Chapter 7

1150 Words
Paglabas ko sa gymnasium dumiretso ako sa canteen. Gusto kong makasabay si Abel maglunch pero nakalimutan kong may gf nga pala siya. Nasasaktan na naman ako. "Akala ko hindi ka na pupunta eh. Paalis na nga kami." Sabi ni Lucille paglapit ko sa kanila. "Kauumpisa ko pa lang kumain. Hintayin kita." Napatingin ako kay Clyde habang kumakain. "We'll go ahead na may kasama ka naman eh." Tumayo na si Macy at Lucille. Tumabi na lang ako kay Clyde. "Kuya mo ba si Abel? Korean din siya?" Tanong niya. "Kuya kuyahan ko lang siya." Ayoko siyang pag usapan kaya iniba ko na lang yung usapan namin. "Tapos mo na yung plates mo?" "Wala pa ko sa kalahati." Sagot niya. "You?" "Wala pa ko sa one fourth." Tumawa kami. Napatingin ako kay Abel at Nathalia pagpasok nila sa canteen. Agad nawala yung mga ngiti sa labi ko ng makita sila. Pumwesto sila sa katabing table namin. "Hi Vi!" Bati ni Nathalia. "Bf mo?" May halong panunukso sa tinig niya. "Soon to be!" Napatingin ako kay Clyde ng sabihin niya yun. "Huy hindi." Nahampas ko si Clyde sa braso. "Classmate ko siya." Sabi ko kay Nathalia. Napasulyap ako kay Abel na seryoso yung mukha. Hindi ako komportable na katapat silang dalawa kaya panay ang pakikipag-kuwentuhan at kulitan ko kay Clyde hanggang sa matapos kaming kumain. Umalis na kami matapos kumain. "Night out naman tayo friday naman eh." Pagyaya ni Macy. "Anong night out?" Tanong ko. "Magbar tayo." Sagot ni Macy. "Sige gusto ko yan!" Sagot ni Lucille. Naexcite ako, first time ko mag bar. Sa Korea never ko yun ginawa. Gusto ko yun itry kaya sumama ako. Bukod kay Lucille at Macy, kasama din namin yung iba pang classmate namin. Si Karen, Andrew, Clyde at Tristan. May kotse si Lucille kaya sa kanya kaming mga babae sumabay. Pagdating sa bar marami silang inorder na alak. Ngayon pa lang ako makakaranas ng ganito naexcite ako sa ambiance ng lugar pagpasok namin. Sa Korea umiinom din ako pero sa bahay lang ng friend ko na kapitbahay namin at konti lang yun kaya hindi ko pa nata-try ang malasing. Panay ang kuwentuhan namin habang umiinom na hindi na namin namalayan ang oras. Hindi ko rin namalayan na marami na kong naiinom. Nagkayayaan kaming sumayaw sa gitna. Marunong rin naman akong sumayaw pero hindi ko lang madalas gawin wala kasi ako hilig sa ganun. Enjoy na enjoy ako ng mga oras na yun. Narealize kong tama talaga yung desisyon kong pumunta sa Pilipinas. Mas masaya. Nahilo na ko sa kasasayaw kaya umupo na ko. Panay ang picture ni Lucille kaya naisip ko ring kunin ang phone ko para magtake ng picture. Napansin ko yung mga text ni Abel sakin. Hindi pala ko nakapagpaalam sa kanya. Malamang hinahanap na ko nun. Hindi ko binasa yung mga message niya. Naalala ko silang dalawa ni Nathalia kaya nakaramdam ako ng sama ng loob. Dire diretso ko tuloy inubos yung isang bote ng beer. "Inadd ako ng Kuya mo sa facebook." Kinikilig na sabi ni Lucille sakin. "Baka type ka." Tumawa ako ng malakas. "Babaero yun eh." Sa kalasingan ko hindi ko na alam yung mga sinasabi ko. "Huy girl kaya mo pa ba?" Tanong ni Macy ng dumantay na lang ako sa table. Parang gusto ko pang humiga dun. "Vi hatid na kita." Nabosesan ko si Clyde. "Saan ba ko nakatira?" Tanong ko. Walang wala na ko sa sistema ko ng mga oras na yun. "Saan ba siya nakatira?" Narinig ko pang tanong ni Clyde. "Parang sa Vista katipunan." Sagot ni Macy. "Sa Korea nyo na lang ako ihatid." Nagtawanan sila. Ilang minuto pa yung lumipas, habang nakadantay ang ulo ko sa table nagising ako ng maramdamang may bumubuhat sakin. Nagmulat ako ng mata para tignan kung sino, madilim sa bar kaya hindi ko siya maaninag. Ang nakikita ko lang naka cap siya. "Clyde. Ihahatid mo na ba ko?" Siya lang yung naka cap na kasama namin kaya siya yung naisip ko. "Ayoko makita yung Kuya ko kaya huwag mo ko ihatid samin. Iuwi mo na lang ako sa inyo." Naramdaman kong humigpit yung kapit niya sakin. "Naramdaman ko ng iupo niya ko." Nagmulat ako ng mata nasa kotse na ko. Pumikit uli ako dahil lalo kong nahilo sa sasakyan. Ilang minuto pa ang lumipas nang nagmulat ako ng mga mata. Nakita kong papasok na kami sa entrance gate ng condo namin. "Clyde ayoko nga umuwi samin eh. Sasama na lang ako sayo." "Putcha!" Napatingin ako sa kanya ng hampasin niya yung manibela. Hindi kasi yun boses ni Clyde. Si Abel. Ang sama ng mukha niya. namumula pa yun sa galit. Huminto yung kotse. Binuksan niya yung pinto ko pero hindi ako bumababa. Hinahawi ko yung kamay niya sa tuwing tinatangka niya kong hawakan para buhatin. "Ayoko na nga tumira jan sa condo mo eh. Ayaw na kita kasama. Ayoko na sayo!" Hindi ko alam kung papano ko yun nagagawang sabihin ng nakatitig sa kanya. Dahil hindi naman yun totoo. Gustong gusto ko pa rin siya kahit nasasaktan ako. Pinilit niya kong buhatin kahit panay ang pumiglas ko. Nakatingin ako sa mukha niya habang buhat buhat niya ko papunta sa unit namin at hindi nagbabago yung expression niya. Nakaramdam ako ng hilo ng sumakay kami sa elevator kaya pumikit na lang ako. Naramdaman ko yung pagbukas ng pinto ng condo namin. Nagmulat ako ng mata nasa kwarto na ko. Hiniga niya ko sa kama. Tinanggal niya yung suot kong sandals. "Hindi ka man lang nagpaalam na magiinuman kayo. Kung san san kita hinanap. Alas dose na ng hatinggabi. Hindi ka man lang nagsabi kung saan ka pupunta. Hindi ka nagrereply sa text ko. Hindi mo sinasagot yung tawag ko. Para kong masisiraan na ng ulo kaiisip kung nasan ka." Dire diretso niyang sermon sakin. "Edi huwag mo kong isipin. Nasisiraan ka pala ng ulo eh. Wala ka naman pake sakin eh." Kinokontrol ko yung pag iyak ko. "Si Nathalia na lang ang isipin mo para masaya ka. Kasi ako natauhan na ko sayo hindi na kita gusto hindi na kita iisipin. Wala ka ng halaga sakin ngayon." Dumapa ako ng puwesto sa kama feeling ko babagsak na yung luha ko. Inalis ko yung unan ko at pinatong yun sa ulo ko para hindi ko na marinig kung may sasabihin pa siya. Hindi ko alam kung tahimik talaga siya o hindi ko naririnig yung sinasabi niya. Expect ko kasing magagalit siya. "Natauhan ka na. Hindi mo na ko iniisip. Wala na kong halaga sayo. That's fine. It's actually my sign." Ilang minuto lang ng marinig kong bumukas yung pinto at yung pagsara uli nun. Sumilip ako sa unan. Wala na siya. Ano bang sign sign pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung tama ba ko ng rinig o hindi ko lang gets yung sinabi niya. Pakiramdam ko nawala yung pagkalasing ko. Umayos nako sa pagkakahiga at pinilit ko na lang makatulog. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD