Kabanata 1

3051 Words
APO dumating na galing Amerika ang mga Ninong mo naroon na daw sila sa rancho. Halika apo at ipapakilala kita sa kanila. Kailangan magmano ka para—” “Ayaw ko po lola nakakahiya dalaga na ako!” Mariin ang pagtanggi ko kay lola akala niya siguro ay paslit pa rin ako na sa tuwing pasko nagbabahay-bahay kami sa mga Ninong at Ninang ko para humingi ng pang-aguinaldo. “Huwag nang matigas ang ulo at baka magbigay sila ng malaki maligo kana riyan at pagkatapos kong magiyak itong langka pupunta tayo sa rancho.” Nagmamaktol ako pero buo na ang desisyon ni lola kapag sinabi nito kailangan masunod dahil baka hindi niya ako bigyan ng baon sa lunes. Kinuha ko na lang ang sabonera at timba nagpunta ako ng batis para maligo. Walang mga naglalaba kaya hinubad ko ang lahat ng damit ko at tumalon ako sa hindi masyadong dinaraanan ng batis. Umahon ako at tuwang-tuwa sa presko ng tubig. Pinagsawa ko ang paliligo ko. Maya-maya lang ay umahon at nagsabon ng buong katawan. Naghilod rin ako gamit ang brush panglaba saka nagshampoo ako at muling tumalon. Inanod ang mga bula mula sa katawan ko. Sobrang sarap talaga ng tubig lalo na kapag ganitong alas kuwatro ng hapon sikat pa ang araw. “Osang?” Napatingala ako sa itaas si lola pala na sumisigaw. “Bilisan mo sa paligo Osang at hapon na!” muling sigaw ng aking lola. Gusto ko pa sana maligo pero kailangan ko ng umahon. Sinuot ko muli ang damit ko at bitbit ang timba umuwi na ako ng bahay. Nakapagbihis na si lola naglalagay siya ng baby oil sa kanyang binti at braso. Iwan ko ba dito kay lola imbes lotion ang gamitin oil pa talaga kung hindi ko lang siya lola baka matakot na ako sa kanya at para siyang aswang. “Anong kinikibot-kibot mo riyan magbihis kana at lalarga na tayo.” “Wala po, lola.” Sabi ko. Nilagay ko ang timba sa gilid at pumasok na sa maliit naming kuwarto. “Nilabas ko na ang isusuot mo.” Sabi ni Lola. Tiningnan ko ang nakasabit sa pako. “Lola bakit naman po ito para naman ako magsisimba nito, eh.” Napakamot pa ako sa ulo. Naalala ko itong bestida na puti ang binili niya sa akin noong nag-graduate ako ng high school dalawang taon na ang nakakaraan. “Iyan ang maganda apo dahil presentabli ka tingnan. Nakakahiya naman kung mukha kang pulubi na haharap sa mga amo natin.” Hindi na lang ako kumibo at muling sinunod si Lola. Masunurin kasi ako at alam ko naman lahat ng tinuturo niya sa akin ay para sa kabutihan ko. Pagkatapos kong magpunas ng katawan at buhok sinuot ko na ang bestida. Napangiwi lang ako sa harap ng salamin dahil nagmukha akong katorse anyos sa ayos ko. May laso pa sa harap ng aking dibdib hindi lang ako komportable talaga. Tapos sa baywang may tali pa na kailangan itali sa likod. Inayos ko na lang ang sarili ko tas nagsuklay na lang ako at naglagay ng polbo. “Bilisan mo na riyan para makaabot tayo sa meryenda.” “Tapos na po ako.” Sagot ko at lumabas na. “Tingnan mo nga napakaganda mo riyan parang hindi kita apo.” Pagpuri pa niya sa akin alam niya kasi na ayaw ko talaga sa bestida na ‘to. “Halika kana, apo.” Nauna akong lumabas at dala ang payong ni Lola. Sinara niya ang pinto at tinalian lang ang munti naming bahay. Naglalakad na kaming dalawa tinutusok ko pa ang payong sa lupa pero pinagsabihan lang ako ni lola at kinuha niya na lang sa akin. Kahit matanda na si Lola malaksi pa rin ito maglakad kaya nakarating kami agad sa rancho. Maraming mga tupa ang nagsitakbuhan habang ginigiya ni aling Matilda ang asawa ng tagapamahala ng rancho. “Manang Linday?” tawag nito kay Lola. “Matilda nariyan daw sila señorito ayon kay Tondong.” Sigaw ni Lola. Ganito ang mga tao dito sa bukid namin. Kung may itatanong ka imbes lapitan mo ito sisigawan ka lang kaya abot hanggang sa kabilang bundok. “Bilisan mo apo at sasama tayo kay Matilda.” Madali si Lola hinihintay ito ni lola Matilda. Nakasunod na lang ako kay lola at nakalapit na kami. “Mano po lola Matilda.” “Kaawaan ka ng diyos, ineng. Napakaganda mo talagang bata ka kahit dito ka lang sa bukid hindi ka umiitim.” “Maraming salamat po, lola Matilda.” Ngumiti siya sa akin. Hawak nito ang kahoy at tinabog ang isang tupa na naligaw sa mga kasama nito. Nag-uusap si Lola at lola Matilda paakyat kami sa rancho medyo bukirin pa nang kaunti pero sa mga katulad namin na sanay sa matatayog na daan ay hindi na kami nahihirapan. Ako nga pala si Rosanna ang tawag sa akin ni lolay ko ay Osang iyon na rin ang nakasanayan ng mga tao. Dito kami nakatira sa Maria Makiling pero sa bundok kami na parte. Ang may-ari ng lupang kinatitirikan namin ay sina Dr. Walter Montenegro. Bata pa lang ako kilala ko na sila mag-asawa madalas ako sa mansyon nila noon sa bayan dahil naging katulong nila si lolay ko. Pero ng mag-edad na si Lola ay umalis na kami sa mansyon at dito na kami tumira sa bundok. Wala akong Nanay at Tatay kasi namatay sa panganganak ang Nanay ko at ang Tatay ko naman hindi ko kilala. Ayon sa kuwento ni Lolay nabuntis daw si Nanay sa Maynila tas tinalikuran siya ng boyfriend niya. Namatay si Nanay sa panganganak sa akin sabi ni Lola ay kawangis na kawangis ko ang Nanay ko. Nakakalungkot lang at lumaki akong si Lolay ang kasama ko. Syempre, masaya naman ako pero iba pa rin ‘yong lumaki kang may pamilya, may Nanay na gagabay sa ‘yo. “Apo, bilis na. Tamang-tama at narito nga ang mga Ninong mo.” Nagulat ako sa aking sarili hindi pala nakapaglakad. Malayo na sina Lola kaya tumakbo ako at naabutan ko sila. Nakarating rin kami sa bahay maganda ang bahay dito sa rancho. Gawa siya sa puno ng Narra tas ang bubong naman ay sem at kahoy na ang konkreto. “Magandang hapon po, Sir Walter.” Magalang si Lola. Tumabi ako agad at bahagyang yumuko. “Magandang hapon po, Sir Walter.” Pagbati ko rin. Lumapit pa ako at nagmano sa kanya. “Sino itong bata? Linday ito na ba si Osang? ‘yong pinaanak ko?” “Naku ‘yan na nga po Sir.” “Aba, dalagang-dalaga kana, iha? Natatandaan mo pa ba ako?” tanong nito sa akin. Umiling ako dahil hindi ko naman talaga natatandaan. Ngunit tumawa lang siya. “Sabagay sampong taon rin kaming nanirahan sa Amerika at eight years old ka lang no’n ang tanda ko nga ay pagkatapos lang ng binyag mo umalis na kami.” Ngumiti lang ako wala kasi talaga akong natatandaan. Marami naman akong natatandaan sa buhay namin sa mansyon pero sa edad ko ng umalis sila nakalimot na ako. “Dad where’s—” Napalingon ako sa boses na ‘yon sa aking likod. Natulala ako nang makita ko ang napakaguwapong lalake sa harap ko. Nakasuot lang siya ng short at walang damit. Tumingin rin siya sa akin at hindi maalis ang mata niya. Hindi pa ako nahimasmasan sa gandang lalake niya nang may naririnig kaming tunog ng paa ng kabayo. Hindi ako nagkamali, may kabayo ngang palapit at sakay nito ang isa pang lalake. Napamaang ang aking bibig dahil sa kakisigan rin ng isa pang lalake. Wala rin siyang damit at namumula ang kanyang dibdib sa tigas ng muscles niya ay parang kaya niyang bumali ng puno. Tumingin rin sa aking ang lalake at bumaba ito sa kabayo. Hinimas nito ang buhok ng kabayo patungo sa leeg saka muling binaling ang tingin sa akin. “K—Kambal ho ba kayo?” hindi ko na napigilan ang aking sarili. “Sila na ang mga Ninong mo apo.” Biglang sabi ni Lola. Muli ay nagulat na naman ako Ninong ko pala sila. “Who is this lovely lady?” ngiti ng lalake. Napalunok ako, ‘yong ngiti niya pa lang parang kakaiba na ang dating sa akin. Hindi ko maipaliwang pero may kung anong paruparo ang tila lumilipad-lipad sa aking puson. “Apo ko po señorito, Osang, ‘diba at may sasabihin ka?” baling sa akin ni Lola. Nagulat naman ako kasi wala naman akong sasabihin. “Mabuti pa at pumasok tayo sa loob at makapagmeryenda kayo Manang.” Sabi ni Don Walter. Nauna ito pumasok sumunod ‘yong dalawang lalake habang kami ni Lola ang nasa likod. “Apo ‘wag ka nang mahiya at baka bigyan ka ng dolyar galing sila sa Amerika—” “Pero lola nakakahiya nga po. Dalaga na po ako Lola hindi na ako dapat namamasko umuwi na lang po tayo.” “What’s wrong?” Napaigtad ako nang lumingon ‘yong isang kambal. Sa akin kasi siya tumingin. Hindi ako nakapagsalita para kasi akong natutunaw sa tingin niya. Si Lola ang nagpaliwanag. “Eh kasi po señorito itong apo ko ay inaanak n’yo po. Gusto niya sanang mamasko sa inyo.” “Lola?” nag-ngitngit akosa kahihiyan. Alam kong namumula na ang mukha ko. Pero ngumiti lang ang lalake at talaga naman parang ano… basta nakakapukaw ng kamunduhan! “That’s okay. Huwag kang mahiya normal lang ang mamasko lalo na at December naman ngayon.” Sabi nito habang hindi maalis ang tingin sa akin. Yumuko na lang ako upang maikubli ang hiya. Tinapik ako ni Lola ng payong niya. Naglakad na ang lalake at sumunod kami ni Lola. Pagkarating sa loob ay pinaupo kami sa bangko. ‘Yong kambal naman ay naupo sila sa silya. “Napakaguwapo n’yo po mga señorito. Nakakatuwa lang at muli ko kayong nasilayan.” Nagdrama si Lola umiiyak ito pero siguro dahil naiiyak talaga siya. Si Lola kasi ang nag-alaga sa kambal ‘yon ang sinasabi niya sa akin noon. Kinakausap ng isang kambal si Lola at pinapatahan nito. “Apo nasaan ba ‘yong panyolito ko at magpupunas ako ng sipon?” Dali-dali kong kinuha ang sako bag nakakahiya talaga si Lola. Pero mas nakakahiya nang suminghot ito at saka nilabas ang sipon sa ilong niya gamit lang ang panyo. Rinig pa namin ang tunog ng sipon ni Lola nakakahiya talaga. Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa hindi naman sa kinakahiya ko si Lola pero nakakahiya talaga eh. “Osang puwede mo ba akong tulungan, neng?” Napaangat ako ng tingin sa sinabi ni Lola Matilda. Kaagad akong tumayo at nilapitan siya. “Opo, Lola Matilda. Ano po ba ang gagawin ko?” “Magiyak ka lang ng repolyo magpapansit tayo. Ayosin ko lang ‘tong isasalang kong maruya.” “Sige po.” Sinunod ko ang utos ni Lola Matilda. Nang matapos ako ay hinugusan ko na rin ito. “Apo, Osang, halika ka muna rito.” Si Lola na pumasok na rin dito sa kusina. Dali-dali itong lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso. “Naroon si señorito Sebatian sa kuwadra lapitan mo na at mamasko ka. Bilis na, apo! Saka Ninong ang itawag mo sa kanya para matuwa siya sa ‘yo.” Hindi ko na talaga mapigilan pa si Lola kaya para matapos na ay sinunod ko na lamang siya. Nagturo ako sa kuwadra ng mga kabayo naroon lang sa likod ng bahay. Si Lola naman ang nagpatuloy sa paghuhugas ko ng repolyo. Narinig ko pa ang boses ni Lola Matilda sa kusina nakabalik na ito. Natanaw ko agad si señorito kausap niya si Lolo Tondong ang asawa ni Lola Matilda. Nakita agad ako ni Lolo kaya ngumiti ito sa akin. “Mabuti naman at lumabas ka ng bahay neng. Paminsan-minsan ay magpainit ka rin sa sikat ng araw.” Sabi pa nito. Bahagya lang akong ngumiti. May inutos si señorito kay Lolo Tondong kaya sinunod agad nito at umalis. Bumaling sa akin si señorito at narito na naman itong kakaibang pakiramdam ko. “M—Magandang hapon po, Ninong. Ahmmm,” kagat labi kong saad. “Yes, what can I do for you?” sabi niya lang. Napalunok ako at buong tapang na umabante sa kanya saka kinuha ko agad nang mabilis ang kanyang kamay at dinala sa aking noo. “Mano po, Ninong. Mamasko po ako.” Saad ko. Hindi nakapagsalita si Ninong kaya mas lalo akong napahiya. Napayuko ako at nilalaro ang aking mga dalire. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ng mga sandaling ‘yon. “Sorry po, Ninong. Nahihiya po talaga ako alam ko pong hindi na ako dapat namamasko kasi malaki na ako. Kahit magkano lang po.” Ang nasabi ko pa. Parang gusto ko na lang maglaho ng parang bula bakit kasi nasabi ko pa ‘yon! Hanggang sa naramdaman kong hinawakan niya ang aking baba at itinaas. Nagpang-abot ang aming mata umiinit ang pisnge ko. “Namumula ka.” Muli akong napayuko pero kaybilis niyang nahawakan ang aking baywang at kinabig ako. Laking gulat ko nang halikan niya ako sa pisnge. “I dislike being treated like elderly; it makes me feel old." “N—Ninong…” sambit ko. Kinilabutan ako sa ginawa niya. “How old are you?” “Nineteen po, Ninong.” Tugon ko. “Magkano ang kailangan mo, inaanak?” Napasinghap ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa batok ko. “Ninong may makakita po sa atin dito. Bitawan n’yo po ako.” "Did you know a 19-year-old can already get pregnant?" “Ninong—” “Osang nasaan ka ineng? Patulong naman dito.” Narinig kong tawag ni Lola Matilda. Sasagot sana ako pero mabilis na tinakpan ni Ninong ang bibig ko at saka tinago niya ako sa sulok. “Sa sobrang ganda mo hindi ka nababagay sa kusina.” Bulong niya sa akin. Lumakas ang tahip ng dibdib ko lalo na at nakayakap na siya sa akin. “N—Ninong hinahanap na po ako ni Lola.” Nanginginig ako sa takot. “Why are you shaking? Hindi kita sasaktan.” Natatawa nitong sabi. “K—kasi po hindi ako sanay na may nakayakap sa akin lalo na at lalake po kayo.” Tugon ko. “Then masanay kana sa akin.” Sagot niya at bigla niya akong hinalikan sa labi. Namilog ang aking mga mata, pero siya nakapikit. Kinagat niya ang labi ko kaya napadaing ako at ‘yon ang pagkakataon niyang pinasok ang dila sa labi ko. Ang kanyang palad ay humahaplos sa aking braso pababa sa aking likod. “Baste?!” Mabilis akong nabitawan ni Ninong at sabay kaming napatingin sa likod niya. Ang kakambal niya. “Dinudusturbo mo ang diskarte ko, eh!” palatak ni Ninong. Tumingin sa akin ‘yong lalake na Ninong ko rin. “Here’s my pamasko. Kunin mo at umuwi kana.” Sabi niya sa akin. Mabilis akong lumapit at kinuha ang inabot niyang sobre. Akmang tatalikod na ako nang mahawakan niya ako sa balikat at para akong kinuryente nang magdikit ang aming balat. Mabilis niya akong binitiwan sa palagay koy naramdaman niya rin ‘yon. “Mano po Ninong.” Sabi ko at kinuha ang kamay niya at dinala sa aking noo. Laking gulat niya sa ginawa ko hindi ko alam kung anong nakakagulat do’n. “Don't tell anyone, especially your Lola, that Baste kissed you. Understood?” Parang mas nakakatakot ito kumpara kay Ninong Sebastian. Ang awra niya kasi ay parang magagalitin na boss ‘yong isang pagkakamali mo lang ay sesanti kana tsaka magmula kanina ay hindi siya ngumingiti. “O—Opo, Ninong.” Sagot ko. “Leave.” Ang lamig pa ng boses niya. Lumingon ako kay Ninong Sebastian nakatingin rin siya sa akin at kagat ang ibabang labi. Binawi ko ang tingin at bumalik ako kay Lola. Kanina ko pa kinukulet si Lola na uuwi na kami. Inabot ko sa kanya ang sobre pero dismayado si Lola dahil bente pesos lang ang laman. Hindi manlang daw ginawang 500 o kahit 100 na lang at nilagay pa talaga sa sobre. Maging ako ay nagulat akala ko nga isang libo ang laman pero bente talaga? “Nagsayang lang tayo ng pagod rito apo. Kaya hintayin na lang natin na maluto ang pansit kahit papaano ay makakain tayo at makadala pa sa bahay.” Hindi ko na lang kinontra si Lola may punto rin naman siya. Hindi nagtagal ay naluto ang pansit naglagay agad si lola sa plastic at nilagay namin sa sako bag. Nagpaalam na kami ni Lola kay Lola Matilda. Pagkarating sa bakuran ay naroon ang mag-aama. Ngumiti agad ang Don sa akin si lola naman ay karinyosa sa Don. Napatingin ako kay Ninong Baste nakilala ko agad siya dahil sa suot niyang short ‘yon lang ang pinagbasihan ko. Ngumiti siya sa akin, ngumiti ako pabalik. Pero ang tingin niya ay bumaba sa aking bestida at eksakto pang lumakas ang hampas ng hangin kaya pumaitaas ang bestida ko. May hawak pa akong sako bag at sa isa kong kamay ay plastic ng maruya. Hindi ko agad naibaba ang bestida ko. Wala pa naman akong short kasi poro labahin hindi pa kami nakakabili ng sabon. Kitang-kita ko ang pagbaba ng tingin ni Ninong Sebastian ko sa aking hita. Gumagalaw-galaw ang adams apple nito at tila bumigat ang paghinga. Naibaba ko naman agad at humina na ang hangin. “Mauuna na ho kami. Salamat po.” Wika ng Lola niya. Binawi ko ang tingin kay Ninong Sebastian pero napatingin ako sa isa ko pang Ninong na hindi ko alam ang pangalan. Hindi maipinta ang mukha nito para akong kakaining buhay sa hitsura niya. Yumuko na lang ako at naglakad ng mabilis. Magkahawak kamay kami ni Lola pababa ng bukirin. “Sa susunod apo hindi na tayo babalik dito pinagod lang tayo sa bente pesos sus maryosep Ginoo.” Muli na naman akong naawa kay Lola. Napapaisip nga rin ako, sa yaman nila grabi naman ‘yong bente pesos. Sa inis ko ay nilingon ko uli ‘yong Ninong ko. Gusto kong tandaan ang mukha niya pero napaso lang ako sa masamang pukol na tingin niya. Sinundan niya pala kami ng tingin kaya umiwas agad ako at hindi na lumingon pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD