Chapter 6

1125 Words
Pag uwi ko sa condo naabutan ko si Abel na nakaupo sa couch, nanonood ng TV. Kinontrol ko yung sarili kong yakapin siya gaya ng parati kong ginagawa sa tuwing nabubungaran ko siya. Mabuti na lang hawak ko yung cellphone ko kaya nagkukunyari na lang akong may katext at hindi siya napansin. Dire diretso ako sa kwarto ko. Bubuksan ko na sana yung pinto ng magsalita siya. "You're late?" "Ha?" "Diba hanggang 6pm lang klase mo. Usually before 6:30 nandito ka na. It's now 7:10." Para siyang magulang ko kung magsalita. Namiss ko bigla yung Papa ko na masyadong strict pagdating sa oras ng uwi ko. "Eh nagusap pa kasi kami ng classmate ko." Yung napasarap yung kuwentuhan namin ni Lucille tsaka Macy kaya hindi kami nakauwi agad. "Classmate?" Tanong niya. "Oo." Pinihit ko uli yung doorknob para pumasok na sa loob pero nagsalita pa siya. "Si Lucille, si Macy?" Bakit ba masyado siyang interesado dun. Hindi ko na lang siya sinagot. Gusto ko ng mahiga sa kama kaya pumasok na ko. Huhubarin ko na sana yung blouse ko para magbihis ng bumukas yung pinto at magsalita si Abel. Sinara ko na lang uli yung mga butones na binuksan ko. "Kahapon ba sumama ka kay Brent?" He asked. Maayos naman yung pagkakatanong niya pero may iba sa expression ng mukha niya. "Ha?...Oo." Sinabi ko na lang kahit hindi naman. Napakamot siya ng ulo niya. Lalong sumama yung expression ng mukha niya. Parang may galit. "What did i tell you?" Tanong niya. Napaisip ako kung ano yun. Naalala ko yung sinabi niya na huwag akong sasama sa ibang lalake lalo kay Brent. "Kasi sabi mo hindi mo ko masasabayan maglunch dahil hindi pa tapos yung practice nyo. Tapos dumating yung gf mo-" Hindi ko na tinuloy dahil naalala ko na naman. "Magbibihis muna ko." Sabi ko para umalis na siya. Hindi siya kumilos. Nakatingin lang siya sakin na parang may binabasa sa mukha ko. Hindi ko pa rin siya kayang tignan ng matagal dahil naaalala ko yung kasama niya si Nathalia kaya umiwas ako sa tingin niya. Maya maya lang ng umalis na siya. Naaamoy ko yung niluluto niya. Nagluluto na naman siya. Binuksan ko yung pinto at sumilip. Wala na sana ko planong lumabas ng kwarto dahil ayokong makaharap si Abel tsaka nag dinner na din kami nila Lucille sa fastfood pero parang ginutom uli ako. Lumabas ako ng kwarto. Dimiretso ako sa kusina. "Anong niluluto mo?" Tanong ko kahit nakikita ko namang buttered shrimp yun. "Favorite mo." Ngumiti siya. Iba na yung mood niya compare kanina. "Talaga." Pinagluto niya ko ng favorite ko. Kahit ayokong kiligin hindi ko mapigilan. "Taste it". Nilapit niya sa bibig ko yung sandok at tinikman yun. "Masarap." Ngumiti ako. Mukhang natuwa siya sa sinabi ko. Kumain kami nang maluto yun. Expect ko na ioopen uli niya yung tungkol kay Brent pero hindi na niya yun sinabi. Bago matulog, pumunta muna ko sa kusina para uminom ng tubig. Lumabas si Abel na bagong ligo. Boxer short lang suot niya. Nagpupunas siya ng tuwalya sa basang buhok. Kinontrol ko na naman yung sarili kong yakapin siya gaya ng parati kong ginagawa. Lumapit siya sakin sumandal siya sa countertop habang umiinom ako ng tubig. Panay pa rin ang punas niya sa basang buhok niya. Lumapit ako sa kanya dahil ilalagay ko yung baso sa lababo. Bigla siyang huminto sa