Chapter 3

1501 Words
(Divina's POV) Pinunit ko yung sketch at nilukot yun bago ko ibagsak sa sahig. Marami na pala kong sketch na nakakalat sa sahig. Nababasa kasi yun kapag napapatakan ng luha. Luhang dala ng kirot na nararamdaman ko ngayon sa puso ko. Hindi uuwi si Abel dahil kasama niya yung babaeng nakilala niya sa canteen. Kitang kita ko ng lapitan niya yung babaeng yun. Nung isang araw lang nangyari yun pero ngayon kasama na niya, kayakap niya. Samantalang ako mahigit isang buwan na niya kong kasama dito sa condo, ginagawa ko naman lahat para magustuhan niya pero parati pa rin niya kong tinutulak palayo. Isang buwan na yun. At mahigit isang taon ko na rin siyang minamahal. Sa Korea ako namulat, doon yung nakagisnan kong lugar pero minulat ako ni Mama sa tradisyon at kulturang Pilipino. Mahilig akong manood ng mga Filipino TV series at movies sa internet. Kahit news and current events sa Pilipinas ay updated din ako. Nasanay din ako sa wikang Pilipino dahil ganun kami mag usap minsan sa bahay. Pati yung Papa kong koreano ay marunong din magtagalog. Gusto niyang pareho kong matutunan ang Korean at Filipino language para kahit saan daw ako mapunta, makakaintindi ako. Noong mamatay siya wala pang isang taon nag asawa uli si Mama ng isa ding Koreano na may kambal na anak na babae, parati nila akong binubully. Hindi ko na kinaya nung saktan nila ko. Wala naman magawa si Mama at ang tanging ginawa lang niya ay iuwi ako dito sa Pilipinas. Noong una ayoko. Ayokong mahiwalay kay Mama dahil siya na lang yung pamilya ko. Wala akong kapatid. Nawala na din si Papa kaya ayokong pati kami magkalayo din. Nagbago lang ang isip ko ng malaman kong ihahabilin niya ko sa bestfriend niya at ang sabi pa ni Mama ay anak ng bestfriend niya si Abel. Si Abel. Bago ko pa nalamang anak siya ng bestfriend ni Mama. Kilala ko na siya. Hindi sinasadyang napanood ko sa internet yung laban nila ng basketball sa UAAP. Dumaan kasi sa newsfeed ko sa f*******: yung live video ng game kaya nagkaroon ako ng interes panoorin. At sa dami ng lalakeng naglalaro, si Abel yung napansin ko. Bukod sa napakagaling niya, ang gwapo din niya at ang lakas ng dating niya kaya siguro ang daming nagchi-cheer na babae sa tuwing siya yung may hawak ng bola. Hindi naman ako mahilig manood ng basketball pero mula nang mapanood ko yun ay madalas ko ng abangan yung laro niya. Inistalk ko din siya sa social media. Yung kwarto ko punong puno ng drawing niya. Noon lang ako nakaramdam ng ganun sa isang lalake feeling ko mahal ko na siya. Hindi pa ko nagkaka bf at lalong nawalan ako ng interes sa ibang lalake dahil si Abel na lang ang gusto ko. Gusto ko siyang maging bf. 16 pa lang ako noon, nasa isip ko ng siya ang gusto kong mapangasawa. Akala ko hanggang pangarap na lang. Alam ko namang imposible dahil nasa Korea ako. At kahit nasa Pilipinas ako sigurado akong malabo pa rin. Hanggang sa TV at social media ko lang siya makikita. Hanggang pangarap lang siya para sakin. At bigla akong nagkaroon ng pag asa sa pangarap na yun. Nung sinabi yun sakin ni Mama akala ko nagbibiro lang siya para pumayag akong umuwi sa Pilipinas. Alam niyang crush ko si Abel dahil lahat naman kinukwento ko sa kanya. Ang sabi niya kahit siya ay nagulat din ng malaman niya yun. Ang kuwento sakin ni Mama baby pa ko nung umuwi kami sa Pilipinas at si Abel ay bata pa. Noong bumalik kami sa korea bihira na lang sila nagkakausap ng bestfriend niya hanggang sa unti unti ng nawala yung communication nila. Nung magdecide siya na iuwi ako sa Pilipinas, dahil wala siyang ibang malapitan naisip niyang hanapin yung bestfriend niya sa social media hanggang sa nahanap nga niya. Araw ng pagdating ko sa Pilipinas. Ibang iba yung pakiramdam ko. Baby pa ko nung una't huling nagpunta ako doon kaya wala akong matandaan. Ngayon lang ako nalayo kay Mama. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko dahil hindi pamilyar sakin yung lugar. Hindi ko kilala yung mga tao. Hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa akin. Pagdating sa waiting area ng airport agad hinagilap ng paningin ko yung bestfriend ni Mama. Kinuha ko yung cellphone ko na may picture niya para makilala ko. Nagulat ako ng may babaeng lumapit sakin at yakapin ako. Mukha siyang excited na makita ako. Tinignan ko siyang mabuti. Siya yung bestfriend ni Mama. "Iha kamukang kamuka mo yung Mama mo kaya nakilala kita agad." Mangiyak ngiyak siya habang hinahaplos yung pisngi ko. Mukha siyang mabait kaya madaling gumaan ang loob ko sa kanya. Nagmano ako sa kanya at niyakap din siya. Pati sa asawa niya na kasama niya. Napatingin ako sa paligid, iniisip ko kung kasama si Abel pero wala siya. Dumiretso kami sa bahay nila. Malaki yung bahay nila. Sana makita ko dun si Abel. Buong araw ang lumipas ng hindi ko siya nasilayan. Ang sabi ng Mommy niya bihira lang umuwi si Abel sa bahay dahil sa condo siya nag i-stay. Lumipas pa ang isang linggo na hindi ko siya nakita. Lumabas ako ng kwarto para bumaba sa dining area ng makaramdam ako ng gutom. Pagbukas ko ng pinto napansin kong bahagyang nakabukas yung katapat na pinto. Kwarto yun ni Abel nandito siya. Bigla akong naexcite. Sumilip ako sa loob pero walang tao kaya pumasok ako. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Malinis at maayos ang kwarto niya. Siguro dahil bihira lang naman siya umuwi. Tinignan ko yung mga picture frame na nasa tokador. May picture doon ng bata. Siya siguro yun. Bata pa lang siya ang gwapo na niya. "Hey who are you? Why are you here?" Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses. Napatili ako ng makita siya. Bagong ligo siya nakatapis pa siya ng tuwalya na hanggang bewang. Kitang kita ko yung abs niya. First time ko makakita ng ganun. "Abeeeel." Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya habang nagtatalon sa tuwa. Hindi ko pa napigilan ang sarili kong i-smack kiss siya sa lips. May katangkaran siya kaya nakatingkayad ako. 5'3 ang height ko. Tingin ko may 6ft ang height niya. "Damn! Wait miss." Pilit niyang inalis yung mga braso kong nakapulupot sa leeg niya. Kumapit pa ko ng mahigpit. "Gosh Abel. Ikaw nga. Totoo ngang anak ka ni Mommy." "Mommy?" May pagtataka niyang tanong. "Wait sino ka ba?" Bumitiw na ko sa kanya. "Annyeong haseyo!" I greeted him while bowing. "Annyeong? Wala ako kilalang ganyang pangalan. Kaano ano ba kita. Pinsan ba kita?" "I said hi." Sa sobrang excitement ko nawala sa isip ko na hindi dapat ako magsalita ng korean. "I'm Divina Jin Park... And you are Abel Gaiser Enriquez my love!" Naexcite uli ako ng matitigan ko yung mukha niya kaya niyakap ko uli siya. Nagtatatalon uli ako. Hindi ko namalayan na natanggal yung pagkakabuhol ng tuwalya sa kanya. Mabuti at nahawakan niya yun bago pa bumaba. "Potah! Magbibihis na muna ko Miss." "Okay!" Umalis uli ako sa pagkakayakap sa kanya. Tumayo na lang ako habang nakatitig sa mukha niya. "What?" "Ha?" Tanong ko rin. "I said magbibihis ako. Panonoorin mo ba ko?" "Ay pwede ba? Sige!" May nakita akong upuan kaya umupo ako dun. Ngayon pa lang ako makakakita ng katawan ng lalake at si Abel pa. Kinakabahan ako pero naeexcite ako. "Are you serious?" "Yes!" I smiled at him even though i feel nervous. Dumating si Mommy Cristina na Mommy ni Abel. "Abel nakita mo ba si -" Natigilan siya ng makita niya ko. "Nandito ka pala, Let's have lunch na." "Wait po Mommy panoorin ko daw po siya magbihis eh." "What?" Sabay nilang sabi. Lumapit si Mommy kay Abel at hinampas siya sa braso. "Bwisit ka napakabastos mo! Pati ba naman dito sa pamamahay natin." "Ma wala ko sinasabing ganun." "Abel I'm warning you, huwag si Divina ha. Malilintikan ka talaga sakin." Lumapit sakin si Mommy at hinila na ko palabas ng kwarto. Hindi ko alam kung bakit niya pinagalitan si Abel dahil lang doon. Choice ko naman yun na panoorin siyang magbihis. "Abel sabay na kayo ni Divina mag enroll sa La Teneo ha. I-tour mo na rin siya dun para pamilyar na siya sa pasikot sikot." Sabi ni Daddy Dave habang kumakain kami. "Bakit doon siya mag aaral?" "Dahil doon ka nag aaral para matignan tignan mo din siya. Sa Korea siya lumaki kaya hindi siya sanay dito." Sagot ni Mommy "Ano ko Yaya niya!" "Grabe ka. Pero kung gusto mo talaga pwede din para parati tayong magkasama." Sumingit ako sa usapan nila. Natuwa ako na nagvolunteer siyang maging yaya ko kahit hindi naman yun kailangan. "Ma kulang kulang ba yan?" "Ayusin mo kasi mga sinasabi mo, syempre hindi naman siya masyadong sanay sa tagalog dahil sa korea nga siya lumaki." Sabi ni Mommy. "I'm not kulang kulang. I'm kumpletong kumpleto na dahil nakita na kita." Masaya kong sabi. Nagtinginan silang tatlo. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD