KABANATA 32

2076 Words
Lumipat kami ni Regan sa board room sa palapag na ito dahil pinapanood namin ang conference meeting ng Picaseo Design with the Jimenez. Picaseo is a famous company of design and build, originated from Italy. Nakuha naman nito ang atensyon ko kaya naging tutok ako sa panonood. Ang galing ng mga arkitektura ng Picaseo, and their presentation is promising. Walang masyadong nasabi ang Jimenez dahil sa pulidong konsepto ng mga ito. Nang magtatapos naa ng video ay puno ng pag-aalala akong napatingin sa relo ko. It’s already 6 pm! Nanlulumo kong tiningnan si Regan na nakaupo sa tabi ko pero may kaunting distansya ang swivel chair nito saakin. Nakaharap kasi kami sa projector at tanging kaming dalawa lang ang nandito sa malaking boardroom. Nakatingin siya sa may projector nang mapansin nitong nakatingin ako sakaniya. I stared at him with pleading eyes. Gumalaw ang eyeballs nito na pawang sinuri ang mukha ko. Hindi natinag ang kunot nitong noo at tila hindi natutuwang mga mata. “Patapos na ang video, pwede na ba akong umalis?” Mahinang tanong ko. Umalis ito sa pagkakadantang sa lamesa at sumandal sa kinauupuang swivel chair. Hindi naputol ang tingin niya saakin. Kumibot pa ng kaunti ang noo nito. “You really didn’t cancel your date?” Malalim na boses na tanong nito. Umiling ako at muling sumulyap sa orasan. “I’ll just apologize for being late and make it up to him. This blind date was just set up by Miles, I can’t stand it up.” Muli ko siyang tiningnan at napakalalim ng titig nito saakin. Hanggang sa bigla itong umiwas ng tingin. Hindi pa rin mawala ang iritasyon sa mukha nito. “Engr. Lozano, kung masama ang timpla ng araw mo, please lang huwag mo saakin ibunton.” I finally said it. Pero hindi nito pinansin ang sinabi ko at tumayo lang sa kinauupuan. “Gaano mo kanais na magkaroon ng nobyo?” Tanong nito habang inaayos ang laptop at nang mapatay nito ang projector ay saka ito tumingin saakin. Nanatili akong nakaupo at nakatingala sakaniya dahil nakatayo ito. He stared at me, waiting for my response. I stared back at him, wondering why he asked such a thing. Pero mukhang naghihintay ito sa isasagot ko. I sighed. “Kung sasagutin ko iyan, papaalisin mo na ba ako?” Seryosong sabi ko saka na rin niligpit ang gamit ko. “Sure.” Here was a faint of bitterness in his voice, but when he said that I stood up and faced him. Sinalubong ko ang mga mata niya. “I believe that it’s not so wrong for me to start dating and finding a man who will spend the rest of my life with. Alam ko kasing hindi naman iyon ganoon kadali, hindi naman sa nagkakilala kayo ay mag-asawa na kayo agad, and that’s why I’m doing my part on finding the man for me, and please I’m speaking sincerely, huwag mong isipin na sinasabi ko ito para bigyan ka ng hint o ano. I respectfully accepted your rejection, and I believe that what I felt was just because I was overwhelmed by your presence, no anything deeper than that. Kaya huwag mong itanong kung bakit nagkikipag-blind date ako kaagad pagkatapos kong inamin sa’yo ang nararamdaman ko.” Mahabang salaysay ko. Pero siya ay nanatili ang titig saakin. Napahinga ako ng malalim. “So, you wanted to marry if you find a boyfriend?” Napalunok ako sa tinuran niya. He said it right, but I wasn’t honest about one thing… I just really want to forget him as much as possible. Tumango nalang ako. “Yeah. I’m in the marrying age, what’s so wrong with that?” Dinampot ko na ang mga gamit ko nang makaalis ako kaagad pagkatapos ng pag-uusap naming ito. “Aren’t you just playing with people’s feelings?” Mabilis akong napatingin sakaniya sa tinuran niyang iyon. “Paano mo naman nasabi iyan?” Kunot noong tanong ko. Muli kong nakita ang pag-igting ng panga niya. “Telling someone you like him and then