pagpupunas ng buhok niya. "ilalagay ko lang yung baso sa lababo. Nakaharang ka eh." Feeling niya siguro yayakapin ko siya. Pero bakit parang naghihintay siyang yakapin ko siya samantalang naiirita siya sa tuwing ginagawa ko yun. Napadaan kami ng mga kaibigan ko sa gymnasium. Naalala ko si Abel kaya pinauna ko na sila sa canteen. Ilang araw na rin akong hindi nakakapunta dun mula nung nangyari yung sumama siya kay Nathalia. Kumuha muna ko ng bottled water sa vending machine bago ko pumasok sa loob. Pagdating doon may mga babae din na nakaupo. Mga gf ng ibang players. Tapos yung mga player mukhang sinersermunan ng coach nila. Napatingin sila sakin pagpasok ko. "Oh isa pa yan. Kanino bang chicks yan kay Abel? kay Brent?" Sabi ng coach. Napansin kong nagtatawanan yung ibang players. "Malapit na magsimula yung game. Magfocus naman kayo. Apat na taon na tayong hindi nakakatikim ng championship. Si Dexter Roque pa yung huling MVP natin. Magpursige naman kayo. puro kayo chicks." Sermon sa kanila ng coach. Nagsisi ako kung bakit pa ko nagpunta dun. Pati tuloy ako nadamay. Umupo ako sa tabi ni Maxene, ilang beses ko na siyang nakasama kaya medyo close na kami. "Ano nangyari?" Tanong ko sa kanya. "Pinagalitan sila. Yung iba kasing player hindi nagpapractice nakadikit lang sa mga gf nila". Sambit niya. Umupo si Abel sa upuan sa harapan ko. Nilahad niya yung kamay niya sakin. Kinukuha niya yung tubig na bitbit ko. Inabot ko naman yun sa kanya. "Dito ka." Tinap niya yung upuan sa tabi niya. Lumapit yung bf ni Maxene kaya umalis na lang din ako dun at lumipat sa tabi ni Abel. "Pinagalitan kayo?" Bahagya akong natawa. "Oo pinagbawal na ni coach mga girlfriends namin dito kapag nagpapractice kami kaya hindi ka na pwede pumunta dito." "Pati ako? Hindi mo naman ako gf eh kapatid mo naman ako." Napatingin siya sakin. Maya maya napainom na lang siya ng tubig. Lumapit si Brent sakin umupo siya sa tabi ko. "Annyeong!" He greeted me. Natawa ako dahil sa bati niya. "Annyeong haseyo!" Bati ko din sa kanya. Napatingin ako kay Abel ng ipatong niya yung towel niya sa lap ko. Medyo expose kasi yung legs ko sa suot kong skirt. Friday wash day ng araw na yun kaya naka casual attire kami. "Wala ka ng class?" Tanong ni Abel. Pinatong niya yung braso niya sa towel sa legs ko at humawak sa tuhod ko. Tumayo uli si Brent at nagpunta sa gitna ng court. "Mamaya pa 1pm." I replied. "Lunch tayo?" Napatitig ako sa kanya ng sabihin niya yun. Parang naghihintay siya ng sagot ko na pumapayag akong maglunch kami. Sasagot na sana ko ng mapatingin ako sa bagong dating, si Nathalia. "Let's go!" I heard her say. Umupo siya sa tabi ni Abel. Mukhang naulit lang yung pangyayari last time. Bakit ko ba kinalimutan na may gf siya. Kinuha ko na lang yung cellphone ko sa bag. "Kuya mauna na ko. Hinihintay pala ko nila Lucille sa canteen." Nakatingin ako sa cellphone habang sinasabi yun kay Abel. "Kuya? Siya ba yung sister mo?" Tanong ni Nathalia. "Hi!" Nakangiti kong bati sa kanya. Ngumiti din siya sakin. "I'll go ahead na." Paalam ko pa sa kanya. Nakapatong pa rin yung braso ni Abel sa legs ko kaya hindi ako makatayo. Pinilit ko na lang tumayo kaya nahulog yung towel. Diretso na kong umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD