Chapter 8

1084 Words
"Arrraaay grabe ang sakit bakit ganito." Bumangon ako sa kama dahil hindi ko na kinaya yung sakit ng ulo ko parang binibiyak yun sa sobrang sakit. Lalabas sana ko sa kwarto ng mapansing naka bra at panty lang ako. "Bakit naka ganito ko hindi naman ako naghubad kagabi." Napansin ko yung basin na may face towel sa side table. Si Abel. Wala naman ibang gagawa kundi siya lang. Bumukas yung pinto at bumungad si Abel. Dali dali akong bumalik sa kama at nagtalukbong ng kumot. "Gising ka na?" Nakangiti niyang tanong. "Isusumbong kita kay Mommy hinubaran mo ko." Napakamot siya ng ulo. "Pinunasan lang kita lasing na lasing ka kagabi." "Bakit kailangan hubarin mo yung damit ko. Siguro may ginawa ka sakin noh." "Wala. Hindi naman ako nananamantala ng babaeng lasing." "Pero nakita mo yung katawan ko." "Matagal ko ng nakikita yung katawan mo diba binibilad mo nga yan sakin." Ngumisi siya. Naalala ko bigla yung mga pinaggagagawa ko at pinagsasasabi sa kanya dati. Parang bigla akong nahiya sa kanya ngayon. Ngayon hindi ko na yun kayang gawin. Nasaktan lang ako feeling ko nag mature bigla yung isip ko sa ganung bagay. "Let's eat na." Pagyaya niya sakin. "Masakit yung ulo ko eh." Lumabas siya sa kwarto. Kumuha ako ng damit ko at nagbihis. Pagbalik ni Abel may dala siyang gamot. "But you eat first." Hinawakan niya yung kamay ko at hinila sa dining table. Ngayon ko lang nahawakan yung kamay nya feeling ko nakukuryente ako dun. Habang kumakain kami naalala ko yung mga sinabi ko sa kanya kagabi. Yung sinabi kong ayoko na sa kanya at wala na siyang halaga sakin. Naalala ko yung reaction niya na parang hindi niya yun matanggap. Nakita ko yun sa mukha niya kagabi. Bakit kaya?? Hindi kaya may gusto na siya sakin. "What?" Tanong niya sakin. "Ha?" Tanong ko din. "Nakakalusaw kasi yung titig mo." Ang tamis ng ngiti niya parang nagpapacute. "Pano mo nga pala nalaman na nandoon ako sa bar?" Tanong ko sa kanya ng maalala ko yun. "I asked Lucille. Hindi mo sinasagot yung text at tawag ko eh." "Hindi ko kasi napansin eh." Dahilan ko. "Naka seen yung mga message ko sa messenger. Nababasa mo yun hindi mo lang ako sinasagot. Seen mode ka lang". He glared at me. Naalala kong nabasa ko nga yun pero dahil sa inis ko sa kanya kaya hindi ko sinasagot lahat. "Please don't do that again. Pwede kang sumama sa mga friends mo pero magsabi ka sakin para alam ko. Tsaka please lang no boys." Para siyang si Papa kung magsalita. "You made a promise. Nakalimutan mo na ba?" Naalala ko yung promise ko sa kanya na hindi sasama sa kahit kaninong lalake at tanging sa kanya lang ako sasama. "So pano kung magkabf ako. Hindi ako sasama sa kanya?" He smirked "Hindi ka naman magkakabf eh." "Bakit naman? May nanliligaw na nga sakin eh." Nabitawan niya yung hawak niyang kutsara. "You made a promise to me kaya siguraduhin mo yun." Ang serious niya dun. Pansin ko this past few days parang kakaiba siya. Matapos ko maligo lumabas ako ng CR ng nakatapis ng tuwalya. Agad na tumingin sakin si Abel at tumitig habang nakaupo sa couch. Maya maya binalik na niya sa cellphone niya yung atensyon niya. May kakaiba talaga sa kanya. Feeling ko kapag sinabihan ko siya ng 'fvck me' tutuluyan niya ko. Parang gusto ko tuloy itest. "Abel." I said in a sensual voice. "Segseuhaja" (let's have s*x) Saglit siyang napaisip maya maya ngumiti siya. Mukhang naintindihan niya yun. Grabe sa dami ng korean word na nasabi ko parang yun lang ang tumanim sa isip niya. Tumayo siya at nakangising papalapit sakin. Nagtatakbo ko sa kwarto ko dahil kakaiba yung ngiti niya. Mukhang plano niya talaga kong tuluyan ngayon. Nilock ko yung pinto ng kwarto ko pagpasok ko. Pinipihit niya yung doorknob. "Vi ano ba?" Panay ang katok niya sa pinto. "Bakit. Inaano kita?" Hindi ko mapigilan matawa. "Ginagago mo ba ko?" "Inaano nga kita? Naintindihan mo ba yung sinabi ko?" "Naintindihan ko?" Grabe alam niya talaga. "Sige nga ano yun?" "Buksan mo para malaman mo?" "Segseuhaja means..... So cold.. malamig kasi yung tubig sa CR." Palusot ko sa kanya. "Huwag mo kong gaguhin Vi alam ko yun." "Huy Kuya huwag ka ngang ganyan. Nagjo joke lang naman ako eh." Narinig ko yung paghampas niya sa pinto. "Putcha huwag mo kong majoke joke ng ganyan ngayon hindi ako nagbibiro." "Bahala ka!" Hindi ko na lang pinansin mga tawag niya sakin. Panay ang katok niya pero hindi ko binubuksan yung pinto hanggang sa huminto siya. Dati ang dali ko lang sabihin yung salitang yun pero dinidedma niya ko. Huwag daw akong possessive pero ngayon parang nagiging ganun na din siya. Nararamdaman ko yung mga brasong nakayakap sakin habang natutulog ako. Ang sarap sa feeling kaya yumakap din ako ng mahigpit. Naramdaman kong niyayapos niya ko sa likod at yung mga hita ko nakakulong sa mga hita niya. Pamilyar sakin yung pakiramdam kaya alam kong si Abel yun. Si Abel. Wait, pano siya nakapasok sa kwarto ko nakalock yun. Minulat ko yung mata ko at mukha niya agad ang bumungad sakin. "Huy Abel Kuya. Bakit nandito ka?" Bumangon ako at umupo sa kama. "Pano ka nakapasok dito nilock ko yang pinto ah." Hinampas ko siya sa braso para magising siya. Napatingin ako sa side table, may napansin akong nakapatong na susi dun. Nakalimutan kong siya nga pala may ari ng condo natural may susi siya ng mga kwarto dito. "Kuya doon ka nga matulog sa kwarto mo." Asik ko sa kanya. "Condo ko to kaya matutulog ako kung saan ko gustong matulog tsaka gawain mo din naman to dati" Bahagya siyang tumawa. "Dati yun. Sabi ko nga natauhan na ko diba." Bababa sana ko sa kama ng bigla niya kong hawakan sa bewang at hatakin pahiga. Niyakap niya ko nang mapahiga ako sa tabi niya. "Dito ka lang." Napasubsob yung mukha ko sa leeg niya. Mahigpit pa niya kong niyakap. "Kuya!" Pinilit ko makawala pero ni hindi na ko makagalaw. "Wala naman akong gagawin sayo eh. I just wanna hug you." Nararamdaman kong niyayapos niya yung buhok hanggang likuran ko habang nakayakap siya. Biglang gumaan yung pakiramdam ko kaya napayakap na din ako ng mahigpit. "Bakit ka ba ganyan ngayon?" Tanong ko. "Why? Gusto lang naman kitang yakapin eh. I'm your brother, hindi ba pwede yun?" "Brother?" Ganun lang ba yun dahil sa brother ko siya. Feeling ko may iba akong gustong marinig sa kanya. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD