BINUKSAN ko ang baon kong nakalagay sa dahon ng saging. Pinagtatawanan na naman ako ng mga kaklase ko kasi parang panahon pa daw ni kupong-kupong dahil sa dahon lang ang baunan ko. Paano kasi nginatngat ng daga ang takip ng baunan ko at wala pa naman kaming pera kaya hindi makabili sa bayan.
Tumayo na lang ako at unalis sa canteen. Naghanap ako ng puwede kong mapuwestuhan pero lahat na lang may mga estudyante.
Nagtungo ako sa banyo at doon ako sa gilid kumain. Mabuti pa dito walang—
“What are you doing here?”
“Ay kabayo! Ano ba naman ‘yan bakit ka ba nangugulat— Sir? Si Prof. Stanford na siya rin ang Ninong ko.” sambit ko nang matingala ko siya. Nakatingin siya sa baon ko.
“Why are you here?” kunot noo niyang tanong.
“Kakain po,” tugon ko.
“This restroom is for males not a place to eat. Kapag nabastos ka dito kasalanan mo pa.” Dugtong niya.
“Wala—”
“Follow me!” maotoredad niyang turan. Tumalikod siya at naglakad pero hindi ko siya sinunod. Napansin niya kaya lumingon siya.
“Huwag mong hintayin na ipabuhat kita sa guard!” Turan niyang muli, tumalikod na at dire-diretsong naglakad.
Walang akong nagawa baka totohanin niya. Nilagay ko sa bag ang baon ko at sumunod sa kanya.
Napagod ako sa ikalimang palapag sa kakasunod sa kanya. Kung bakit doon pa niya pinili ang opisina niya. Hindi naman ako napagod sanay ako at matibay ang tuhod ko.
Pumasok siya sa office niya at sumunod ako. Pinasara niya sa akin ang pinto binuksan niya ang mga bintana kaya pumasok ang hangin.
“Bakit po, Ninong?” tanong ko.
“Address me as 'Professor' during school hours.”
Napakunot ang noo ko, masyado siyang bossy. Hindi manlang nilagyan ng please. “Okay, sir. Bakit mo ako pinasunod dito?” tanong ko uli. Naupo siya sa lamesa at nagcross-arms.
“Kumain kana.” Sabi niya.
Hindi na lang ako kumibo at naupo ako sa semento pero muli na naman siya nagsalita.
“Bakit diyan ka kumakain? Use this table, sit here.”
Umalis siya sa lamesa at lumapit sa pinto. Sinunod ko siya doon ako sa upuan at nilagay ko ang baon ko sa lamesa. Bumalik siya at umupo sa harap ko. Hindi na ako nahihiya kasi alam naman niyang laking hirap ako.
Binuksan ko na ang dahon ng saging na tinalian pa ni lola. Nilatag ko sa lamesa niya sumalubong sa akin ang bango ng kanin. Masarap pa ang bigas dahil malutong ang pakasaing ko.
Kinuha ko ang kutsara ko at nagsimula na akong kumain.
“Saan ang ulam mo?” taka niyang tanong. Kinuha ko ang baon kong tubig at nilapag ko sa lamesa.
“Ito po Sir ang ulam ko.” Sagot ko at nilagyan ko ng tubig ang kanin saka kinuha ko pa ang asin at nilagay ko sa tabi ng kanin ko.
“Asin po at tubig ang ulam ko, Sir.” Sagot ko.
Nagulat siya, napasandal siya sa upuan at talagang hindi siya makapaniwala. Nakailang subo na ako saka siya nagsalita.
“Bakit wala kang ibang ulam? Ang asin ay hindi ulam.”
Tumawa lang ako. “Wala naman akong ibang ulam anong magagawa ko. ‘Yong benteng pamasko n’yo po sa akin ay binili ko ng asin kaya marami-rami pa akong asin na uulamin sa mga susunod na araw.”
Hindi nakapagsalita si Ninong tiningnan ko siya nakikita kong naawa siya sa akin at parang nakunsensya pa na sa yaman nila bente lang ang pinamasko niya sa akin.
“Don’t eat this, kakain tayo sa canteen.” Bigla niyang inagaw sa akin ang baon ko.
“Sir hindi po puwede ang mamahal po ng ulam sa canteen wala akong pambayad.” Mariin kong pagtanggi.
“Ako ang magbabayad Rosana.”
Ito ang kauna-unahan niyang binanggit ang pangalan ko. Kanina sa first period hindi niya nga ako nililingon kahit pa nagtaas ako ng kamay.
“Pero ayaw ko nga po saka ma-isyu tayo ng mga estudyante.”
Bumuntong hininga siya. “Okay, fine. Magpapahatid ako ng pagkain. Huwag mo nang kainin ‘yan.”
Kinuha niya ang telepono at may tinawagan sa ibaba. Sinunod ko na lang siya pero binalik ko ang baon ko sa bag at sayang naman kung itatapon ko ang mahal pa naman ng bigas.
Nang maibaba niya ang telepono ay muli siyang tumingin sa akin. Sinalubong ko ang tingin niya.
“Bakit mo po ito ginagawa, Sir?”
“Masyado kang maraming tanong.” Sagot niya. Binuksan niya ang laptop niya at doon nag-focus.
“Kumusta na po si Ninong Sebastian ko? hindi pa ako nakakapamasko sa kanya. Baka malaki ang ibibigay niya sa akin sayang at makabili na kami ng tuyo isang buwan namin ulam.”
Hindi pa rin siya kumibo nagpatuloy siya sa pagtype sa laptop niya. Mamaya lang ay dumating na ang order niya tatayo sana ako pero siya ang unang tumayo.
“Stay here.”
Bumalik ako sa pagkaka-upo at hinayaan siya sa labas. Nilingon ko siya naroon siya sa bukana ng pinto at maliit lang ang pagkakabukas kaya hindi makita na nandito ako sa loob. Pagkatapos ay sinara niya ang pinto.
“Lock the door.”
Tumayo ako at ni-lock ko ang pinto. Bitbit niya ang dalawang plastic at nilapag sa mesa.
May disposable na plato at kutsra saka bottled water ‘yon na ang ginamit namin.
“Napakaraming ulam, Sir.” Bulalas ko at talagang nakakatakam.
“Kumain kana.”
Tinalian ko pa ang buhok ko para hindi sagabal sa pagkain ko. Hindi na ako nahiya dahil kumukulo na ang sikmura ko.
Naglagay ako ng kanin at saka adobong manok. Pinuno ko ng sabaw sa paligid at humigop rin ako.
“Grabi ang sarap ng sabaw sana dinamihan nila.”
“Sarsa ang tawag niyan, Rosana.” Pagtatama niya sa akin.
Tumango lang ako dahil puno na ang bibig ko. Kumuha pa ako ng menudo at ‘yong isa na pusit saka ‘yong isa pa na may itlog na may sili. Hindi ko alam ang tawag ng ulam na ‘yon at sobrang sarap.
Alam kong pinagmamasdan niya ako pero wala akong pakialam.
“Ahdddcuaggd.”
“Don’t talk when your mouth is full.” Sabi niya. Tumingin ako sa kanya. Dismayado si Prof sa akin. Ang gusto ko lang naman sabihin ay napakasarap ng mga ulam.
Naubos ko na ang isang cup ng rice samantalang siya nasa kalahati pa lang. Tumingin siya sap lato ko na wala ng kanin. Inabot niya sa akin ang isang platito na may extra rice. Kinuha ko at nilagay sa pinggan ko. Sinunod niya ‘yong dinuguan at kinuha ko agad. Ilalagay ko sana sa pinggan ko nang maalala ko si Lola.
Pinasadahan ko ng tingin ang lamesa tatlong putahe pala ang naubos ko. Si Ninong fried chicken lang ang inulam niya.
“What?” takang tanong niya nang matigilan ako.
Itinabi ko ang dinuguan at nginuya ko ang pagkain sa bibig ko. Uminom ako ng tubig at saka ako nagsalita.
“Akin na lang po itong dinuguan Sir i-uuwi ko po kay Lola.”
“Mapapanis na ‘yan kainin mo na—”
“Hindi po kasi iinitin ko naman po saka kawawa naman si lolay ko kahit hindi niya sabihin alam kong nauumay na siya sa okra at talong.”
“Kainin mo na ‘yan Rosana bibili na lang tayo mamayang hapon pag-uwi mo.”
“Hindi na po sir busog na ako. Huwag n’yo na lang po akong pigilan. Alam n’yo ba na mula no’ng umalis si lola sa mansyon ninyo hindi na siya nakakain ng masasarap na pagkain? Alam kong hinahanap-hanap rin ni lola ko ang masasarap na ulam. Kaya ‘wag n’yo na po akong pigilan.” Pagsusumamo ko sa kanya. Mabuti at naawa yata siya sa akin kaya hinayaan niya na lang ako.
Tinapos niya ang pagkain niya samantalang ako kumakain na lang ng buko salad. Grabi ang laki-laki ng tiyan ko ngayon daig ko pa ang manganganak. Pero okay lang ang sarap naman ng mga kinakain ko, eh.
Natapos na rin si Ninong ko kumain. Tinulungan ko na siya na magtapon ng mga ginamit namin. Siya naman nagsipilyo sa lababo dito sa opisina niya.
Bumalik ako sa loob at kinuha ko ang bag ko. Natapos rin siya sa pagsepilyo.
“Aalis na po ako, Sir. Salamat po sa masarap napakasarap talaga.” Sabi ko. Hindi siya kumibo sa halip ay dumukot siya ng pera sa wallet niya at inabot niya sa akin.
“Ano po ‘yan?” tanong ko.
“Dagdag ko sa pamasko ko sa ‘yo. Kunin mo na ‘to at bumili ka ng baunan at—”
100 pesos? Ano ang mabibili sa 100 pesos eh baunan 35 pinakapangit na ‘yon.
“Huwag na po Sir pinakain n’yo na po ako nakakahiya naman kung kukunin ko pa ‘yan. Salamat po uli.”
Mabilis akong tumalikod at malalaki ang hakbang ko palabas. Bumaba agad ako ng hagdan at sa pagmamadali ko nga ay bumunggo pa ako sa kasalubong ko.
“Sorry.” Agad na hingi kong pasensya. Lalagpasan ko na sana siya nang mahawakan niya ako sa braso.
“Gomez, okay ka lang?”
Pagtingin ko ay si Allan pala ang kaklase kong matalino. Magkaklase kami sa limang subject.
“O—Oo. Okay lang.”
“Narinig ko kanina pinagtatawanan ka na naman nila Shiela dahil sa dahon ng saging.”
“Oo nga eh pero ayos lang sige Allan pupunta pa ako ng library.”
Tinalikuran na siya pero sumunod pala siya sa akin. Hinayaan ko na lang hanggang nakarating kami doon. Nahanap ko ‘yong libro at agad kong binuklat.
“Mahihhirapan ka sa libro Gomez mas maganda sa internet ka na lang maghanap mas madali doon.” Saad niya.
“Okay lang.” Sagot ko. Totoo ang sinabi niya sa makabagong teknolohiya mas madaling matuto sa internet search mo lang sa google at saka bihira na ang mga gumagamit ng google ngayon. May mga computer naman dito pero walang wifi kaya limitado pa rin. Saka sayang ang pera ang bente pesos isang oras lang sa internet café.
Kinuha ko na lang ang isang libro at naupo ako at nagbasa na lang ako. Napansin ni Allan na hindi ako interesado sa kanya kaya umalis na rin siya.
Bago pa pumatak ang ala ona y media lumabas na ako sa library at nagtungo na sa first period ko.
MABILIS na natapos ang oras alas syete na ng hapon. Dapat kanina pang alas sais ang labas ko pero natagalan ako kasi kinopya ko pa kay Marlene ang pina-serox niya. Hindi nga lahat nakopya ko kinuha ko lang ang mga importante na alam kong lalabas sa exam. Tas hinatid ko pa sa room niya usapan namin isasauli ko sa kanya sa last period niya. Ayaw ko naman mawala ang tiwala niya sa akin at baka sa susunod hindi niya na ako pakokopyahin.
Dumiretso na ako sa room niya sa 208. Sumilip ako sa pinto ngunit nagulat ako nang magsalubong ang tingin namin ni Ninong ko. Nagtuturo ng law 1 si Ninong? Ano kaya ang natapos niya kasi siya din ang prof namin sa philosophy.
Binawi ko ang tingin at pumagilid ako saka ko tinawag nang mahina si Marlene. Tumayo ang kaklase ko at lumapit sa akin inabot ko agad sa kanya ang photocopy.
“Salamat Marlene basta ha sa susunod pakopya ako uli.” Nakangiti kong sabi.
“Basta isauli mo lang sa akin nang maayos walang problema, Osang.” Sagot niya.
Nagpaalam na ako at umalis na ako hindi ko na nilingon pa si Ninong.
Palabas na ako ng campus may mga ilaw na sa bawat poste pero kakaunti na lang ang mga estudyane sila Ninong na lang ang huling klase.
“Rosana?”
Napalingon agad ako sa tumawag sa akin. Si Ninong ko!
“Sir bakit po?” takang tanong ko dahil tumakbo talaga siya. Tumingin siya sa relo niya at kunot ang noo.
“Alam mo ba kung anong oras na? dapat kanina ka pa nakauwi six pa ang huling klase mo.” Turan niya.
“Paano n’yo nalaman?” Ako naman ang kumunot ang noo.
“Sumama ka sa akin sa room. Hintayin mo ang klase ko thirty minutes na lang ihahatid kita pauwi.”
Tumawa ako. “Hindi n’yo po alam na sa bundok ako nakatira. Dadaan tayo ng ilog, tulay at dalawang bundok pa ang lalakbayin tas dadaan pa sa gubat at bundok ulit. Alas dos ng madaling araw tayo makakarating sa amin.”
Laglag ang panga niya sa sinabi ko. Hindi siya makapaniwala pero dahil gawa-gawa ko lang ‘yon. Ilog lang naman ang dadaanan tas paakyat na sa bundok. Baka alas nueybe ay nasa bundok na ako pero dahil gusto ko siyang takutin.
“Okay. Just wait me here at tatapusin ko na ang klase ko para makaalis tayo agad.”
Napamaang ako sa sinabi niya at muli siyang tumakbo pabalik sa room niya.
Naglalakad ako, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Pero baka nagbibiro lang siya malaking kalokohan ‘yon kung ihahatid niya ako.
Hindi ko na hininintay si Prof Stan at dumiretso na ako hanggang sa labas. Maaga pa naman at may mga streetlights naman kaya lalakarin ko na lang sayang ang pamasaheng bente sa traysikel.
“Hey!”
Narinig ko ang boses na ‘yon pero hindi ko pinansin at mas lalo akong binilisan sa paglalakad.
“Rose, wait! Rose?”
Naabutan ako at nahawakan sa aking bag. Paglingon ko ay si Prof ulit.
“Sir sabi ko naman ‘wag n’yo naman akong ihatid sa bundok. Asikasohin mo na lang ang mga estudyante mo po!” inis kong turan.
“What are you talking about?”
Nagulat ako. Tiningnan ko ang damit niya nakasuot siya ng itim na damit eh kanina si Prof nakapulo.
“Ninong Sebastian?”
“Ako nga. Bakit gabi kana uuwi ka pa sa inyo?”
“Opo, Ninong. Akala ko po kayo si Prof Stanford. Nakalimutan ko magkakambal pala kayo. Ay maiba ako, Ninong. Hindi pa kayo nagbibigay sa akin ng Aguinaldo. Malapit na ang Christmas party namin baka naman po gusto ko sumali sa Christmas party kaso wala akong isusuot at walang pambiling regalo.” Kinapalan ko na ang mukha ko baka kasi itong isang Ninong ko ay galante hindi katulad ni Prof. Ninong Stan napakuripot.
“Okay. Pero wala akong dalang pera ngayon bukas bibigyan kita. Ihahatid na kita sa inyo.”
Napangiti ako. Tiyak malaki ang ibibigay niya.
“Salamat po Ninong pero ‘wag n’yo na akong ihatid at malayo po ang bahay namin. Naroon po sa tuktok ng bundok saka maliit lang ang kubo namin wala kayong matutulugan doon.”
“It’s okay, Rose. Ang mahalaga ay safe ka pauwi.”
“Pero kasi—”
“No buts. Let’s go!” mabilis niya akong hinawakan sa kamay at pinapasok sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung paano ang gagawin niya dito sa kotse niya hindi naman ito makakatawid sa ilog at lalong hindi makakaakyat sa bundok.
Pero bahala sumakay na lang ako. Pumasok na rin si Ninong Sebastian at umandar na ang sasakyan.
Bigla kong naalala si Prof. Stanford kaya napalingon ako sa gate. Napanganga ako at biglang kumabog ang dibdib ko nang makita ko siyang lumabas sa gate at palinga-linga.
“Ninong Sebastian bumalik po tayo si Ninong Stan po ‘yong kambal n’yo po nandoon sa gate hinintay—”
“Hayaan mo ang gagong ‘yon, Rose.” Putol niya sa sasabihin ko at biglang pinaharorot nang matulin ang kotse. Wala akong nagawa kundi ang kumapit na lang sa gilid.