dating someone else after few days, I thought you were a sincere person, Icely. I’m starting to think that you’re a girl playing with men—” I slapped him. Bumuga ako ng marahas na hangin. “Naririnig at nakikita mo ba ang sarili mo Regan?! You’re questioning my sincerity, ikaw naman ‘tong nanreject saakin? Ikaw ‘tong naglalaro ng feelings ng tao! If you rejected someone, then at least live up to it! Act like it! Hindi ‘yung parang ikaw pa ang hindi makamove-on! Anong gusto mong gawin ko? Habulin ka after mo akong ni-reject? Ganiyan ka ba tinrato ng mga babae sa kung saan ka man nanggaling? Pwes, ibahin mo ako! I know my place, most importantly, I know my worth, uulitin-ulitin ko ba ‘yon sa’yo? Saka ano bang pakialam mo? Ayaw mo nga saakin hindi ba? Please, act like one! Mas makakatulong pa iyon sa’kin.” Galit na turan ko. Nagpupuyos na ng galit ang dibdib ko pero ang lakas ng t***k nito. Marahas akong umungos at inirapan siya. “Tsk. I’m leaving!” Tinalikuran ko na ito saka na iniwan sa board room. Ang bigat ng dibdib ko. Bakit ba siya ganito? Bakit siya nakikialam saakin ‘e sinabi nitong ayaw nito saakin? Hindi na kita maintindihan, Regan! Dumiretso ako sa opisina at wala nang tao. Mabilis lang akong pumunta ng office ko at kinuha ang mga gamit ko. Pinatay ko na ang mga ilaw saka na lumabas ng opisina. Ila-lock ko palang ang pintuan nang tumawag si Miles na ikinakaba ko. She must be fuming mad. “Hello Madam?” “Madam! Na— “Alam ko, alam ko! Papunta na ako doon. Tell him that I just got an emergency meeting, I’m really sorry— “Yeah! I know! I told him that you may be coming late at busy person ka. Do you know what he said? He’ll come and pick you up. Binigay ko sakaniya ang address ng PrimeLine.” “Haa?!” Napalakas ang boses ko sa gulat sa sinabi ni Miles. Mabilis kong nilock ang pintuan ng opisina. “Hindi naman na kailangan Miles! May sasakyan naman ako! Abala pa ‘yon sa tao!” Singhal ko. “No, it’s fine. I found it cute. Huwag ka nang pakipot. He should be there waiting for you. Goodluck Madam, landi well! Hihi.” The call ended. Hindi ko inasahan na susunduin pa ako nito! But how thoughtful of him, whoever he is. Naging mabilis nalang ang lakad ko at dahil wala nang tao ay ang ingay ng mga yabag ko dahil sa takong. Nagmamadali akong nagtutungo sa elevator nang makaramdam ako ng presensiya ng tao kaya lumingon ako. I saw Regan walking towards the elevator, but there’s a great distance. Hindi na nito mahahabol ang elevator ko. Napalunok ako at umiwas na ang tingin. Pipindutin ko palang sana ang elevator nang biglang may sumulpo na guard na nagmula sa malapit na hagdanan. “Ma’am Ice!” Tawag nito saakin. Nangunot ang noo ko at hinarap ito nang lumapit ito saakin. Nasa may harapan kami ng elevator. “May naghihintay pong gwapong lalaki sainyo sa may lobby.” Napataas ang dalawang kilay ko sa sinabi ni Manong, gwapong lalaki talaga? Kahit na medyo nakaramdam pa rin ako ng gulat ay tumango ako dahil kakasabi lang ni Miles na pupuntahan ako nito. “Opo Manong, pababa na rin po ako. Kanina pa po ba siya naghihintay?” Tanong ko. “Mga sampung minuto po Ma’am.” Napangiwi ako. He really did wait for me. Ngumiti ako kay Manong na alam kong ikakalat niya ng tsismis na may boyfriend ako pagkatapos nito. “Sige ho Manong, bababa na po ako.” Paalam ko. Tumango si Manong kaya pumasok na ako ng elevator pagkabukas nito. I was about to press the button when I didn’t notice that Regan was infront and caught up with my elevator! Umirap ako sa hangin at hindi ito tiningnan na talagang sumabay pa! I pressed the ground floor then I was about to press the basement parking out of kindness for this man whom I know will go straight to the basement when he suddenly grabbed my wrist even before I can press that basement parking button. Gulat kong siyang nilingon. “I have some business on the ground floor.” Sabi nito at binitawan na ang pulsuhan kong pinigilan nito. I didn’t say anything and just let the elevator door close. Tumayo ako ng tuwid. “I’m sorry for slapping you. But I believe you deserve it.” Hindi nakatinging turan ko. Nakatingin ako ng diretso sa dingding ng elevator. “It’s fine. It brought me back to my senses.” Mabilis akong napatingin sakaniya nang sabihin iyon. Kakaiba na ang awra niya ngayon kumpara kanina. Iba na rin ang tingin na iginagawad nito, hindi na ito mukhang galit pero gano’n pa rin ito kung tumitig ng napakalalim. The corner of his lips rose a bit which I didn’t expect the most. Kumibot ang noo ko. Is he happy? “You’re creeping me out.” Mahinang sabi ko. He shrugged. “You want me to be mad then?” Sabi nito na ikinailing ko. Umiwas na ako ng tingin. “No… but…” Bumuga ako ng hangin dahil nag-iiba nanamn ang ritmo ng t***k ng puso ko. “Anyway, I made everything clear to you.” Hinarap ko siya at tipid na ngumiti. Nakatingin ito saakin kaya hindi ko naiwasang tumitig sa mukha niya. There’s really something within the way he stares at me. “But I didn’t.” Hindi ko inasahan ang sinagot niyang iyon kaya hindi ko nakapagsalita at mas lalong napatitig sa mukha niya. Then there it is… there is something different from the way he stares at me this time. It’s as if there was a fire in them that wants me to burn or melt, or something. Mabilis akong umiwas ng tingin at huminga ng malalim. My chest’ pounding again. I don’t need him to make himself clear to him… you don’t need it Ice, you don’t need it! Hindi na ako umimik at mabuti nalang ay bumukas na ang elevator. Walang tingin na nauna akong lumabas kay Regan sa elevator. I just want to be away from him as soon as possible. My mind was with him as I walked towards the lobby. There I saw a man sitting on a couch while scanning a magazine about architecture. Doon nawala ang isipin ko kay Regan ay bigla kong naalala na itong ka-meet ko ay ngayon ko lang makikilala. But then, Manong Guard wasn’t bluffing! That is really a handsome man waiting for me! I cleared my throat as I approached him. But then my eyes glanced sideways again when I saw Regan on my peripheral vision approached the guards nearby. I saw him glancing at our direction as well. “Icely Bennet?” Muli akong napatingin sa taong nasa harapan ko. Ibinaba na nito ang magazine at tumayo mula sa pagkakaupo. Hindi ko inasahan ang katangkaran nito, but I think that he’s just about Regan’s height. Bahagya akong napatingala sakaniya. And Manong Guards’ right! He’s handsome! He has the eyes of Damon Salvatore from Vampire Diaries! Iyon ang una kong naalala pagkasulyap ko sakaniya. I smiled at him. “Uhm, yes. It’s me, Icely, you’re Dominic Taddeo? Attorney Dominic Taddeo?” Paglilinaw ko sa pangalan niya. He smiled and I won’t deny that it made me stare at him. “Yes, that’s me. Shall we go? I’m sorry, I barged in without notice. I just wanted it to be convenient for you.” That made me smile. “No, it’s fine. Ako ‘tong natagalan. I didn’t intend to make you wait and make you pick me up here, I’m sorry.” He shook his head. “No, it’s fine. When I saw you, I knew it’s was worth it.” I can’t keep myself from smiling. Inaya na ako nitong lumabas kaya tumango na ako at naunang naglakad. Biglang nahagip ng tingin ko si Regan na nasa bandang pwesto ng mga gwardiya pa pala. Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang nakakamatay nitong tingin na nakasunod saamin. What’s he doing there? Kailan niya pa naging tropa ang mga gwardiya rito sa kumpanya? At ano nanaman ang tinitingin-tingin niya ng masama saakin? Inirapan ko siya at pinalis sa isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD