Chapter 5

1433 Words
First day of class. Karamihan sa mga kaklase ko ay lalake at iilan lang kaming babae. Natuwa ako dahil mababait sila. May friends na agad ako si Lucille and Macy. Pumunta kami sa canteen nung breaktime. Natuwa akong makita dun si Abel nilapitan ko siya. "Abe-" natigilan ako. Naalala ko yung sinabi niya na tawagin ko siyang Kuya sa school. "Kuya" Tumingin siya sakin. Ngumiti siya nang makita niya ko. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi niya. "Hindi ka ba nahirapan pumasok kanina?" He asked. Naunang pumasok si Abel kaninang umaga. Magkaiba kami ng schedule pero may araw na same schedule kami kaya pwede kami magsabay. "Hindi. Sumakay ako ng jeep." Ngumiti ako. "Sabi ko magtaxi ka eh" "Enjoy ako sa jeep. Siksikan nga lang wala ako maupuan." "Edi nasiksik ka lang" "Gumaya ako sa nakasabit." Pinitik niya ko sa noo. "Malapit lang naman kasi. Nilibre nga ako ng bayad nung kasama kong nakasabit." "Tsk tsk. Sabi ko magtaxi ka na lang eh hindi ka na naman sumusunod sakin." He rolled his eyes. Mukhang nainis siya sakin. "Promise last na yun." Ayokong magalit siya sakin kaya hindi ko na yun uulitin. Dumating yung iba pang teammate ni Abel binulungan niya ko na bumalik na sa table ng mga kaibigan ko kaya bumalik na ko dun. "Bakit kilala mo si Abel?" Tanong ni Lucille. "Asawa ko kasi siya." Kinikilig kong sabi . "Weh?" Macy giggled. "Bakit Kuya tawag mo?" "For now Kuya ko siya pero later on mapapangasawa na." Tumingin ako kay Abel sa table nila. Kinilig ako ng tumingin din siya sakin. Wala ng gf si Abel dahil nagbreak na sila ni Barbie. May pag asa na ko sa kanya. Iniisip ko kung ano ba mga gusto ni Abel sa babae. Nagsearch ako sa internet baka may mga article o past interviews siya tungkol sa ganun. Napanood ko yung interview nila ng team nila kay Boy Abundat tinanong siya kung ano ang gusto niya, s*x or chocolate? Sumagot siya ng s*x. Mas gusto niya yung s*x kaya pala hindi niya tinanggap nung binigyan ko siya ng chocolate sabi niya hindi siya mahilig dun kasi s*x pala ang gusto niya. Bibigyan ko ba siya ng s*x. Pwede din naman, sabi ni Mama ibibigay ko lang daw yung sarili ko sa lalakeng mahal ko. Mahal ko naman si Abel kaya ibibigay ko sa kanya. Naexcite ako. Katatapos ko lang magluto ng para sa dinner namin ng dumating si Abel. Agad kong hinanda yung table para sa dinner namin. Natutuwa siya sa mga luto ko at nasasarapan siya. Tinuruan ako ni Mama magluto kaya marami akong alam na filipino dishes. "Abel". Tawag ko sakanya habang kumakain kami. "Uhm." Tumingin siya sakin. "Tabi tayo matulog mamaya." Nasamid siya sa kinakain niya binigyan ko siya ng tubig. "Tapos magsex tayo!" Naibuga niya yung tubig na ininom niya at panay ang ubo niya. "Ano na naman ba yang trip mo?" Sabi niyang panay ang ubo. "Diba gusto mo ng s*x. Let's have sex." I smiled at him. Willing talaga ko ibigay sa kanya. Matagal ko na siyang mahal kaya ibibigay ko lahat sa kanya. "Vi ano ba!" He yelled at me. "Why? Diba gusto mo yun, gusto ko din." Napakamot siya ng ulo niya. "Nagka bf ka na ba or date?" Naalala ko yung nabasa ko sa internet na mas gusto ng mga lalake yung may experience na, mas nasasarapan daw sila sa ganun. "Ahm marami akong nakadate sa Korea." Gusto kong isipin niya na may experience na ko kahit wala. Gusto kasi ni Mama magbf ako kapag 18 na ko. When i reached 18 dumating na sa buhay ko si Abel kaya siya na lang ang gusto ko at wala ng iba. "Abel let's have s*x. Fvck me". Naging madalas ko ng banggitin kay Abel yung salitang yun. Pero hindi niya sineseryoso. Wala talaga siyang planong angkinin ako. Hindi ba niya ko gusto. Hindi siya nagagandahan sakin o talagang ayaw niya sakin. Nabasa ko sa internet na gusto ng mga lalake yung aggressive kaya ganun yung ginawa ko. Naging agresibo ako sa mga kilos sa kanya. Gusto kong magustuhan niya ko. Parati akong dumidikit sa kanya kapag nasa bahay. Sa School kapag wala akong klase madalas ko siyang hanapin pero lahat yun binabalewala lang niya. At ngayon meron na uli siyang iba si Nathalia na kailan lang niya nakilala. Ang sakit sakit. Hindi maubos ubos yung luha ko habang nag do-drawing ako. Marami na ring nakakalat na papel sa sahig. Hindi uuwi si Abel. Mula ng tumira ako dito ngayon ko lang siya hindi makakasama. At dahil yun sa may kasama siyang iba. Nagising ako ng makaramdam ng ngalay. Nakatulugan ko pala yung pag iisip kagabi. Napatingin ako sa oras 2am na. Naisip ko si Abel at naalala ko na naman na hindi siya uuwi dahil magkasama sila ni Nathalia. Nasaktan na naman ako. Napatingin ako sa pinto nang parang may nagbubukas dun. Si Abel. Dinantay ko uli yung ulo ko sa table at nagkunyaring natutulog. "Tsk tsk." I heard him hiss. Feeling ko nakatayo siya sa tapat ko. Pinagmamasdan ako. Nagalit siguro siya na doon ako natulog. Nakakarinig ako ng tunog ng papel. Bahagya akong nagmulat para silipin siya. Nakita kong isa isa niyang pinupulot yung sketch papers na nagkalat sa sahig at tinapon yun sa basurahan. "Vi." Niyugyog niya yung balikat ko para gisingin ako pero ayoko siyang makaharap at makausap. Sobrang sama ng loob ko kaya nagpanggap pa rin akong natutulog. Maya maya ay naramdaman ko yung isang braso niya sa likod ko at ang isa ay sa bandang legs ko. Nararamdaman kong umaangat ako, binubuhat niya ko. Nagmulat ako ng mata. Yung mukha niya yung bumungad sakin. Naaamoy ko siya. Sa tuwing niyayakap ko siya gustong gusto ko siyang inaamoy pero ngayon ibang iba yung amoy niya. Amoy babae. Nadagdagan pa yung sama ng loob ko. Narinig ko yung tunog ng doorknob. Maya maya ay naramdaman ko sa likod ko yung kama. Hiniga niya ko sa kama ko. Kinumutan niya ko. Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama. Feeling ko pinagmamasdan niya ko. Hinawi niya yung buhok kong nasa mukha ko. Naramdaman kong tumayo na siya. Nagmulat ako ng mata papalabas na siya ng kwarto ko hanggang sa marinig ko na yung pagsara ng pinto. Bumangon ako pagsara niya ng pinto. Feeling ko dun lang ako nakahinga ng maluwag. Alas dos pa lang, sabi niya umaga pa siya uuwi. Sumilip ako sa pinto ng kwarto ko nakita ko siyang pumasok sa CR may dala siyang towel maliligo siya. Humiga uli ako sa kama. Naiiyak na naman ako. Naalala ko nung nagpunta ako sa gymnasium. Niyaya ko siyang maglunch pero ang sabi niya may practice pa siya ng basketball kaya hindi niya ko masasabayan pero nung dumating si Nathalia at niyaya siya agad agad siyang sumama. Nainis ako kaya naisip kong sumama kay Brent pero paglabas namin sa gymnasium umayaw din ako nagdahilan na lang ako na may klase ako. Bigla ko kasing naalala yung promise ko kay Abel na hindi ako sasama sa ibang lalake lalo kay Brent. Sumusunod ako sa lahat ng gusto niya dahil ayokong magalit siya sakin gusto kong magustuhan niya ko pero parang wala naman patutunguhan yun. Nagmumukha na din akong tanga na hinahain ko yung sarili ko sa kanya pero paulit ulit naman niya kong tinatanggihan. Mahigit isang buwan ko ng ginagawa yung ganito. Nakakapagod na din. Bumalikwas ako ng bangon ng magising kinabukasan. Napatingin ako sa oras 11 ng tanghali. Hindi ko alam na nakatulog pala ako uli ng madaling araw. Agad akong bumangon dahil male-late na ko sa klase ko. Pagtingin ko sa dining table may nakahandang pagkain. Corned beef, fried rice, egg. Marunong magluto si Abel pero bihira lang niyang gawin. Himala yata na nagluto at kumain muna siya bago pumasok sa school. Alas dos na siya nakauwi tapos may pasok pa siya ng 9am malamang napuyat siya. Kumain muna ko bago ako naligo. Naglalakad ako papunta sa library. Masasalubong ko si Abel kasama na naman niya si Nathalia. Ayoko silang makita. Naisip kong pumunta sa canteen. Liliko sana ko sa right side ng tawagin ako ni Clyde na nasa likuran ko. kaklase ko siya. "Vi!" Sinabayan niya ko maglakad. "Annyeong!" I smiled at him. "Are you going to the library?" Nakangiti niyang tanong. "Sana, pero nagutom ako kaya pupunta muna ko sa canteen." "I'm going there too. Sabay na tayo". Kinuha niya yung bitbit kong plates tube case para bitbitin niya. Lumiko na kami sa right side bago pa namin masalubong sila Abel. Hindi ko na siya tinignan. Sumasama lang ang loob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD