ABA ang lala ng ubo n’yo lola aabot ka pa kaya sa pasko?
Hinampas ako ni Lola ng abaniko habang patuloy itong tumatahol. Sa totoo lang ay takot akong mawala ang lolay ko dahil siya na lang ang pamilya ko. Pero ganito lang talaga kami mag-bonding hindi kami sweet pero mahal namin ang isa’t isa.
Kinuha ko ang katinko at pinahid ko sa dibdib niya maging sa likod. Pagkatapos kumuha ako ng dahon oregano sa likod bahay at pinakuluan ko ito. Sinabayan ko ng kalamansi saka ko pinapaypayan. Nang medyo malamig na ay sinalin ko sa tasa at lumapit ako kay lola.
“Inomin n’yo ‘to, La.”
Kinuha naman niya agad at nilagok. Ako ang napangiwi kasi ramdam ko ang pait pero si Lola na sanay na parang tubig lang sa kanya.
“Tama na po ‘yan Lola magpahinga na kasi kayo.” Sabi ko. Pero makulit siya.
“Dalawa na lang ‘to para bukas mapinturahan na.” Sagot niya.
Kinuha ko ang isa at ako nagpatuloy pero sinuway lang ako ni lola.
“Baka madumihan pa ‘yang puting uniporme mo. Lumarga kana habang hindi pa sikat ang araw.”
Tumayo na lang ako at tinanggal ang tuwalya sa ulo ko at nagsuklay. Tinitingnan ko si lola sa likod ko sa salamin. Patuloy siyang inuubo at patuloy rin siyang gumagawa ng abaniko.
Pipinturahan namin ng iba’t ibang kulay saka ko ilalako sa baryo. Bukod sa abaniko ay may mga gulay rin kaming pananim ang kaso naubos na noong nakaraang linggo. Hinihintay ko ang mga kalabasa na lumaki para masabay ko sa pagbebenta.
“Lola sa myerkules mag-aabsent ako luluwas tayo ng bayan ipapatingin natin ‘yang ubo mo.” Seryoso kong sabi.
“Hindi na gastos lang madadaan ‘to sa mga dahon-dahon. Alam mo ‘yang doctor pera lang ang gusto nila sa mga tao.”
“Hindi po ‘yan totoo, Lola. Saka sa public naman tayo magpapatingin wala tayong babayaran do’n ni singkong duling. Kapag narinig ka ni Dr. Walter baka palayasin tayo dito sa lupa niya pupulutin tayo sa bundok tralala!”
Hindi nakakibo si lola totoo naman kasi ang sinabi ko. Tsaka kilala naman niya na mabait at hindi mukhang pera ang amo namin eh doktor rin ‘yon.
“Ako ‘wag mo na dinidisturbo lumarga kana at malayo pa ang lalakbayin mo!”
Sinunod ko na lang si lola. Kinuha ko ang baunan kong sa dahon ng saging sa lamesa at kutsara. May baon rin akong tubig dahil sayang ang peso para sa ice water. Nilagay ko sa bag at sinukbit ko na.
“Lola aalis na po ako.” Sabi ko. Nilapitan ko siya at hinalikan sa buhok.
“Mag-iingat ka Osang, ah?”
See? Mahal na mahal ako ng lolay ko. “Opo lola kayo rin nagluto na ako para sa pananghalian mo.” Sagot ko at umalis na.
Alas singko pa lang ng umaga napakalamig dito sa bundok pero sanay na ako. Sa kalayuan ay hindi mo maaninag ang mga karatig bundok dahil sa hamog. Sinundan ko lang ang daan pababa ng bundok hanggang nadaanan ko na ang mga kapitbahay namin.
“Papasok kana, Osang?”
“Oo Nelay.” Sagot ko sa kaibigan ko.
“Mabuti ka pa lapis at papel ang hawak mo samantalang ako itak at lupa ang kaharap ko araw-araw.”
“Ikaw kasi ang aga mong lumandi!” sagot ko na lang. Sumama ang mukha niya. Binilisan ko na lang ang paglalakad baka kasi habulin niya ako ng itak.
Totoo naman kasi high school pa lang kami may boypren na siya. Ayan tuloy maaga siyang nanganak at sunod-sunod pa. Grabi naman kasi kung maka-iyot ang asawa niya kulang na lang lagyan ng p**e sa noo.
Napahawak ako sa aking tuhod dahil hingal na hingal ako. Nakarating na pala ako sa patag. Ngayon naman tinanggal ko ang sapatos ko sa paa at hinubad ko ang palda dahil tatawid ako ng ilog.
Sa araw-araw ng ginawa ng diyos nasanay na ako sa layo ng tinatawid ko araw-araw paroon at parito para lang makapasok ako sa eskwela.
Second year college na ako nabigyan ako ng pagkakataon na makapasok sa Makiling Colleges na walang gagastosin dahil valedictorian ako ng high school. Bukod pa doon may natatanggap akong 2,000 buwan-buwan tulong mula sa munisipyo.
Maingat ako habang lumulusong sa tubig na aabot rin sa tuhod ko. Pahirapan lang kapag maulan kasi minsan naabot ng lagpas tao ang lalim.
Nakatawid ako at muling naglakad hanggang nakarating ako ng baryo. Nilakad ko lang rin patungo sa school sayang naman ang bente pesos na pamasahi sa habal.
Oo nga pala ‘yong bente pesos na pamasko sa akin masama talaga ang loob ng lolay ko. Sabi ko magpasalamat kami kasi kahit peso pa kaysa naman wala. Hindi mo mahahanap ang bente pesos sa kalsada. Kaso ang kinasasama ng loob ng lola ay hindi daw sa halaga kundi sa pakikisama. Sa kabilang banda may punto rin si lola matagal na panahon siyang nanilbihan nagkaanak at nagkaapo na lang siya tas bente lang ang binigay? Kahit sa pangalan na lang ng lola ko nakisama na lang ba.
“Hoy, Osang!”
Kinalapit ako sa bag buti matibay itong bag ko kaya hindi napigtas. Si Rudilyn ang kababata ko mula day care hanggang ngayon iisang school lang kami tas parehas kami ng course education.
“Kanina pa kita tinatawag kay bilis mo naman maglakad.” Sabi nito at sumabay sa aking paghakbang.
“Hindi naman ako kagaya mo para kang nagmomodel!” turan ko. Humagikhik lang si Rudilyn lalakero kasi ito maliit lang na babae pero malaki ang kalandian sa katawan. Elementary pa lang kami may boypren na siya. Ngayon naman nagpapansin siya sa prof namin na single pa.
Nakarating rin kami sa school may sampong minuto pa bago magsimula ang klase. Binuklat ko ang notebook ko at nagsaulo baka kasi biglang magpa-recitation ang prof namin. Si Rudilyn naman ayon busy makipagdaldalan. Duda ko talaga hindi ito makakapagtapos ng pag-aaral dahil nagpataban.
“Good morning, Sir.”
Sabi ng mga kaklase ko. Nag-angat ako ng tingin at ganoon na lang ang gulat ko nang makilala ang aking Ninong.
Napatingin rin siya sa akin pero agad na binaling sa iba na para bang normal lang ako na estudyante sa paningin niya. Tiyak siya ‘yong suplado kong Ninong. Ang dahilan rin kaya't hindi makatulog nang maayos si Lolay ko sa bente pesos sa sobrang sama ng loob.