Chapter 4

1082 Words
Sabay kaming nagpaenroll ni Abel sa University na pinapasukan niya. Natuwa ako sa laki at ganda ng eskwelahan. Naexcite ako dahil college na ko at mag aaral ako kung saan nag aaral si Abel. Mas naexcite at natuwa ako dahil doon na ako sa condo niya titira, malapit lang kasi yun sa school kumpara sa bahay nila Abel. Hindi ako makapaniwalang mangyayari yung ganito sa buhay ko. Pangarap ko lang dati na makita siya pero ngayon makakasama ko pa siya sa iisang bubong. Kumain kami sa canteen pagkatapos namin magpaenroll. May mga lumapit saming mga lalake. Team mate ni Abel namukhaan ko sila dahil napapanood ko din sila. Natuwa ako na makita din sila sa personal. "Huy may bago." Sumulyap sakin yung isang lalake tapos siniko si Abel. Si number 6 yun. Sa dalas ko silang panoorin kabisado ko na yung mga jersey number nila. Number 1 si Abel dahil yun daw yung birthday niya. "Bagong chicks." Number 24 said. "Wala na ba kayo ni Barbie?" Tanong ni number 15 "Gagu, inaanak yan ni Mommy." Sabi ni Abel. "Talaga! Hindi mo chicks." Number 28 said "Hi I'm Hanz!" Nakipag kamay sakin si number 17. "I'm Brent." Nakipag shakehands din si number 31. "What's your name?" He asked. "I'm Divina Jin Park but you can call me Vi" "Park? Koryana?" "Yes I'm half filipina half korean". Sagot ko. "Mga gagu kayo bata pa yan eh." Naiiritang sabi ni Abel. Naiinis akong parati niyang sinasabi na bata pa ko. Bata pa yung tingin niya sakin. Narinig kong nakipagtalo siya sa Mommy niya dahil ayaw niyang pumayag na doon ako sa condo nya magstay. Wala lang siyang nagawa kaya pumayag na din siya. Sinabihan din kami ni Mommy na magturingan daw kaming magkapatid at tawagin ko daw si Abel na Kuya. Syempre ayoko. Ayoko siyang maging kapatid dahil mapapangasawa ko siya. Pinagalitan ako ni Mommy nung sinabi ko yun. "Vi may practice kami ng basketball. Kaya mo na bang umuwi mag isa? Alam mo na kung saan yung condo natin diba pwede mo yun lakarin. O kaya magtaxi ka na lang." "Bakit? Doon din ba siya sa condo mo?" Tanong ni number 10. "Oo." Matipid niyang sabi "Woah kaya pala halos hindi ka na lumalabas ng condo mo eh." Number 42 giggled. Sinamaan lang sila ng tingin ni Abel. "Isabay ko na siya Bro babalik din ako sa condo may kukunin ako?" Brent said smiling. Hindi nagsalita si Abel. Parang nag iisip siya. Tumayo na yung ibang teammate ni Abel para pumunta sa court. "Let's go?" Brent smiled at me. "May babalikan din pala ko sa condo." Napakamot ng ulo niya si Abel. Hinawakan niya ko sa wrist ko tapos umalis na kami. "Anong babalikan mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa parking. "Wala. Ihahatid lang kita pabalik dun." Sagot niya. "Talaga, sabi mo may kukunin ka eh." "Dahilan ko lang yun." "Bakit ka nagdahilan?" Tanong ko pa. "Huwag ka na nga lang magtanong." Inistart na ni Abel yung kotse niya. "Vi hindi lahat ng sasabihin ng iba kailangan mong seryosohin ha. Hindi lahat kailangan mong sundin. Alam mo naman siguro yung tama sa mali. Matanda ka na." Sumulyap siya sakin tapos diniretso na niya yung paningin sa kalsada. "Parati mo nga sinasabi na bata pa ko eh." Napakamot siya ng ulo. "Bata ka pa para sa ibang bagay." "Sayo lang naman ako sumusunod eh. Lahat ng sabihin mo pinaniniwalaan ko tsaka sinusunod ko." I smiled at him "Kaya sumunod ka sakin ngayon. Huwag kang sasama kapag may nagyaya sayong lalake. Lalo kay Brent huwag ka sasama sa kanya okay. Malalagot ako kay Mom kapag may nangyari sayo. Sakin ka lang sasama ha." Tumitig siya sakin. Parang tumatagos sa puso ko yung bawat salitang sinasabi niya habang nakatitig siya sakin na ang tanging magagawa ko lang ay umayon sa mga yun. "Okay!" "Promise?" He asked "Promise." I smiled at him. He raised his right hand for a high five. Nakipag apir naman ako sa kanya. Kinilig ako nung nginitian niya ko. Noon lang siya ngumiti sakin dahil sa pangako ko kaya kailangan kong tuparin yun. Kailangan sumunod lang ako sa mga gusto niya, magiging masaya siya dun. Binuksan ko yung pinto ng makarinig ako ng doorbell. Babae yung bumungad sakin. Tumaas yung isang kilay niya ng makita ako. "Who are you?" She irritably asked. "Nasan si Abel? Sino ka? Ano ka niya?" "Asawa niya." Mahina kong sabi. Baka marinig kasi ni Abel ayaw niyang sinasabi ko na asawa ko siya. "Anooo?" Pasigaw niyang sabi. Mas lalo siyang nagalit. Gusto niyang pumasok sa loob pero hindi ko siya pinapasok. Isa sa bilin ni Abel na huwag magpapasok ng kung sino sino sa condo namin kaya kailangan ko yun sundin. "Padaanin mo nga ko. Hoyy Abel. Lumabas ka nga jan." Sigaw niya. "Naliligo siya. May ginawa kasi kaming masarap kanina eh." I smiled. Tinuruan ko si Abel gumawa ng kimchi natuwa siya dahil masarap daw. "Damn bitch.. hindi mo ba ko kilala?" She yelled at me. "Sino ka ba?" Tinitigan ko siya. Medyo pamilyar siya. Mukha siyang artista. Naalala ko yung artistang si Barbie Impanada. "Barbieeee." Naexcite ako. "Ikaw nga napapanood kita nung nasa Korea pa ko" "Abeeell." Sigaw uli niya. "Naliligo nga siya eh. Malakas kasi yung amoy nung katas kaya kailangan niya maligo ng mabuti." "Pinaglololoko mo ba ko?" Hinablot niya bigla yung buhok ko. "Aray!" Daing ko dahil masakit yun. Saktong hawak ko yung cellphone ko kaya naisipan ko siyang videohan. "Sige sige ipopost ko to." Bigla niya kong binitawan. Natakot siguro dahil may viral scandal na siyang nang away dati. "What's going on here." Lumapit si Abel na nagpupunas pa ng basang buhok. Nabitawan niya yung tuwalya ng makita si Barbie. "Ano to Abel?" Tanong ni Barbie. Pinulot ko yung tuwalya. Ako na yung nagtuloy magpunas ng buhok ni Abel dahil tumutulo pa yun. "Let's talk." Sabi ni Abel. Hinawakan niya sa palapulsuhan si Barbie para ipasok sana sa loob ng condo pero hinawi ni Barbie yung kamay niya. Ang sama ng tingin niya sakin habang pinupunasan ko si Abel. Hinawi ni Abel yung kamay ko para siguro tumigil na ko. Hindi na nagsalita pa si Barbie. Tinapunan niya kami ni Abel ng masamang tingin bago siya umalis. Sinundan pa siya ni Abel pero nagmadali na siya. Hindi na siya hinabol ni Abel. Naalala ko na nalink si Abel kay Barbie. So totoo siguro na silang dalawa. Bigla akong nasaktan. Agad din akong napangiti dahil siguradong magbebreak na sila ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD