. Tinuon ko ang mata sa laptop ko at binuksan ang mga maaari naming pag-usapan, but I need him to start the meeting, not me. Wala akong narinig na kahit na ano rito kaya muli na akong tumingin sakaniya. Nakatingin nanaman siya saakin! Masama ko siyang tinignan. “Are you not getting your laptop? Ano ang pagmimeetingan natin? Come on, Engr. Lozano, let’s not waste any time here.” Singhal ko sakaniya. Hindi ko inasahan ang mas lalong pagkunot ng noo niya. “Why? Are you in a hurry because you have a date after work?” Malamig na tanong nito. Hindi ko alam pero may pagkapait sa boses nito at tila may pagbabanta. I stared at him and examined his face. My heart raced, his symmetric sharp eyes and definite pointed nose makes his frown intimidating and makes you feel his fury. “Personal na buhay ko na iyan na hindi kailangang pag-usapan. Don’t concern yourself anymore to me— “Ayaw kong madaliin mo ang meeting at ang isipan mo ay nandoon sa ka-date mo, that’s why I’m asking, don’t jump into any conclusions.” Nalukot ang mukha ko sa narinig. “Then start talking! Work-related! I’m all ears!” Mahihimigan ang pagkairita sa boses ko nang bigla itong umirap at tumayo. Kinuha rin nito ang laptop saka muling bumalik sa kinauupuan. Umungos ako at umirap rin rito saka tinuon ang atensyon sa screen ng laptop ko. “Let’s talk about the upcoming conference. Since I’m the head of the Engineering and the leader for the EVA, I will have my own men to join us for the presentation.” He started as he walked back towards the single sofa and sat again, then he opened his laptop. “It’s not just the two of us, and I’ve already briefed them about the coverage of their participation. What you’re going to present is your own conception for PrimeLine’s part for the EVA’s architecture.” He resumed. “This is the contract agreement of the bosses for PrimeLine’s part with the project. Look on it.” Tumango nalang ako at may sinend itong mensahe, iyong kontratang sinasabi nito. Natahimik ang paligid habang ako ay binasa ang kontrata. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. “We’ll be having the Jimenez at the conference, so that our presentation is what they really expect from us. They wanted to oversee it.” Tumango ulit ako. I’d already expected that. Hindi ko namalayan na lumilipas na ang oras at nagpapatuloy lang kami sa pag-uusap. Nagti-take notes din ako at masyado akong nalamon ng meeting namin hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Regan showed me some of the presentations that were held from those companies overseas that the Jimenez also hired. I didn’t know that he has the access to get those from whoever gave that to him. I’m starting to overthink again that he’s not just some rich guy who settled to be a manager of an engineering department. “After the presentation, that’s where everyone’s talent will be utilized, and the project will proceed. I expect you to—. “Regan’s words were interrupted when I suddenly gasped while looking at the time in my laptop! It’s already 5:20 pm! Tiningnan ko si Regan ng may nanlalaking mata, pero tiningnan niya lang ako ng nakakunot ang noo. “What?” He said irritated. Ngumiwi ako. “I’m sorry but— “We’re not done. I’m still speaking.” Malamig na sabi niya. Napakagat ako ng labi at nalulumong nakatingin sa screen ng laptop ko. Tapos ay sinulyapan ko siya na pawang nakikiusap. Walang emosyon siyang nakatingin saakin at bumaba ng tingin sa laptop na pawang hindi naiiintindihan ang ibig kong iparating na hindi ko masabi ng diretsahan. “I know we’re almost done. Gagawin ko naman ang part ko— “The mind of this conference on all Architecture’s part of PrimeLine will be coming from you. Sana ay alam mo kung gaano kaselan at kahalaga ang meeting natin na ito. Lots of billions were entrusted to your shoulders.” Maawtoridad nitong sabi at sa himig ng kaniyang pagsasalita, kung ipipilit ko pang umalis ay mas lalong hindi maganda ang kahihinatnan ng desisyon ko. Napabuntong-hininga ako bilang pagsuko. Muling sumulyap sa orasan at tumango ng hindi nakatingin sakaniya. Bibilisan ko nalang ang pagmamaneho maamaya. “Okay fine. Let’s finish this immediately.” Pagsuko ko at tinutukan ang screen ng laptop. “Focus. Iyan ang sinasabi ko kanina sa’yo, mamadaliin mo. You should’ve just canceled your date. It’s not so important.” Kunot ang noong nilingon ko siya. “You don’t get to tell me what’s important for me or not. Remember? You ruined my date with Leon Salvatore! Kung hindi mo siguro sinira ang date kong iyon, hindi tayo aabot sa puntong ganito ang set up natin. Being awkward and distant to each other. I know you will not act this way if that night didn’t happen.” Matalim na sagot ko. He was looking at me directly with a frown and darkened eyes. Parang hinahalukay ng titig niya ang kaluluwa ko at kahit na anong sabihin ko ay hindi ito magpapakita ng iba pang emosyon. “You’re saying, if I didn’t ruin your date with Leon Salvatore, you’ll be seeing him again? You will not confess your feelings to me?” Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob na ulit-ulitin ang bagay na iyon. Bumilis nanaman ang t***k ng puso ko nang muling lumingon sakaniya. I don’t know him enough. Wala siyang balak na suklian ang nararamdaman ko sakaniya at may nobya siya, bakit niya ba inuulit-ulit iyon ‘e siya naman itong nan-reject saakin? Pinantayan ko ang tingin niya. Pinakita sakaniyang hindi niya ako makukuha sa pagtitig niyang ganiyan kahit na kaunti nalang ay bibigay na ako at gusto siyang singhalan kung bakit niya ako ni-reject pero ang asta niya ay tila iba ang kahulugan. But no, maybe he’s just trying to get me, trying to play with my feelings. “Most probably.” Seryosong sagot ko sa tinuran niya. I saw his jaw’s movement. Kita ko ang pag-igting ng panga niya at ang mas lalong pagdilim ng awra niya. Umiwas na siya ng tingin at tinuon ang atensyon sa screen ng laptop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD